Home / All / Power of Love / Chapter 33

Share

Chapter 33

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:45:41

"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako. 

"Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko.

"Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically.

"Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya.

"Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila. 

"Nahihirapan ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Ayaw ko na may mapahamak sino man sa inyo, pero ayaw ko rin naman sumama sa kanya," tinakpan ko ang mukha ko at doon umiyak.

Pakiramdam ko ay wala na ako pag-asa. Pakiramdam ko ay kailangan ko isakripisyo ang sarili ko para lang hindi na sila mapahamak. Nagkakabuhol buhol na ang utak ko. 

"Bakit ba kailangan pa ito mangyari?" nawawalan na talaga ako ng pag-asa. 

"Hindi rin natin alam ano ang tumatakbo sa utak ng gago na yon," asar na saad ni Mira.

"What if maghire tayo ng investigator?" suhesyon ni Ed.

"Huwag na at baka lalo lang magkagulo. Ang gusto ko lang ay mahuli ng mga pulis iyan at makulong. Kailangan natin makahanap ng magagamit laban sa kanya," sagot ko.

"Paano naman natin gagawin iyon?" takang tanong ni Mel.

"Hintayin natin na siya ang lumapit sa atin. Pero kailangan natin ipaalam kay Lux at sa pamilya ko ang nangyayari. Kapag pinuntahan niya si Lux o ang pamilya ko gugulatin natin siya na nakaset up na ang paghuli sa kanya," aniya ko.

"Ano?" kunot noo na tanong ni Anne.

"Ganito. Tatawagan natin si Lux at ang pamilya ko. Ipapaalam sa kanila kung ano ang mga nangyayari at magbubuo tayo ng plano. Ipapaalam din natin sa mga pulis ang nangyayari at plano natin para mahuli na siya ng tuluyan. Kailangan natin unahan kung ano man ang binabalak niya. Kailangan hindi niya tayo maisahan at hindi pwede na may masaktan sa ating lahat,"

"Kakayanin ba natin?" tanong ni Ed.

"Oo naman. Basta sama-sama tayo ay kakayanin ang kahit ano," nakangiting saad ko.

"Group hug naman dyan!" sigaw ni Kevin.

Bigla na lang ako niyakap ni Kevin!

"Hoy! Tsansing ka ah!" sita ko sa kanya.

"Biro lang," saad niya habang kamot ang ulo.

Nagtatawanan ang lahat ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Love calling...

"Bebe mo tumatawag oh," abot sa akin ni Mel ng phone.

"Hi love!" bati ko sa kanya.

"Bakit ang dami niyo dyan?" takang tanong niya.

"Mahabang kwento brad," si Kevin ang sumagot.

"Bakit? May nangyari na naman ba?" seryosong tanong niya.

"Paano ay ayaw tantanan ni Jonald itong si Jani. Hindi na namin alam ang gagawin! Tapos si gago ay nagbabanta pa na kesyo sasaktan daw ikaw, kami, at ang pamilya ni Jani kapag hindi raw siya sumama," asar na sagot ni Ems.

"Ang daldal mo talaga ano?" inis na saad ko.

"Paano alam ko naman na hindi mo sasabihin," pagtataray niya pa.

"Ano na ang plano ninyo?" tanong ni Lux.

"Ito na nga," pangunguna ni Ed.

"Alam mo ba ang sasabihin mo?" baling ko sa kanya.

"Hindi," sabay ngiti.

"Tsh. Ganito ang plano. Since hindi namin alam kung ano talaga ang plano nun maging mapagmasid ka. Pakiramdaman mo lagi ang paligid mo at ipaalam mo sa mga pulis ang mga mapapansin mo. Ganyan din ang gagawin namin dito at pati kila mama ay ipapaalam namin ang plano para mahuli agad ang baliw na iyon. Huwag ka magpapahalata na alam mo ang tungkol sa mga ginagawa niya sa akin. Kailangan natin siya mahuli," saad ko.

"Okay. Ako na ang bahala rito. Please be safe always. Kayong lahat please be safe,"

"We will, love. Mag-iingat ka rin dyan," then he smiled at me.

"Kevin, ikaw na ang bahala sa mahal ko ah,"

"Oo naman brad. Hindi ko siya papabayaan," nakangiting saan ni Kevin.

"Sige na. Kailangan ko na umalis at may pupuntahan pa kami,"

"Bye!" then he ended the call.

Pagkatapos niyon ay tumawag kami kila mama at ipinaalam ang plano. Agad naman sila pumayag kahit na inaalala nila ang lagay namin. Napagdesisyunan din na isasama muna nila si Jhon para masiguro na ligtas din ang kapatid ko. Kahit kami ay kinakabahan sa naisip namin pero ayaw ko na may maabala pa kami sa nangyayari. Si Ed na ang bahala makipag-usap sa mga pulis kinabukasan habang si Kevin ang kasama ko. Sila Ems naman ay may pasok din kaya sa gabi na lang kami nagkakasama.

Lumipas ang ilang linggo at naging tahimik naman ang buhay namin. Nawala ng bahagya ang takot namin ngunit hindi pa rin nawawala sa isip namin na baka bigla na lang siya magpakita sa amin. 

"Grabe ang mga pinapagawa talaga!" reklamo ko. May inaayos ako ngayon para sa research paper namin sa isang subject. Sa dami ng pinapagawa sa amin, pakiramdam ko ay kulang yung palugit na ibinigay ng prof namin.

"Jani kain ka muna," alok sa akin ni Kevin ng bacon, sinangag, at itlog. 

"Thanks," I smiled at him.

Mag-isa kasi ako sa kwarto at lahat sila ay nasa sala. Mabuti pa sila at wala masyado ginagawa habang ako ay narito at pinipilit na maayos ang ipapasa namin sa mga prof namin.

"You need help?" 

"No need. Kaya ko pa naman tapusin ito," nag-unat muna ako para naman mabanat ang mga buto ko. Ang tagal ko na rin kasi na nakaupo.

"Grabe naman mga pinapagawa sa inyo,"

"Sinabi mo pa! Kaloka. Parang walang katapusan," kinuha ko ang pagkain na inabot ni Kevin at nagsimula na rin ako kumain.

"Buti naman at kinakaya mo,"

"Syempre para sa sarili ko at sa pamilya ko lahat kakayanin ko. I don't want to fail them,"

"I admire you for that," he smiled.

"Thanks," I smiled back.

"Ano plano mo after graduation?"

"Kapag naging CPA na ako syempre isa-isa ko na tutuparin mga pangarap ko. Para kapag nagsettle down na ako, no regrets kasi nagawa ko yung mga bagay na gusto ko mangyari. Ikaw ba?"

"Siguro magtatayo ako ng sarili kong business na imamanage. Hindi naman pwede na umasa na lang ako lagi kila mom and dad. I'm not getting any younger kaya dapat mayroon na rin ako sariling plano sa buhay ko para kapag naging stable na ang lahat pwede na ako makapag-asawa,"

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Nabawasan ng kaunti ang stress ko sa school works ko dahil may nakakausap na ako.

"Jani may package para sa iyo," bilang pumasok si Ed sa kwarto ko.

"Huh? Kanino raw galing?" takang tanong ko.

"Hindi ko alam. Tignan mo na lang at mukhang importante,"

Binuksan ko ang inabot ni Ed. May brown envelope sa loob at agad ko kinuha ang laman niyon. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! Bumilis din ang tibok ng puso ko at naetatwa na ako sa kinaroroonan ko! Hindi matanggap ng sistema ko ang nakikita ko!

"Fuck!" usal ni Kevin.

Bigla ko na lang naramdaman ang yakap niya.

"Jani, andito lang ako," bulong niya sa tenga ko.

Napayakap na rin ako at sa kanya na ako humagulgol.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status