LOGINDating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.
Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong katatakutan dahil na rin siguro sa kalumaan nito. Wala na ring nakatira sa bahay na iyon na siyang dumagdag pa sa nakakatakot nitong imahe sa mata ng lahat ng nakakarinig sa mga kwento-kwento.
Isang gabi, buwan ng Mayo, napagkasunduan ng mga kaibigan ni Lovely na pasukin ang lumang bahay. Lima silang lahat—tatlo sa kanila ay lalaki, dalawa naman silang babae. Hindi nagustuhan ni Lovely ang ideyang iyon hindi dahil sa natatakot siya. Ang totoo'y wala talaga siya sa mood at napilitan lamang sumama sa mga kaibigan. Nagbuluntaryo na lamang siya na bumili ng kandila na gagamitin ng kanyang mga kaibigan.
Ilang sandali lang matapos niyang maibigay ang mga kandila , isang malapad na bagay ang inilabas ni Raffy, isa sa kanyang mga kaibigan. Mistula itong isang malaking plywoodna may nakasulat na alphabet letters sa itaas na bahagi at mga numero mula 1 hanggang 10 naman sa ibabang bahagi. Mayroon ding OO at HINDI sa gilid, sa may kanan.
Ayaw mang aminin ni Lovely ngunit naisip niyang mistula itong props sa mga horror films na napapanood niya sa telebisyon. Natatawa tuloy siya ng palihim.
"Ano naman yan Raffy?" nagtataka nilang tanong dito.
Ipinukol naman ni Raffy sa kanila ang isang makahulugang ngiti bago nagsalita, "Ito ang gagamitin natin mamaya.
Napabuntunghininga na lamang si Lovely at pakutyang nagtanong, "Ano'yan? QUIJA board? Totoo kaya yan? Parang props naman 'yan sa pelikula, eh."
Paismid namang nagsalita si Raffy, "Malalaman natin kung effective sa oras na i-try natin."
Mas lalo pa tuloy nadagdagan ang pagkabagot ni Lovely at ibinulalas ang mga salitang kanina pa niya nais sabihin sa mga kaibigan. "Hay naku! Sinasayang niyo lang oras niyo diyan. Tsaka saan mo naman kaya nakuha iyang bagay na iyan, Kuya Raffy?"
Tiningnan lamang siya ni Raffy. Hindi na ito nagsalita pa at inaya na ang mga kaibigan na tumungo na sa lumang bahay.
"Ewan ko sa inyo!" pasigaw namang turan ni Lovely at padabog na pumasok sa kanilang bahay.
Sinubukang huwag na lamang isipin ni Lovely ang mga kaibigan niya. Ngunit ilang minuto na rin ang nakalipas magmula nang magpunta sila sa lumang bahay. Inaamin niyang medyo nagsisisimula na ring kumabog ang kanyang dibdib.
"Ano na kayang nangyari sa mga iyon?" sa loob-loob niya'y na-giguilty siya dahil hindi siya sumama sa mga kaibigan. Kaya nama'y napag disisyunan ni Lovely na silipin ang mga kaibigan niya mula sa lumang gate ng bahay na iyon.
~~~
"Papasok o uuwi?"
Nakatayo lamang siya sa tapat ng gate ng lumang bahay, tinatanong ang sarili kung dapat ba siyang pumanhik sa looban. Kanina pa rin kasi niya mataman na tinitingan ang mataas na bakod. Kitang-kita niya ang madilim at nakakatakot na lumang bakuran sa bahay na ito. Nag dalawang isip tuloy siya dahil sa bukod sa madilim ay hindi niya maramdaman ang presensiya ng kanyang mga kaibigan sa loob.
"Ano na, Lovely?" tanong niya sa sarili. "Papasok ka ba o hindi?"
Hinawakan niya ang malamig na gate. Tuwing umaga ay nakikita niya ang mapusyaw na kulay pulang pintura nito. Inaamin niya na minsan na rin niyang pinagnasahang makapanhik man lang sa bakuran ng bahay ngunit hindi niya ginawa. Ayaw niya kasing mapagalitan ng kaniyang ama lalo pa't bagong salta lamang sila sa lugar.
Ilang sandali pa'y nakapagdisisyon na siya.
"Uuwi na nga lang," sambit niya sa sarili habang patalikod niyang hinakbang ang daan pabalik sa kanila. Ngunit sa mga sandaling iyon matapos ang pagkakahawak niya sa malamig na bakal ay nagsimula namang gumana ang kaniyang imahinasyon. Papaano nga kung mayroong multo o mga kababalaghang mangyri sa kanyang mga kaibigan sa loob ng bahay? Papaano nga kung totoo ang mga kwento-kwento tungkol sa lumang bahay na ito? Papaano na ang kanyang mga kaibigan?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang aksidente niyang matisod ang isang sanga ng kahoy na siya niyang ikinatumba sa lupa. Muntikan naman siyang mapatili nang biglang tumambad naman sa kaniyang harapan ang isang malaki at itim na pusa.
"Diyos ko naman!" sabi pa niya habang hapong-hapong pinahid ang tumatagaktak niyang pawis. At habang dahan-dahan niyang itinayo ang sarili ay hindi niya mapigilang makipagtitigan sa pusa na ngayo'y nasa harapan niya pa rin, naka titig lamang sa kaniya.
"Hindi man lang tumakbo ang pusang ito," pabulong niyang sabi sa sarili. "Weird," dagdag pa niya.
Mistulang hinahamak siya ng mga titig na iyon. Kaya nama'y hindi niya mapigilan ang sariling masambit ang isang maikling panalangin habang nakatitig sa mga mata ng pusang mistulang kumikislap pa sa dilim.
"God, sana naman po walang masamang mangyari sa mga kaibigan ko sa loob."
Pakiwari niya'y isang masamang senyales ang pusa na tumambad sa harapan niya.
~~~
Malakas ang kabog ng dibdib ni Lovely. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pusa kanina. Nagsimula na rin siyang makaramdam ng kaka-ibang lamig ng hangin na dumadampi pa sa kaniyang batok.
Binilisan niya ang kanyang mga hakbang. Lumalalim na rin ang gabi at hanggang ngayo'y hindi pa rin lumalabas sa lumang bahay ang kanyang mga kaibigan. Natatakot na siya para sa mga ito.
"Ano na kayang nangyayari sa kanila doon?" tanong niya sa kaniyang sarili. "Ang titigas kasi ng ulo!"
Napahinto si Lovely sa paglalakad nang bigla na lamang niyang naramdaman na mistulang may nakatitig sa kanya. At mas lalo pa siyang kinabahan nang narinig niya ang isang kaluskos.
"S-sino yan!" lakas-loob niyang tanong sa kawalan.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Ilang hakbang na lamang at nasa dulo na siya ng daraanan palabas ng kinaroroonan ng lumang bahay. Ayaw na niyang bumalik pa doon. Ngunit nakarinig na naman siya ng mga kaluskos mula sa di kalayu-an.
"Ano ba, hindi ako nakikipag-biruan. Eto na nga o at pa-uwi na ako sa amin," nangangatog niyang sambit.
Sa totoo lang ay nagtatapang-tapangan lamang siya. Ayaw niya talagang makita ang kung ano o sino man ang gumagawa ng mga kaluskos. Ngunit hindi naman niya magawang kumaripas ng takbo. Sa isip niya'y mistulang may sariling utak ang kanyang mga paa. Ayaw na nilang umalis sa kinatatayuan dahil sa sobrang kaba.
"Aalis na ako, b-bahala ka na diyan, kung ano ka man!"
Tatakbo na sana si Lovely nang makarinig siya ng isang tili mula sa lumang bahay. Napasinghap siya. Kaibigan niya iyon!
"Shit!" napamura siya. Agad siyang napatakbo muli sa gate ng lumang bahay at walang sabi-sabing pinasok iyon kahit pa'y hingal na hingal na siya at nangangatog din sa takot at kaba.
Tuloy-tuloy lamang ang pagtakbo ni Lovely sa looban, hanggang sa tumambad sa kanya ang malaki at lumang pintuan ng bahay. Gawa pa ito sa isang makapal at mistulang mamahaling klase ng kahoy.
"Kuya Raffy! Kuya Vince!" sigaw niya habang malakas na kinatok ang pinto. Itinulak niya iyon ng buong lakas ngunit ayaw talaga nitong bumukas. Nakarinig naman siya ng kalabog mula sa loob ng bahay. Mistulang nanggaling sa itaas na bahagi ng lumang bahay ang mga ingay.
Napaiyak na nang tuluyan si Lovely. Nanghihina na rin ang kanyang mga tuhod.
"Ano ba, guys! Ano nang nangyayari sa inyo diyan sa loob?" sigaw niya.
Kahit papaano'y umaasa siya na nag-papanic lang siya, o kaya'y pina-prank lang siya ng mga kaibigan.
Ngunit sa kaniyang pagsigaw ay lalo namang paglakas ng mga kalabog at ingay sa loob ng bahay. Nakakarinig na rin siya ng mga tili at sigaw mula sa kaniyang mga kaibigan.
"Diyos ko po," paiyak niya sabi sa sarili. Napayukyok na lamang siya sa may pintuan. Gulong-gulo ang kaniyang isip. Ang nais na lang niya'y mag-umaga na.
"Ano ang ginawa ninyo!"
Nagulantang si Lovely nang bigla na lamang may boses matandang babae ang biglang nagsisisigaw. Pinagalitan pa siya nito habang mabilis na naglakad papasok ng gate. Madilim man ngunit naaninag pa rin ni Lovely ang galit na galit na hitsura ng matanda, gayun din ang takot na nababakas sa mukha nito.
"T-tulong po.. ang mga kaibigan ko po, n-nasa loob po...hindi ko mabuksan ang pinto!" walang gatol na paki-usap ni Lovely habang nakakapit sa payat na braso ng matanda.
Isininyas ng matanda ang kanyang kamay para patahimikin si Lovely. Wala itong sinabi ngunit nagmadali itong tumungo sa likod-bahay. Akmang susunod si Lovely ngunit pinigilan siya ng matanda.
"Huwag ka nang sumunod. Huwag mo nang idamay ang iyong sarili," bulyaw nito sa kaniya.
"Pero...pleasepo. Mga kaibigan ko po ang nasa loob," mangiyak-ngiyak niyang paki-usap dito.
Napabuntunghininga na lamang ang matandang babae.
"Sige, sumunod ka na lang.....at huwag kang lalayo sa akin," tugon nito habang walang lingon-likod na naglakad patungo sa loob ng lumang bahay, kasunod si Lovely.
~~~
Kabadong-kabado sila habang hinahakbang nila ang madilim na bahagi ng bahay. Pakiwari niya'y kusina ng lumang bahay ang kanilang pinasok. Ngayo'y patungo na sila sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad nang biglang nagsalita ang matanda, "Kayong nga kabataan ngayon, ang katigasan ng ulo talaga ninyo ang papatay sa inyo."
Minabuti na lamang ni Lovely na manahimik. Totoo rin naman kasi ang sinabi ng matanda. "Sinubukan ko po talaga silang pigilan, lola," mahina niyang tugon. "Ngunit ayaw nilang papigil talaga!"
Napatigil sila nang bigla silang makarinig ng isang kahindik-hindik na halakhak.
"Diyos ko," sambit ng matanda habang mabilis na nag-sign of the cross.
Mas binilisan pa nila ang pagpanhik. Akma nang pipihitin ni Lovely ang door knob nang kaharap na nila ang pintuan ngunit pinigilan siya ng matanda.
"Sandali!" bulong nito sa dalaga.
"Bakit po?" kabado niyang tanong.
"Huwag na huwag kang magpakita nang takot s akung ano mang nilalang ang makita natin sa loob!" sagot ng matanda. "Naiintindihan mo ba?"
Tango lamang ang tanging naisagot ng dalaga. Ngunit papaano nga kung makaharap nila'y isang kahindik-hindik na nilalang? Ano na ang mangyayari sa kanila?
~~~
Tumambad kina Lovely ang nakakatakot na hitsura ng mga kaibigan niya.
Nakalupasay sa sahig ang kaibigan niyang babae at walang malay. Katabi nito si Vince at isa pa niyang kaibigan na si Marco. Dilat na dilat ang mga mata ng dalawang lalaki habang naka angat naman sa lupa si Raffy. Hindi halos makapaniwala si Lovely sa mga tumambad sa kanila.
"Kuya Raffy!” nahihintakutan niyang bulalas. “Lola, tulungan natin si Kuya!"
Mas lalong bumigat ang temperatura sa loob ng kwarto nang tuluyang pumasok si Lovely at ang matanda. Napansin din biya ang mabilis na paggalaw ng baso na nakapatong sa Quija board na pinakita ni Raffy kanina. Paikot ikot lang ito sa board, palipat lipat sa mga letra at mga numero.
"Ano pong gagawin natin?" tarantang tanong ni Lovely sa matanda.
May kinuhang maliit na aklat ang matandang babae. Sinabihan niya si Lovely na hawakan lamang niya ang kamay ng matanda habang nagsasalita ito ng orasyon.
"Kahit anong mangyari, huwag na huwag mong imulat ang iyong mga mata. Naiintindihan mo ba ako?" mariin nitong utos kay Lovely.
"P-pero..."
"Makinig ka na lang kung ayaw mong magsisi sa huli.”
Mabilis na ipinikit ni Lovely ang kanyang mga mata.
Ilang sandali pa'y narinig na lamang niya ang kakaibang salitang sinasambit ng matanda. Mas lalo ring lumakas ang hangin sa loob ng kwarto.Ngunit patuloy lang ang matanda sa pagsambit ng mga katagang hindi niya maintindihan.
"Diyos ko. Tulungan Niyo po kami,” paulit naming sambit ng dalaga. Sinasabayan niya ng panalangin ang orasyon ng matanda.
Hanggang sa narinig niya ang sabay sabay na atungal nang kanyang mga kaibigan. Ninais niyang buksan ang kanyang mga mata ngunit na-alala niya ang sinabi ng matanda kaya nanatili siyang nakapikit.
Naramdaman niyang gumagalaw ang matanda habang umaatungal, mistulang nanginginig din ito. Pabilis ng pabilis ang paggalaw ng mga kamay nito habang nakahawak siya dito. Tuluyan na nga siyang napa-iyak.
Ilang sandali pa'y isang malamig na boses ang mistulang bumubulong sa kabila niyang tenga.
"Tingnan mo ako sa mata."
"Hindi! Ayoko,” sigaw ni Lovely habang nakapikit ang mga mata. “Umalis ka na!”
Hindi ako titingin, hindi ako titingin, pauli ulit na sambit ni Lovely sa isip niya. Umatungal muli ang matanda. Isang malakas na sigaw rin ang narinig niyang pinakawalan ni Raffy.
Ilang sandali pa'y biglang natahimik ang paligid. Nawala rin ang malakas na hangin.
"L-lola?" kabadong-kabado si Lovely. Hindi niya alam kung pwede na ba niyang buksan ang kanyang mga mata.
"Nandito pa sila," sambit ng matanda na nagpabangon muli sa masidhing takot na nararamdaman ng dalaga.
Ilang sandali pa'y narinig na lamang ni Lovely ang biglaang pagkabasag ng isang baso dahilan para magulat si Lovely at matuon ang tingin sa direksiyon noon.
At sa pagmulat ng kanyang mga mata, isang katakot takot na mukha ang tumambad sa kanya...
Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
~~~
Hindi na ma-alala ni Lovely ang sumunod na mga pangyayari. Basta raw pagmulat niya ay nasa bahay na siya kasama ang apat niyang kaibigan at ang kani-kanilang mga magulang. Wala ring masyadong maalala ang apat. Sinabi lang ng mga magulang ni Lovely na isang matanda raw ang kumatok sa bahay nila bandang alas dose ng hatinggabi. Isa isa silang kinuha ng kani-kanilang mga magulang at idiniritso sa bahay nila Lovely dahil ito raw ang pinakamalapit. Walang nakakakilala sa matanda. Basta na lamang daw itong umalis matapos manghingi ng dahon ng malunggay at sinuguradong nakapasok na sa loob ang magkakaibigan.
Tinanong ko si Lovely kung ano ang hitsura ng nakita niya ngunit naramdaman ko ang takot sa boses niya kaya hindi ko na lang pinilit. Ang alam ko babalik na daw sina Lovely dito sa Leyte matapos ang pangyayari. Napapanaginipan pa kasi ni Lovely ang nangyari lalo na ang katakot-takot na nilalang na iyon.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang hitsura ng nilalang na nakita ni Lovely. ©
"Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”
Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.
Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.
"Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de
Dating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong kat
Ang mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?