Home / All / Power of Love / Chapter 35

Share

Chapter 35

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:46:56

Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.

“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.

Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan na tutok ako sa pag-aaral. Hindi ko hinahayaan na pumasok sa isip ko ang lalaki na iyon. Sapat na yung nasaktan ako para ipagpatuloy ang buhay ko.

“Congrats Jani!” bati nila sa akin ng maging dean’s lister ako.

“Thank you guys!” I smiled at them.

“Time to party!” sigaw ni Ed at nagmamadali pumunta sa sasakyan.

“Hoy kuya! Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?” taas kilay na tanong ni Ems.

“Gamit saan?” takang tanong ni Ed.

“Lakas ng loob mo sumigaw ng time to party, hindi ka pa naman pala nakakapaghanda ng gamit mo,” wala na talaga tatalo sa kasungitan ng babae na ito.

“Eh di mag-aayos na ng gamit! Makapagsungit ka akala mo naman ngayon mismo aalis,”

“Pwede naman na umalis na kami ngayon at iwan ka,”

“Tigilan niyong dalawa ang pagtatalo at baka parehas ko kayo hindi pasamahin,” banta ko sa kanila.

Inirapan pa muna ni Ems ang kapatid bago nagtungo kila Mira para tumulong sa mga gamit. Napagplanuhan na kasi namin na kapag nakapasok ako sa dean’s lister ay maggala kami or depende sa mapag-usapan at ngayon ang napagkasunduan namin ay magtungo sa beach. At ang gusto pa nila ay sa Palawan. Nung una ay iniisip ko na biro lang pero ngayon na may plane ticket na ay hindi nga sila nagbibiro. Kaya ngayon ay nag-iimpake na kami ng mga gamit para hindi kami mahuli sa flight.

“Kahit kelan talaga ang babagal ninyo kumilos,” sita ko sa kanila.

“Wow! Coming from you pa talaga friend,” Mira said sarcastically.

“Bilisan ninyo na lang dyan,”

Agad ko binuhat ang mga gamit ko at dinala sa van. Nagmamadali ako na pumwesto sa likod ng driver’s seat para hindi na nila ako maunahan. Gusto ko talaga yung nasa tabi ako ng bintana kapag bumabyahe.

“Hey Jani,” bati ni Kevin pagkapasok.

“Hindi mo na sila hinintay?”

“Kaya naman nila mga sarili nila. Besides andon naman si Ed para buhatin ang mga gamit nila,”

Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas. Hindi na ako nagsalita pa dahil guilty ako dahil ako mismo ay marami rin dala. Iyon lang ay mukhang mas marami ang sa kanila.

“Tagal ninyo,” sita ni Kevin kay Ed.

“Sana tinulungan mo ako na magbitbit ng mga gamit nila brad. Baka sakali napabilis ang pagsakay namin,”

“Bilisan na ninyo Sumakay at baka matraffic pa tayo,”

Ihahatid kami ng driver ni Kevin since hindi naman pwede na isa sa amin ang magdrive. Napuno ng saya at kwentuhan ang lahat. Fist time namin na lalabas ng Manila. Mostly ng gala namin ay within Manila lang or kalapit na probinsya. Pagkarating naman sa airport ay hinintay lang namin ang anunsyo ng flight namin bago nagtungo sa eroplano. Mabilis lang naman ang byahe ngunit sinulit ko na rin na makaidlip dahil hindi ako nakatulog ng ayos sa ingay nila. Agad kami nagtungo sa hotel kung saan nagbook si Kevin. Dalawang hotel rooms ang binook niya. Mayroon itong isang single bed at may isang king size bed na kasya na ang dalawang tao. Mayroon din itong sariling bathroom and may tables and chairs sa paanan ng kama. Mayroon din tv at air condition unit ang kwarto. Paglabas mo naman sa sliding door ay mayroong pool.

“Grabe andito tayo for one week,” hindi makapaniwalang saad ni Anne.

Magkakasama kaming mga babae habang si Ed at Kevin ang magkasama sa katabing room namin.

“May kulay na ang isa sa mga drawing natin,” natatawang saad ko.

“And many more kulay sa mga drawings natin to come!” sigaw ni Ems.

Inayos muna namin ang mga gamit namin then nagtungo kami sa malapit na kainan. Dinner time na rin ng makarating kami rito.

“So anong plano natin bukas?” tanong ko sa kanila.

“We’ll go to Bacuit Bay Islands since mas malapit iyon,” si Kevin ang sumagot sa akin.

“Then?” bakas sa mukha ng lahat ang excitement.

“Then, of course, we will go Puerto Prinsesa Underground River. Then Tubataha Reef Park and many more. Huwag na marami tanong at masyado marami ang naisip ko na puntahan dito,”

“Mapupuntahan ba natin lahat yan sa loob ng isang lingo?” tanong ni Anne.

“Oo naman kung maaga kayo gigising araw-araw at bibilisan ninyo kilos,” si Ed ang nagsalita.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa room namin at maaga nagpahinga na. Kinabukasan ay maaga kami nagising para pumunta sa beach na sinasabi ni Kevin.

“Ang ganda naman dito!” puri ko ng makita ang lugar.

Tuwang tuwa ako na makita ang pino at putting buhangin. Ang linaw ng dagat ay inaagaw din ang atensyon ko. Sobrang ganda talaga!

“Nagbaon ba kayo ng panlangoy niyo?” bigla ay binalingan kami ni Ed.

“Oo naman! Dahil puro beach ang pupuntahan natin ay handa kami dyan!”

“Hindi halata,” nakangiwing saad niya sa kapatid. Sa dala nilang backpack ay mapapailing ka na lang. Alam mo agad na handang handa na sila.

“Tara tikman muna natin ang mga pagkain nila rito,” aanyaya ni Kevin.

Masaya kaming nagsalu-salo sa pagkain. Kanya-kanyang kwentuhan at pagkuha ng mga litrato. Matapos kumain ay nagpahinga lang sandali tapos ang nagswimming na kami. Tuwang-tuwa kami na nagtatampisaw sa dagat. Nagagawa pa namin maghabulan na parang mga bata.

“Sige nga habulin mo ako!” sigaw ko kay Kevin.

“Kay Kevin ang boto ko!” sigaw naman ni Ed.

“Hindi mo ba alam gaano kabilis tumakbo si Jani?” tanong ni Mira kay Ed.

“Bakit alam mo rin ba gaano kabilis tumakbo si Kevin?”

“Ganito na lang, kung sino ang unang makaabot doon sa ikaapat na puno ang siyang pinakamabilis tumakbo,” suhesyon ni Mel.

“Sige payag ako!” pagyayabang ko pa.

“Ready? Go!”

Agad ako tumakbo sa abot ng makakaya ko para maunahan si Kevin. Hindi ko akalain na mabilis din pala tumakbo ang loko.

“Go Jani!” sigaw ng girls.

Tumatawa pa ako na tumatakbo dahil malayo na ang distansya ko kay Kevin. Ngunit ng marating ko ang dulo ay may biglang yumakap sa akin at tinakpan ang bibig ko!

“Jani!” narinig ko pa ang sigaw ni Kevin bago ako mawalan ng malay.

“Sigurado ba kayo na walang nakasunod sa inyo?”

Unti-unti ko idinilat ang mga mata ko.

Nasaan ako?

Nasa loob ako ng isang kwarto na walang kaalaman laman. Pakiramdam ko ay hilong hilo ako. Nang tangkain ko kumilos ay nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ko! Maging ang mga paa ko ay nakatali rin.

“Siguraduhin ninyo lang at malalagot tayo,”

“Asan na ba siya?”

“Papunta na raw dito,”

Hindi na nasundan pa ang pag-uusap sa labas. Nanatili akong tahimik at nakikiramdam sa paligid. Hindi ko alam kung nasa Palawan pa rin ba ako o wala na. Hinintay ko lang na may pumasok sa kinaroroonan ko ngayon. Hindi ko alam kung gaano katagal na tahimik sa labas. Nang marinig ko na binuksan ang lock sa labas ay agad ko na tinignan sino ang dahilan kung bakit ako nandito.

“Hi Jani,” agad na sumama ang tingin ko sa kanya.

“Hayop ka! Bakit mo ko kinulong dito!”

“Sabi ko naman sa iyo hindi ba? Kukunin ko kung ano ang gusto ko,” nakangising saad niya.

“Hayop ka talaga Joanld!” sigaw ko sa kanya. Unti unti naman niya ako nilapitan!

“Matagal na Jani, ngayon mo lang ba nalaman?” saad niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Agad ko iniwas ang mukha ko sa kanya

“Pakawalan mo ako rito!”

“Sabi ko naman sa iyo Jani, hindi na kita papakawalan,”

“Bumalik ka na lang sa babae mo! Tigilan mo na ako! Tahimik na ang buhay ko!” naluluhang usal ko.

“Jani, kilala mo naman ako hindi ba? Kapag ayaw ko, ayaw ko. Kapag gusto ko, gusto ko. At sa ngayon ay gusto ko na kunin ka at isama sa akin,”

“Hinding hindi na ako sasama sa iyo!”

“Sasama ka sa ayaw o sa gusto mo!” bigla niya ako sinampal ng malakas!

Ramdam ko ang pamamanhid ng kaliwang pisngi ko. Hindi na ako magtataka kung sobra ang pamumula niyon. Bigla naman ay sinabunutan niya ako!

“Kahit anong gawin o sabihin mo, hinding hindi ako sasama sa iyo. May saltik ka sa utak! Hinding hindi mo ako makukuha!” sigaw ko sa mismong mukha niya. At sa pangalawang pagkakataon ay sinampal na naman niya ako!

“Wala ka na magagawa dahil isasama na kita sa Amerika!”

Padarag niya ako pinakuha sa mga tauhan niya! Nagpupumiglas ako sa kanila para makatakas pero sadyang hindi ko magawa! Kailangan matanggal sa pagkakatali ng mga paa at kamay ko para makatakas ako sa kanila. Sa isip ko ay paulit-ulit ko na hinihiling na sana ay nandito sila at may kasamang mga pulis para mahuli na ang baliw na ito! Palabas pa lang kami ng kubo ng bigla ay nakarinig kami ng mga putukan!

“Punyeta! Ano ang nangyayari?!” galit na tanong ni Jonald sa isa sa mga tauhan niya.

“Mga kaibigan niya ho na may kasamang mga pulis. Pinapaputukan na kami sa labas,”

“Ihanda ninyo ang sasakyan sa likod nito at doon tayo lalabas!”

Basta na lang ako hinila ng dalawang tauhan niya papunta sa likod ng kubo. Naiwan naman si Jonald doon para utusan ang iba pa niyang mga tauhan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaki na nasa harapan ko.

“Ako na ang bahala sa kanya,” hindi nawala ang paningin ko sa kanya.

“Sige boss,” hindi makapaniwala na tumingin ako sa mga tauhan ni Jonald

at kay Lux.

Nang makaalis ang mga tauhan ay agad na kinalas ni Lux ang mga tali ko sa paa at kamay.

“Anong ibig sabihin nito?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Tumakas ka na lang,” pakiusap niya.

“P-Pero,”

“Please, Jani tumakas ka na lang,”

“P-Paano ka?”

“Huwag mo na ako alalahanin. Save yourself please!” sigaw niya sa akin.

“Hindi kita pwedeng iwan dito!”

“Jani, nakikiusap ako. Tumakas ka na. Huwag mo na hintayin na maabutan pa tayo ni Jonald dito,”

“Hindi ko maintindihan!”

“Maiintindihan mo rin ang lahat. Pero sa ngayon ay tumakas ka na!” hinila ni Lux ang kamay ko at tumakbo papunta sa kanang bahagi ng kubo.

“Hinihintay ka na dyan ng mga kaibigan natin. Please, Jani promise me that you will live a happy life. That you have genuine happiness. And that you will reach your dreams,” naluluhang saad niya.

“L-Lux,” lumuluhang usal ko.

“Jani sana mapatawad mo ako sa nangyari. Maniwala ka sana na minahal kita ng tapat at totoo. Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo. Please be happy even if I’m no longer a part of it,” he smiled bitterly.

“Lux!” sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon! Nanlaki ang mga mata ko ng makita na itinutok ni Jonald sa amin ang baril!

“Jani tumakbo ka na!” tinulak ako ni Lux dahilan para mapatakbo ako palayo!

Nagtuloy-tuloy ang daloy ng luha ko ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril!

Lux…

“Jani!’ sinalubong ako ng yakap ng mga kaibigan ko. Patuloy sa pag-agos ang luha ko at hindi ko alam kung hihinto pa ba ang mga iyon. Hinawakan ni Kevin ang magkabilang pisngi ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala ngunit mas nangingibabaw ang sakit sa tuwing makikita ko siya.

“Ano ang nangyari?” hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko pa kayang tanggapin ang nangyari. Sana ay isang masamang panaginip na lang ang lahat.

“Jani, ano ang nangyari?!” Niyugyog na ako ni Kevin sa pagbabaka sakali na matauhan ako. Pinakalma ko ang sarili ko bago sumagot sa kanya.

“W-Wala… Wala na… Wala na si L-Lux,” naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at tuluyan na akong humagulgol sa balikat niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status