LOGINMarahil iniisip natin na ang mga naririnig nating mga kwentong kababalaghan ay bunga lamang ng malilikot nating imahinasyon. Ngunit paano nga kung totoo ang mga iyon at naranasan nga ng mga totoong tao sa totoong buhay? Handa ka bang makinig at maniwala?
View MoreAng mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.
Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.
Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?
©
"Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”
Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.
Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.
"Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de