Share

Kabanata 2: Tenant

Author: Miss Jeyy
last update publish date: 2020-10-18 10:30:04

    "Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang ang available."

Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double deck at isang lamesa lamang ang laman ng kwarto. Bukod doo’y nakaharap din ang magiging higaan ko sa bintana. Hindi naman na masama dahil hindi rin naman masikip.

"Ayos naman ah,” sambit ko. “Wala naman akong problema dito."

Inaya niya muna akong lumabas ng kwarto bago siya nagkwento ulit.

"Last semester kasi, m-may nangyari dito. Sorry hindi ko na lang sinabi sayo. Akala ko kasi hindi na bubuksan ang kwartong yan."

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko na lang.

"2012 daw nang may namatay na tenant dito. Diyan sa kwarto na uupahan mo. Dalwang double deck iyan di ba? Dyan kasi sa deck mo namatay yung tenant na yon."

Nasa baba ako pumwesto pero ayon kay Ben, sa itaas na bahagi daw nakapwesto yung namatay.

"Last semester kasi, sa kwarto ring iyan ako natutulog."

Tiningnan ko lang si Ben habang nagkukwento. Halata sa kanya ang pagkatakot base na rin sa seryoso niyang tono.

"Sa baba ako natutulog, diyan mismo sa pwesto mo. Tatlo kami noon sa loob ng kwarto kasi Sabado noon at hindi kami naka-uwi dahil may tinapos pa kaming project. Kami-kami na lang naiwan sa bahay kasi nagsi-uwian na lahat dahil nga weekend.

Bandang alas-dos ng madaling araw nang magising ako dahil ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam bakit pero nilalamig din ako noon. Pumikit ulit ako kasi madilim, pinatay kasi namin yung ilaw. Wala pang five minutes nang akala ko naka-idlip na ako kaso naramdaman ko na lang na gumagalaw higaan! Akala ko nga may lindol kaso wala, deck ko lang talaga ang gumagalaw!

Nilingun ko rin yung mga kasama ko, tulog na tulog. Imposibleng sila ang dahilan kung bakit gumagalaw yung deck ko. Babangon sana ako para buksan ang ilaw kasi naramdaman kong may kung sinong nakapatong doon sa ibabaw na parte ng deck ko pero nagulat ako kasi hindi ako makagalaw! Parang na-paralyze bigla ang buong katawan ko. Sinubukan ko ring sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Mas lalo akong nanigas ng dahan-dahan, may pares ng paa na biglang naglambitin mula sa itaas. Nag si-swing ang dalawang paa, dahilan para gumalaw yung deck. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Sobrang puti kasi ng mga paa, yung tipong parang nawalan ng dugo? Kahit madilim, maaaninag mo talaga ang kulay ng paa dahil sa kaputian!

Ilang minuto na akong nasa posisyon na iyon. Tulog na tulog lang talaga yung mga roommates ko samantalang ako parang mamamatay na sa sobrang takot. Tapos, bigla na lang na dahan-dahang bumaba sa hagdanan ang may-ari ng paa.

Dahan-dahan na parang nahihirapan. Narinig ko rin kasi ang mahina nitong paghikbi na parang nasasaktan. Mahina lang yung boses niya pero ewan, sobrang nakakatakot. Yung tipong napapatayo yung balahibo mo?

Tapos nang nakikita ko na yung bewang niya at any time makikita ko na rin yung itsura niya, ginawa ko talaga ang lahat para maka-sigaw. The moment na lumabas ang boses ko nagising ang mga kasama ko at nawala na rin yung babaeng may ari ng paa."

                                                                    ~~~

Matapos daw ng nangyari, nalaman nina Ben ang kwento tungkol sa babaeng namatay dahil sa sakit sa kidney. Literally, hindi doon sa deck na iyon namatay ang babaeng tenant pero sa deck daw na iyon niya ininda ang lahat ng sakit bago siya namatay.

Hanggang ngayon, inookupa ko pa rin ang dating pwesto ni Ben pero salamat sa Diyos at hindi naman ako ginagambala. ©

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 5: Dorm

    "Sigurado ka bang magpapa-iwan ka ditto, Kyla? Alam mo naman ang mga kwento ‘di ba?" tanong ng kasama niya sa kwarto."Asus, Ate May. Okay lang talaga ako,” kibitz-balikat niyang sagot ditto. “Wala din naman akong choice kasi due na itong project namin. Kailangan na talagang tapusin.”

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 4: Opisina

    Malimit kaming magsagawa ng overnight presswork sa publication office ng school namin. Lalo na kapag may event at kailangang mag-release agad ng magazine o kaya'y tabloid.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 3: Pamasahe

    Ako si Aya, isang college student sa isang university somewhere in Visayas. Mahigit isang oras ang biyahe mula sa amin papuntang San Isidro, ang lugar kung saan nakatayo ang unibersidad na pinapasukan ko.

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 2: Tenant

    "Ayoko sanang dito ka sa kwarto na ‘to, Claire, pero wala rin naman akong magagawa kasi ito lang angavailable."Inikot ko ang aking paningin. Dalawang double de

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   Kabanata 1: Lumang Bahay

    Dating taga-Leyte si Lovely. Lumipat lamang sila sa Bulacan noong nakaraang taon dahil doon na nagkaroon ng maayos na trabaho ang kanyang ama. Madaling nakapaghanap ng mga kaibigan si Lovely, palibhasa'y palakaibigan at madaling pakisamahan.Ngunit na-ikwento sa akin ni Lovely ang isang pangyayari na hinding-hindi niyan malilimutan. Tungkol ito sa kalapit na bahay sa kanilang tinitirhan. Kilala raw ang bahay na iyon sa mga kwentong kat

  • Mga Kwentong Kababalaghan at Katatakutan: Makikinig ka ba?   ...

    Ang mga kwentong naka-paloob sa aklat na ito ay hango sa totoong buhay. Minabuti ng may akda na baguhin ang mga pangalan ng mga karakter upang maprotektahan ang kanilang personalidad. Ito ay koleksiyon ng mga kwentong katatakutan at kababalaghan na masusing pinakinggan, inayos, sinuri, at isinulat ng may akda. Gayunpaman, may mga sitwayon kung saan binago ng may akda ang mga pangyayari o kaganapan sa kwento upang mas mabigyan pa nito ng buhay at kabuluhan ang bawat pagsasalaysay.Ang inyong mga komento at suhestiyon ay may kabuluhan kaya nama'y inaanyayahan ng may akda ang lahat na mag-iwan ng iyong sariling opinyon at reaksiyon tungkol sa mga kwentong inyong mababasa.Bago natin simulan ang pagsasalaysay, tanong ko lang: MAKIKINIG KA BA?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status