Share

Kabanata 3: Pamasahe

Author: Miss Jeyy
last update publish date: 2020-10-18 10:31:48

    Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.

Taong 2015 nang maranasan ko ang isang kakaibang pangyayari na hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin.

Tuwing Biyernes ng hapon, halos lahat ng estudyante sa university namin ay umuuwi sa kani-kanilang lugar upang sulitin ang weekend. Tuwing Linggo naman ang balik nila sa San Isidro.

Linggo noon, halos gabi na nang makakuha ako ng pwesto sa multicab na bumi-biyahe papuntang San Isidro. Naka-upo ako malapit sa may entrance ng sasakyan.

Tahimik lang ang biyahe namin palibhasa'y gabi na. Malamig na rin ang simoy na ibinubuga ng hangin sa labas. Hanggang sa pa-isa isa nang nababawasan ang mga pasahero sa sinasakyan namin. Madilim na rin ang binabaybay namin.

Ilang sandali pa'y apat na lang kaming natirang pasahero.

Nang medyo malapit na kami sa waiting shed na bababaan ko, nagulat ako ng biglang huminto ang multicab na sinasakyan namin. Nagkatinginan kaming lahat dahil medyo na-wewerduhan kami sa biglang paghinto ni manong driver gayong wala namang pumara ni isa sa amin. Ilang sandali pa'y pinaandar niyang muli ang sasakyan.

Bumaba na rin ako pagka tapat ko sa waiting shed na sinasabi ko. Nag-abot ako ng singkwenta pesos dahil naubusan pala ako ng barya.

Gayon na lang ang pagka-inis ko ng trenta pesos ang kinuha ni manong driver. Hinabol ko pa siya dahil kulang yung sinukli niya sa akin.

Mabilis niyang pina-andar ang sasakyan at talagang imposibli ko na siyang mahabol.

Dalawang lingo matapos ang pangyayaring iyon, papa-uwi ako sa amin nang makasakay akong muli sa multicab na sinakyan ko noon. Swerte pa dahil nasa front seat pa ako noon nakaupo. Natatandaan ko rin ang driver na itinakbo ang sukli ko. Minabuti kong kausapin si manong nang medyo malayo-layo na kami sa San Isidro, nagulat pa siya nang malaman niyang natatandaan ko pa ang ginawa niyang pagtakbo noon.

"Pasensiya ka na neng, hindi ko naman talaga intensiyong gawin iyon. Natakot lang talaga ako dahil doon sa kaharap mong pasahero."

Nagtaka naman ako doon sa sinabi ni manong. Natatandaan ko pa kasi na ako lang ang pasaherong walang kaharap sa upuan nang mga panahong iyon.

"Manong naman, natatandaaan ko na wala po akong kaharap na pasahero noon."

Pero parang hindi narinig ni manong driver ang sentimyento ko.

Patuloy lang siya sa pagkukwento.

"Panay ang tingin ko sa pwesto mo noon ineng. Dahil sa babaeng nakaupo sa may harapan mo. Nakasuot siya ng damit na kapareha ng uniform ninyo.

Nagtaka ako dahil medyo madumi ang damit niya at magulo rin ang buhok niya. Tsaka Linggo rin noon, walang pasok kaya nagtaka ako kung bakit siya nakasuot ng uniform.”

Hindi ako naka-imik. Totoo ba ‘to? Baka naman ini-echos lang ako ni manong.

”Pero ang mas ipinagtataka ko ay ang kakaibang tingin na ipinupukol niya sayo,” dagdag pa niya.

Kinabahan naman ako bigla sa kwento ni manong.mMistulang Naramdaman ko muli ang malamig na hangin na bumabangga sa katawan ko nang mga panahong naka-upo ako malapit sa entrance ng multicab na to.

"Mas nagtaka pa ako nang bumaba ang babae. Nakatingin lang ako sa pagbaba niya mula dito sa salamin na ito."

Itinuro ni manong ang salaming  nakasabit malapit sa ulunan niya.

"Nakikita ko ang mga pasahero sa likod dahil sa salamin na ito. Pagkababa niya, nakatayo lang siya sa may entrance malapit sayo. Natatandaan ko pa nga kung papaano niya nilapit ang mukha niya sa mukha mo. Sobrang lapit niya sa'yo ineng. Nag simulang magsi-tayuan ang balahibo ko nang mapansin kong wala ka man lang kare-a- reaksiyon sa ginawa ng babae. Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakakita sa kanya? Tapos nagulat na lang ako nang pagtingin ko sa bintanang katabi ko, nakatayo na ang babae, nakadungaw ang kanyang mukha dito mismo sa bintanang to."

Tinuro naman ni manong driver ang bintanang katabi niya. Kaya pala bigla niyang inihinto ang sasakyan nang mga panahong iyon. Nahintakutan ako bigla.

"Nawala nalang din siyang bigla matapos niyang ipukol ang kakaibang tingin sayo,” patuloy sa pagku-kwento ni manong. “Doon ko napagtantong baka sinasabi niyang ikaw ang magbabayad sa pamasahe niya, ayoko sanang gawin yun neng, pero nang mga panahong iyon, wala na akong ibang ma-isip kung hindi ang pa-babain ka sasasakyan ko."

Grabe naman ‘to si manong.

"Bakit naman po manong?"

"Dahil mag-kamukha kayo ng babaeng yun."

Matapos ang pagkukwento ni manong, hindi na ako nagsalita pa. Sa isip isip ko, dapat ba akong maniwala? Ganoon pa man, hindi ko ma-ipagkaka-ila na nakaramdam ako nang takot sa kwento niya

Pagka-baba ko’y hindi na niya ako pinabayad. At hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung sino ang babaeng iyon, o kung totoo ba ang sinabi ni manong driver. Kung totoo man, siguro’y multo iyon at ginaya lang ang mukha ko.

Mula din noon, nag-titira na rin talaga akong barya sa tuwing sumasakay ako ng multicab tuwing gabi. ©

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 5: Dorm

    "Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 4: Opisina

    Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 3: Pamasahe

    Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 2: Tenant

    "Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 1: Lumang Bahay

    Dating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong kat

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   ...

    Ang mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status