LOGIN"Nandito na po tayo."
Napatigil ako sa pagmumuni muni ng sabihin iyon ng driver ni Vanz. Pagtingin ko sa labas ng bintana ng sinasakyan namin ay agad kong binasa ang malaking karatula ng hotel na kinaroroonan namin.
Quinn's Paradise Hotel
Pagmamay-ari ito ng pamilya nina Winsley. Ibinilin ni daddy na dito muna ako manatili habang pinapaasikaso pa niya ang mga papeles ko papunyang abroad. Dahil narin siguro sa sobrang pribado ng island hotel na ito. At since may aasikasuhin daw dito si Vanz ay pinasabay na ako ni daddy sa kaniya.
"You know your way out. Malaki ka na. Bahala ka na sa buhay mo." Mataray na sabi ni Vanz habang bumababa ng sasakyan.
Dire'diretso siyang naglakad papasok sa entrance ng hotel. Nang hindi ko na siya matanaw ay tsaka ako nag desisyon na bumaba narin. Hila ang isang maleta ay matamlay akong naglakad. Ayoko kasi sanang dito manatili. Pero hindi ko nagawang baliin ang salita ni daddy. Hindi ngayon dahil masyado itong matigas. Dahil narin siguro sa sulsol ni tita Esmeralda. Kesyo mas safe daw ang lihim ko sa lugar na ito. Kesyo wala daw makakakita sa akin dito kaya dapat ay dito muna ako.
"Good morning maam. May reservation po ba kayo?" Tanong na salubong sa akin ng babae sa front desk.
"Yes."
"Your name please?"
"Rozelyn Frantazini."
"Rozelyn Anastasia Frantazini. Yes you have a reservation." Kompirmasyon niya. Agad niyang kinuha ang isang card at iniabot sa akin. "Room 304. Ipapahatid ko nalang po ang mga gamit nyo."
"No, ako na. Konti lang naman ito eh, kayang kaya ko na ito." Tanggi ko sabay talikod na sa kaniya.
Minsan na akong nakapunta dito kaya naman alam ko na kung nasaan ang elevator. For sure, hindi narin ako mahihirapang hanapin ang kwarto ko.
Pagdating sa third floor ay agad ko ngang nakita ang kwarto ko. Nakapagtataka lang na hindi naka'lock ang pinto ng kwarto. Pero hindi ko nalang iyon pinansin. Baka kasi nakalimutan lang iyong i'lock ng naglilinis.
Malaki ang bawat kwarto ng hotel, sobra sobra para sa isang tao. Mas malaki pa iyon sa kwarto ko sa mansion. Nang maalala ang kwarto ko ay bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. Pakiramdam ko, ngayon ay nag-iisa lang ako. Wala akong ibang maaasahan ngayon kundi ang sarili ko.
Simula ng tumira ako sa bahay nina daddy at naging bahagi ng kanilang pamilya ay ngayon lang ako nakaramdam ng pag-iisa. Ngayon dahil kahit si daddy ay hindi ko na makakasama.
Dahil sa kalagayan ko ay kinakailangan kong tumira sa ibang bansa at doon mamuhay ng mag-isa sa loob ng isang taon. Iyon ang plano nila para sa akin. Hindi ko alam kung makabubuti nga ba iyon sa akin o hindi. Wala narin akong pakialam. Para naman kasing mali ang lahat ng nagiging desisyon ko eh kaya mabuti pang umasa nalang ako at magtiwala sa plano ni daddy para sa akin.
"Im really exhausted."
Nang mailapag ko na ang dala kong maleta ay agad kong hinanap ang banyo. Balak ko kasing maligo dahil maalinsangan ang pakiramdam ko. Masyado kasing mahaba ang naging byahe namin kaya gusto kong mag hot shower.
Pagbukas ko ng pinto ng shower room ay laking gulat ko ng tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki. Tahimik itong nagbababad sa hot shower. Nang marinig nito ang pagdating ko ay bigla itong humarap sa akin. Nawindang ako ng makita ang kabuuan niya. Wala siyang anumang suot kaya ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko.
Oliver?
"What the fvck?!" Usal niya. Nagsalubong ang kilay niya ng makilala ako. "At ano ang ginagawa mo sa kwarto ko? Are you following me?" Dugtong pa niyang tanong. Kita ko ang galit sa mata niya.
Taranta akong tumalikod para umiwas ng tingin sa katawan niya. Masyado kasi akong napapaso sa nakikita ko.
"Excuse me. This is my room."
"Hoy babae. Ako ang nauna rito. So this is my room!"
"Hindi porket ikaw ang nauna, sayo na."
"And what are you pointing to? Akala mo ba ginusto kong mauna ha?"
"Bakit? Akala mo ba ginusto ko rin yon?"
"Teka nga, yung kwarto pa ba ang pinag-uusapan natin ha?"
"Ah ewan ko sayo!" Galit kong sagot sabay lakad palayo sa kaniya.
Naramdaman ko namang hinabol niya ako hanggang sa matigilan ako dahil sa bigla niyang paghawak sa braso ko.
"Wait-- since nandito ka ngayon ay pwede ba tayong mag-usap? Plano ko rin kasing kausapin ka e." This time ay mahinahon na ang boses niya.
Hindi ko sinubukang harapin siya. Natatakot kasi ako sa makikita ko. This guy! Wala ba kasi siyang balak na magdamit muna? Oo maganda nga ang katawan niya pero my eyes. Nasusunog ang mata ko dahil sa ginagawa niya eh.
"Kung anuman ang sasabihin mo. Pwede pagkatapos mo ng magbihis?" Pagtataray ko.
Bigla akong nabitawan ni Oliver. "Oh sh--t!" Napapamura pa siya tumakbo palayo sa akin.
Mukhang ngayon niya lang na realize na nakahubad siya. Tsk! The nerd!
"Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na
"Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak
ROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog
"Hindi mo gagawin yan." May pagbabanta kong sabi.Ngumisi lang siya. Sinimulan niyang pagapangin ang kamay niya sa pisngi ko. Padabog akong umiwas ng tingin. Nang alisin niya ang kamay niya sa pisngi ko ay tsaka ako muling humarap sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya."Try me." Tila nang-aakit niyang hamon.Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Napapikit na ako. Hindi ko matanggap ang katotohanan na wala akong magawa para pigilan siya sa plano niya. Gusto ko ng umiyak. I am nervous and shaking. Ang kaninang patuloy kong pagmamatigas ay napalitan na ng matinding pag-aalala. I feel so useless. Gusto kong lumaban at umiwas pero wala akong magawa. Hindi ko kaya dahil sa lubid na pumipigil sa akin.Hinawakan ni Oliver ang baba ko. Pinilit niyang iangat ang ulo ko. Dahil nakapikit ako ay hindi ko nakikita ang mukha niya. Ayoko rin namang makita iyon e. Dahil hindi ko siya kayang tingnan. H
"I make you fall in love with me. I promise. We will be happy." Nang tuluyang mag sink in sa utak ko ang binitiwang salita ni Oliver ay pairap ko siyang tinawanan."You what? Make me fall in love with you? Are you drugs? Ilang kwento na ba ang nabasa mo na nagsisimula sa once upon a time, ha? Hindi mo ba nakikita? This is a real world Oliver. A real life. Hindi ito kagaya ng mga pinapantasya mong kwento. Here, there is no prince charming. Wala rin ditong knight in shining armor na palagi darating para protektahan ka. So stop pretending like we were on a fairy tale. Stop acting like you are here to rescue me. I am not your Cinderella and I don't want to be." Mariin kong pagpapa-intindi sa kaniya.Bumuga ako ng hangin. I feel so exhausted. Talagang iniis-str
? My broken pieces youpick them updon't leave me hanging hangingcome give me someWhen I'm without youI'm so insecure you are the one thing one thing I'm living forI don't wanna be needing your love I just wanna be deep in your loveand it's killing me when your away ohh baby I just really don't carewhere you areI just wanna be there where you are and gonna got one little taste ?Nagising ako sa musikang pumapailanlang sa kapaligiran. Medyo masakit pa ang ulo ko pero, nagawa ko ng makapag dilat ng mata. Sa una'y puro liwanag lang at kulay puti ang nakikita ko ngunit ng tumagal ay isa isa ko ng nakikita ng malinaw ang mga nasa paligid. Sinubukan k