Home / All / Power of Love / Chapter 10

Share

Chapter 10

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 16:42:36

"Uy andito rin pala kayo" bati ni Felix sa amin.

Si Felix Mark Buendia ang batchmate namin noon elementary. Isa siya sa nakakasama naming magtotropa noon.

"Felix ikaw na pala yan?! Lalo kang gumwapo ah" bati ko sa kanya.

"Nako Jan ngayon pa ba tayo maglolokohan?" Natatawang tanong niya.

"Hoy kelan kita niloko aber?? Pinuri na nga kita ayaw mo pa" nagtatampong kunwari na sabi ko.

"Ano na balita sa iyo Felix?" Tanong naman ni Mira.

"Ito ikakasal na ako" masayang sabi niya.

"For real??!" Gulat na tanong namin sa kanya.

"Oo naman invited kayo sa kasal ko ah next year pa naman iyon"

"Si Charise ba ang maswerteng babae??"

"Oo naman hindi ko naman ipagpapalit ang babae na yon kahit amazona" at nagtawanan kami.

Nagkwentuhan lang kami sandali at kinakailangan na rin umalis ni Felix dahil may aasikasuhin pa siya.

"Akalain mo yun sila pa hanggang ngayon at ikakasal na" hindi pa rin makapaniwala si Ems.

"Ganon talaga kapag true love. Kapag nakita mo na yung taong mamahalin mo walang pagsubok ang hindi kakayanin" sabi naman ni Melanie.

"Nagkukwentuhan kami ng biglang magbeep ang phone ko.

"Uy sino yan? Ikaw ah may textmate ka na ah" pang-aasar ni Anne.

"Siraulo si Edward tong nagtext"

From: Edward

Jan. Umuwi na kayo dito paggabi na. May bisita rin pala kayo kaya kailangan niyo na talaga umuwi.

To: Edward

Sige uuwi na kami pakisabi paki antay na lang kami.

Sent!

"Guys pinapauwi na tayo ni Edward may bisita raw tayo"

Nagtataka naman ang itsura nilang lahat.

"Sinong bisita??" Sabay sabay pa nilang tanong.

"Malay ko hindi naman niya binanggit at hindi rin naman ako interesado" pagsusungit ko sa kanila.

"Tara ubusin na natin to at umuwi nakakahiya naman sa kung sino mang bisita na yon ang maghintay"

Tinapos agad namin yung kinakain namin at nagpunta na sa parking lot para makauwi na. Naging mabilis ang byahe namin pauwi at hindi ganon katraffic. Pinark ko agad yung kotse habang nauna na sila pumasok sa akin sa loob. Sinigurado ko muna na nakalock ang sasakyan at yung gate bago ako pumasok sa loob.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa bumungad sa akin!

"Janineeee!!!! Namiss kitaa!!" Sigaw niya pagkakita sa akin.

"Kuya Kurt!!" Sigaw ko naman sa kanya.

Sinalubong ko agad siya ng yakap dahil namiss ko tong pinsan ko.

"Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?" Tanong ko agad sa kanya. Tinignan ko yung mga kasama ko at mga kinikilig na sila.

"Nagtext kaya ako sa iyo nung isang gabi. Hindi ka nga nagreply eh"

"Sa iyo ba yung number lang??" Pinakita ko sa kanya yung number lang na nagtext sa akin.

"Oo ako nga yan sinadya ko talaga hindi magpakilala sa iyo para suprise"

"Well you surprised me" masayang sabi ko sa kanya.

Nilingon ko ang mga kasama ko kanina na ngayon ay akala mo mga sinaunang tao kung magsikilos. Bata pa lang kami nakakasama na rin nila si Kuya Kurt kaya alam ko na may gusto sila kay kuya kaso may girlfriend siya kaya tropa tropa na lang.

"Oh ano nangyari sa inyo?? Bakit natahimik kayo??" Pang-aasar ko sa kanila.

"Kanina rin pagpasok nila ang babait kala mo maamong pusa" natatawang sabi ni kuya.

Pinagtawanan namin sila dahil sa mga itsura nila.

"Hoy Janine umayos ayos ka tatablahin kita mamaya" banta ni Mira.

"Oo nga akala mo talaga kapag ikaw inasar namin mamaya tignan mo iiyak ka" banat naman ni Ems.

"Yun ay kung maaasar niyo ko" pang-iinis ko pa sa kanila.

Nakipagkwentuhan lang sandali si kuya sa amin. Makalipas ang ilang oras ay umuwi na siya dahil may kailangan pa siya ayusin. Tinignan naman nila ako ng masama pagkaalis ng sasakyan ni kuya.

"Ikaw Jan palibhasa alam mong tiklop kami kapag andyan kuya mo talagang sinusulit mo pang-aasar ano?!" Mataray na tanong ni Anne.

"Ang obvious niyo kasi hahaha ang tagal na hindi pa rin kayo nakakamove on sa pagkakagusto niyo kay kuya?? Ikakasal na nga yan 3 years from now" natatawang sabi ko sa kanila.

"Wala kami pakielam gusto namin siya end of conversation" masungit na banat naman ni Melanie.

"Hoy kayo pumunta na kayo dito sa kusina at magsikain na kayo ng hapunan" sigaw ni Ed sa amin.

Dali dali kami nagpunta sa kusina at nagsimula ng kumain. Syempre inusisa nila si Ed kung bakit nandito si Kurt kanina.

"Diba sabi niya kanina nandito siya para bisitahin si Jan. Hindi kayo ang ipinunta niya kundi ang pinsan niya" nauubusan na ng pasensya si Ed kakapaliwanag sa iba.

"Ano oras siya dumating dito?" Tanong ko naman.

"Kakarating lang niya nung nagtext ako sa iyo na umuwi na kayo"

"Sana all may ganong kuya ano yung kapag namimiss ka bibisitahin ka hindi yung bubwisitin ka pa" parinig naman ni Ems kay Ed.

"Hayaan mo sis sa susunod yakap ibubungad ko sa iyo hindi na pang-aasar" nakangising sabi naman ni Ed.

Nag-asaran na lang silang lahat habang ako ay patuloy pa rin sa pagkain. Isang bagay na ayaw ko ang naiistorbo ang pagkain ko. Nagpunta agad kami sa garden pagkatapos kumain. Wala kaming napagplanuhan na gagawin ngayon kaya nandito kami at nakatingin sa mga bituin.

"I never though night could be beautiful like this" Mira said it in an amuse tone.

"I prefer being alone at night if this beautiful scenery is where I am" sabi ko naman.

"This is only a proof that even in our darkest situations there will always be light that will guide our way" said Edward.

"Ang dilim ng buhay ko noon nung wala pa kayo.. kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at binigay niya kayo sa akin dahil kung wala kayo malamang hindi ko malalagpasan lahat ng to" nakangiting sabi ko sa kanila.

Ngumiti naman sila sa akin. Then we hug each other like there is no tomorrow.

"You were my stars.. aside from my family, you were my guide to get back on track. I was lost yet you pulled me back to road I was taking.. I would be lost without you all" naiiyak na sabi ko sa kanila.

"Gabing gabi nagdrama ang bida hahaha" pang-aasar bigla ni Ed.

Binatukan ko siya agad at nagtawanan na kaming lahat. I never felt this happy. Sila lang may kakayahan na pasayahin ako sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko.

Hindi ko akalain na posible pala maging masaya kahit ang dami mo ng pinagdadaanan. Ang gaan sa pakiramdam na kahit gaano karami ang ginagawa nila naglalaan sila ng oras sa akin. Hindi lang sila kaibigan, pamilya na ang turing nila sa akin kaya pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

We end the night with a smile on our faces. Keeping each other by our side and never let get out of each others tracks.

We woke up the next day with a smile on our faces. We never thought we could be this free.

"Good Morning world" masayang bati ko pagkagising ko. Dito na kami natulog sa kwarto ni Ems after tumingin tingin sa mga butuin kagabi.

"Naks ganda ng gising ah" bati ni Melanie. Mukhang kakagising lang din niya.

"Well magaan sa pakiramdam eh hahaha"

"Thank you sa mga sinabi mo kagabi nakakatuwa na ganon pakiramdam mo kasama kami" nakangiting sabi niya.

"Kayo lang naman may kakayahan na pasayahin ako kahit puro problema na"

Niyakap niya ako ng mahigpit. Tumayo na kami pero nauna na siya bumaba. Naghilamos at toothbrush muna ako bago bumaba. Sa sala pa lang rinig ko na ang ingay nila. Mukhang may bisita.

"Hi Jan!" Bati ni Ems pagkakita sa akin. Nginitian ko lang siya.

"Nga pala may bisita tayo. Halika Jan pakilala ka namin" hinila ako ni Mira at hinarap sa lalaking kakwentuhan nila.

"Uy Kevin andito ka pala ulit" sabi ko ng makita siya na nakaupo sa hapag kainan.

"Ah oo nakwento ko kasi kayo sa pinsan ko kaya gusto niya kayo mameet" nakangiting sabi naman niya.

"Oh asan yung pinsan mo kung ganon?" Nilibot ko ang paningin ko sa mga nasa lamase at wala naman ako nakitang bagong mukha.

"Ah nagcr lang siya pero pabalik na yon"

Umupo muna ako at kumain na rin habang hinihintay yung pinsan niya na dumating. Nagkwentuhan muna kami habang kumakain. Hindi na talaga mawawala sa amin ang bagay na iyan.

"Sus nako nagdrama yan kagabi nakatatawa" ilaglag ba naman daw ko. Siraulo talaga tong si Anne.

"Hoy babae hindi lang ako! Pati kaya kayo nagdrama kala mo talaga nako"

"Asar ka na niyan?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Lul maganda gising ko kaya wala makakasira nito" confident na sabi ko.

"Sige tignan natin hanggang anong oras maganda yang mood mo" nakangising sabi niya.

"Basta walang makakasira ng mood ko tapos usapan. Baka sira na yung inyo kaya gusto niyo pati ako masira rin ang mood. Nako nako nako. Walang siraan ng mood mga brad" sabi ko sa kanila.

"Hindi sira mood namin naghahanda lang kami para sa isang palabas" at nagtawanan na naman sila.

Anong palabas?? Tanong ko sa aking isipan na hindi ko nagawang isatinig.

"Oh brad andito ka na pala" biglang nagsalita si Kevin.

Nilingon namin sino kausap niya. Mga nakangising aso naman mga kaibigan ko kaya hindi ko na pinansin. Tinignan ko yung katabi niya at nagtaka.

Sino siya??

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status