Home / All / Power of Love / Chapter 34

Share

Chapter 34

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:46:21

“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.

“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.

“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.

Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kailangan na humantong sa ganito. Pilit ko iniisip kung saan ba ako nagkulang. Binigay ni Kevin ang mga litrato na ipinadala sa akin para hindi na sila magtanong pa.

“OMG!” bulaslas ni Anne nang makita.

“Paano nagawa ni Lux ito?” tanong naman ni Ems.

Lahat sila ay napatingin sa akin matapos tignan ang litrato. Wala akong ideya kung sino ang posible na nagpadala sa akin nito.

“Kelan pa?” lumuluhang bulong ko kay Kevin.

“Hindi ko rin alam Jani. Ngayon ko lang nalaman yan,” bulong ni Kevin sa akin.

“Pwede ba kayo lumabas muna? Mag-uusap lang sana muna kami” saad ni Kevin sa kanila.

Wala ako narinig na sagot mula sa kanila. Naramdaman ko na lang ang Pagbukas at sara ng pinto. Inayos naman ako ni Kevin ng upo.

“May alam ka ba rito?” tanong ko sa kanya.

“Wala ako alam,” sagot niya.

“Bakit kailangan niya gawin sa akin ito?” lumuluhang saad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan umabot sa punto na ito.

“Hindi ko rin alam sagot sa tanong mo. Hindi naman siya babaero at mas lalo na hindi siya manloloko,” napabuntong hininga na lang siya.

Kusang naglalayag ang utak ko at puro tanong ang laman. Hindi ko mahanapan ng sagot. Hindi ko maintindihan.

“Posible ba na magbago ang isang tao kapag hindi mo na nakakasama?” I asked out of nowhere. Tahimik na lang ako na lumuluha ngayon. Tulala sa isang lugar at sinusubukan na masagot ang mga tanong. Napalingon naman sa akin si Kevin dahil sa tanong ko.

“Does distance really matter when you love?” I smiled bitterly. Nakita ko sa gilid ng mata ko nang mapailing siya dahil sa mga tanong ko.

“Change is constant Jani. Whether you are together or not, people will change,” malungkot na saad niya.

“How about my second question? What do you think?” I shifted my gaze to see him. He looks like he doesn’t know how to answer my question. I look back in front and let myself do the thinking.

“Distance doesn’t matter. When you choose to love, even if you are miles apart, you will keep in your heart that person that means everything to you. No matter how long it takes, love will always prevail,”

“Naranasan mo ba ang magkarelasyon na LDR?” humarap na ako sa kanya.

“I never had a girlfriend,” Umiwas siya ng tingin sa akin.

“Kaya ba hindi mo masagot yung tanong ko kanina?”

“Obviously Jani,” asar na sagot niya.

“Hindi ba talaga kayo nagkausap ni Lux?” umaasa na tanong ko.

“Parati tayo magkakasama. Kahit sa tinitigilang bahay ay magkakasama tayo, nakikita mo ba na nakakausap ko siya?”

“Sabi ko nga hindi,” malungkot na saad ko.

“Ikaw lang ang kinakausap niya sa atin,”

Bigla naman nagbeep ang phone ko. Agad ko tinignan ang mensahe roon.

Jani, ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kaya na malayo sa iyo. We will stay here for good dahil iyon ang plano ng parents ko. I wish you happiness. I’m letting you go. Soon I will be marrying the girl I really love and that is not you. I realized na hindi pala talaga kita mahal. Hindi pala ikaw yung babae na gusto ko makasama habang buhay. Hindi ikaw yung gusto ko makasama sa mga plano ko. Run free Jani. I’m breaking up with you. Please be happy.

“Fuck!” I exclaimed. I almost throw my phone after reading the message.

“Jani! Calm down! Please!” Kevin hugged me tight.

Gusto ko magwala! Gusto ko manakit! Gusto ko siya saktan hanggang sa maramdaman niya yung sakit!

“Ano ba ang mali sa akin?” humahagulgol na talaga ako sa balikat niya.

“Jani walang mali sa iyo okay?”

“Hindi ko maintindihan eh!” kumalas ako sa kanya at binato ang cellphone ko! Pati mga gamit ko sa lamesa ay pinagbabato ko na rin!

“Ano ba nangyayari?!” sigaw ni Ed. Mapait ako na ngumiti sa kanila

“Lux just broke up with me,”

“What?!” binalingan ni Mel ng masamang tingin si Kevin.

“Woah! Wala ako alam dyan,” tinaas niya pa ang dalawang kamay niya.

“Iyan din ang tanong ko,” natatawang saad ko sa kanya.

“Ano ba nangyayari kay Lux?” tanong naman ni Mira.

“Baka nafall out of love?” patanong na sagot ni Anne.

Hindi ko na sila pinakinggan at nahiga na lang ako sa kama. Masyado na masakit ulo ko at pagod na rin mata ko kakaiyak. Lahat kami ay puro tanong lang din kaya lalo lang kami maguguluhan dahil wala kami makuha na sagot. Pwede nga ba na nahulog na lang siya sa iba ng hindi ako iniisip? Lunod na naman ako sa isipin. Narito pa rin sila sa kwarto at hindi pa rin tapos mag-usap. Gusto ko matulog pero masyado ako abala. Pagod ako pero gising ang diwa ko.

“Baka may dahilan siya?” tanong ni Ed. Napatingin naman ako sa kanya.

“Ano naman ang posible na dahilan niya?” taas kilay na tanong ko.

“Hindi ko rin alam. Kaya nga sabi ko ay baka! Hindi rin naman ako sigurado,”

“Huwag niyo na siya isipin. Hindi niya deserve ang maalala,” matigas na saad ko sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko, I blocked him in everything, Ayaw ko na magkaroon pa ng connection sa kanya. Sapat na dahilan na yung sinaktan at niloko niya ako para hindi ko na siya kausapin pa. Nagyaya na sila kumain ng dinner makalipas ang ilang oras. Tahimik ang lahat habang kumakain. I’m not used to it pero dahil sa bigat na nararamdaman ko ay ipinagpapasalamat ko pa na tahimik sila. Naligo muna ako bago nahiga sa kama. Muling inalala mula nang kami ay magkakilala hanggang sa sandali na hinayaan na niya ako mag-isa. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nakatulog.

“Tumakbo ka na!” sigaw sa akin.

“Hindi kita iiwan dito!” pilit ko hinihila yung lalaki na hindi ko makita ang mukha.

“Iligtas mo na ang sarili mo! Pakiusap!” pilit niya ako itinataboy.

“Bakit ba? Hindi kakayanin ng konsensya ko na iwan ka rito,”

“Mas hindi ko kakayanin na makita ka mawala. Pakiusap hangad ko ang kaligtasan mo! Ginawa ko na ang lahat para mailigtas ka! Please Jani, save yourself!”

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay may humila na sa braso ko!

“Please be happy love. Kahit sa ganitong paraan man lang ay mapagbayaran ko lahat ng sakit na binigay ko sa iyo,” saad niya sa akin.

“No,” mahinang saad ko.

“Hindi!” sigaw ko nang bigla na lang may bumaril sa kanya!

“Jani!” nagising ako sa lakas ng hampas sa akin.

“Kevin,” hinihingal na saad ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para ako nakipaghabulan sa sobrang hingal. Inabutan niya ako agad ng tubig at pinakalma. Pakiramdam ko ay totoo na ang panaginip ko. Hindi ko maintindihan ang kaba na nabuhay sa dibdib ko.

Bakit hanggang sa panaginip ko gusto mo ako makalaya sa iyo gayong alam mo na ikaw ang bumubuhay sa mga ngiti sa labi ko at ang nagiging pahinga ko sa nakakapagod na mundo?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status