Home / All / Power of Love / Chapter 31

Share

Chapter 31

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:43:38

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Pagmulat ko ay umaga na pala. Nagkalat pa rin ang mga gamit ko sa sahig. Wala sa sarili ko binuksan ang pinto ng bahay.

"Jani ano nangyari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Ed.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" kunot noo na tanong niya. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

Suot ko pa rin ang uniform ko at magulo ang buhok ko. Mugtong mugto ang mata ko kakaiyak kagabi. Nagpapasalamat na lang ako at wala kaming pasok ngayon.

"Wala lang to," iniwas ko ang paningin sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"Hindi ako naniniwala. Tell me what happened," seryosong saad niya. Napabuntong hininga naman ako at pinaupo siya sa sofa. Inilahad ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Jonald kagabi.

"Paano ka naman niya natunton?" takang tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako nakatayo na siya sa labas," 

"Alam mo, kinakabahan ako dyan sa ex mo. Baka mamaya ay kung ano ang gawin niyan sa iyo," nag-aalalang sambit niya.

"Wala naman siguro," nagsimula na ako ligpitin ang mga gamit ko.

"Paano kung meron? Ano gagawin mo?" bigla ay tanong niya.

Napatigil ako sa pagdampot ng mga papel at napatingin sa kanya.

"Hindi ko alam," totoong hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Ang buong akala ko ay hindi na niya ako guguluhin simula ng puntahan niya yung babae niya sa ibang bansa. Hindi ko rin napaghandaan ang muling pagkikita namin. Napabuntong hininga na lang ako nang maupo sa sofa.

"Sasamahan kita," bigla ay saad ni Ed. Hindi ko alam gaano katagal kami natahimik.

"Huh?" takang tanong ko.

"I mean hayaan mo ko na samahan ka kahit saan para alam ko na safe ka. Hindi mo rin kailangan mag-alala at kakausapin ko si Lux tungkol dito," suhesyon niya.

"Nako huwag na. Maaabala lang kita,"

"Hindi naman. Mas gusto ko masigurado na ligtas ka. Alam mo naman na nag-aalala rin naman ako sa iyo,"

"Salamat Ed," sinserong saad ko.

Hindi ko namalayan kung gaano kami katagal na nag-uusap ni Ed. Marami na masyado ang napag-usapan namin at nawaglit na rin sa isip ko ang nangyari kagabi. Mabuti na lang at dumating si Ed dito. Nais din daw nila Ems na sumama ngunit may mga pinagkakaabalahan din sila na gawain dahil mayroon na rin silang pasok.

"Bibisitahin ulit kita," nakangiting saad niya. Inihatid ko na siya sa labas.

"Nako magiging abala lang ako sa iyo,"

"Hindi naman. Kapag nalaman din nila Ems ang nangyari na ito ay sasabihan din nila ako na bantayan ka,"

"Speaking of! Please don't tell them about this. Kilala mo naman ang mga iyon. Baka mamaya ay dito pa tumigil ang mga iyon. Ayaw ko na makaabala," nahihiyang saad ko.

"I won't tell them basta papayag ka na bantayan kita araw-araw," he suggested. Napabuntong hininga naman ako.

"Fine. But promise me you will not tell them,"

"I promise," saad niya habang nakataas pa ang kanang kamay.

"Okay. Ingat ka," ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw ang mag-ingat at baka bumalik na naman ang magaling mong ex," asar na sabi niya.

"Hindi naman na siguro babalik iyon,"napapabuntong hininga na lang ako sa isipin na posible niya akong balikan.

"Kapag ginulo ka niya ulit ay tawagan mo ako agad. Huwag ka mag-alala, ipapaalam ko kay Lux ang ginagawa ko,"

"Salamat talaga sa iyo," sinserong saad ko.

"Sige na at uuwi na ako. Magkita na lang tayo bukas," niyakap muna namin ang isa't isa bago ko siya kinawayan.

I made sure that I locked my door bago ako pumasok ulit. Niligpit ko ang mga kalat at pinagkainan namin tapos ay nagshower na ako. Masyadong nalulunod ang isip ko. Hindi malaman ano ang unang iisipin. Nangangamba ako sa katotohanan na nagbalik na siya kung kelan wala si Lux sa tabi ko. Hindi ko rin alam ano ang pakay niya pero ipinagpapasalamat ko na may mga kaibigan ako na handa akong samahan kapag alam nila na kailangan ko ng tulong.

Nakaupo ako sa kama nang biglang tumunog ang doorbell. Taka akong napatingin sa oras dahil bukod sa wala naman ako inorder online ay masyado nang gabi para roon. Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ko ba ang pinto o huwag na. Napatingin ako sa may bandang paa ko ng may lumusot na papel sa ilalim ng pinto. Kinuha ko iyon at binasa .

Please come back to me. If not I guess I'll have to use everything I got to get you, and maybe your love ones can help me.

-Jonald

"What the?!" asar na banggit ko matapos mabasa ang nakasulat. Umiling na lang ako at inilagay sa drawer sa side table ko ang sulat. Lalo ako kinabahan. Hindi ko malaman kung sasabihin ko ba sa mga kaibigan at pamilya ko upang balaan sila o manahimik na lang. Sa huli ay itinulog ko na lang.

"Good morning!" bati sa akin ni Ed kinabukasan.

"Ang aga mo naman magpunta,"

"Syempre naman. Ako pa ba? Alam mo naman na lagi ako maaga pagdating sa iyo," sabay kindat.

"Alam mo? Kadiri ka," 

"Bakit pala andito ka pa? Wala ka klase?" takang tanong niya.

"Mamaya pa alas tres. Isang subject lang naman kami at sandali lang din iyon dahil may event ang iba naming kaklase,"

"Mukhang napaaga nga ako," banggit niya matapos lingunin ang relo. Alas diyes pa lang kasi ng umaga.

"Wala ka ba kailangan na gawin?" tanong ko sa kanya ng makapasok sa loob.

"Wala naman. Hindi pa naman ako pinapatawag nila mommy para tumulong sa business,"

"Si Ems kamusta na?" 

"Ayun hindi mo aakalain na maraming kalokohan ang alam sa utak. Tutok na tutok sa pag-aaral," natatawa pa na saad niya.

"Alam mo naman ang kapatid mo na iyon. Masipag naman talaga mag-aral sadyang nahawa lang sa iyo na puro kaabnormalan," natatawang pang-aasar ko.

"Hoy! Grabe ka naman sa akin!" tinawanan ko lang siya. 

Nasa kalagitnaan na kami ng asaran nang biglang tumunog ang phone ko.

Love calling...

"Hi Love!" bati ko pagkasagot nang tawag.

"Hey! Sorry ngayon lang ako nakatawag sa iyo. Sobrang busy lang talaga rito,"

"It's okay. I understand naman," I smiled at him.

"Kamusta ka naman dyan?"

"Ito medyo busy sa school. Ang dami agad pinapagawa kahit unang buwan pa lang ng klase,"

"Kaya mo yan love!" I really miss this guy.

"May buwisita nga pala ako love," iniharap ko kay Ed ang phone ko.

"Hoy pre! Long time no see," bati ni Ed sa kanya.

"Taking advantage ka pre," sinamaan ng tingin ni Lux si Ed.

"Pre hindi ko ginagawa yan ah," depensa agad ni Ed.

"Biro lang pre," tinawanan naman siya ni Lux.

"Kayo nga muna mag-usap dyan bibili lang ako ng makakain sa labas,"

Iniwan ko na sila roon at pumunta sa malapit na fast food chain para magtake out ng makakain namin. 

Palibhasa ay tanghalian na, marami nang tao nang makarating ako roon. Habang nakapila ay may napapansin ako sa gilid ko. Parang may nagmamasid sa bawat kilos ko. Hindi ko na lang masyado pinansin at nagtuloy sa pagorder. Matapos ko makabili ng pagkain ay nagmamadali ako umuwi. Pero pakiramdam ko ay sinusundan pa rin ako hanggang sa paglalakad. Tumakbo na ako hanggang sa makarating sa dorm ko. Nagmamadali kong hinanap ang susi sa pinto para makapasok agad.

"Ahh!" sigaw ko nang padarag na kunin ang braso ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status