LOGINZandaia
Nakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.
Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.
Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.
Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig at chandelier naman ang nasa ceiling. Sa right side may waiting area. Sofa na itim para sa guest o kaya para sa customer, sa harap naman ng waiting area may television at sa tabi ng television may mga gowns na nakasuot sa mannequin.
May dalawang babaeng nakaupo sa waiting area at mukhang kasing-edad lang namin ni Axel. Naupo si Axel sa bakanteng upuan at parang kilig na kilig naman ang dalawang babae na customer.
Napabuga ako ng hangin. Bakit sila kinikilig dyaan sa walang modong lalaking yan? Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Hindi ko din alam kung kanino ako naiinis. Kay Axel ba o sa dalawang haliparot na babaeng ito?
"Girls, eto na ang dresses nyo." sabi ng kakarating lang na bakla. Mukhang sya ang may-ari ng shop na ito.
Napalingon sya kay Axel na ngayon ay nagbabasa ng magazine at lumingon din sya sa akin. Pilit akong ngumiti para magpakita ng galang.
"Axel. How nice! We meet again!" sabi nito at ibinaba naman ni Axel ang binabasa nyang magazine halata ang gulat sa mata nito. Hindi nya ata napansin yung bakla.
"Ah... Miss Tiff." bati nito sa bakla. Tiff pala ang pangalan nya.
"Wait up girls. Asikasuhin ko muna si pogi." sabi nito at agad namang tumango ang dalawang babae.
Tumayo si Axel at tumabi sa akin. Pinasadahan naman ako ng tingin ni Tiff at nagsalita.
"New girlfriend? Akala ko kasama mo si Cielo." nadidismayang sabi nito.
Agad naman akong nagtaka. Sino si Cielo? Pero agad ko iyong tinanggal sa utak ko dahil mas nag-focus ako sa sinabi nito. Ako? 'girlfriend'
Agad namang umiling si Axel at nagsalita.
"She's my step... step-sister." sabi nito na hininaan pa ang kanyang boses. Bakit nya kailangan hinaan ang boses nya? Ikinakahiya nya ba ako?
Napa 'o' naman ang bibig ni Tiff at saka tumawa.
"Ay, step-sister mo pala. Bakit ko ba naisip na girlfriend mo." sabi nito at parang nandiri pa.
Kahit ako naman ay mandidiri kung mangyayari talaga iyon. Dahil magiging isang pamilya na kami. Kahit na hindi naman kami magka-dugo at pwede ang pagkakaroon namin ng relasyon. Hindi ko pa din iniisip ang bagay na iyon. Dahil una magiging malaking isyu ito para sa pamilya namin. Pangalawa. I hate him. Kaya imposible.
Tumungo kami sa isang room kung saan office ni Tiff.
"Pasensya na. Ako lang kasi ang mag-isa ngayon. Day-off ng assistant ko." sabi nito habang sinusukatan si Axel. Pagtapos nyang sukatan si Axel ay ako naman ang sumunod.
Isinulat nya sa notebook ang mga sukat namin at naupo sa swivel chair nya. Umupo din si Axel.
Ako naman ay inikot ko ang tingin ko sa office nya. Napansin ko ang isang wedding dress. Simpleng wedding dress lang ito. Mermaid silhouette dress sya. Kanino kaya ito? Mukhang ka-size ko lang.
"Gusto mo subukan?"
Nagulat ako dahil nasa tabi ko na si Miss Tiff. Gusto ko syang subukan dahil mukhang babagay sa akin. Tumango ako, nilingon ko naman si Axel at wala na sya doon sa upuan nya. Saan naman kaya nagsuot ang isang yon?
Dumiretso kami sa fitting room at ibinigay sa akin ang gown. Hinayaan nya akong magsukat mag-isa dahil hindi nya naman ako pwedeng panoodin habang nagbibihis. Kahit ganyan ang panglabas na anyo nya, lalaki pa din sya.
"Miss Tiff. I need help po." mahinang sambit ko para sana magpatulong i-zipper yung nasa likod.
Inintay ko syang sumagot pero wala akong nakuha mula sa kanya. Binuksan ko ng unti ang pintuan at sumilip.
"Miss Tiff?" sabi ko.
"Ano ba iyan." reklamo ko at lumabas sa fitting room.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay sa akin, kaso di ko maabot ang zipper nito. Titignan ko din sana kung maganda ang details sa likod ang kaso nga lang hindi ko mai-zipper.
"Mukhang busy si Miss Tiff." sabi ko habang pinapagpagan ang bandang belly ng gown.
"Yeah. She's busy." rinig ko mula sa likod ko at sa pagkasabi nyang yon. Nai-zipper nya na din ang likod na parte ng gown.
"A... Axel." mahinang sambit ko. Nagulat ako dahil bigla bigla na lang syang sumusulpot kung saan saan.
Nag-iwas sya ng tingin at ganon na din ako. Andon pa din yung awkwardness sa atmosphere. Nilingon ko na lang ang sarili ko sa salamin.
"Bagay ba sa akin?" tanong ko sa kanya, nakita ko naman sya sa salamin na lumingon sa akin.
Inaantay ko ang sagot nya pero ibang tao ang sumagot.
"You look gorgeous!" sigaw ni Miss Tiff sa likod ni Axel.
Lumapit sya sa akin at tinignan ang buong ako. Tuwang-tuwa sya dahil bagay daw sa akin.
"Bagay sayo! Kaso nga lang yung totoong may-ari nyan hindi na naisukat." sabi nito at tumingin kay Axel.
"Sino ho ba ang may-ari nito?" sabi ko
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ayan si Axel oh." sabi nito na nagpatingin sa akin kay Axel.
Bakit sya ang tatanungin ko? Sa kanya ba ang wedding gown na ito? Bakit sya magsusuot ng wedding gown?
Inaantay ko syang magsalita ngunit hindi bumubuka ang bibig nya. Mukhang ayaw nyang sabihin.
"Forget about the owner of that gown. It's in the past. I don't wanna go back in the past. It is already done." sabi nito at saka umalis.
"Bitter ang lolo mo." sabi ni Miss Tiff at saka tumawa. "Tulungan na kitang ihubad yan." aniya.
Hindi ko maiwasang mag-tanong sa sarili ko. Sino ba ang may-ari nitong gown na to? At bakit ayaw na syang pag-usapan ni Axel? My god! Zandaia! Get your own life! Bakit ba na-curious ka about Axel?
Lumabas na din ako sa shop at nagpasalamat kay Miss Tiff. Dapat ay aayain nya pa kaming mag-coffee kaso mukhang badtrip si Axel. Well, wala namang nagbabago sa reaksyon ng mukha nya pero nasasabi ko na badtrip sya. How come na nasasabi kong badtrip sya o hindi? Hindi naman kami ganon ka-close.
Paglabas ko, bumungad agad sa akin ang tirik ng araw. Ipinikit ko ang mata ko dahil sa init, pagkamulat ko nakita ko na lumabas si Axel ng kotse nya. Naglakad ako patungo sa gunshot seat.
Bubuksan ko na sana ang pintuan pero nagulat ako ng hinawi ni Axel ang kamay ko. Gulat ko syang tinignan pero hindi naman sya tumingin sa akin bagkus binuksan nya ang pintuan.
"Anong nakain mo?" tanong ko pero hindi sya sumagot at diretsong pumasok sa gunshot seat.
What the hell? Akala ko pinagbuksan nya ako ng pintuan? What the hell is this? Ano nanaman ba ang trip nya.
"What are you looking at? Pumasok ka na and then drive." nakangisi nitong sabi.
Mukhang gusto nya nanaman akong inisin! Hindi sya nasasawi kapag gusto nya akong inisin. Dahil halata na siguro sa mukha ko ngayon ang sobrang pagkainis.
"Argh! Bwisit ka talaga kahit kailan!" sambit ko at nagmaktol papuntang drivers seat.
Parang kanina lang he act sweet o talaga bang sweet sya? The compliment and about doon sa zipper. Bakit ko ba iniisip na sweet ang act na yon? Eh alam ko naman na inis sya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Siguro nga pinakita nya lang sakin ang mga gawing iyon para inisin lalo ako. Pero bakit nya kailangan gawin iyon? Theo also do sweet act and say compliments word.
I shooked my head. Masyado na akong madaming iniisip para isipin pa ang pinag-gagawa nya sa akin. Inihilot ko ang sentido ko at ini-start ang sasakyan.
Walang nagsasalita sa amin habang tinatahak namin pabalik sa bahay.
"Kanino yung gown? Yung isinukat ko kanina?" hindi ko talagang maiwasang magtanong, ito talaga ang kanina ko pang iniisip. Hindi talaga sya mawala sa isip ko, hindi ko alam kung bakit.
Gusto ko lang malaman, kung bakit ganon na lang ka-ayaw nyang sabihin o ayaw nyang ungkatin yung nakaraan nya.
Napatingin ako sa kanya dahil sa pag-aantay ng sagot nya. He bite his lower lip at saka nagsalita.
"I'm hungry. Punta muna tayo sa malapit na resto dyan." sabi nya sabay turo sa isang street.
Bitter. Nililihis nya ang topic. Meron talagang mga tao na ayaw ng ungkatin ang nakaraan para less damage na din sa kanila. His past was done, but those happy and painful memories are still there. Siguro ay naka-moveon na sya sa pangyayaring iyon, pero yung mga memories noon ay minumulto pa din sya. Sino ba naman ang hihiling na bumalik sa nakaraan kung puro naman ito pasakit sa pakiramdam.
Nakarating kami sa isang sikat na resto dito sa Maynila. Ang alam ko, pag mamay-ari ito ng sikat na artista kaya madami ang dumadayo. Karamihan mga fans at karamihan naman mga foreigners or locals.
Pagpasok namin ay madaming taong kumakain. Punuan. Napansin ko na ang iba ay mga couples at karamihan naman mga families. Nakakainggit lang na karamihan sa nakikita ko na family ay kumpleto. Hindi tulad ng pamilya ko.
"Table for?" tanong ng waitress na lumapit sa amin.
Hinayaan ko na si Axel ang magsalita. Nakakatamad din paminsan-minsan ang pagsasalita.
"Table for two." sabi nya at tinignan ako.
"Name po sir?" tanong nito at nakahanda ng isulat ang pangalan namin.
"Night Axel Lorente." sabi nito at inilagay ang kamay nya sa bulsa ng kanyang shorts.
"Full name po Mrs. Lorente." nakatuon lang ang pansin nito sa sinusulatan nya.
Nagulat naman ako at tinignan si Axel na ngayon ay nakangisi. Tinitigan nya ako at umiling-iling. Siraulo.
"Zandaia Alonso... not a Lorente." sabi ko at umiwas ng tingin doon sa waitress.
"Ay, sorry po Maam. Binata pa po pala kayo Sir!" sabi ng waitress at ngumiti.
Gulat naman akong tumingin sa kanya, ano naman ngayon kung binata pa si Axel? Liligawan nya? Tss.
Umalis ang waitress at sinabing intayin sya. Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Axel, inirapan ko sya.
"Mukha ka kasing may asawa kaya ganon." sabi nito at nilakihan pa ang ngisi nya.
"Ikaw din naman. Mukha ba tayong mag-asawa? Kadiri ah." sabi ko at inilinga-linga ang ulo ko.
Napansin ko ang pamilyar na likod ng isang babae. Pamilyar na pamilyar talaga sya. Nasa likudan sila sa bandang gilid. Naglakad ako patungo dito at nagulat ako sa kasama nito. Si Theo!
Nandito na ako sa table nila at nanlalaki ang mata ko silang nakita. Ang table nila na may scented candle, ang plato na wala ng laman, at ang bulaklak sa gilid ni Theo.
"Lorraine?" sambit ko at gulat sya na makita ako.
"Oh... Zandaia." sabi nito at biglang tumayo, nalaglag pa ang napkin na nasa lap nito.
Tinignan ko naman si Theo na, natigil sa pag-inom ng wine nya. Ganon ba talaga sila kasayang mag-usap na dalawa kaya hindi nila napansin ang presensya ko?
Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung may karapatan ba ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumuyom ang kamao ko, dahil sa inis at galit. Wala pa man silang sinasabi pero may nabubuo nang konklusyon sa utak ko.
"Bu...buti naman at dumating ka!" masayang bati ni Lorraine.
"Asan ang mabuti doon? Mukhang nagkakasiyahan nga kayong dalawa." nakangiti ko na sabi.
Alam ko na nakukuha na namin ang atensyon ng mga customer. Pero ayokong ipagpalipas itong nakita ko ngayon. Naramdaman ko naman na nasa tabi ko na si Axel.
"I'm about to surprise you ba...babe." rinig ko na sambit ni Theo. Anong akala nya? Hindi ako nasorpresa sa nakita ko ngayon?
"What the hell?" inis na tanong ko.
"Kung ano man ang iniisip mo, mali ka. Hindi ganon ang gina--"
"Hindi ganoon?! Sabihin mo sakin kung bakit hindi ganon?!" pinutol ko ang sasabihin nya, nakita ng dalawang mata ko na masaya silang magkasama!
"No... Zandy. Nakita ko lang si Theo dito, dapat ay kakain din ako dito. Pero niyaya nya ako na sa table nyo na lang kumain, paalis na din naman ako." kalmadong sabi nito.
Lalong hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Table namin?
"Huh? What?" nalilitong sambit ko.
"I'm about to surprise you babe. Here. Flowers oh." sabi nito at inabot sa akin ang bouquet ng roses.
Namangha naman ako sa ibinigay nya sa akin at inamoy pa ito. Biglang nawala ang galit at inis na nararamdaman ko kanina. Bakit ang bilis nawala ng inis at galit ko? Dahil lang sa isang bouquet of roses. Ako ang example ng isang pagiging marupok.
"Nakita ko si Lorraine kanina kaya inaya ko sya na dito na lang muna mag-table dahil wala na ngang maupuan. Nakakahiya naman kung hindi ko sya sasabayang kumain diba? This is for us Zandaia. Ite-text pa lang sana kita, kaso naunahan mo ko. Nasorpresa mo ako!" sabi nito ng nakangiti.
Hindi ko namang maiwasang ngumiti din. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Alam ko naman na loyal sa akin si Theo. Dahil ramdam ko iyon at pinapakita nya sa akin. Talagang busy lang sya at busy din ako these past few days kaya wala kaming bond sa isa't-isa. Tska bestfriend ko si Lorraine, hindi nila ako magagawang lokohin. Hindi nga ba?
Zandaia"I hate your step-brother Zandy." inis na sabi ni Andrew, unti na lang at maiiyak na sya. Hindi nya matanggap ang pagkatalo niya."Hate him. I hate him too."nakangising sabi ko."Why? He's so handsome, matangkad, i bet matalino din sya. He's my type." sambit ni Louisa.Lagi nya namang sinasabi yan. Kapag may nakita syang gwapo, bet nya na agad. Sya ang pinakamaharot sa aming lahat, mahilig syang makipag-date kahit kanino. Tapos yung mga ayaw nyang lalaki binabasted nya pagtapos nyang makipag-date dito.Nakita ko naman si Bella na nakikipag-usap kay Yna, pareho kasi silang K-pop lover kaya siguro sila nagkakasundo. Nahagip din nang mata ko si Lester na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Yna. Nilapitan ko sya.
Zandaia"So, malinaw na ba sayo ang lahat Zandy? Kung ano man yang iniisip mo, please paki-tanggal." sambit ni Lorraine sa akin habang hawak ang kaliwa kong kamay.In-explain na nila sa akin ang lahat. Nagkataon lang talaga na masyadong mali ang iniisip ko. I know Lorraine. She can't do that thing to me.Nagkataon kasi na nagpa-reserve si Theo dito sa restaurant na ito para ayain ako mag-date. Si Lorraine naman ay galing sa family meeting kaya napadaan sya dito upang kumain. Walang maupuan si Lorraine kaya pinagamit ni Theo ang upuan na para sa akin upang kumain. Sinabayan siya ni Theo kumain dahil nakakahiya naman na kumakain si Lorraine habang siya ay hindi."Yap, I know. Hindi nyo naman magagawa sa akin iyon. I know you Lorraine." sambit ko at niyakap nya ako.Kilala ko si Lorraine. Mag
ZandaiaNakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig
ZandaiaMag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin."Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner.Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan.Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato."Kung ayaw
ZandaiaIn the end. I end up walking alone in the street of Manila. It's already 8 in the evening. Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi hindi pa ako sumabay kay Axel?I'm tired. Tas kamalas-malasan pa na nalowbat ang phone ko kaya hindi ako makapag-grab, hindi ko naman alam ko saan may payphone dito.Nakakapagtaka kasi walang dumadaan na taxi or what na pwedeng sakyan ko pauwi. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, August na kasi kaya ganon. Naiiyak na ako dahil sa sakit ng paa ko at dahil sa dami ng iniisip. Nag-aalala ako kay Theo, hindi kasi siya sumagot sa alinman na tawag ko, pati sa texts ko hindi siya sumagot. Tapos hindi na din ako binalikan ni Axel, talagang umalis na talaga siya. That jerk!Oh well, sino ba namang di aalis kapag sinigawan mo diba. May kasalanan din naman ako, nagpadala ako sa emosyon ko kanina kaya nasigawan ko sya, but i didn't mean to shout him. Tal
Zandaia"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon."Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na