LOGINZandaia
"Zandaiaaaaaaaa! Gorl!" rinig ko na sigaw mula sa likod ko.
Hindi pa ako nakakaalis dito sa tabi ng motor ni Axel, dahil naiinis pa din ako at hindi ako makaget-over. Baka masuka ako kapag naglakad ako nang walang umaalalay sakin.
"Oh my gosh! What the freak are you?! Ang pangit mo!" sigaw sa akin ni Agatha.
Inirapan ko naman siya sa pagka-prangka nya. Hindi niya na kailangan ipaglandakan.
"I know! Don't shout at my face." inis na sabi ko at inayos ang damit ko.
"What the hell happened to you? Para kang tinutukan ng sampung electricfan. What happened to your beautiful hair." paguusisa nito sa akin at hinawakan pa ang buhok ko.
"I bet you won't believe me. Sumabay at sumakay lang naman ako sa motor ni Axel. Sobrang bilis nyang magpatakbo ng motor! Kaya ganito ang nangyari sa akin." pagku-kwento ko habang kinukuha ang suklay ko sa bag ko.
"Damn girl. Akala ko ba magka-away kayo and now sabay na kayong pumapasok sa school. I bet punishment mo ito sa ginawa mo na pakikipag-away sa kanya nung nakaraan. You deserve it girl."
Napatigil ako sa narinig ko. Kaibigan ko ba talaga ito. Lagi nyang pinagtatanggol lahat ng inaaway ko simula pa noon. Oh well, wala na akong magagawa. Agatha is a good girl.
I hissed "Hindi ko naman sya inaway ng bongga. Edi sana kung inaway ko sya ng bongga makikipag-catfight pa ako sa kanya. Pero no. Lalaki sya. Kapag pinatulan nya ako, it means that he's a gay, darling." sabi ko sabay tawa.
"Well if you say so. Bahala ka. Ipag-pray mo na lang na hindi malaman ng Dad mo ang ginawa mo kay Axel. You promised na hindi ka na makikipag-away." sambit nito na parang nang-kokonsensya.
"I promised to my Dad. Pero hindi exempted si Axel doon. Tutal magiging part na din naman sya ng family namin. Pero sana hindi." sambit ko na ikinalungkot ko. Hindi ko pa din kasi tanggap na hindi na mabubuo ang pamilya na inaasam ko.
"So you're saying na ina-accept mo na sila? Omg." sambit ni Agatha na hinawakan pa ang dalawang balikat ko. "I know Zandy that your a good person! I know na nawawala na din ang bitterness dyaan sa katawan mo. Is it because of Theo?" tanong nito na ikinangiti ko.
Kapag talaga binabanggit nya yung taong gusto ko hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko ba.
"Part of me saying a yes. Pero hindi pa din naman nawawala ang pagka-bitter ko. And of course. Ayokong makita ni Theo na ganito ang ugali ko. Baka ma-turn off sya sakin." sambit ko at nagsimulang maglakad papasok sa school.
"No girl. If he loves you, he should accept what you are talaga, kung ano man ang itsura at ugali mo dapat tatanggapin nya iyon. Dahil iyon ang totoong Love" sabi nya habang sumusunod sa akin.
Napa-isip din ako sa sinabi ni Agatha. Dahil sa tuwing kasama ko si Theo. Iba ang ugali ko, para bang pinapakita ko sa kanya ang hindi totoong ako, and i admit nahihirapan din ako na ipakita sa kanya ang hindi naman ako. Feeling ko tuloy pinaplastic ko lang si Theo at hindi ko sya minamahal ng totoo. No erase that. You love him Zandaia.
Inalis ko na lang sa isip ko si Theo. Nasa school ako kailangan kong mag-aral ng mabuti. Nagtaka ako dahil madaming tao sa corridor na nag-aayos ng bandaritas at kinakabit ito sa ceiling. Parang may fiesta. Andito din ang mga Club Representative para i-paskil ang mga kani-kanilang clubs sa pader.
"Aga, kailan ba ang Club day?" pagtatanong ko, syempre alam nya yan dahil kasali sya sa event organization sa school na ito.
"Next week na, kaya nga nagpre-prepare na sila eh. Kasi mukhang nagpapaligsahan nanaman sila. Katulad noong nakaraang taon. Kung sino ang pinakamadaming member ng club. Sila ang matuturing na superior club." sambit nito at tinignan ang wrist watch niya.
Napatingin din ako sa wrist watch ko at late na nga ako sa una ko na subject. Napagpasyahan ko na wag na lang pumasok sa unang subject ko. Parang kanina lang sabi ko sa sarili ko na mag-aaral ako ng mabuti pero eto ako ngayon hindi papasok sa isang subject ko. What the hell Zandaia.
Tinignan ko na lang ang mga naka-paskil na poster sa mga pader. And one poster caught my attention. Paranormal Investigator Team. What? This is a new club? Huwag nyong sabihin na may mga ghost dito sa school na ito. Kalokohan. Pinuntahan ko ang poster at akmang tatanggalin sana sa pagkakadikit nito ng may biglang nagsalita.
"Interested?" tanong ng isang lalaki, madilim ang aura nito na akala mo'y siya ang multo.
Hindi ko na itinuloy ang balak ko dahil dito sa lalaki na to. Nginitian ko sya. Pilit na ngiti.
"No." sabi ko at saka tinalikuran, nakakatakot siya.
Baliw ata ang isang iyon. Naka-shades sa loob ng isang school. Kung ako sa kanya itutulog ko na lang iyon.
"Hey Agatha, tara na. Canteen tayo." sambit ko kay Agatha na kausap si Laura, kasamahan niya sa Event Organization Club nila.
"Sure. Laura, see you later." sabi nito at kumaway pa.
"Nakita mo ba si Lorraine?" tanong nito sa akin.
Napaisip din ako sa tanong nya dahil hindi ko pa din nakikita si Lorraine. Ang isa pa naming kaibigan. Tatlo kasi kami na laging magkakasama simula noong 3rd year high school. Si Lorraine ang pinaka-maganda sa amin. Sya nga ang tinuturing na Goddess dito sa school. Pero maganda din naman si Agatha. Maganda din naman ako. Syempre ayokong ibaba ang sarili ko.
Agatha is a smart girl, kind, and of course pinaka-annoying sa aming tatlo. Chinita sya, maputi, matangkad, tapos laging nakangiti. Pero pure Filipina sya. Ewan ko ba kung bakit sya naging chinita, eh ang parents nya naman hindi. Lagi ko syang inaasar na ampon pero never syang naasar sa akin.
"Hi girls!" bati ng kilala kong boses, si Lorraine.
Speaking of Lorraine Salva, she's incredibly beautiful, sexy and of course matalino din sya. Half Pinay sya and half Spanish. Kaya ganon na lang sya kaganda. Matangkad siya, morena. Perfect ang mukha niya. Her parents is in Spain. Doon na naninirahan. Pero dito niya pa din gustong manatili sa Pilipinas dahil andito ang Grandparents nya. Pero i feel something to her na hindi lang ang Grandparents niya ang gusto nyang makasama dito sa Pilipinas.
"Oh hi Lorraine! How are you?" masayang bati ko, umupo naman siya sa harap ko.
"I'm fine. I missed you guys. Pasensya na kung ngayon ko lang ulit kayo nakasama. Busy kasi." sabi nito at tinignan ang menu.
"It's okay Lorraine. Naiintindihan ka naman namin ni Zandy." sabi naman ni Agatha.
These days kasi hindi na nakakasama sa amin si Lorraine. Kailangan nya daw bantayan ang Grandparents nya. Hindi ko alam pero madami naman silang katulong sa bahay nila and may caretaker pa nga ang grandparents nya. Ang sabi nya lang samin, gusto nya daw muna maka-bonding ang grandparents nya.
"Anong kakainin mo today Zandy?" pagtatanong sa akin ni Lorraine. Ililibre niya ba kami?
"Ililibre mo kami? Are you sick? What the hell is happening in this world." nakangisi kong sabi.
Hindi naman kasi ganyan si Lorraine. Sya ang pinaka-matipid sa aming tatlo, hindi din sya maluho katulad ni Agatha. Except sa akin. Gusto ko na bumibili ng mga bagay na nagpapasaya sa akin kahit naman hindi ito masyadong kailangan. Hindi din sapat sa akin ang memories lang kapag pumpunta kami sa ibang bansa o sa ibang lugar. Gusto ko may gamit ako na iyong lugar lang ang meron non.
"Why? Masama ba manlibre ngayon? I'm happy because i'm with you two. Kaya ano nga ang kakainin mo?" nakangiti nitong sabi, ang ganda nya talaga. Kaya hindi na ako nagtataka kung kalahati ng populasyon ng school na ito naa-attract sa kanya.
"Sandwich and juice lang." sabi ko.
"Yan lang? Are you on diet?" tanong nya na nagpatawa sa akin.
"Hindi pa kasi ako tapos. Sampung sandwiches kasi." sabi ko at tumawa.
Siya naman ang gagastos eh, bat di pa natin sagadin diba? Natawa naman si Agatha na meron pang pahampas-hampas sa table namin. Walang nagawa si Lorraine kundi mag-order ng sampung sandwiches para sa akin. Hindi ko naman uubusin yan ngayon. Ite-take out ko na lang yung iba tas iuuwi ko sa bahay, masarap naman ang sandwich ng canteen namin.
"Hello girls!" tinig ng isang lalaki mula sa likudan ko.
Lumingon naman ako at nagulat ako sa nakita ko. Theo!
Napatayo ako. I missed him.
"You surprised me. What are you doin here?" sambit ko na talaga namang nagulat. Hindi ko inaasahan na pupunta sya dito.
"Aw. It hurts. Bawal na ba ako pumunta dito?" sambit nito at niyakap ako "I miss you so much." bulong nya sa tenga ko.
Kinilig ako sa ginawa nya na yon. Ang bango nya. Naalala ko tuloy ang pabango ni Axel, parehong Calvin Klein pero iba ang scent. But I prefer the scent of Axel.
Napa-alis tuloy ako sa pagkakayakap ni Theo sa akin, dahil nagtaka ako kung bakit ko naiisip si Axel at pinagkukumpara ko pa ang pabango nito sa pabango ni Theo.
"Don't you miss me beautiful?" takang tanong ni Theo na ikinabalik ng ulirat ko.
Tinignan ko siya sa mata. Ang gwapo talaga ng magiging boyfriend ko. His jawlines, nose, lips, eyes and his long eyelashes, isama mo pa ang height at ang build ng katawan nya. Halatang varsity ng basketball.
"Of course, i miss you too. Isang linggo din tayong di nagkita ah." sabi ko at matamis na ngumiti.
Tinignan ko naman ang table namin, tatlo lang ang upuan. Lumapit ako sa lapit na katabing table namin at hihiramin ang isang upuan dahil mukha namang walang nakaupo rito.
"Hi, can i borrow this chair?" magalang at mukhang mabait na sambit ko.
"Of course." sabi nito na hindi naman nakatingin sa akin kundi sa likudan ko.
Tinignan ko naman ang tinitignan nya. Si Theo. Napairap na lang ako at saka ngumisi. Kawawang nilalang, hindi mo sya makukuha dahil akin lang sya sa isip-isip ko.
Hindi na ako nagtataka at hindi din ako nagseselos dahil alam ko naman na loyal sa akin si Theo. Alam ko yon. Nararamdaman ko yon.
"Hey handsome, upo ka." masayang sabi ko sa nakatayong si Theo.
Agad naman syang umupo at nginitian si Lorraine at Agatha.
Bumuntong hininga si Agatha at napairap na lang sa hangin. Alam ko na ang sasabihin nito.
"Hay nako. Third wheeling nanaman tayo dito Lorraine. Maghahanap na din ako ng jowa." sambit nito na ikinatawa ko.
Tinignan ko si Lorraine pero hindi naman nagbago ang itsura nya. Ngumiti lang sya noong nakita nyang nakatingin ako sa kanya.
"I don't think so. Huwag ka maghanap ng jowa kusang dadating yan." sambit nya at ngumuso.
"Omg girls. Look. The trio are here."
"Wow ha. They are complete today."
"Nah. Lima sila diba? Wala lang yung dalawa dahil nasa states."
Bulungan ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko naman maiwasang hindi tignan dahil mukhang pinagkakaguluhan nanaman sila. Sino pa nga ba ang tinutukoy ko, edi si Axel and his friends.
Tinignan ko naman sila habang naglalakad papunta sa table na sa kanila lang. Hindi mo pwedeng upuan, hindi ka pwedeng maki-table sa kanila. Ewan ko ba. Actually, lima silang lahat kaso yung dalawa na magkapatid ay nasa States para doon mag-aral. Kaya in the end tatlo na lang sila ngayon. Sino ba namang hindi makakakilala sa kanila, pati nga sa University ni Theo kilala sila.
Nakakapagtaka lang dahil andito sila para kumain, eh sa pagkaka-alam ko ayaw nilang kumain dito sa canteen na ito.
"Grabe. Sobrang daming fans. Iba talaga pag gwapo." sabi ni Theo na nasa tabi ko.
"Gwapo ka din naman ah. Dami mo nga ding fans. Pero syempre ako ang nangunguna. Im your number one fan." sabi ko tska nya pinisil ang ilong ko.
"Stop flirting. Oh my gosh. My eyes." sabi ni Agatha na nakatakip ang mga kamay nya sa kanyang mata. O.A talaga.
Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Lorraine sa kanyang upuan.
"Mag rest-room lang ako." mahina nitong sabi at saka umalis.
"Anyare don? Bitter ah." sambit ko at saka tumawa kaming tatlo.
Hindi ko pa man nauubos ang pangalawang sandwich ko, tumayo na din si Theo. Nakakapagtaka. Lagi nyang inaantay na matapos akong kumain bago umalis at bumalis sa University nya.
"Aalis ka na?" malungkot na sabi ko.
"Nope. Magrest-room lang ako." sabi nito dahilan kaya napangiti ako.
Syempre, alam ko na hindi sya aalis ng hindi pa ako tapos kumain. Ganon nya ako kagusto.
"Okay. Balik agad ah. Wait kita dito." sabi ko at tinuloy ang pagkain.
Habang kumakain hindi ko maiwasang hindi tumingin sa table nila Axel, taka ko syang tinignan dahil nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin. Ano nanaman ang iniisip nito?
"What are you looking at? You moron." sabi ko ngunit walang boses.
Umiwas lang sya ng tingin at nakipag-usap na ulit sa mga kaibigan nya. Nahagip naman ng mata ko ang isa sa kaibigan nya. Ito yung lakaki kanina. Yung naka-shades! Sabi ko na eh. Kaya pala pamilyar. Ano nga bang pangalan nya? Kyle? Kairro? O Kaito. Sa isip-isip ko.
"Kausap mo nanaman sarili mo. Malala ka na girl." sabi ni Agatha habang nginunguya ang pagkain sa kanyang bibig.
Kadiri naman to. Kulang na lang tumalsik ang kinakain nya. "Stop talking. May pagkain pa dyan sa bibig mo. Kailan ka pa nawalan ng table manners?" inis na sambit ko.
Parang si Axel lang. Walang manners. Bagay sila.
"Napaka-sungit mo naman. Magka-away nanaman ba kayo ng sarili mo at kinakausap mo ito?" sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng labi.
"Hindi. Ang tagal kasi ni Theo. Sabi nya magrest-room lang sya." sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Ang dami ng umiikot sa utak ko ng kung ano-ano pero hindi pa din siya bumabalik.
"10 minutes na lang at next subject na natin."
"Pero wala pa si Theo. Sabi ko sa kanya iintayin ko sya dito. Baka mapaasa ko nanaman sya katulad noong nakaraang linggo." sabi ko at inisip nanaman ang nangyari noong nakaraang linggo.
"Baka naman bumalik na sa school nya. Malay mo naman. Text mo na lang. Ligpitin mo na yang sandwiches mo." sambit nito, may point naman sya. Yon na lang siguro ang gagawin ko.
Hindi ko na maaantay si Theo, hindi na nga ako pumasok noong unang subject. Hindi pa man tapos ang pagliligpit ko ng sandwiches ko ng may kamay na humablot ng isa! Pinalo ko iyon na inaakala ko na si Agatha pero nagkamali ako. Hindi naman maugat ang kamay ni Agatha kaya napa-angat ako ng tingin. Si Axel!
"What the hell?" inis nitong sambit.
"Anong 'what the hell' akin yan!" pinakita ko sa kanya na naiinis ako.
"Napakadamot. Parang isa lang. Pito pa yan oh." sambit nito at kinagatan ang sandwich na hawak nya.
Tinignan ko lang sya habang ngumunguya at nakita ko na may dumi sa gilid ng labi nya. Bago ko pa man masabi agad nya itong pinunasan ng kamay nya. Inaamin ko, napatunganga ako habang ginagawa nya yon.
"What?" sabi nito at saka kinain ang natitirang maliit na piraso ng sandwich.
"Ano?!" hindi ko sinasadyang mapasigaw.
He hissed, tas ipinunas nya sa manggas ng damit ko ang kamay na ginamit nya pang-punas sa labi nya. Jerk!
"Yuck. Axel!" sabi ko at naghuhumerentado.
Hindi naman talaga ako ganon na nandidiri. Pero ewan ko ba. Iyan ang lumabas sa labi ko.
"Ang arte mo. Hindi lang iyan ang ipupunas ko sayo sa susunod." sabi nito at iniwan ang mineral bottle na kalahati na lang ang laman.
What the fuck did he just say? He is totally crazy!
Zandaia"I hate your step-brother Zandy." inis na sabi ni Andrew, unti na lang at maiiyak na sya. Hindi nya matanggap ang pagkatalo niya."Hate him. I hate him too."nakangising sabi ko."Why? He's so handsome, matangkad, i bet matalino din sya. He's my type." sambit ni Louisa.Lagi nya namang sinasabi yan. Kapag may nakita syang gwapo, bet nya na agad. Sya ang pinakamaharot sa aming lahat, mahilig syang makipag-date kahit kanino. Tapos yung mga ayaw nyang lalaki binabasted nya pagtapos nyang makipag-date dito.Nakita ko naman si Bella na nakikipag-usap kay Yna, pareho kasi silang K-pop lover kaya siguro sila nagkakasundo. Nahagip din nang mata ko si Lester na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Yna. Nilapitan ko sya.
Zandaia"So, malinaw na ba sayo ang lahat Zandy? Kung ano man yang iniisip mo, please paki-tanggal." sambit ni Lorraine sa akin habang hawak ang kaliwa kong kamay.In-explain na nila sa akin ang lahat. Nagkataon lang talaga na masyadong mali ang iniisip ko. I know Lorraine. She can't do that thing to me.Nagkataon kasi na nagpa-reserve si Theo dito sa restaurant na ito para ayain ako mag-date. Si Lorraine naman ay galing sa family meeting kaya napadaan sya dito upang kumain. Walang maupuan si Lorraine kaya pinagamit ni Theo ang upuan na para sa akin upang kumain. Sinabayan siya ni Theo kumain dahil nakakahiya naman na kumakain si Lorraine habang siya ay hindi."Yap, I know. Hindi nyo naman magagawa sa akin iyon. I know you Lorraine." sambit ko at niyakap nya ako.Kilala ko si Lorraine. Mag
ZandaiaNakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig
ZandaiaMag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin."Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner.Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan.Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato."Kung ayaw
ZandaiaIn the end. I end up walking alone in the street of Manila. It's already 8 in the evening. Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi hindi pa ako sumabay kay Axel?I'm tired. Tas kamalas-malasan pa na nalowbat ang phone ko kaya hindi ako makapag-grab, hindi ko naman alam ko saan may payphone dito.Nakakapagtaka kasi walang dumadaan na taxi or what na pwedeng sakyan ko pauwi. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, August na kasi kaya ganon. Naiiyak na ako dahil sa sakit ng paa ko at dahil sa dami ng iniisip. Nag-aalala ako kay Theo, hindi kasi siya sumagot sa alinman na tawag ko, pati sa texts ko hindi siya sumagot. Tapos hindi na din ako binalikan ni Axel, talagang umalis na talaga siya. That jerk!Oh well, sino ba namang di aalis kapag sinigawan mo diba. May kasalanan din naman ako, nagpadala ako sa emosyon ko kanina kaya nasigawan ko sya, but i didn't mean to shout him. Tal
Zandaia"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon."Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na