Share

Kabanata 4: Opisina

Author: Miss Jeyy
last update publish date: 2020-10-18 10:35:12

Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.

Nang gabing iyon, taong 2010, katatapos lang ng Intramurals sa school namin. Datapwat anim kaming lahat sa publication, silang lima ang nagbigay ng excuse para hindi makasali sa presswork kinagabihan. Ayaw ko sanang pumayag kaso ano nga bang magagawa ng isang E-I-C na kagaya ko kung lahat sila wala sa mood magtrabaho?

"Basta nandito lang ako sa office buong magdamag. Baka makonsensiya kayo at siputin niyo ako ‘di ba," pabiro kong sabi.

"Kuya Xian, tama na muna kasi ‘yan. Katatapos pa lang ng trabaho natin sa Intrams ‘tas presswork na naman?" reklamo ng isa sa mga writers ko.

"Siempre nag campus journalist ka. eh. Wala kang choice," sagot ko naman.

Ganunpaman, wala talagang dumating sa presswork kaya nag-decide na lang ako na simulan na lang ang pagsusulat ng ilang mga news articles. Nagdisisyon

na rin ako na mag-sleep over sa office.

Medyo nakakatakot ang opisina namin kasi dati itong tambakan ng mga lumang gamit sa paaralan. Naangkin lang namin ang lugar nato dahil sa masusi naming pag apila sa opisina ng Dean. Bagama't sanay na kaming matulog dito at kailanma'y hundi naman kami ginagambala ng kahit anong nilalang, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sa mg oras na yun, kakaiba talaga ang nararamdaman ko.

Siguro dahil lang din sa rason na first time na ako lang talaga mag-isa. But anyways, ok naman ang lahat kalaunan.

Kaso bandang alas-dose nang napag-disisyunan kong umidlip sandali. Ini-sleep ko ang aking laptop at pinikit ang aking nga mata habang nakaupo pa rin sa harap nito.

Ilang sandali pa, naramdaman kong parang may malamig na bagay ang sumusundot sa aking noo. Tumingala ako at buong lakas na sumigaw nang sa pagtingala ko'y isang pares ng paa ang nakalambitin sa hangin malapit sa noo ko.

Ilang minuto akong nakatanga lang habang isinusubsob ang ulo ko sa mesa. Mabuti na lang at narinig pala ng guard na nag-ro-roaving ang sigaw ko kaya agad niya akong pinuntahan.

Hindi ko na tinapos ang presswork nang gabing iyonat hindi narin kami natutulog sa pub office mula noon.©

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 5: Dorm

    "Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 4: Opisina

    Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 3: Pamasahe

    Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 2: Tenant

    "Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 1: Lumang Bahay

    Dating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong kat

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   ...

    Ang mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status