Home / Lahat / Power of Love / Chapter 32

Share

Chapter 32

Author: Larven Dizon
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-01 17:44:20

"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin.

"Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya.

"Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya.

"Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.

Hindi na nagsalita si Kevin. Kusa na siya pumasok sa loob nang buksan ko ang pinto. Gulat na napatingin si Ed sa amin.

"Bakit magkasama kayong dalawa?" takang tanong niya sa amin.

"Mayroon ba kayong hindi sinasabi sa amin?" hindi na nawala ang pagiging seryoso niya.

"Bumalik yung ex niya," si Ed na ang sumagot. Agad na bumaling naman sa akin ang tingin ni Kevin.

"Kaya ba kabado ka kanina at nagmamadali nang tawagin kita?" kumunot naman ang noo ni Ed.

"Oo," napapapikit na sagot ko.

Napabuntong hininga si Kevin at mariin na pumikit. Panay naman naman ang lunok ko sa kaba. Kahit anong pilit ko na huwag makarating sa kanila ay tadhana na ang gumagawa ng dahilan para malaman nila.

"Alam na ba ni Lux ito?" baling niya sa aming dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Ed.

"Sinabi ko sa kanya kanina nung tumawag siya,"

"Mabuti naman at ipinaalam mo," tumango naman si Ed sa kanya."

"Kailangan malaman ni Lux iyon lalo na at may natanggap ako na mensahe," kunot noo kong tinignan si Ed.

"What do you mean?" Hindi naman niya siguro nakita yung sulat sa drawer diba? tanong ko sa isip ko.

Sabay kaming tumingin ni Ed sa isang text sa unregistered na number.

From: Unknown number

Kahit tumakbo pa o magtago palayo sa akin. Mahahanap at makukuha rin kita Jani

Nanlamig ako ng mabasa ang text. Hindi ko alam kung bakit nahuhulaan ko na agad kung sino ang tao sa likod nito. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko pero nasisiguro ko na nangingibabaw ang takot sa akin. 

"Who the hell?" Takang tanong ni Ed.

"I guess I know who,"

"Anong gagawin ko?"  baling ko sa kanilang dalawa.

"Calm down Jani. Hindi ka namin papabayaan,"

"Kevin please ayaw ko maging istorbo sa inyo,"

"Pero mas ayaw namin na ikaw ang mapahamak. At malamang kapag nalaman ito ng pinsan ko mapapagalitan niya kami kapag may nangyari na masama sa iyo," pagpapaintindi niya sa akin.

"Pero hindi sa lahat ng oras ay masasamahan ninyo ako. May sariling buhay din kayo,"

"Alam ko pero para sa akin, sa amin, ito ang tamang gawin. Pamilya na ang turing natin sa isa't isa at alam ko na kung ikaw ang nasa posisyon ko ay ito rin ang gagawin mo,"

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nagsimula kami kumain ng tahimik. Nilalamon kami nang maraming isipin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mangyari ito. Natatakot ako dahil sa pagkakakilala ko kay Jonald ay hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Natatakot din ako sa mga bagay na pwede niyang gawin sa mga tao na malapit sa akin.

"Natatakot ako na baka may mapahamak sa inyo," bigla ay saad ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Hindi natin hahayaan iyon okay? Ipapaalam ko rin kay Lux ang mga nangyayari at sasabihin na hindi ka namin hahayaan mag-isa," si Kevin ang nagsalita.

"Maraming salamat sa inyo," lumuluhang saad ko.

"Maghanda ka na. May pasok ka pa. Ihahatid ka namin at hihintayin na rin na matapos ang klase. Sasabihan ko sila Ems na dumito muna para may kasama ka," tumango na lang ako at pumasok na sa kwarto. 

Hindi ko pa rin pwede ipagpaliban ang pag-aaral ko. Mahalaga ito para sa kinabukasan ko. Hindi ko pwede biguin ang pamilya ko. Naniniwala rin naman ako na magiging maayos din ang lahat. Pagsubok lang ito at malalagpasan din namin ang mga ito. Tinupad nila Kevin at Ed ang sinabi nila. Inihatid nila ako at nadatnan ko sila sa may parking lot ng school na naghihintay sa akin.

"Hindi ba kayo nainip? Ang tagal niyo na nakatambay dyan,"

"Hindi naman. Marami rin naman makakainan dito kaya ayos lang kami,"

"Tara na at nandoon na raw sa labas ng dorm mo sila Ems. Baka hindi na naman matigil ang bibig ng mga iyon kapag nagtagal pa tayo,"

"Sige tara na,"

Pumasok na ako sa back seat ng kotse. Si Kevin ang nagmamaneho at katabi naman niya si Ed. Masaya kaming nagkukwentuhan nang biglang may sumulpot na motor sa harap namin! Agad na napatapak sa preno si Kevin para hindi mabangga kung sino man ang nagmamaneho na iyon. Habol ko ang hininga ko nang mag-angat ako ng tingin sa nakamotor. Ramdam ko ang titig niya sa akin bago nagmaneho papalayo.

"Jani ayos ka lang?" agad ako binalingan ni Ed.

"Oo naman. Kayo ba ayos lang?"

"Oo. Lokong driver yon hindi man lang marunong bumusina. Muntik na tayo makasagasa," asar na saad ni Kevin.

"Hayaan na natin at umalis naman na. Umuwi na lang tayo,"

Maingat na minaneho ni Kevin ang kotse hanggang sa makarating kami sa apartment ko.

"Bakit ba ang tagal ninyo?" inis na tanong ni Ems sa kapatid.

"Muntik na kasi kami makabangga. Pero ayos lang naman kami. Pasok na tayo,"

Binuksan ko ang pinto at tinulungan ko sila Ems magpasok ng gamit nila.

"Bakit naman ang dami n'yo ata na dala?" isa-isa ko tinignan ang mga gamit nila.

"Syempre at dito muna kami mananatili. Hanggat hindi natin napapahuli ang siraulo mong ex ay hindi mapapanatag na iwan ka mag-isa," pagtataray ni Mira.

"Grabe sobrang mahal n'yo talaga ako," nagpacute pa ako sa kanila.

"Ganyan ba talaga kapag nagkakajowa na? Kadiri Jani! This is so not you," aniya Mel.

"I don't care!" pagtataray ko sa kanya.

"Mukhang hindi na tatahimik ang apartment na ito," napapailing na saad ni Anne. 

"Magsama-sama ba naman kayo paano hindi iingay, diba?" Ed said sarcastically.

"Okay lang yan at namiss ko naman kayo," niyakap na kami ni Mel isa-isa.

"Namiss ko rin kayo," masayang sabi ko sa kanila.

"Huwag ka mag-aalala hindi ka namin papabayaan," aniya Mira.

"Nakakahiya nga sa inyo. Baka nakakaabala na ako sa inyo," nahihiyaang saad ko.

"Ano ka ba naman Jani. Kung umasta ka ay para ka namang others. Pamilya tayo okay? Tutulungan natin ang isa't isa, iyan ang ipinangako natin nang mabuo ang samahan na mayroon tayo," nakangiting saad ni Ems.

Nagyakap kaming lahat. Nagkwentuhan at nagkamustahan. Mahigit isang buwan din kami hindi nagkakausap. Napagdesisyunan namin na magpadeliver na lang ng pagkain dahil masyadong abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan. Napuno ng saya ang buong lugar.

"Andyan na ata order natin," saad ko ng marinig na tumunog ang doorbell.

"Ako na ang kukuha," presinta ni Ed.

Ipinagpatuloy lang namin ang pag-uusap hanggang sa makabalik si Ed. Inayos agad namin ang mga pagkain nang may mapansin akong papel sa loob ng plastic.

"Ano ito?" takang tanong ko nang kunin ko ang papel.

"Shit!" nabitawan ko ang papel dahil sa nabasa!

Kinuha naman ni Kevin iyon at binasa nilang lahat. Nanlamig ako lalo sa kinauupuan ko. Ang takot ay muling nanumbalik sa akin. Nahihirapan ako huminga at hindi na ako makakilos sa pwesto ko.

Janine, kahit pa magpasama ka sa mga kaibigan mo o kung sino pa man hindi mo ako maiiwasan. Kilala mo ako Janine, lahat kaya ko makuha. Kapag hindi ka pa rin sumama sa akin, masasaktan ang mga kaibigan mo at lalo na ang boyfriend mo, isama ko na rin ang pamilya mo.

-Jonald

"Jani," agad nila akong nilapitan. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status