Home / All / Love by Him / Chapter 6

Share

Chapter 6

Author: bibilosomia
last update publish date: 2020-09-05 11:36:14

Zandaia

Mag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin. 

"Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner. 

Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan. 

Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato. 

"Kung ayaw mo. Pwede ko namang utusan si Axel. Kaibigan mo naman iyon diba?" baling nya kay Axel na ngayo'y natigilan sa pagnguya na kinakain niya na hotdog. 

"Yes tito. I... i can invite him if you want." sabi nito na mukhang napipilitan pa. 

"Great!" masayang sabi ni Daddy at saka itinuloy ang pagkain niya. 

Hindi ko alam kung bakit nya pa iimbitahin si Chris. Eh noong gabing na-holdup ako grabe na ang pasasalamat nya kay Chris. I think it's enough hindi na niya kailangan pang imbitahin si Chris dito sa bahay. 

"Ano bang ginagawa ng Mayor ngayon dit sa Maynila? Dumadami nanaman ang kawatan. Mukhang gusto ko ulit tumakbo bilang Mayor." natatawang sabi ni Daddy. 

Dati na kasi syang naging Mayor dito sa Maynila kaya ganon na lang naging maimpluwensya ang pamilya namin. Ngayon ay nagpapatakbo siya ng business ng pamilya namin. Our family is a politics family. Ang mga kapatid ni Daddy ay mga nasa politika, karamihan sa kanila ay nasa probinsya.

Malinis at magaling ang naging takbo ng pamamahal ng Daddy ko sa dalawang termino nya sa pamamahala dito sa Maynila, kaya madami din ang mga sumusuporta at humahanga sa kanya pagdating sa pamamahala at pagpapatakbo ng aming kompanya. 

Kaya lang naman sya tumigil at bumaba sa pwesto nya dahil nakilala nya si Camille. Mas gusto nyang mag-focus sa magiging panibagong pamilya niya. 

"Mom, kailan ko makukuha ang gown ko for your wedding?" 

Isa pa itong iniisip ko ngayon. Pagkatapos kasi ng sportsfest doon na gaganapin ang kasal ni Camille at Papa. Iniisip ko mangyayari na ba talaga? Meron talaga sa buhay natin na hindi mo inaasahan na mangyari. Hindi ko ito inaasahan, noong una ay akala ko hindi talaga itutuloy ni Daddy dahil gusto ko at pangarap ko ang pagkakaroon nang kumpletong pamilya, pero alam ko naman na hindi na mangyayari iyon. 

"Your much excited than me Yna! Be calm." tumatawang sagot ni Camille. 

Iyan din ang napansin ko kay Yna Anne, masyado syang hyper at masiyahin, hindi sya katulad ng kuya nya na laging nakadiretso ang tingin at nakakunot ang noo. Napatingin naman ako kay Axel at nakita ko syang nakatingin din sa akin, iniwas nya ang tingin nya at tinitigan ang baso ng kape nya. Weirdo. 

"Night." tawag ni Camille sa anak nya na agad namang nag-taas ng tingin. "Kayong dalawa na lang ni Zandaia ang hindi pa nakakapag-sukat ng gagamitin nyo for my wedding." sabi nito. 

Napaisip din ako sa sinabi nya, dapat kasi noong friday kami magpapasukat ni Yna kaso naging busy ako sa school noong araw na iyon kaya hindi ako nakasabay sa kanya. Magpapasama na lang ako kay Theo ngayong araw hindi na din naman kami nagkasama ni Theo after nung nangyari sa akin. Naging busy na din kasi sya kaka-practice for the sportsfest. 

Gusto kasi nilang mag-champion this year dahil 4th year na at last na laro nya na ito. Laging LU kasi ang nanalo for consecutive three years. 

Pati sa Quiz Bee at kahit anong labanan ng University namin ay palaging LU ang nanalo. Kaya ganon na lang ang sikat na LU. Syempre masaya si Camille at proud sa mga estudyante ng school nya dahil sa natatamasa nitong galing pagdating sa larangan ng sports at kahit na sa academics. 

"Ah... Sige, magpapasukat ako ngayon." sabi ko at inilabas ang cellphone ko na nasa pocket ko lang. Ite-text ko si Theo para samahan ako. 

"Sabay na kayo ni Night." sabi ni Papa. 

Pero may iba akong plano ngayon! Ito na ang pagkakataon ko na makipag-date kay Theo dahil Sunday naman ngayon at wala syang practice, hindi din naman siya busy ngayong araw. 

"But pa. I have other plans, and Axel is busy. Right Axel?" sabi ko at nginitian siya ng peke. Makisama ka please. 

"Yup. I'm busy." sabi nito at pinunasan ng tissue ang gilid ng labi niya. 

Nakahinga naman ako ng maluwag. Sa wakas! 

"Pero pwede ko namang samahan si Zandaia, sabay na kaming magpapasukat." sabi nito na ikinalaglag ng panga ko. 

I thought he's busy? What the hell? 

"Great!" masayang sabi ni Camille at umalis sa hapagkainan. 

Naiwan kami nina Yna, Axel at ako sa lamesa. Hindi ako makagalaw dahil hindi nanaman matutuloy ang pinaplano ko. He ruined my plan! Pangalawang beses na ito! 

Sumipol si Yna, mukhang napapansin nya ang tensyon sa amin ni Axel. Tinitignan ko kasi ngayon ng masama si Axel. 

"I bet. Hindi nanaman kayo magkakasundo this time." sabi nito at saka inilapag ang iniinom nyang gatas at saka tumayo. 

Naiwan kaming dalawa ni Axel. Tinitignan ko lang sya habang umiinom ng kape. Nakakainis. Hindi nya ba napapansin ang matalim kong pagtitig sa kanya? 

"Stop glaring at me." sabi nito at tinignan ang mata ko. 

Iyon nanaman ang titig nya na hindi ko kayang tignan ng diretso. May something sa titig nya na di ko kayang labanan. Masyadong maganda ang mga mata nya at itim na itim ito. Nakakapagtaka nga lang bakit iba ang kulay ng mata nito sa kapatid nya at mama nya. Siguro namana sa Tatay.

"May lahi ka ba na Chinese?" takang tanong ko sa kanya at umayos ako ng pagkakaupo. 

Mataman nya naman akong tinignan at ibinaba nya ang hawak nya na tasa at saka nya ikinunot ang kilay nya. 

"What? Ako Chinese? Saan banda?" sabi nito at pinaliit pa ang kanyang mga mata. 

"Ang bilis mo kasing makasira. Pero hindi gamit ang nasisira mo, kundi mga plano ko. Peste." sabi ko at saka tumayo. Inis na inis na talaga ako sa kanya. Kung pwede ko lang sya burahin sa mundo ginawa ko na. 

"What the hell? Hey!" sigaw nya at narinig ko naman ang paghabol nya sa akin. 

Binilisan ko ang lakad ko at dumiretso sa kwarto ko. Isinarado ko ang pintuan. 

Naghanap ako ng masusuot ko ngayong araw. Ang napili ko ay ang itim ko na Bakuna Dress. 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hinayaan ko lang ang buhok ko na hanggang siko na nakalugay ito, hindi ako naglagay nang anumang kolorete sa mukha. Hindi naman si Theo ang kasama ko para magpa-ganda ako. I don't need to effort. 

Lumabas ako ng kwarto at gulat ako na nakita si Axel na nakasandal sa pader ng kwarto ko. Pinasadahan nya naman ako ng tingin at iyon nanaman ang kunot ng noo niya. 

Kung kanina ay naka puting tshirt siya at boxer. Ngayon ay naka gray na tshirt na siya at shorts, naka rubber shoes din sya at mukhang di nanaman siya nagsuklay dahil sa gulo ng buhok nya na parang nagbagay pa nga sa suot nya. Simple pero gwapo siyang tignan. 

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? Tara na, para makauwi tayo agad." inisip ko kasi na kapag nakauwi kami agad, may time pa ako na yayain si Theo na lumabas. 

Kung hindi ko magawa ngayong oras na ito pwede namang mamaya diba? Why not. 

"Bakit kailangan nakalabas ang balikat? Lalamigin ka lang." sabi nito at umirap. 

"Ano bang pake mo. Tara na." sabi ko at nagsimulang bumaba sa hagdan. 

Nilingon ko sya at nakitang bumalik sa kwarto nya. Mukhang may nakimutan. 

Lumabas sya at dala dala nya ang itim na jacket. Sya pa nga itong nilamig kahit nakatshirt na sya. 

Naglakad na sya patungo sa akin kaya naglakad na din ako pababa, pero bago ko pa matunton ang pinaka-last step ng hagdan. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng balikat ko. Ipinatong nya sa akin ang jacket na kinuha nya sa kanyang kwarto kanina. 

Akma ko itong tatanggalin ngunit nagsalita sya. 

"Don't. Don't show too much skin. Your sexy even if you only wear a tshirt and pajamas." sabi nito at nangunang maglakad. 

Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang likod niya. Nakaramdam ako bigla ng pag-init ng mukha at feeling ko pinagpapawisan ako dahil doon sa sinabi nya. Agad ko namang ipinaypay ang kanang kamay ko at saka nagsimula ulit mag-lakad patungo sa parking area namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love by Him    Chapter 9

    Zandaia"I hate your step-brother Zandy." inis na sabi ni Andrew, unti na lang at maiiyak na sya. Hindi nya matanggap ang pagkatalo niya."Hate him. I hate him too."nakangising sabi ko."Why? He's so handsome, matangkad, i bet matalino din sya. He's my type." sambit ni Louisa.Lagi nya namang sinasabi yan. Kapag may nakita syang gwapo, bet nya na agad. Sya ang pinakamaharot sa aming lahat, mahilig syang makipag-date kahit kanino. Tapos yung mga ayaw nyang lalaki binabasted nya pagtapos nyang makipag-date dito.Nakita ko naman si Bella na nakikipag-usap kay Yna, pareho kasi silang K-pop lover kaya siguro sila nagkakasundo. Nahagip din nang mata ko si Lester na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Yna. Nilapitan ko sya.

  • Love by Him    Chapter 8

    Zandaia"So, malinaw na ba sayo ang lahat Zandy? Kung ano man yang iniisip mo, please paki-tanggal." sambit ni Lorraine sa akin habang hawak ang kaliwa kong kamay.In-explain na nila sa akin ang lahat. Nagkataon lang talaga na masyadong mali ang iniisip ko. I know Lorraine. She can't do that thing to me.Nagkataon kasi na nagpa-reserve si Theo dito sa restaurant na ito para ayain ako mag-date. Si Lorraine naman ay galing sa family meeting kaya napadaan sya dito upang kumain. Walang maupuan si Lorraine kaya pinagamit ni Theo ang upuan na para sa akin upang kumain. Sinabayan siya ni Theo kumain dahil nakakahiya naman na kumakain si Lorraine habang siya ay hindi."Yap, I know. Hindi nyo naman magagawa sa akin iyon. I know you Lorraine." sambit ko at niyakap nya ako.Kilala ko si Lorraine. Mag

  • Love by Him    Chapter 7

    ZandaiaNakarating kami sa shop kung saan kami magpapasukat nang susuotin namin sa wedding nang hindi kami nag-uusap. Naging awkward ang atmosphere pagkatapos nung nangyaring yon. Ramdam na ramdam ko ang pagiging awkward nya dahil hindi nya ako inaasar or what. Hindi tuloy ako sanay.Hindi ko alam kung compliment ba o pang-aasar lang yung sinabi nya sa akin. Pero mas pinili ko na isipin na pang-aasar na lang iyon dahil doon naman sya magaling ang inisin at asarin ako.Bumaba sya sa kotse ng hindi man lang ako nililingon, napairap ako sa ginawa nyang yon. Bumaba na din ako at dumiretso sa shop kung saan nandon na din sya.Pagpasok ko, kita ko ang pagka-sosyal ng shop na ito. Kulay pulang carpet ang nasa sahig

  • Love by Him    Chapter 6

    ZandaiaMag-iisang linggo na noong naganap ang pangho-holdap sa akin sa isang street dito sa Maynila. Tuloy pa din ang buhay ko kahit na dapat ay mamatay na ako o kaya na-rape na ako noong araw na iyon. Malaki ang naging pasasalamat ng Daddy ko kay Chris dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin."Zandaia, you can invite Chris to come over here in our house. I want to thank him." narito kami ngayon sa dining table, kumakain ng dinner.Nasa harapan ko si Axel na katabi naman si Yna. Katabi ko si Camille, nasa unahan naman si Daddy dahil iyon ang nakasanayan niyang upuan.Hindi ko sya sinagot bagkus kinain ko na lang ang mga natitirang pagkain sa aking plato."Kung ayaw

  • Love by Him    Chapter 5

    ZandaiaIn the end. I end up walking alone in the street of Manila. It's already 8 in the evening. Ang sakit na ng paa ko, bakit kasi hindi pa ako sumabay kay Axel?I'm tired. Tas kamalas-malasan pa na nalowbat ang phone ko kaya hindi ako makapag-grab, hindi ko naman alam ko saan may payphone dito.Nakakapagtaka kasi walang dumadaan na taxi or what na pwedeng sakyan ko pauwi. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, August na kasi kaya ganon. Naiiyak na ako dahil sa sakit ng paa ko at dahil sa dami ng iniisip. Nag-aalala ako kay Theo, hindi kasi siya sumagot sa alinman na tawag ko, pati sa texts ko hindi siya sumagot. Tapos hindi na din ako binalikan ni Axel, talagang umalis na talaga siya. That jerk!Oh well, sino ba namang di aalis kapag sinigawan mo diba. May kasalanan din naman ako, nagpadala ako sa emosyon ko kanina kaya nasigawan ko sya, but i didn't mean to shout him. Tal

  • Love by Him    Chapter 4

    Zandaia"Do your assignment and pass it tomorrow morning. Understood?" sambit ng Professor namin sa Mathematics.Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang assignment dahil hindi naman ako nakikinig mula kanina. Sobrang pinagtataka ko kasi kung bakit hindi na bumalik si Theo. Si Lorraine naman nag-text kay Agatha na pumasok na sya sa subject niya kaya hindi na siya nakabalik.Iyong sinabi din ni Axel kanina. I don't know pero masama ang kutob ko sa sinabi niya na yon."Any questions? Ms. Agatha, you can announce what you've been announcing earlier." tawag pansin ni prof kay Agatha.Kasali kasi si Agatha sa Event Organization dito sa Lorente University. Malaking University ito kaya kailangan talaga ng mga organizers, ang head ng club nila ay professional Event Organizer. Kaya tuwing may event dito sa school, talagang napaghahandaan pwera na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status