Home / All / Ollie The Virgin Gay / Chapter 1: The Wedding

Share

Chapter 1: The Wedding

Author: TwinkleBhernz
last update publish date: 2020-07-30 12:15:06

ROANN POINT OF VIEW

"You may now kiss your bride." Napangiti ako ng mapait ng marinig ang sinabing iyon ng pari.

Wala na talagang makakapag pahiwalay pa kay Winsley at Kate. Actually this is their second wedding. Iyong una ay iyong nangyari doon sa beach.

Masaya naman talaga ako para sa kanila. Pero hindi para sa sarili ko. Nitong mga nakaraan ay ang dami dami kong nagawa na hindi katanggap tanggap. Isa na doon ay ang pagsubok kong sirain ang relasyon nila. Where in the first place ay alam ko namang nagmamahalan talaga sila. I know I've been so selfish. Pero siguro gano'n talaga kapag nagmamahal ka. You would do anything para sa taong mahal mo. Kahit pa kapalit no'n ay ang pagsira mo sa sarili mo.

Nang mapagawi ang tingin ko sa katapat kong upuan ay napataas ang kilay ko ng makita ang isang lalaki. That Oliver na akala ko noon ay asawa ni Kate. That bastard. Hanggang ngayon ay kumukulo parin ang dugo ko sa kaniya.

Maya maya lang ay isa isa ng nagsilabasan ang mga tao sa loob ng simbahan. Syempre kasama roon ang bagong kasal na sina Winsley at Kate. Lahat sila naghihiyawan para sa dalawa. Habang ako eto, parang may kung anong dumudurog sa puso ko. Parang may matigas na bagay na humahampas sa dibdib ko. Nasasaktan ako. Muli akong napangiti ng mapait. Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan. Kaibigan lang ako para kay Winsley. Masakit iyon pero kailangan kong piliting maka-move on. Ayoko naman kasing maging bitter habang buhay. Gusto ko ring maging masaya.

Nang wala ng matirang tao sa loob ng simbahan ay tsaka na ako tumayo at lumakad palabas.

Sinadya kong magpahuli dahil wala sa plano kong magpunta pa sa wedding reception. Alam ko kasi na mas mahihirapan lang ako kapag ginawa ko iyon. Ang totoo'y naka-plano na nga ang gagawin kong pag-alis. Nasa kotse ko na ang mga gamit ko. Balak ko kasing mag unwind muna, kaya doon muna ako tutuloy sa vacation house ni daddy sa Tagaytay.

At least doon ay magagawa kong makapagnilay nilay. Maka-langhap ng sariwang hangin at makapag isip-isip. Doon ay susubukan kong hanapin ang sarili ko. Susubukan kong makapag move on ng tuluyan. At ano ba'ng malay ko, baka doon ko narin mahanap ang 'the one' ko. Iyong lalaking katulad ni Winsley na magmamahal din sa akin ng totoo. Iyong ipararamdam niya sa akin na ako lang ang babae para sa kaniya.

That guy in my lucid dream. Sana nga ay doon ko na siya matagpuan.

---

OLIVER POINT OF VIEW

Hanggang sa makalabas na ako ng simbahan ay hindi parin naalis ang tingin ko kay Roann. Iyong babaeng kaibigan ni Winsley. Kanina ko pa kasi siya nakikitang tila napakalalim ng iniisip e. Parang ang bigat bigat ng dinadala niya. Kawawa naman siya. Sa pagkakaalam ko ay napakalaki ng pagnanasa niya kay Winsley. For sure durog na durog ang puso niya ngayon.

Natigil lang ako sa pagtingin sa kaniya ng tawagin ako ni Kate.

"Hey, Ollie. Pwede bang pakikuha 'yong bouquet ko sa loob ng simbahan. Please. Nailapag ko kasi eh. Hehe. Ihabol mo nalang sa reception. Kailangan pa kasi 'yon mamaya eh. Thank you." Pasuyong sambit ni Kate.

Napailing nalang ako sa kaniya. Eh kasi naman, may choice pa ba ako? Eh pasakay na siya ng bridal car. Tsk. That girl. Masyado niya akong inaapi ah. Porke't close lang kami ganito na siya sa akin. Hmp.

Nang tuluyan nang makaalis ang sinakyan nina Kate at Winsley ay tsaka ako lumakad pabalik sa loob ng simbahan. Doon ay agad ko namang nakita ang bouquet na tinutukoy ni Kate. Pagkakuha ko niyon ay muli akong lumabas para agad naring makasunod sa reception ng kasal. Pero bago pa ako tuluyang makasakay ng kotse ko ay napagawi ang tingin ko sa babaeng kanina lang ay pinagmamasdan ko. Si Roann.  Pasakay narin siya ng kaniyang kotse.  Pero bago pa niya magawa iyon ay agad siyang napaupo sa simento. Taranta kong nabitawan ang hawak kong bouquet. Na shocked man ako sa nakita ko ay agad namang gumana ang instinct ko. Nagmamadali kong tinakbo si Roann para daluhan. Nang makalapit na ako sa kaniya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Hey, are you ok?" May malay pa naman siya pero sa hinuha ko ay masama ang pakiramdam niya. Agad ko siyang inalalayan para makatayo. "Tara at dadalhin kita sa ospital."

"You!" Aniya. Ramdam ko ang galit sa tinig niya. For sure she was still cursing me for what happened pero naman, for God sake. Hindi lang naman siya ang nandidiri sa nangyari no. "Bitawan mo nga ako!" Galit niyang tinabig ang kamay ko kaya nabitawan ko siya. Inirapan pa niya ako bago humakbang palapit sa kaniyang kotse. Papasok na sana siya doon pero bigla rin siyang napatigil at napahawak sa kaniyang ulo.

Tsk! Nag-iinarte pa kasi. Kitang siya na nga itong tinutulungan e. Hindi ba pwedeng kalimutan niya muna ang dapat kalimutan?

Medyo nagdadalawang isip man ay muli ko siyang nilapitan para daluhan. Pero katulad ng nauna niyang ginawa ay muli niyang tinabig ang kamay ko. Muli niya rin sana akong tatalikuran kaya naman agad ko siyang pinigil at pabalibag na isinara ang pinto ng kaniyang kotse.

"Wag ngang matigas ang ulo mo! You need to see a doctor. Your not gonna die in front of me ok. That's an order!" Pagalit kong sabi.

Sheeeet. I even sounds so manly. Para akong lalaking laki. Well. Mukha naman talaga akong lalaki eh pero this time I really acted like one. I should be proud to myself. Ang galing galing ko talaga kasing magtago eh. Hehe.

"Order? Mula kanino? You? Who the hell are you huh? Wala kang pakialam sa akin ok. Mamatay man ako dito sa harap mo ay wala kang kinalaman sa buhay ko!" Ganting sigaw niya.

Hindi talaga marunong magpatalo ang babaeng ito. My gosh! Puputi ang buhok ko sa pempem nito eh.

"I SAID, THAT'S AN ORDER!" Aniko sabay hawak sa bewang ni Roann. Pwersahan ko siyang binuhat at dinala sa kotse ko. Sinubukan niya namang manlaban pero wala siyang binatbat sa muscles ko. Ang macho ko kaya. Hehe.

Pagtapat ko sa nakabukas kong kotse ay agad kong ipinasok doon si Roann. Muli na naman sana siyang lalaban sa kagustuhan ko kaya tiningnan ko na siya ng masama. Subukan lang niyang lumabas ng sasakyan. Naku. Talagang pababayaan ko siyang mag-isa.

Mukhang natakot naman ang bruha at bigla na siyang tumahimik. Siguro naisip rin ng gaga na kailangan niya ang tulong ko. Duh.

Last  na 'to no! Dahil after this ay hindi na tayo magkikita bruha ka!

Ayaw narin naman kitang makita eh. Dahil sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko ang nakakadiring nangyari sa atin. Yuck!

Nakakasuka!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 15: Abuela

    "Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 14: Casa Gonzaga

    "Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 13: Cursing

    ROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 12: Starting To Become A Monster

    "Hindi mo gagawin yan." May pagbabanta kong sabi.Ngumisi lang siya. Sinimulan niyang pagapangin ang kamay niya sa pisngi ko. Padabog akong umiwas ng tingin. Nang alisin niya ang kamay niya sa pisngi ko ay tsaka ako muling humarap sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya."Try me." Tila nang-aakit niyang hamon.Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Napapikit na ako. Hindi ko matanggap ang katotohanan na wala akong magawa para pigilan siya sa plano niya. Gusto ko ng umiyak. I am nervous and shaking. Ang kaninang patuloy kong pagmamatigas ay napalitan na ng matinding pag-aalala. I feel so useless. Gusto kong lumaban at umiwas pero wala akong magawa. Hindi ko kaya dahil sa lubid na pumipigil sa akin.Hinawakan ni Oliver ang baba ko. Pinilit niyang iangat ang ulo ko. Dahil nakapikit ako ay hindi ko nakikita ang mukha niya. Ayoko rin namang makita iyon e. Dahil hindi ko siya kayang tingnan. H

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 11: Tied Up

    "I make you fall in love with me. I promise. We will be happy." Nang tuluyang mag sink in sa utak ko ang binitiwang salita ni Oliver ay pairap ko siyang tinawanan."You what? Make me fall in love with you? Are you drugs? Ilang kwento na ba ang nabasa mo na nagsisimula sa once upon a time, ha? Hindi mo ba nakikita? This is a real world Oliver. A real life. Hindi ito kagaya ng mga pinapantasya mong kwento. Here, there is no prince charming. Wala rin ditong knight in shining armor na palagi darating para protektahan ka. So stop pretending like we were on a fairy tale. Stop acting like you are here to rescue me. I am not your Cinderella and I don't want to be." Mariin kong pagpapa-intindi sa kaniya.Bumuga ako ng hangin. I feel so exhausted. Talagang iniis-str

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 10: Make Y*u Fall In Love

    ? My broken pieces youpick them updon't leave me hanging hangingcome give me someWhen I'm without youI'm so insecure you are the one thing one thing I'm living forI don't wanna be needing your love I just wanna be deep in your loveand it's killing me when your away ohh baby I just really don't carewhere you areI just wanna be there where you are and gonna got one little taste ?Nagising ako sa musikang pumapailanlang sa kapaligiran. Medyo masakit pa ang ulo ko pero, nagawa ko ng makapag dilat ng mata. Sa una'y puro liwanag lang at kulay puti ang nakikita ko ngunit ng tumagal ay isa isa ko ng nakikita ng malinaw ang mga nasa paligid. Sinubukan k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status