LOGINA/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!
Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.
==========
September 28, 2019
First rose, first love
Nagising ako dahil sa paghilab ng tiyan ko. Patakbo akong tumungo sa banyo at sumuka. Umupo ako sa sahig ng banyo at sumandal sa pader tsaka pumikit dahil nahihilo pa sa sakit ng ulo.
"Sh*t! Hindi na talaga ko iinom." Hindi pa ako nagmiminutong nakaupo ay muli nanaman akong nasuka.
Habang nakayuko at sumusuka ay may biglang humahaplos ng likod ko. Gusto kong lingonin pero hindi ko magawa. Patay ako kapag si Mama 'to. Sana si Papa dahil pagsasabihan lang ako at hindi papagalitan.
Magsasalita sana ako para mag-sorry pero inabotan ako ng isang basong tubig. Tinanggap ko at nagmumog.
Pumipintig ang ulo ko sa sakit at nahihilo kaya muli akong napasandal sa pader at pumikit para indahin ang sakit.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may bumuhat sa akin. Dumilat ako at nakitang lalaki iyon. Si papa. Agad akong pumikit nang lilingon ito sa akin. I need to ready myself for explaination.
Ibinalik ako ni papa sa kama ko at pinahiga. Nanatili akong nakapikit hanggang hindi ko siya nakakalabas. Takot ko lang.
"Kukuha lang ako kakainin mo."
Dumilat lang ako nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto.
Bakit iba yata ang boses ni papa ngayon?
Muli akong pumikit nang makarinig ng yabag.
"Get up," si Papa ba talaga 'to? Kailan pa nag English si papa? "You should eat and take your med."
Inalalayan niya akong umupo. Isang maliit na bowl na may lamang noodles na umuusok pa ang bumungad sa aking harapan.
Kukunin ko na sana para ako na pero iniwas ni iyon "Let me." Napabaling naman ako kay rito para asarin dahil nag-e-english pero iba ang nakita ko.
Nanlalaki ang mata ko sa nakita. Why is he here? Ewan pero bigla nalang nawala ang kalasingan ko nang makita si Teddy sa harap ko.
Agad akong napabangon sa gulat kaya medyo natapon sa akin ang laman ng bowl. Hindi ko na nga inalintana ang init niyon pero siya parang nataranta sa kakapunas sa hita ko gamit ang kamay niya.
Dumoble ang lakas ng pintig ng puso ko nang maramdaman ang maiinit niyang palad na lumapat sa balat ko. Agad ko namang iniiwas ang sarili sa kaniya.
"What are you doing here?" Hindi pa siya nakakasagot ay lumabas na ako para hagilapin sina mama at papa pero tahimik ang bahay.
"Where are they?" Nilibot ko na ang bahay pero wala akong nakita ni anino nila. Pati mga kapatid ko wala. "Asan ba sila?"
"Nakina Sir Antonio." Sagot niya kahit hindi siya ang tinatanong ko.
"Bakit?" Humakbang siya ng isang beses kaya napahakbang din ako paatras ng isang beses. Nang makita ang ginawa ko ay huminto siya at nanatili nalang sa kinatatayoan.
"Birthday ng uncle mo diba?"
Birthday? Napatingin ako sa kalendaryo sa likod ng pinto na nakasara. September 28. Birthday nga ni Uncle Juanito!
"K-kung ganon. Anong g-ginagawa mo d-dito?" Hindi ako makatingin ng deritso sa kaniya.
"You're drunk." He simply answered. Para bang iyon ang sagot sa lahat ng tanong ko.
Napalunok ako sa kaba. "O-okay na ako. P-pwede ka ng umalis." Bakit ba ako nauutal?
Eh ano naman kung lasing ako? As if naman may pake siya diba?
"You need to eat first. Anong oras na hindi ka pa kumakain. Hindi ka ba nagugutom?" Napalingon naman ako sa wall clock dito sa sala. Lumuwa naman ang mata ko.
"Mag-aalas kwatro na?"
Ganon ba ako ka lasing para magising ng alas kwatro ng hapon?
"Also, you need to take your med para mawala ang sakit ng ulo mo. May hang over ka." He sounded like a concerned boyfriend. As if naman. Nagsisimula nanaman akong umasa.
"I can handle myself now. Thanks. Pwede ka nang umalis." I tried again to sue him but he didn't listened to what I said.
He go back to my room and bring the soup. He put it on the table near me since we're here at the living room.
"You don't have to do this, Teddy." But he still didn't listen.
Kumuha siya ng basong tubig sa kusina at inilapag iyon sa katabi ng soup bowl. Pati rin pala ang tubig kanina natapon.
"Thanks. Pwede ka na umalis."
I tried for the third time. Akala ko ay makikinig na siya sa akin this time nang napahinto siya pero pagkalipas ng ilang segundo ay nagpatuloy siya sa kung ano mang gagawin niya.
Pumunta siya sa kusina at pagbalik ay may dala ng basahan. Pumasok siya sa kwarto kaya sinundan ko. He's cleaning my room.
"What are you doing?"
Nakakahiya! Siya pa talaga ang naglilinis niyon.
Nilapitan ko siya at aagawin na sana ang basahan para ako na ang gumawa nang huluhin niya ang kamay ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago niya ako dinala sa sala at sapilitang pinaupo sa harap ng lamesita kung saan niya inilagay ang pagkain.
"Eat."
Isang salita lang iyon pero ramdam mo ang awtoridad sa tuno niya kaya kumain na rin ako dahil sa pagkalam ng sikmura. Bumalik naman siya sa kwarto para siguro ipagpatuloy ang paglilinis roon.
Habang kumakain ay bumubuo na ako ng salita para sabihin kay Teddy. Simula sa pagpapasalamat, sa pagtatanong kung paano ako nakauwi at sa pagtataboy sa kaniya dahil hindi ko na talaga kaya na makasama siya rito sa bahay na kami lang dalawa dahil wala siyang alam kung anong epekto ng presensiya niya sa akin.
Nakaupo lang naman ako at kumakain pero kinakapos pa rin ako ng hininga. Siya naman itong naglilinis pero ako ang hinihingal.
Saktong pagkatapos kong kumain at mainom ang gamot ay siyang paglabas niya ng kwarto. Sandali lang niya ako tinignan dahil agad na nalipat sa kubyertos ang tingin niya. Liligpitin ko na sana pero naunahan niya ako.
"Ako na-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang tignan niya ako sa mata ng seryoso. Damn!
Narinig ko ang pag-agos ng tubig sa gripo at ang pagtunog ng mga plato. Tumayo ako at sinilip siya at tama nga ako dahil naghuhugas siya ng plato.
Minabuti ko namang pumunta sa cr para magtooth brush dahil nakakahiya ang hininga ko kapag kinausap ko siya mamaya.
"Bakit ka naglasing?" Seryoso ang mukha niyang tanong sa akin habang nakatayo sa harap ko habang ako ay nakaupo sa sofa at nakayuko. Sesermonan yata ako.
"Bakit ka naglasing?" Ulit niya.
"Gusto kong sulitin ang kagabi." Ang tanging naging rason ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na dahil sa kaniya kung bakit ako naglasing.
"Sulitin? Hindi pa ba sulit iyong party sa school na natapos ng alas dose ng hating gabi?" Matalim na ang kaniyang tingin ng silipin ko. "Alam kong nakainom ka na sa party pero pati ba naman sa labas na alam mong wala kang kasama? Pinigilan ka na ng mga kaibigan mo pero hindi ka nakinig." Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siyang sermonan ako.
"Iinom inom ka hindi mo naman pala kaya. Paano kung may nangyaring masama sa'yo doon? Hindi ka makakalaban kasi lasing ka. Sa subrang kalasingan mo nakatulog ka na." Hindi nga siya si mama o si papa pero hindi pa rin ako nakatakas sa sermon. "Kung hindi pa ako dumating malamang na-rape ka na."
Napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Rape?"
Sa halip na sagotin ang tanong ko ay tinanong niya ako.
"Did you remember what happened last night?"
Inukalkal ko ang utak ko bago umiling ng walang maalala. Sh*t! Ito na nga ba eh. Kaya ayaw kong malasing dahil baka may ginawa akong hindi maganda tulad ng una akong malasing.
Pumikit siya na para bang pinipigilan ang sariling magalit. "Huwag ka ng ulit babalik roon. Huwag ka ng iinom."
I didn't answer him. I didn't nod nor shook my head instead I asked him.
"Anong oras ako nakauwi?"
"Nearly eight in the morning."
Medyo nanlaki ang mata ko sa narinig. Umaga na ako nakauwi? How the hell that happened?
"Sinong nag-uwi sa'kin dito?"
"Who do you think?"
Napaiwas ako ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?" At sinilip siya.
"Ano bang ginagawa ko?"
"Bakit mo ako inaalagaan?"
"Ano sa tingin mo?"
"Can't you just answer my question?" Naiinis kong sabi. Tama bang sagotin ang tanong ko ng isa pang tanong?
"Bakit tayong dalawa lang dito?"
"I already answered that question."
Naiinis na talaga ako. Hindi na nga magkandaugaga ang tibok ng puso ko sa kaba hindi pa niya ako sasagotin ng maayos.
"Pwede ka ng umalis. I can handle myself. Thank you and sorry sa abala." At mabilis akong naglakad sa kwarto at ni-locked iyon.
Nagkulong lang ako sa kwarto hanggang sa tuloyang gumabi. Nakaupo lang ako sa study table ay nanonood ng movie nang tumunog ang cellphone.
Kiddy calling...
"Yeap?" Bungad ko sa pinsan.
"Where are you?"
"House. Why?" I boredly answered.
"Are you sober now?"
"Bakit?"
Hindi na talaga ako titigilan ng salitang 'bakit' na 'yan. Kung pwede lang 'yan burahin, binura ko na.
"Come on, gala tayo! Andito kami kina Uncle Juanito. Kompleto na kami, ikaw nalang kulang."
Agad akong na-excite sa alok nilang gala.
"Alright!" Iyon lang at binaba ko na.
Malapit na talaga ang fiesta kaya marami na ring gumagala sa park. Ang pagkakaalam ko rin ay may pageant sa gym.
Agad akong naligo at namili ng susuotin pero ilang minuto na akong nakakatitig sa closet ko wala pa rin akong napipili.
What should I wear? A sexy one like what probably Joy and Jane wearing right now or my usual get up which is jeans and shirt?
The image of Carlita Menendez, Teddy's girlfriend wearing a sexy shirt made me realize one thing.
Maybe Teddy doesn't like me because of my nature get up? Some people think I'm a lesbian. Did he thought of that too?
Pinasadahan ko naman ng tingin ang katawan ko pero imbes na magkaroon ng lakas na loob na magsuot ng pambabae eh nanlumo ako dahil sa kaalamang lamang si Carlita sa kagandahan sa akin eh mas maganda rin ang katawan niya.
But in the end, I end up wearing a crop top spaghetti strap maroon and white short. Kita ang tiyan ko dahil hanggang ibaba lang iyon ng dibdib ko. Ngayon lang ako gagala na ganito ako suot. Pinaresan ko iyon ng rubber shoes na pinaghalong maroon at puti dahil sa park kami pupunta at perya na maraming tayo. Mahirap kung magsasandal ako. Hindi naman ako mahilig sa make up kaya pulbo lang at liptint ayos na ako.
Kinuha ko ang sling bag na maroon at doon inilagay ang cellphone, wallet, powerbank at syempre liptint at pulbo, bago ako umalis ng bahay.
"Sexy! May I get your number?" Agarang pang-aasar ni Chris ng makita akong papalapit. Napalingon naman silang apat sa akin.
"Aba! Himala at ganiyan get up mo ngayon," tinignan pa ako mula ulo hanggang paa ni Jane.
"Anong nakain mo?" Kunot noong tanong ni Joy.
"Bakit ganiyan suot mo?" Nagtataka naman ni Kiddy. "Ikaw pa ba si Clariz?"
I knew it! They didn't see this coming.
Pero ang tanong; bakit nga ba ganito ang ayos ko ngayon?
Well, maybe because I'm broken hearted? Ganito naman diba? Kapag nasaktan nagpapaganda para malaman ng taong nanakit sayo kung ano ang sinayang nila. In my case, that is one of my reason and the other was because of my insecurities of Carlita.
I thought of maybe if I change myself as a real lady there's a chance that Teddy may like me back.
I did not change for Teddy but I chose to change to have some confident too for myself. I never felt so insecure like these before so maybe this is the time to show the girly side of me that I am hiding for years.
"Well, change for the better." Taas baba pa ang kilay ko. "I'm already 18 so might as well show the girly Clariz in me."
Somehow, I felt quilty of myself. No matter how much I convince myself that I'm doing this change for better, the fact won't be ignored that I end up changing for Teddy to like me back.
How desperate I am!
Ganito ko ba talaga ka mahal si Teddy para bagohin ko ang sarili ko para mapansin niya ako at kalaunan ay magustohan rin?
Liking me back is enough. Kahit huwag muna ang mahalin ako pabalik ayos lang. Ako na bahala roon para mahalin niya ako.
God Clariz! Anong pinagsasabi mo?!
Hindi naman malayo ang park kaya hindi na kami nagmotor o nagsasakyan. Nilakad nalang namin.
Kiddy and Chris are both wearing a simple V-neck white and black shirt and maong jeans partnered with rubber shoes. Joy and Jane also wearing the same clothes I am wearing. Crop top but different colors and compared with mine, mine was too much liberated.
We five confidently walked on the road with only lamp post light on the street. Marami ring naglalakad patungong park kaya madalas kaming pagtinginan.
Girls are eyeing for Kiddy and Chris with admiration as they both handsome and perfect built of body while boys eyeing the three of us: Joy, Jane and me, with admiration too but with mix of lust. I somehow feel awkard and uncomfortable because of the way they look.
"Don't mind them. You're beautiful and sexy. Be confident. We're here to protect you." Kiddy whispered on my ears to cheer me up.
"Siya lang?" May pabirong pantatampo sa tuno ni Joy.
"Syempre sa kayo din." Chris.
We do play on carnival first when we finally arrived before roaming around the park to find our barkada's table infront of the stage where was the band performing. We haven't ride to any of rides as we want to ride all of it with our barkada for more exciting.
"Chicks, dito!" Miggy raise his right hand for us to notice him.
Nasa pangalawang table sila sa harap ng stage na pinagdugtong ang dalawang lamesa. Konpleto ang barkada at kami nalang ang kulang.
"Nice! May nadagdag na isang chicks," pumito pa si Eddie matapos akong makita.
Agad namang umusbong ang asaran sa lamesa namin dahil sa akin. Syempre nanibago sila sa suot ko.
We're 11 on our table, 8 boys: Miggy,
Eddie, Carlo, Andrie, Anton, Aaron, Kiddy and Chris, and 3 girls: Joy, Jane and Me. Umiinom na sila ng dumating kami pero isang bote pa lang maman ng Emperador ang nainom nila at may laman pa naman kaya wala pa silag tama.
Nagkakatuwaan lang kami sa lamesa sa pagkukwentohan at asaran habang umiinom. Kakasabi ko lang kanina na hindi na ako iinom pero heto na naman ako at hindi na mabilang kung pang-ilang shot na. Hindi naman ako padaling malasing kaya nasa katinuan pa ako. Well, kaming lahat maayos pa dahil balak pa naming sumakay ng rides.
Tatlong bote ng Emperador long neck ang naubos namin ng magdesisyong makisaya sa perya nang dumating na ang dalawa pang babae na girlfriend nina Andrie at Eddie.
Lahat ng pwedeng salihan sa peryang pustahan ay nasalihan namin. At sa buong oras na iyon ay hindi umalis sa tabi ko si Anton. His hand was always resting on my waist which I don't mind at all. Anton is my friend and I know he had a crush on me as he already confessed to me during our graduation last April. But I do clear on him that friendship was all I can offer to him.
Naglalaro kami sa may numero na 1-25 na ang taya ang piso at kapag nanalo ang tinayaan mong numero, ang piso mo ay magiging 20. Lahat kami naglalaro at tawa lang ng tawa dahil panay ang sisihan sa maling numerong napili nang biglang may sumingit sa gitna namin ng Anton kaya napabitaw ang kapit nito sa beywang ko.
"Excuse me! Kita mong may nakapwesto-" hindi na natuloy pa ang pagtataray ko ng makitang si Teddy ang pumalit sa pwesto ni Anton. Tumaya siya ng fifty pesos sa numerong 17 bago bumulong sa akin.
"You just recovered by your drunken state last night yet you drink again,"
"A-ano naman sayo? Iinom kung kailan ko gusto!"
"With lots of boys?" Her brow furrowed.
"They are my friends."
His eyes become dark. Bigla naman nanindig ang balahibo ko ng mas inilapit pa niya ang mukha sa akin.
"Kaibigan kahit kanina ka pa minamanyak?" His voice become firm.
Manyak? Wala namang ginagawang masama si Anton ah! He's just protecting me by the sea of boys who can get a chance to touch me.
"Binabakoran ka na parang boyfriend mo siya. And friend? Are you a friend to him too? I can see it, baby. He likes you more than a friend."
"Ano naman ngayon?"
Nagtatapang tapangan lang ang boses ko pero nanghihina na ng tuhod ko sa lalim at dilim ng mata niya kung tumingin. Sabayan pa ang may bahid na inis na boses niya.
"You're showing too much skin. You're attracting too much attention which I hate."
"H-ha?"
"Don't let anyone touch you in any way especially that guy who did a lot of time if you don't want to see me making an action scene in any way possible. You understand, baby?"
Nagugulohan akong tumango na kinikilig at kinakabahan.
Nabalik lang ang pareho naming atensiyon ng maghiyawan ang iilang tao sa paligid. Some are happy for winning but most of the people are looking on our side even my companion.
Nahiya ako bigla dahil baka narinig at nakita nila ang lapit ng mukha namin kanina. Baka isiping nilang naglalandian kami sa gitna ng mataong lugar.
Bigla namang hinawakan ni Teddy ang kamay ko at may inilagay roon na pera.
"Ride all the rides you want and buy some foods." He said using his normal voice tone which can be heard of the people near us.
Hindi pa pumapasok sa isip ko ang sinabi niya at nakatingin lang ako sa perang ibinigay niya.
He held my face and kissed me on my forehead. "I can't be with you but I am watching you, baby." And left me dumfounded.
Napakurap ako ng ilang beses bago ako nakagalaw. What was that?
"Hey bitch! Sino 'yon? Bakit binigay sayo panalo niya?" Ani Jane na sinampal ang braso ko.
"Panalo?"
"Oo. Tumaya siya sa 17 at panalo siya. Grabe! One thousand din 'yan ah!"
Napatingin naman ako sa perang nasa kamay ko na halong one hundred at fifty pesos.
"Sino 'yon? At bakit may halik na kasama sa noo?" Naka-cross arm na tanong ni Joy.
"Boyfriend mo ba 'yon?" Kiddy asked strictly.
"Pakilala mo sa amin 'yon, Clar." Ma-awtoridad na sabi ni Chris.
Here comes my protective cousins.
"Tara na nga! Sakay tayo sa rides."
Instead of answering their questions and wiping out their confusion, inaya ko nalang sila sa rides para matigil na dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm on the hot seat! Plus the fact of Anton's feeling for me and the way he looked at me make me feeling awkward and... guilt.
Dahil ako nag-aya syempre ako ang nagbayad pero isang ride lang ang nilibre ko sa kanila.
Sa bawat rides na sinasakyan namin ay panay ang iwas ko talaga kay Anton. He didn't stop from his touch even after Teddy's kiss kaya ako nalang ang umiiwas. Tanda ko pa kasi ang lahat ng sinabi ni Teddy na huwag akong papahawak sa ibang lalaki kahit pa kaibigan ko at lalo kay Anton. Hindi ko man siya nakikita ay parang ramdam ko tingin niya dahil sa sinabi niyang 'he's watching me'. Baka rin magkagulo dahil sa pagbabanta niya na gumawa ng scene.
Jusme! Umaasa nanaman ako! Para siyang boyfriend ko na umaaligid at binabantayan ako.
Lahat ng rides ay sinakyan namin pero ni isa roon ay hindi ko na-enjoy dahil sa kakaiwas ko kay Anton na lapit ng lapit sa akin at sa mata kong panay ang suyod sa paligid umaasang makikita si Teddy.
Nababaliw na ako!
Bumalik kami sa tapat ng stage kung saan ang pwesto namin kanina. Agad naman silang nag-order ng Emperador at pulotan.
Kung kanina ay katabi ko si Anton ngayon ay napapagitnaan na ako nina Kiddy at Jane. Alam ko rin na halatang halata ang pag-iwas ko sa kaniya kaya panay ang tingin niya sa akin na nakakunot ang noo.
I was about to drink my shot when my phone vibrated so I put down my shot.
May tumatawag pero numero lang. Ibig sabihin hindi naka-save pero sinagot ko pa rin.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.
"Have you eat your dinner?"
I have this feeling that I know this person on the other line.
"Teddy?" Nagdadalawang isip ko pa iyong tinanong.
"Yes. Answer my question."
Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"H-how did you know my number?"
"It's not important. Just answer my question. Have you eat dinner?"
"Ahm..." nag-isip rin ako kung kumain ba ako. Hindi ko rin matandaan na kumain ako eh. "Hindi."
"Then don't drink instead eat. You already had enough earlier." He said before ending the call.
"Hoy, inomin mo na. Ilang minuto na 'yang baso sa'yo." Joy.
Umiiling ako at tinulak ang baso kay Kiddy na siyang susunod sa akin. "Pass."
"Ha? Unang shot palang 'yan, Clar." Si Carlo.
Ngumiti ako ng tipid. "Pass na ako. I already had enough earlier."
"Iba naman 'yong kanina at ngayon." Jane.
"Pass." Umiiling ulit ako.
"Okay. Just one shot. Respect shot, Clar." Aaron push back the glass on me.
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hinihintay na inomin ko iyon. For the first time I felt scared of drinking.
What the hell!
Unang shot ko naman ito ngayon kaya ayos lang naman siguro. Hindi ako kailanman man umayaw sa unang shot kaya ayos lang naman kung isang shot lang pagkatapos ay kakain na rin ako tulad ng sinabi ni Teddy. Nakaramdam na rin naman ako ng gutom.
I held the glass and roam my eyes to see if Teddy is watching but I didn't find him on the crowd. Tumalikod ako para masiguradong hindi niya ako makikita pero bago ko pa iyon mainom ay may umagaw na niyon sa akin at nilapag sa lamesa kasabay ang paglapag ng platong may kanina at BBQ.
Tinignan ko kung sino iyon. Akala ko si Teddy pero hindi pala. Isa siya roon sa dalawang lalaking pumunta sa classroom namin na nagdala ng snack.
Lahat ng kasama ko ay nakatingin sa kaniya.
"Don't drink. He already told you right?" Tumango lang ako. "Kainin mo na 'to at huwag mo ng gawing magtago para lang makainom. He's watching you."
Nagpalinga linga ulit ako. "Where is he?"
Kinakabahan na ako dahil sa ginawa kong pagpuslit uminom. Baka nagalit 'yon. Patay ako! Badtrip pa naman na kanina 'yon.
"You'll see him later."
"Miguel, tara na." Dumating ang isa pang lalaki na kasama niya noon sa paghatid ng snack sa akin. Umakbay ito sa tinawag niyang Miguel. "Hi Clar." Bati pa nito sa akin at inilapag ang isang plastic bottle ng mineral water. "Ito daw inomin mo kesa sa alak. Baka mag-away pa kayo. Badtrip pa naman 'yon kanina pa."
Lahat ng kasama ko sa lamesa ay naniningkit ang matang nakatingin sa akin pagkaalis ng dalawang naghatid ng pagkain at tubig.
My phone beep. Text from him.
"Eat that. It's almost 10 and don't try to drink even one shot again. I'm watching you."
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 04, 2019The day: Unscared FiestaMaaga akong nagising hindi dahil sa maaga ang pasok ko kundi dahil sa maagang paghahanda dahil fiesta. May handa kasi kami ngayon kompara noong nakaraang taon na nakihalo lang kami kina Uncle Juanito.Kaninang madaling araw pa gising sina Mama at Papa dahil nagluluto kasama ang iilan nilang kaibigan na tumutulong.Alas nuwebe pa ang pasok ko ngayon kaya nakatulong pa ako sandali. Naitext at natawagan ko na rin ang iilan sa mga kaibigan ko para imbitahin.Masaya akong naghanda para pumasok. Nai-chat ko na rin ang mga kaklase kong huwag mag uniporme o 'di kaya'y magdala nalang ng extra par
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 03, 2019Seven thirty ang oras ng pasok ko dahil thursday pero lagpas alas otso na ako dumating dahil natakot akong lumabas ng bahay. Baka kasi nasa kanto lang ulit ang mga kasamahan ni Ian.Tinext ko rin si Teddy na kung pwede masundo niya ako kasi natatakot ako pero wala siyang reply.I wanted to open it to my parents but there's no voice coming out on my mouth. I wanted to ask for their help but I don't want them to worry.Wala naman silang ginawa sa akin bukod sa takotin ako. Kaya iyon nalang ang inisip ko na hanggang salita lang sila at hindi pa rin nila kayang manakit lalo pa't iniligtas nga ako ni Ian sa muntikang pagkakabangga.
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 02, 2019Matamlay akong bumangon dahil pagkatapos kong iwan si Teddy kagabi ay hindi man lang niya ako sinundan o kahit man lang text wala.Nawalan ako ng gana kagabi pero mas tumudo iyon ng makita ko si Carlita. I even heard her conversation with her friends..."He already have a girlfriend, Car. Give it up already!""No. I am his girlfriend, Nat. And he loves me. He's just using that girl.""You're being a relationship breaker.""I am not. Teddy is still mine even after we broke up.""You mean, leaving him and chosing that fucking frat guy.""Shut up!"Using. Is he r
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 01, 2019Nagulat ako dahil paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Teddy sa sala. Prenteng nakaupo sa single sofa at kausap si papa na libang na libang naman rito."What are you doing here?" Sinilip ko ang wall clock at nakitang quarter to seven pa. "Ang aga mo ah? Wala ka bang pasok?""Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. Nahiya naman ako dahil hindi ko man lang siya binati. "I'm here to fetch you.""Galing ate ah, may tagahatid-sundo ka na. Makakatipid ka sa pamasahe." Ani Grace."Grace, kumain ka na nga lang. Baka ma-late ka pa." Saway ni Mama. "Huwag mo ng asarin 'yang ate mo at nagdadalaga.""Ma!" Ram
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========September 30, 2019Araw ng Lunes at alas otso ang first period namin ngayon pero alas syete pa lang ay nasa room na ako. Isa isa kong nilagyan ng bracelet ang desk nina Althea, Decilyn, Jamaica, Jercel at Rhealyn. Bracelet iyon na kahoy na na pinaukitan ko ng mga pangalan nila at endearment ko sa kanila na babe. Binili ko iyon kagabi sa park kasama si Teddy. Meron din nga ako, eh. Bibili rin sana ako para sa aming dalawa pero wala akong nagustohan na pang couple.Bumili din ako kanina ng chocolate na goya at maliit na tube ng stick-o dahil alam kung mahilig sila roon. Tig-isa sila. May sticky note rin akong dinikit roon na may sulat na "sorry babe. Hindi na maulit. I love you."Nanghiram
A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========I flipped the next page and was about to read when someone tapped my shoulder."Busy ah, uwian na." It was Miguel. He already have his bag on."Tara na, pre." Si Christian naman na isinusuot pa ang bag sa likod.I roam my eyes and saw my classmates getting ready to go home. I frowned. "Tapos na ang klase?""Ha?" Kunot noo'ng tanong ni Miguel."Pre, uwian na. Hindi pumasok ni prof," Si Christian habang tumatawa.Ganon ba ako katagal nahumaling magbasa na hindi ko na namalayang wala ang prof, at uwian na? Kung ganon lagpas dalawang oras ako nagbasa?"Ano ba 'yan?" Miguel ang was about to steal the black notebook or shoul