MasukA/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.
===========
September 27, 2019
Acquaintance party
Maingay at makalat ang buong room nang madatnan ko. Alas osto y medya na pero kakadating ko lang. Alas dies na kasi ako nakatulog kagabi dahil hinintay ko pa ang message ni Teddy. Wala namang kaso iyon dahil wala naman kaming pasok ngayon dahil September 27 na at acquaintance party namin mamayang alas singko ng hapon.
Maingay dahil abala sa mga paalala ang mga officers sa amin. Lalo na sa mga nakatoka na mag-asikaso sa pagkain at lamesa. Dinagdagan pa dahil sa ingay ng mga baklang make up artist na mag-aayos sa mga kaklase ko mamaya.
Marumi dahil sa mga nagkalat na mga papel na resibo na sa tingin ko ay sa mga kolorete na mga binili nila. Halatang pinaghandaan nila ng sobra ang araw ngayon.
Sinong hindi?
Lagi kaming nakauniporme kaya ngayon ang pagkakataon namin para magpaganda at syempre magpapansin sa kaniya kaniyang crush. Tulad ko...
"Crush!" Tawag ko kay Alas at lumingon naman ito. "Saan ka pupunta?"
"Sa gym. Titignan ko lang ang lamesa at design ng pwesto natin." Sagot niya. Vice chairman nga pala siya sa room kaya abala rin. Ako kasi mismo ang nag-nomenate sa kaniya at nangampanya para iboto at hindi naman ako nasawi dahil nanalo siya sa lamang na isang boto.
"Sama ako."
"Tara!" Pagpayag niya. Agad naman niya akong inakbayan ng makalapit.
Rinig ko pa ang pang-aasar sa aming dalawa ng mga kaklase naming nakakita na binaliwala lang namin.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga kami close ni Alas, nagsimula lang kaming magkalapit na dalawa ng tanongin ako ng instructor namin noon kung sino ang crush ko ng mapunta sa love-love ang topic. Wala namang hiya kong inamin sa buong klase na si Alas iyon. Simula no'n, ay inaasar na kami ng mga kaklase namin at di nagtagal ay napalapit kami sa isa't isa.
Nasanay na rin ako sa paakbay-akbay niya dahil talagang clingy siya. Kahit sinong babae nalang ang inaakbayan. Umaakap pa nga ito sa akin minsan kaya may mangilan ngilan ding pinagkakamalan kaming magjowa na tinatawanan lang namin.
"Wow!" Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa desinyo ng aming pwesto. Kahit nasa gym at bleachers ang uupoan ay nagawan parin ng paraan ng mga officers upang sumakto sa tema naming bohemian.
"Ikaw nag design?" Tanong ko rito na may inaayos sa pahabang lamesa kung saan ilalagay ang mga pagkain namin mamaya.
"Contribute lang. Lahat naman ng officers ang nag-asikaso nito."
"Nice! Mukha tayong nasa beach." Komento ko.
"All of us did it. Lalo ka na," He looked at me. "Pinaglaban mo kung magkano ang amotan kaya ito ang resulta. Kung walang pera, wala rin ito." Tama nga naman. Kuripot kasi mga kaklase ko kaya pinaglaban ko na taasan ang amotan para sa pag-design. Tsaka, sayang rin dahil minsan lang ito, why not win the contest sa pabonggahan ng desinyo sa pwesto, diba? Wala namang masama kung gawin namin iyong goal. Nakafocus lang kasi ang mga kaklase ko sa contest ng pabonggahan ng bohemian attire. But eventually they agreed.
Hindi ko na inistorbo pa si Alas dahil abala na ito sa lamesa at pagkausap sa ibang officers. Tumulong na rin ito sa pagde-design dahil malapit narin naman matapos.
Tutulong narin sana ako ng mapatingin sa akin si Alas na sinasabing 'baka gusto mong tumulong?' Kaya lang ay tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe.
Teddy: "Where are you?"
Ako: "Nasa gym."
Napangiti ako at hindi naiwasang mag-init ang mukha ng maalala ang nangyari kahapon.
"I'm her boyfriend."
Sh*t na malagkit! Nagka-instat boyfriend ako ah! At iyong pinapangarap ko pa talaga!
Sinabi talaga niya iyon kay Alas. I wonder what Alas is thinking now? Naniwala kaya siya? Hindi pa kasi niya ako tinatanong.
"Hoy!" Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Alas.
"Ba't ka ba nanggugulat?" Kunwaring inis kong sabi.
"Hindi ako nanggugulat. Magugulatin ka lang, huwag ka kasi masyadong magkape," anito at inakbayan nanaman ako at naglakad na palabas. Babalik na siguro kami sa classroom. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Namumula ka pa. Nanunuod ka ng porn no?"
Awtomatiko namang gumalaw ang braso ko at siniko siya sa tiyan.
"Gago!"
Tumawa lang siya dahilan ng pagtinginan kami ng mga nakakasalubong na estudyante samahan pa na nakaakbay ito sa akin. Nagmumukha talaga kaming magjowa.
"Bibig mo." Ayaw nga pala nitong nagmumura ako.
"Sorry."
Pagdating sa room ay ang matinis na boses ni Jercel ang sumalubong sa amin.
"Clariz!"
"Bakit? Mabibinge ako sayo."
Lumapit ito sa akin at akmang yayakap pero hindi naituloy ng makitang nakaakbay pa si Alas sa akin.
"Umaga pa para lumandi!" Nameywang ito sa harap namin. Nakatingin narin sina Althea, Jamaica, Rhealyn at Decilyn sa amin. Pati rin ang mga kaklase at mga baklang nasa room namin ay nasa amin na rin ang tingin. "Hindi makapaghintay mamaya sa party?"
"Nagdate lang kami sandali. Huwag kang magselos, ida-date rin kita mamaya." Sabi ni Alas kay Jercel.
"Talaga?" Ani Jercel na nakangiti pa.
"Hey!" Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Alas sa akin. "You two cheating infront of me? The hell!" Natawa nalang ang mga nakikinig.
"Don't worry crush, ikaw parin naman pipiliin ko." Balik landi naman ni Alas sa akin at kumindat pa.
"Asus! Two timer ka!" Pabirong bintang sa akin ni Jercel. "Ayan oh, may pumunta dito naghatid ng snack mo. Taray!" Sabay abot ng supot ng platik na may lamang c2 na pula, isang biscuit, isang sandwich at chocolate na goya. Simpleng snack lang iyon pero nagpatalon na sa tuwa ang puso ko. Syempre, first time na nangyari ito sa akin.
"Kanino galing?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya "Hindi ko alam."
Tinignan ko ang mga kaibigan ko pero sabaysabay silang umiling. "Hindi naman kasi nagpakilala. Basta ang sabi niya, hatid ka raw niya mamaya." Ani Althea.
Sa salitang 'hatid' ay alam ko na kung sino iyon. Is it Teddy? I hope it's him.
Gamit ang kanang kamay ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon at nag message rito.
Ako: "Sayo galing ang snack?"
Mayamaya pa ay nagreply ito.
Teddy: "Oo. Iniwan ko nalang sa classmate mo dahil wala ka. Fifteen minutes lang kasi break namin kaya hindi na kita nahintay."
Ako: "Thank you."
Teddy: "Sorry kung 'yan lang. Sa canteen ko lang kasi yan binili. Sana nagustohan mo."
Clariz: "It's the thought that counts. Thanks."
Alas tres na nang magsimulang mas gumulo ang classroom namin. Kung kanina ay maingay at marumi ngayon ay mas tumindi pa.
Nagsimula na kasi silang mag ayos. Sa dami nila ay kukulangin ang dalawang oras para ayosan. Buti nalang ay iba ang mag-aayos sa amin nina Althea kaya hindi kailangang magmadali.
Buhok muna ang inayos sa amin habang ang ibang classmates namin ay mini-make up-an na.
Nagpi-picture picture kami nina Jamaica, Jercel at Althea nang tawagin kami ni Rhea dahil tapos na silang ayosan ng buhok nila ni Decilyn kaya kami nanaman ni Althea. Tapos narin kasi sina Jercel at Jamaica.
Wala naring lalaki sa buong room puwera sa mga baklang kasama namin. Dito na rin kasi kami magbibihis kasama ang mga classmates na babae.
May nagbibihis na sa likorang bahagi ng room ng biglang may dalawang lalaking sumulpot at walang pasintabing binuksan ang pintoan ng room kaya agad namang napasigaw ang mga nagbibihis.
Dali dali ko namang sinipa ang pintoan para maisara dahil nakaupo ako malapit dito kung saan abot lang ng paa ko.
"Mga gago!"
"Umalis nga kayo dito!"
"Magsabi kayo kung may kailangan hindi iyong bubuksan niyo nalang agad ang pintoan!"
Iilan lang iyan sa mga sigaw na reklamo ng mga nagbibihis na muntikan ng makitaan.
Lumabas si Jamaica upang kausapin or more like pagalitan ang mga lalaki kaya naman sinondan na nina Rhea, Jercel, at Dess. Matapang kasi si Jamaica kaya kailangan ng tagapagpigil.
Nagkatinginan kami ni Althea dahil pareho naming gustong makiusyuso pero inaayosan pa kami.
"Hoy Clariz!" Rinig kong sigaw ni Jamaica mula sa labas. Nagkatinginan ulit kami ni Althea dahil halatang naiinis ang tono nito.
"Bakit?"
"Lumabas ka bruha!"
Tinignan ko ang baklang nagkukulot ng buhok ko upang magpaalam sandali. Ganoon rin ang ginawa ni Althea.
Binuksan ko ang pinto na sakto lang ang siwang para makalabas dahil may nagbibihis pa. Nakasunod naman sa akin si Althea.
"Bakit?" Tanong ko ng makalabas.
"Bakit hindi mo sinabi na may manliligaw ka?" Inis na saad ni Jamaica na nakaturo pa sa lalaking nasa gitna at may hawak na plastik.
"Manliligaw?" Pinasadahan ko ng tingin ang turoturong lalaki. "Eh hindi ko nga 'yan kilala."
"Eh bakit kilala ka nito?" Aniya at nakaturo parin sa lalaki.
"Ikaw ang hanap Clar." Sabi naman ni Decilyn.
Kunot ang noo kong hinarap ang dalawang lalaki lalo na ang tinuro ni Jamaica.
"Do I know you?" Tanong ko.
"Hindi." Sagot ng nasa gitna. "Pero si Teddy, Oo."
Nanlalaki ang mata ko ng marinig kong banggitin nito ang pangalan ni Teddy.
"Kilala niyo siya?"
"We're friends." Anito sabay abot ng supot ng plastik. "Pinabibigay pala niya at sabi 'pasensiya na ulit kung pagkaing canteen nanaman. Don't worry ngayon lang ito'. Medyo busy pa kasi daw siya."
"Ahm..." tinanggap ko ang supot. "T-thanks."
Alam na ng mga kaibigan niya? Sinabi nito sa kanila? Habang ako ito tinatago ko muna. Anong sasabihin ko sa mga kaibigan ko?
"He's right. You're beautiful." Sabi naman ng isa. Familiar silang dalawa.
"Hindi pa naayosan 'yan. Paano nalang mamaya?" Litanya ng nasa kaliwa.
"Sige Clariz, alis na kami." Paalam ng nasa kanan.
Ako naman ay bumalik na sa loob at umupo ulit sa upoan para masimulan na muli ang pag-aayos sa buhok ko, ganoon din si Althea habang nakatayo naman sa harap namin ang apat.
"We seriously need an explaination." Jamaica na nakapameywang nanaman.
"Who's Teddy?" Tanong ni Rhea.
"So, you really have a suitor," saad ni Dess at hinila ang isang upoan palapit at pinuwesto sa harap ko. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"So I was right!" Lahat kami napabaling kay Althea ng magsalita. Kinabahan naman ako bigla.
"What do you mean?" Tanong ni Jercel rito.
"Tama ako na ikaw iyong nakita ko kagabi sa park. Akala ko nga namamalik-mata lang ako pero ikaw pala talaga iyon."
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at iniharap sa apat na nasa harap ko. Gusto ko ring makita pero hindi ako makatayo dahil inaayosan pa.
"Nakipag-date ka kagabi?!" Gulat na na tanong ni Jamaica.
Laglag ang panga ko na tumingin kay Althea ng makita ang litrato namin ni Teddy na kumakain at nakaakbay sa akin.
She really did see us last night.
"Let me explain..." ako at nagsimulang magsalita mula noong una kaming magkita anim na buwan na ang nakakaraan hanggang noong una itong mag-chat sa akin at ngayon.
Pero hindi ko dinetalye ang pagkukwento. Ayaw ko munang malaman nila na nagkagusto ako agad kay Teddy. Ayaw kong malaman nito na iniyakan ko na si Teddy ng ilang beses simula ng una ko itong makita.
"Paano na si Ace niyan?" Si Jercel.
Napabaling ako sa kaniya dahil sa tanong niya. "Alam naman nating lahat na walang kami. Tsaka, halata namang nakikisabay lang siya sa trip ko."
"Sabagay," kibit balikat nito na sinang-ayonan nina Rhea at Dess.
"Bahala ka diyan sa love life mo. Support lang kami pero if may problema, andito kami at pwede mo kaming lapitan." Ani Althea.
Bigla namang nag-iba ang reaksiyon ni Jamaica. "Pero kapag ikaw niloko ng Teddy na iyan sabihin mo para alam namin kung paano siya isa-salvage."
At that moment, I show them my wide genuine smile.
Naiwan man akong mag-isa dahil nagkahiwahiwalay kami ng nauna kong barkada, napakaswerte ko naman dahil may mga taong dumating sa buhay ko na pareho ring totoo sa akin.
Nasa labas kami ngayon ng gym at nakapila. Padilim na ng magsimula ang event. Alphabetical order ang pila at dahil nga letter V ang simula ng apelyido ko nasa pinakahulihan ako kahit pa mas matangkad ang iba kong kaklase.
Alphabetical para malaman kung sino ang mga mananalo sa mga special awards sa event.
"Let's welcome the first year BS-Entrepreneurship!" anunsiyo ng emcee sa section namin.
Agad kong nakita ang simple pero tudo bigay na cat walk ni Althea na nabagay sa suot nitong bohemian terno attire na short at crop top off shoulder na kulay puti at red. Ito ang unang rumampa dahil sa apelyido nitong nagsisimula sa letter A na Arellano.
Ganoon rin ang ginawa ng lahat ng kaklase ko. Sanay ako sa mga party pero hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng damit. Magkapareho kami ni Althea, kulay lang ang na iba dahil kulay beige ang sa akin.
Aalis na sana ako sa pila bago pa matawag ang pangalan ko dahil nahihiya ako. Isa pa, wala naman sa goal ko ang mapili sa mga special awards maliban sa manalo ang buong section namin.
Nakakaisang hakbang palang ako ng may humawak na sa braso ko at pinanatili sa pwesto. Paglingon ko ay si Alas pala.
"What?"
"Don't think to run away." Anito na alam yata ang balak ko.
"Mag-c-cr lang kaya ako." Palusot ko.
"It won't work on me crush," he take a step forward and leaned a little. "I know you're not into this kind of party with that kind of clothes on. But you don't have a choice."
Napalingon ako sa nag-iisang classmate na natira sa linya bago ako. Sh*t! Kailangan ko ng makaalis bago pa ako mapahiya.
Pero hindi ko magawa dahil kay Alas. "I'll walk with you."
"Ha? Pero lalaki ka-"
"And I'm the first in line." hinawakan niya ang kamay ko at iniangkla iyon sa sariling braso. "Just go with the flaw."
"Viado, Clariz Faye!" Tawag ng emcee sa akin.
Hindi ako gumalaw pero wala akong nagawa ng hilahin ako ni Alas papasok sa entrance ng gym. Hindi na ako nagmatigas pa nang makapasok dahil masnakakahiya kapag nakita akong hilahila nito.
"Oh, Ms Viado is assisted by Mr Avinio, Martin Ace."
Nakisabay narin ako sa paglalakad sa pulang karpeta sa gitna ng gym. Confident na confident kung maglakad si Alas kaya kahit nahihiya ay hindi ko hinayaang magmukhang alalay kaya huminga ako ng malalim bago inangat ang ulo at confident na rumampa.
Subalit hindi ko inasahan ang biglaang pagpapaikot ni Alas sa akin sa gitna ng paglalakad kaya naman ay muntik na akong matumba lalo pa't mataas na sandal ang pinag-partner ko sa suot. Buti nalang ay nasalo niya agad ako. Napahawak ako sa dibdib niya at ito naman ay nakahawak sa likod ko.
"Smile crush. Papangit ka." Bulong pa nito.
Muli kaming huminto sa pinakadulo sa harap ng red carpet upang makuhanan ng litrato.
Magkahalo namang pang-aasar at papuri ang namutawi sa pwesto namin ng makarating. Inihatid muna niya ako sa uupoan ko katabi ng mga kaibigan ko bago siya bumaba at umupo sa upoan niya malapit sa lamesa na may mga pagkaing nakahain. Doon kasi uupo ang lahat ng officer.
Nang matapos ang rampahan ay sari saring speech ang naganap at presentation ng bawat section. Nauna ang presentation namin na sumayaw.
Sa gitna ng panonood sa presentation ng ibang section ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Teddy: "You got another boyfriend?"
Nagtaka ako sa nabasa. Boyfriend? Another boyfriend? What the hell!
Ako: "And where did you get that information?"
Teddy: "Bakit, hindi ba?"
Ako: "Maling mali! Anong another boyfriend? Wala akong boyfriend."
Teddy: "I saw it with my own eyes. You and that Avinio guy."
Avinio? Si Alas! Oo crush ko ito pero hindi ko siya boyfriend at alam iyon ng buong klase. Tsaka tinulongan lang niya ako kanina- wait... is he jealous?
Ayaw kong mag-assume pero iyon ang naiisip ko. Pero bakit naman ito magseselos? Hindi naman niya ako gusto.
But he introduced himself as my boyfriend! Does that mean he likes me too?
Ako: "He's just a friend and classmate."
Teddy: "Paisa isa ang rampa hindi by partner."
Ako: "Yes pero hindi ko kasi kayang maglakad sa gitna na ganito ang suot. Nakita mo naman siguro ang suot ko diba? Tinulongan niya lang ako kaya kami magkasabay."
Teddy: "Kailangang nakahawak talaga sa beywang at likod? Hindi nakontento sa kamay mo? Chansing na 'yon."
Napasinghap ako sa ini-reply nito. Wala namang malisya sa mga galaw ni Alas ah.
Wala sayo pero sa iba meron. Napagkakamalan nga kayong magjowa diba? Komento ng isang maliit na boses sa isip ko.
Kunti nalang talaga iisipin kong nagseselos siya.
Magre-reply na sana ako pero lumitaw na ang pangalan nito sa screen ko.
Teddy calling...
He's calling through voice call.
Sasagotin ko na sana iyon ng biglang masagi ni Althea ang kamay ko ng bigla itong tumayo at humiyaw dahilan para mahulog ang cellphone ko.
Saglit kong tinignan ang stage upang malaman kung bakit biglang humiyaw ang mga kaklase ko at napatayo pa pero ang pagba-bow nalang ng mga nasa stage ang nakita ko.
Matapos mapulot ang cellphone ay saktong natapos ang tawag. Buti nalang hindi nasira ang cellphone ko.
Muling lumitaw ang pangalan at litrato ni Teddy sa screen. Nasagot ko ang tawag pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magsalita dahil biglang naghiyawan nanaman ang nga kaklase ko. Nagwawala na sila dahil sa bakla naming chairman na nasa stage at may kasamang lalaki.
Dahil sa pagwawala nila ay natutulak ako pababa hanggang sa naitulak na nga ako.
"Ahh!"
Napapikit nalang ako at inihanda ang sarili sa pagtanggap sa sakit na makukuha ko sa pagbagsak. Pero minuto na ang lumipas ng hindi ko iyon naramdaman.
"Faye," rinig kong banggit ng kung sino.
My eyes widen when I saw Alas face inch apart from me. I'm still steping at the stairs but I'm leaning on Ace. I felt his hand caressing my back to control my weight for us not to fall down.
Nagkasalubong pa ang titig naming dalawa. I saw his cheecks blushed. Even his ears got red.
When my phone rang and showed Teddy's name and picture on the screen, doon ko lang napansin ang posisyon naming dalawa kaya naitulak ko siya na sana hindi ko nalang ginawa.
Ang kaninang hiyawan ng mga kaklase namin dahil sa katuwaan sa stage ay napalitan ng hiyawan dahil sa nangyari sa amin ni Alas.
I pushed him away that I forgot that I'm still steping on the stairs that make me fall down because of my stupid move.
I heard a groan pero agad ding nawala nang maglapat ang labi ko sa labi ni Alas.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Alas at nakatitig sa mga mata. Rinig ko pang napasinghap ang mga kaklase naming nakatanaw sa nangyari. Lumapit pa ang ilang estudyante sa amin para makiusyuso.
Napabalikwas lang ako ng tayo nang may flash na lumitaw.
My phone keep ringing. Hindi ko alam pero bigla akong nagpanic. Napabaling ako sa pinto ng gym sa hindi malamang rason. Nang makita si Teddy roon ay mas lalong gumulo ang utak ko.
Nakahilig siya sa tabi ng glass door. Nakapaloob ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng itim na unipormeng suot habang hawak naman nito ang cellphone sa kanan at nakatingin ng deritso sa akin.
Hindi ko alam kung anong lumabas na reaksiyon sa mukha ko basta umiling ako sa kaniya na para bang sinasabi ko sa kaniya na mali ang iniisip niya lalo pa't inakala nitong boyfriend ko si Alas. Itinanggi ko pero nagkahalikan kami. Ano 'yon?
But it was just an accident!
Naririnig ko ang pangkamusta at pagtawag nina Althea at ilang kaklase sa akin pati na rin ang mga instructor pero parang bubuyog lang iyon sa pandinig ko dahil na kay Teddy ang buong atensiyon ko.
Nang makitang umalis ito mula sa pagkakahilig ay naalarma ako.
Isinilid nito ang cellphone sa bulsa at dahil nasa pinto siya at agad siyang nakalabas.
Marami ang gustong kumausap sa akin pero nilagpasan ko lang silang lahat pati ang mga instructor namin at tumakbo para sundan si Teddy.
"Faye!" Rinig ko pang tawag sa akin ni Alas pero hindi ko na pinansin.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot. Habang tumatakbo ay nanlalabo ang mata ko sa pamumuo ng luha.
Galit ba siya? Sana hindi.
Nang makalabas sa gym ay agad kong inilibot ang paningin para hanapin ito pero hindi ko siya mahagilap.
I tried ko call him through voice call even though he's offline. Nagbabaka sakali. I don't have his phone number so there's no other way to contact him.
"Where are you?"
"Please let's talk."
"Let me explain. Ace is not my boyfriend."
"Please reply. Please."
"It was just an accident. The kiss doesn't mean anything."
Sunod sunod kong message sa kaniya kahit pa malabong mabasa niya iyon ngayon dahil offline nga siya.
Nagtagal ako sa kinatatayoan ko sa labas ng gym at palinga linga nang magdesisyon akong hanapin na siya.
Kung kinakailangan kong libutin ang paaralan gagawin ko makausap lang siya.
Una kong pinuntahan ay ang building nila. Hindi ko na inalintana ang dilim ng paligid. Umiiyak na rin ako habang hinahanap siya.
Nakailang building na akong napuntahan at inisa isa ko talaga ang bawat classroom, pati ang cafeteria ay pinuntahan ko rin pero wala.
Malapit ko nang matapos libutin ang paaralan nang mapadaan ako sa green field hindi kalayoan sa hagdan. May napansin akong aninong nakatayo sa ilalim ng puno ng narra.
Nilapitan ko iyon at nang mapansing nakauniporme iyon ay mas lalong lumakas ang kutob kong siya iyon lalo pa't malakas din ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa palapit ako sa kaniya o dahil ito kanina at sa kaba at takot na baka kung anong isipin niya sa akin.
"T-teddy?" Tawag ko.
Lumingon ito at siya nga. Sinalubong nito ang tingin ko na walang mababasang reaksiyon.
"I-it was j-just an a-accident-"
"You don't have to explain." Putol niya sa sasabihin ko.
"No. Please, hear me out." Pagsusumamo ko.
"Why are you crying?" He asked. "I'm bored that's why I came here." Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi dahil seryuso ang mukha niya.
I swallowed hard. "H-he's n-not my b-boyfriend, please-"
"I told you you don't have to explain." He said firmly. "Why are you crying?Why are you explaining? We're not a boyfriend and girlfriend, Clariz. We're not even a thing." He said that break my heart into pieces.
Oo nga pala. I forgot that this love is just a one sided. Nag-assume ako dahil lang sa paghatid niya sa akin. Hindi nga niya ako kilala diba? Pero kung hindi niya ako kilala bakit niya ako inihatid?
Wala ba talaga siyang nararamdaman ni katiting sa akin? Kung wala bakit niya ako pinadadalhan ng snacks? Bakit niya ako chi-na-chat?
Napaiwas ako ng tingin ng may maalala. "Y-you said y-you're my b-boyfriend,"
"Am I?" He take a step forward and held my chin to make me look at him. "Sorry dahil nasabi ko iyon kahapon. To be honest, your cousin Antonio asked me to drive you home. He wants to talk to me kaya isabay na rin daw kita." Si Kuya Toto?
Dahil sa sinabi niya ay maslalo pang sumakit ang dibdib ko sa nalaman.
Walangya!
Akala ko inihatid niya ako dahil ginusto niya, pinakiusapan lang pala siya.
"H-how about the d-dinner?" I asked. Still hoping.
"I'm hungry that is why I asked you too." He said and take a step backward and looked at the trees dancing by the wind. "I received a message from Sir Antonio that he's not in their house and that he'll be late so I asked you to eat first."
Walang panumbaling akong tumango tango sa sinabi niya. Naiintindihan ko na. Wala lang naman sa kaniya ang mga ginawa. Ako lang ang nagbigay ng ibang kahulagn niyon.
"Remember what I told you, I can't face your parents."
Once again, my heart broke for the second time.
It's our party and I should be happy but I am crying like a broken hearted.
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 04, 2019The day: Unscared FiestaMaaga akong nagising hindi dahil sa maaga ang pasok ko kundi dahil sa maagang paghahanda dahil fiesta. May handa kasi kami ngayon kompara noong nakaraang taon na nakihalo lang kami kina Uncle Juanito.Kaninang madaling araw pa gising sina Mama at Papa dahil nagluluto kasama ang iilan nilang kaibigan na tumutulong.Alas nuwebe pa ang pasok ko ngayon kaya nakatulong pa ako sandali. Naitext at natawagan ko na rin ang iilan sa mga kaibigan ko para imbitahin.Masaya akong naghanda para pumasok. Nai-chat ko na rin ang mga kaklase kong huwag mag uniporme o 'di kaya'y magdala nalang ng extra par
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 03, 2019Seven thirty ang oras ng pasok ko dahil thursday pero lagpas alas otso na ako dumating dahil natakot akong lumabas ng bahay. Baka kasi nasa kanto lang ulit ang mga kasamahan ni Ian.Tinext ko rin si Teddy na kung pwede masundo niya ako kasi natatakot ako pero wala siyang reply.I wanted to open it to my parents but there's no voice coming out on my mouth. I wanted to ask for their help but I don't want them to worry.Wala naman silang ginawa sa akin bukod sa takotin ako. Kaya iyon nalang ang inisip ko na hanggang salita lang sila at hindi pa rin nila kayang manakit lalo pa't iniligtas nga ako ni Ian sa muntikang pagkakabangga.
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 02, 2019Matamlay akong bumangon dahil pagkatapos kong iwan si Teddy kagabi ay hindi man lang niya ako sinundan o kahit man lang text wala.Nawalan ako ng gana kagabi pero mas tumudo iyon ng makita ko si Carlita. I even heard her conversation with her friends..."He already have a girlfriend, Car. Give it up already!""No. I am his girlfriend, Nat. And he loves me. He's just using that girl.""You're being a relationship breaker.""I am not. Teddy is still mine even after we broke up.""You mean, leaving him and chosing that fucking frat guy.""Shut up!"Using. Is he r
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 01, 2019Nagulat ako dahil paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Teddy sa sala. Prenteng nakaupo sa single sofa at kausap si papa na libang na libang naman rito."What are you doing here?" Sinilip ko ang wall clock at nakitang quarter to seven pa. "Ang aga mo ah? Wala ka bang pasok?""Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. Nahiya naman ako dahil hindi ko man lang siya binati. "I'm here to fetch you.""Galing ate ah, may tagahatid-sundo ka na. Makakatipid ka sa pamasahe." Ani Grace."Grace, kumain ka na nga lang. Baka ma-late ka pa." Saway ni Mama. "Huwag mo ng asarin 'yang ate mo at nagdadalaga.""Ma!" Ram
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========September 30, 2019Araw ng Lunes at alas otso ang first period namin ngayon pero alas syete pa lang ay nasa room na ako. Isa isa kong nilagyan ng bracelet ang desk nina Althea, Decilyn, Jamaica, Jercel at Rhealyn. Bracelet iyon na kahoy na na pinaukitan ko ng mga pangalan nila at endearment ko sa kanila na babe. Binili ko iyon kagabi sa park kasama si Teddy. Meron din nga ako, eh. Bibili rin sana ako para sa aming dalawa pero wala akong nagustohan na pang couple.Bumili din ako kanina ng chocolate na goya at maliit na tube ng stick-o dahil alam kung mahilig sila roon. Tig-isa sila. May sticky note rin akong dinikit roon na may sulat na "sorry babe. Hindi na maulit. I love you."Nanghiram
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========I flipped the next page and was about to read when someone tapped my shoulder."Busy ah, uwian na." It was Miguel. He already have his bag on."Tara na, pre." Si Christian naman na isinusuot pa ang bag sa likod.I roam my eyes and saw my classmates getting ready to go home. I frowned. "Tapos na ang klase?""Ha?" Kunot noo'ng tanong ni Miguel."Pre, uwian na. Hindi pumasok ni prof," Si Christian habang tumatawa.Ganon ba ako katagal nahumaling magbasa na hindi ko na namalayang wala ang prof, at uwian na? Kung ganon lagpas dalawang oras ako nagbasa?"Ano ba 'yan?" Miguel ang was about to steal the black notebook or shoul