Home / Lahat / Power of Love / Chapter 29

Share

Chapter 29

Author: Larven Dizon
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-01 17:41:55

Hindi ko na namalayan na lumabas na pala ako ng resort. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagtakbo at pag-iyak. Hindi ko na maitatanggi pa sa sarili ko. Ngayon pa lang ay alam ko na ang sagot. Umupo ako sa upuan na natagpuan ko rito sa labas at hinayaan na lumuha ang aking mga mata. 

Ito ang iniiwasan ko mangyari. Ito yung dahilan bakit ko siya pinapalayo. Dahil ayaw ko maulit yung sakit pero heto ako at lumuluha na dahil sa sakit.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko pinigilan ang sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nasaktan na naman ako.

"Jani!" napaangat ako ng ulo nang marinig ang pangalan ko. Nakita ko si Lux na lumabas din ng resort at mukhang hinahanap ako. Hindi ako nagpakita at tahimik lang na lumuluha. Yumuko ako para pigilan ang sarili ko na gumawa ng ingay. Nagtataka akong napatingin sa pares ng paa na nakatayo sa harap ko.

"Ano ginagawa mo rito sa labas?" tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang at hindi sinagot. Nagmamadali naman akong tumayo para bumalik ulit ngunit bigla niya ako niyakap sa likod. Lalo ko hindi napigilan ang umiyak ng sobra.

"Hindi ko mahal si Clarise," bigla ay sabi niya.

"Wala naman ako pakielam kung mahal mo siya o hindi," sagot ko sa kanya.

"Jani," pagtawag niya.

"Sino ba ako para makielam sa gusto mo sa buhay? Hindi kita boyfriend at hindi mo ako girlfriend. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin," pilit ko kinakalas yung kamay niya na nakayakap sa akin.

"Jani please," pagmamakaawa niya.

"Ano pa ba gusto mo mangyari?!" asar na tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo," malungkot na saad niya.

"Anong totoo?" kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Mahal mo rin ako diba?" umaasang tanong niya.

Lumunok ako para pigilan ang sarili ko na magsalita. Ayaw ko sabihin sa kanya. Ayaw ko aminin.

"Jani please sagutin mo ako. Mahal mo ako diba?" pag-ulit niya sa tanong. Kumalas ako sa yakap niya at lumuluhang hinarap siya.

"OO!" sigaw ko sa kanya. "Oo Lux mahal na kita. At naiinis ako sa sarili ko bakit kailangan pa kita mahalin. Ayaw ko magmahal pero lintek tong puso ko tumibok para sa iyo!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit tumakbo ka kanina matapos mo makita na hinalikan ako ni Clarise?" tanong niya.

"Bobo ka ba?! How do you expect me to react on that?! Nasaktan ako sa nakita ko ano gusto mo magparty din ako kasi hinalikan ka ng kaibigan mo?!" gigil na tanong ko.

"Matagal na siya may gusto sa akin," paliwanag niya.

"Wala akong pakielam!" sigaw ko ulit sa kanya.

"I'm sorry sa nakita mo," malungkot na saad niya.

Patuloy lang ako na lumuluha. Hindi malaman bakit hindi mahinto. Muli ako tumalikod sa kanya para ayusin ang sarili ko bago bumalik sa mga kaibigan namin nang bigla na naman niya ako yakapin!

"Jani, please," pabulong niyang sinabi sa akin.

"Ano bang gusto mo?!" asar na tanong ko.

"Sabihin mo sa akin nararamdaman mo. Gusto ko malaman," bulong niya sa tenga ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko malaman anong nararamdaman mo," saad niya.

"Gusto mo malaman?" tumango naman siya sa balikat ko.

"Naiinis ako kasi ayaw ko magmahal ulit. Ayaw ko masaktan ulit pero andito ako ngayon at minamahal ka. Gusto kong pigilan. Gusto ko mawala pero hindi ko alam kung paano. Ayaw ko na magmahal eh. Pagod na ako masaktan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit pagdaanan yung sakit tulad sa nakaraan ko," emosyonal na saad ko.

"Hindi kita sasaktan. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit. Pangako," unti-unti niya ako hinarap sa kanya at dinampian ng halik ang labi ko. Nagulat ako nang gawin niya iyon. Ramdam ko sa halik niya yung pagmamahal na handa niyang ibigay. Agad niya rin inalis at nakangiting bumaling sa akin.

"Mahal na mahal kita," he said it full of love.

"Mahal din kita," sagot ko.

Ang rupok mo self hay nako!

Sabay na kami bumalik sa loob para makigulo sa mga kaibigan namin.

"Saan kayo galing?" naghihinalang tanong ni Kevin sa amin.

"Dyan lang bakit?" maangas na sagot ni Lux.

"Bakit magkahawak pa mga kamay niyo?" nakangising puna ni Mira.

Sa gulat ay napatingin ako sa kamay naming dalawa! Agad ko binitawan ang kamay niya at pumwesto na sa inuupuan ko kanina. Sinalubong naman ako ng naghihinalang tingin ng mga kaibigan ko.

"Mabuti na lang wala si kuya rito," bungad ni Ems nang makaupo ako.

"Kaya nga. Malamang masasaktan yon. Tsk tsk," banat naman ni Anne.

"Manahimik nga kayo!" sita ko sa kanila. 

"So ano na ang balita?" usisa ni Mel.

"Anong ano na ang balita?" takang tanong ko sa kanya.

"Kayo na ba?" direktang tanong ni Mira.

Naibuga ko tuloy yung wine na iniinom ko! Sayang naman yon. Malungkot na sabi ko sa sarili ko.

"Si Lux na lang tanungin niyo dyan," swabeng sagot ko sa kanila.

"Ay mukhang level up na ito," tatango tangong saad ni Ems.

"Lux! Kevin! Punta nga kayo rito," utos ni Anne.

Agad naman sumunod yung dalawa.

"Bakit?" takang tanong ni Kevin.

"May itatanong kasi kami kay Lux at dapat kumpleto tayo," sagot ni Mel.

"Ano yun?" takang tanong ni Lux.

"Kayo na ba?" diretsang tanong ni Ems.

Napatingin naman sa kanya ang lahat at naghihintay ng isasagot niya.

"Oo," walang alinlangan na sagot niya.

Bigla naman ay nagwawala na ang mga kaibigan namin! Bigla ay nagtatatalon na sila at panay ang sigaw!

"Hoy ano ba?! Kumalma nga kayo," inis na sita ko sa kanila.

"Paano kakalma jusko! Parang nung nakakaraan lang tinatanggi mo pa kahit halata ka naman na!" sigaw ni Mel.

"Nako gurl! Masaya kami para sa iyo kasi finally nakamove on ka na talaga!" masayang saad ni Ems.

"Kapag ba nakapasok ulit sa isang relasyon meaning nakamove on na?" taas kilay na tanong ko.

"Aba syempre naman! Ibig sabihin niyan ay wala ka na pakielam sa ex mong panget!" tumatawang sagot ni Mira.

Kumuha naman ng alak si Kevin para raw hindi kami puro wine. Iniwan ko muna sila at nagpunta ako sa pool. Sayang naman ang pagpunta namin dito kung hindi ako magswimming diba? Makalipas lang ilang minuto ay sumunod na rin sila at nagsaya na rin sa pool. Kung anu-anong laro ang naiisip nila kaya napuno ng saya ang gabi namin.

"Hoy Jani ang daya mo!" sigaw ni Mira nang maunahan ko sila lumangoy para hindi mataya.

"Saang banda ako naging madaya?" natatawang tanong ko.

"Hindi ka man lang namin mahabol," asar na saad ni Anne.

"Ganon talaga mabilis ako lumangoy," pang-aasar ko pa.

Hindi namin alam saan nagpunta sila Kevin, Lux, Ems, at Mel. Nagenjoy na lang kami sa pool at kung an-ano ang mga pinaggagagawa. Natigil kami nang may biglang tumugtog na instrumental. Nagtataka naming nilingon ang isa't isa at umahon para matignan saan iyon nanggagaling. Nandito kami sa may garden malapit sa pool at ang ganda ng paligid. Puno ng ilaw at may mga bulaklak na nakapaligid sa bandang gitna at may mga kandila pa. Nagulat ako nang lumabas sa may gilid si Lux at naglakad papunta sa harap ko.

"May I have this dance?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti naman ako sa kanya at ipitanong ang kamay ko. Inalalayan niya ako hanggang sa gitna at sumunod na sa ritmo ng musika.

"Bakit mo sinabi sa kanila na tayo na?" sita ko sa kanya.

"Doon din naman papunta. Bakit gusto mo ba maligawan ka pa?" takang tanong niya.

"Hindi naman. Simula nang hiwalayan ako ng ex ko hindi na ako naniniwala sa ligaw na yan," sagot ko.

"Bakit naman?" takang tanong niya.

"Kasi kapag nanliligaw ang lalaki puro kagandahan ipapakita sa iyo mapasagot ka lang. Magugulat ka na lang hindi pala siya katulad nung panahon na nanliligaw siya sa iyo kapag sinagot mo na," paliwanag ko.

"So ayos lang sa iyo na iyon ang sagot ko sa kanila?" 

"Ayos lang naman," nakangiting sagot ko.

Biglang nawala ang mga kaibigan namin. Siguro ay bumalik na sila sa pool at hinayaan na lang kaming dalawa rito. Ang ganda ng ayos ng paligid. Akma ang kanta sa kung ano ang nararamdaman namin sa isa't isa. Instrumental lang siya pero nakakadagdag emosyon siya sa aming dalawa. Niyakap niya ako ng matapos ang kanta.

"Don't ever leave me. Please," pakiusap niya.

"I won't. I'll always be there for you,"

"I love you,"

"I love you too,"

Hinalikan niya ako at sabay naming pinagmasdan ang magandang buwan. Nakayakap pa rin siya sa likod ko habang nakatingala kami sa langit.

May this day won't end. May the love this time continue to grow. I love you always and forever.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status