Share

Kabanata 5: Dorm

Author: Miss Jeyy
last update publish date: 2020-10-18 10:38:37

"Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto.

"Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”

"Sige, basta mag-iingat ka, kung may narinig kang umiiyak, huwag na huwag na huwag mo talagang papansinin, ha? Dito ka lang sa kwarto," bilin naman ni May.

Tumawa lamang si Kyla at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Hanggang sa isa-isa na ngang nag si-uwian ang lahat ng dorm mates niya at siya na lang ang na-iwan.

Bandang alas-syete nang makaramdam ng gutom si Kyla kaya pumanaog muna siya at kumain sa may kusina.

Tahimik lamang siya habang kumakain. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit hindi niya magawang huwag pansinin ang CR na sinasabi ni May. Sa totoo lang kasi, matagal nang nakasarado ang CR na iyon dahil nga sa nangyari at sa mga kababalaghan na naganap sa lugar na iyon ng dorm.

Sa totoo lang, nang mga panahong iyon, hindi maintindihan ni Kyla kung bakit parang may kung anong aura na nagsasabing kailangan niyang buksan ang CR. Nakakarinig rin siya ng mga kaluskos na hindi niya maintindihan kung saan ba galing. Palipat lipat kasi ang mga kaluskos na naririnig niya. Mayroon sa bubong, sa lababo, sa itaas ng kwarto, at maging sa CR.

"Baka pusa lang yun," pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili.

Alas dose na ng madaling araw nang matapos rin ni Kyla ang project niya.

"Hay salamat. Natapos rin!" sambit pa niya.

Mabilis niyang niligpit ang kanyang gamit at humiga na rin kalaunan. Hindi siya nakakatulog kapag na ka-on ang ilaw kaya buong tapang siyang nagdisisyon na papatayin na lang niya ang ilaw ng kwarto niya.

Halos isang oras nang nakapikit si Kyla ngunit hindi niya maintindihan kung bakit gising na gising pa rin ang diwa niya. Napabuntunghininga na lamang siya nang maramdaman niya ang biglaang pagsakit ng kanyang puson.

"Shit! Dadatnan yata ako ngayon," sambit niya at nagmadaling bumangon.

Binuksan niya ang ilaw sa kwarto at pumanaog papuntang kusina. Nakalimutan na rin lang kasi niya ang takot niya ng makaramdam siya ng pagsakit ng puson niya. Na-iihi rin siya. Binuksan niya rin ang ilaw sa kusina at dumiritso sa CR na kalimitan niyang ginagamit.

"Tsk, sabi ko na nga ba, eh!" Reklamo niya nang makita ang kaunting dugo na bumakat sa underwear niya.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa CR bago niya napagdisisyunang lumabas na. Pagpihit niya ng pinto ay agad na rumagasa ang kakaibang takot sa dibdib niya.

Naka-lock ang pinto!

“Hala, bakit naka-lock?” pa-iyak niyang tanong sa sarili.

Pinihit niya ng malakas ang door knob at halos mapapa-iyak na siya dahil sa kabang nararamdaman niya. Alam niyang walang ibang tao sa dorm nang nga panahong iyon. Paanong may nag-lock sa kanya mula sa labas?

Ilang sandali lang ay nakarinig naman siya ng mahinang pag-iyak ng babae sa may kabilang CR. Parang paos ang boses ng umiiyak na babae. Mistula naming nabuhusan ng malamig na tubig si Kyla.

Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa naririnig at nararamdaman niya dahil sa totoo lang ay isa siya sa mga taong hindi nagpapaniwala sa mga kababalaghan. Pero sa pagkakataong iyon, alam ni Kyla na totoo ang nararamdaman niyang takot sa mahinang paghikbi na iyon!

Nakatayo lamang siya doon, hindi siya gumagalaw. Tantiya niya ay halos mga limang minuto rin niyang naririnig ang iyak ng babaeng iyon. At limang minuto rin siyang halos hindi humihinga. Panay ang panalangin ni Kyla habang nakikinig lang sa iyak ng babae.

Ilang sandal pa’y laking pasalamat niya nang sa pagpihit niyang muli sa pinto ay nabuksan na iyon. Mangiyak-ngiyak siyang tumakbo papuntang kwarto at nagtalukbong sa kumot niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa nakatulog siya.

Kinabukasan ay dali-daling umalis si Kyla. Hindi na siya naligo pa dahil sa trauma na naramdaman niya. Ilang araw rin ang nakalipas ay lumipat na rin si Kyla ng matitirhan.©

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 5: Dorm

    "Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 4: Opisina

    Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 3: Pamasahe

    Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 2: Tenant

    "Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 1: Lumang Bahay

    Dating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong kat

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   ...

    Ang mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status