Home / All / Power of Love / Chapter 30

Share

Chapter 30

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:42:42

Natapos na ang bakasyon at narito na naman ako sa school dahil pasukan na ulit. Unang buwan pa lang ng klase ay marami na agad ang pinapagawa ng mga prof namin. 

"Janine sa library na lang tayo magkita after lunch ah!" sigaw ni Crista na kaklase ko. May kailangan kaming tapusin na report para sa English subject namin next week.

"Gurl yung balance sheet ba tapos mo na? Kailangan ko na ibigay kay ma'am iyon before 5," bungad sa akin ni Crystal pagkarating sa kakainan namin.

"Konti na lang matatapos na ako. Itutuloy sagutan pagkatapos natin kumain para maibigay ko na agad sa iyo," 

"Grabe naman ang stress na ito! Kakaumpisa pa lang ulit ng klase pero pakiramdam ko ay nakakalahati na natin ang isang sem!" reklamo ni Keisha.

"Patayan talaga sa BSA gurl kaya wala ka magagawa kundi piliin na makasurvive. Besides kapag naman nakatapos tayo at nakapasa sa board exam, lahat ng hirap natin ay mapapalitan," banat ni Crystal sa kanya.

Nakikinig lang ako sa usapan nila nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Love

Hi love! We're boarding now. Take care there always. I love you.

To: Love

Take care too. I love you.

Sent!

Simula nang mag-umpisa ang klase namin hindi na kami masyado nagkakausap ni Lux. Sinasama na rin kasi siya ng parents niya kung saan sila pupunta. Hindi rin naman niya sinasabi kung saan. Hindi naman ako nangangamba dahil magulang naman niya ang kasama niya. Nang matapos kami kumain ay nagmamadali namin tinapos yung activity sa accounting at sabay sabay na kami nagpunta sa library para sa report naman sa English.

"So guys ganito basahin muna natin yung topics na bigay sa atin sa magkakaibang libro then isummarize natin para makita natin ano yung same points ng topics sa different books then their differences, okay ba?" tumango na lang kami kay Crista at naghanap na ng books na related sa topic namin. 

Naghiwalay kaming apat para magtingin sa possible resources dito na makakatulong sa amin. Agad akong bumalik sa table namin nang may makuha na akong mga apat na libro na babasahin. Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na rin silang tatlo at naging abala na kami sa paggawa.

"Jani, diba boyfriend mo siya?" iniharap sa akin ni Keisha ang phone niya.

Picture ng family niya ang nandon. He is wearing a white polo at may suot pa siya na coat, black slacks at itim na sapatos. Nasa gitna siya ng parents niya. Mukhang strict ang magulang niya. Nakangiti nga sa camera pero bitin iyon at tingin pa lang sa kanila ay talagang masasabi mo na respetadong tao sila.

"Oo," sagot ko nang ibalik sa mga libro ang paningin ko.

"Alam mo mukhang mabait ang boylet mo. Tignan mo naman ang amo ng mukha. Ang layo sa itsura ng mga lalaki rito sa campus," saad ni Crystal.

"Lux Justin Mendoza ba name ng boyfriend mo?" tanong ni Crista.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Mag-iingat ka sa kanya. Mukha lang inosente at mabait pero nasa loob ang kulo niya," nakangiwing saad ni Crista. Kunot noo naman ako bumaling sa kanya.

"Ano sabi mo?" asar na tanong ko.

"Kilala siya ng ibang friends ko. Kilala rin ang family nila dahil sa yaman at sila mismo ang nagkukwento sa akin kung gaano nila kagusto si Lux. It's just that naturn off sila nung nalaman na playboy pala. All he knows is just to play and break a girl's heart," 

Hindi na ako sumagot sa kanya at hinayaan na maglayag ang isip ko. Hindi ko alam kung paano namin naumpisahan ang report na ginagawa namin habang ako ay abala sa pag-iisip kung totoo ba ang mga narinig ko kay Crista.

Pero imposible naman iyon diba? Kung totoo iyon, hindi hahayaan ng mga kaibigan ko na maging kami. Hindi nila hahayaan na mapalapit ako sa kanya lalo na at alam nila yung hirap na piangdaanan ko rati.

Hindi ko na rin alam paano ako nakarating sa bahay. Masyado nang pagod ang utak ko. Hinayaan ko ang sarili ko maupo sa sofa at pinakalma ang sarili. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagod ay tumunog na ang doorbell. Inis ako nagtungo sa pinto para tignan sino ang bwisit na iyon.

"Jonald?!" gulat na tanong ko.

"Jani please bumalik ka na sa akin," lumuluhang saad niya. 

"What are you doing here?!" inis na tanong ko.

"Jani please, I want us back. Please come back," pagsusumamo niya.

"Ano ba! Siraulo ka ba?! Ikaw ang umalis! Ikaw nang-iwan ng walang dahilan tapos ngayon na kinaya ko na wala ka magmamakaawa ka sa akin na bumalik ako?! Siraulo!" sigaw ko sa kanya!

Isang taon na ang lumipas simula nang iwan niya ako. Hindi naging madali ang isang taon na iyon dahil mahirap. Minahal ko ng totoo pero ginago lang ako! Tapos ngayon ganito?! Punyeta naman! 

"Umalis ako dahil kailangan ko gawin yon! Para sa kinabukasan nating dalawa kaya ako umalis!" sigaw niya pabalik.

"Talaga ba?! Anong akala mo sa akin tanga? Tingin mo paniniwalaan pa kita?! Gago ka! Hindi mo na ako madadaan sa panloloko mo!"

"Bakit? Kahit minsan ba pinaniwalaan mo ako? Kahit minsan ba pinakinggan mo mga sinasabi ko?"

"Tingin mo kaya ko pa paniwalaan ka? Sinaktan mo ako. Pinagmukha mo akong tanga!" lumuluhang sigaw ko. Hindi ko na mapigilan yung naghahalong inis, galit at sakit. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na magpadala sa nararamdaman ko.

"Hindi kita niloko!"

"Tangina mo! Alam ko na yung nabuntis mo ang pinuntahan mo sa ibang bansa! Gago ka ba? Akala mo hindi makakarating sa akin?! Ngayon mo sabihin sa akin paano pa kita papaniwalaan?! Buong buhay ko binigay ko sa iyo. Lahat ng kaya ko ibinibigay ko sa iyo para lang maging kuntento ka sa akin. Pero wala! Naghanap ka pa rin! Dahil lang ayaw ko na ikama mo ko naghanap ka ng iba tarantado ka!" sumbat ko sa kanya.

Umawang ang labi niya at hindi na nakapagsalita. Puno na rin ng luha ang mukha niya. Pilit ko pinapakalma ang sarili ko dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko. Ibinaon ko na sa limot ang lahat. Bakit naman biglang huhukayin na naman? Hindi ba pwede na ibaon na lang. Hindi ba pwede iwan na lang sa nakaraan lahat ng sakit?

"Umalis ka na," mahinang saad ko sa kanya.

"P-Pero J-Jani,"

"Umalis ka na! At huwag ka na magpapakita ulit sa akin! Hayup ka! Umalis ka na!" pagtataboy ko sa kanya.

Muli siyang humarap sa akin pero sinara ko ng malakas ang pinto. Agad ako dumapa sa kama ko at doon piangpatuloy ang pagluha.

"Ano ba ang kasalanan ko para maging ganito kalupit sa akin ang mundo?" lumuluhang tanong ko sa sarili.

Hindi ko maintindihan kung bakit. Puro na lang ako bakit. Bakit kailangan pa mangyari ito? Pagod na ako sa dami ng kailangan namin gawin para sa acads namin dumagdag pa itong siraulong tao na to. Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko siya patayin na lang pero hindi ko pwede gawin. Gusto ko siya saktan, gusto ko ipasa sa kanya lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

Please, I want to have peace. Please let me have the peace I want. Please...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status