Home / All / Power of Love / Chapter 28

Share

Chapter 28

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:41:02

Lumipas ang isang buwan at hindi kami nagkakasama ng mga kaibigan ko. May mga pinagkakaabalahan sila. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagbabasa at paglilinis lagi ng bahay. Minsan naman ay tinutulungan ko si Jhon sa mga kailangan niya. Ugali niya kasi magbasa kahit bakasyon ng mga lessons niya. Ewan ko ba dyan at masyadong studious. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang tumunog ang phone ko.

From: 09127653456

Jani kamusta ka na? Miss na miss na kita.

Kumunot ang noo nang mabasa ang text sa akin. Hindi ko alam kung sino ang nagtext na ito.

To:09127653456

Who you?

Sent!

Sa nakalipas na isang buwan ay hindi pa rin ako tinantanan ng isipin ko. Agad na lang ako nag-iisip ng dahilan para hindi ako tuluyang lamunin niyon. Kasalukuyan akong namamahinga dahil kakatapos ko lang maglinis sa garden nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ate, andyan sila ate Ems hinahanap ka," nangunot naman bigla ang noo ko.

"Sige pababa na ako,"

Inayos ko muna ang sarili ko bago sila sinalubong sa sala.

"Naligaw kayo?" bungad ko sa kanila.

"Namiss ka namin. Bawal ba?" Pagtataray agad ni Anne.

"Wala naman ako sinabing bawal," kalmadong sagot ko.

"Himala hindi ka ata masungit ngayon," sita ni Ems.

Hindi ko na siya pinansin at naupo ako sa tapat nila.

"Bakit pala kayo napapunta rito?" tanong ko sa kanila.

"Sinusundo ka namin dahil may farewell party si Lux," sagot ni Mel.

"Farewell party?" kunot noo na tanong ko.

"Hindi mo ba nabasa sa group chat natin?" tanong ni Mira.

Sa isang buwan na nagdaan ay pinigilan ko ang sarili na gumamit ng phone. Ayaw ko muna magkaroon ng connection kay Lux dahil lalo lang ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga pero bahala na.

"Mag-ayos ka na gurl. Huwag ka na mag-isip pa dyan at malapit na magsimula ang party," tinulak na ako patayo ni Ems.

Agad ako bumalik sa kwarto para maligo at magbihis. Summer ang theme ng party kaya naghanap ako ng akma na damit para doon. Naghanap na rin ako ng swimsuit dahil pool party daw ang gusto niya.

"Maligo ka na at ako ang maghahanap ng isusuot mo!" biglang pumasok si Ems sa kwarto ko.

"Bakit ka nandito?!" gulat na tanong ko.

"Dalian mo na maligo at ako na nga ang bahala sa damit," tinulak na ako ni Ems papasok sa banyo. Kinuha ko na lang ang twalya ko at sumunod na lang sa kanya. Agad ko tinignan ang damit na nakapatong sa kama nang matapos ako maligo.

May one piece pink swimsuit na nandon katabi ang isang off shoulder na floral at maong shorts. Agad ako nagbihis at kinuha ang maliit na backpack para paglagyan ng extra na damit in case na kailanganin ko. I ponytailed my hair and put some light make-up. Bumaba na ako at baka naiinip na ang mga bruha kakahintay sa akin. Kinuha ko na rin ang sandals ko at tinago sa bag ang slippers ko. 

"Ang ganda naman!" sigaw ni Mira nang makababa na ako. Inangat naman ng iba ang tingin sa akin at pinuri rin ako.

"Mukhang mahihirapan umalis si Lux niyan," pang-aasar ni Anne. 

"Nako tigilan mo nga ako," inirapan ko na lang siya.

"Tara na! Kanina pa ako kinukulit ni Kevin," sigaw ni Mira galing sa may pinto.

Pumunta na kami sa labas at agad na sumakay sa kotse. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Natulog na lang ako sa byahe dahil mukhang malayo pa kami.

"Jani gising na," 

"Ano?" asar na tanong ko.

"Andito na tayo," sagot ni Mira.

Minulat ko na ang mata ko at agad na lumabas sa kotse. Dala na nila ang gamit ko kaya ako na lang talaga ang wala. Nasa isang resort kami ngayon at hindi lang kami ang bisita.

"Andito na pala kayo," salubong ni Kevin sa amin.

"Ay wala pa kami rito. Multo lang kami na naligaw," asar na saad ko sa kanya.

"Anong ginawa ko sa iyo?" takang tanong ni Kevin.

"Bagong gising eh hayaan mo na," bulong ni Anne. Napabuntong hininga naman si Kevin.

"Halina kayo at kumain," anyaya niya sa amin.

"Yes! Gutom na ako!" sigaw ko sa kanila.

"Kaya pala nagsusungit. Gutom na," pagpaparinig ni Ems.

"Shut up," pagtataray ko. 

Agad na nagliwanag ang mata ko nang makita ang mga pagkain. Meron fried chicken, buttered shrimp, lumpiang shanghai, at hindi ko na alam yung iba dahil mukhang sosyal. Agad ako kumuha ng kanin at nauna na sa kanila.

"Napaghahalataan ka dyan ah," salita ni Mel.

"Hi guys!" biglang nagsalita si Lux. 

Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw. Boses niya pa lang pero hindi ko na alam bakit daig pa ng puso ko ang may hinahabol sa bilis ng pintig nito. Hindi ko na narinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Hinayaan ko maging abala ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain.

"Hi Jani," biglang bati niya sa akin.

"Shit" bigla ko nabitawan yung hawak ko na tong sa gulat. Buti at hindi yung pagkain ko ang natapon.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ako na kukuha ng makakain mo," presinta niya.

"H-Hindi na. Ako na. Kaya ko," agad ko iniwas ang sarili ko at kumuha pa nang ulam bago lumayo sa kanila.

"Hey Lux! You are here lang pala. I've been looking for you. Let's take pictures outside," napatingin kami sa likod ni Lux nang may magsalita.

"Sure Clarise," tumingin pa muna siya sa akin bago sumama sa Clarise na yon palabas dito sa kusina.

"Bakit ganyan tingin mo?" taas kilay na tanong ni Mel.

"Wala. Gutom lang ako," iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

"I guess someone is jealous," pang-aasar ni Kevin.

"No I'm not!" Asar na sigaw ko.

"Hindi naman sinabi na ikaw," nakangising saad ni Kevin.

Asar akong nag-iwas ng tingin sa kanila at kumain na lang. Tuwang tuwa sila samantalang ako ay hiyang hiya na. Napakaassuming mo talaga asar na bulong ko sa sarili ko. Nagsaya ang lahat nang nandon. Kasama ko pa rin sila Ems dahil hindi namin kilala ang mga bisita ni Lux. Naglabas na ng wine kaya natuwa ang karamihan sa nandoon. Agad naman ako kumuha at nilagok agad ang laman non. 

"Gurl you are too obvious," bulong ni Mira. Andito kami ngayon sa bench sa may mini garden ng resort malapit sa pool.

"What are you saying?" I asked while looking to the two person having fun.

"You are in love with Lux," si Ems ang sumagot.

"Fine!" pagsuko ko. "Oo nahuhulog na ako sa kanya! Masaya na kayo?" asar na tanong ko.

"Nakamove on ka na ba?" balik na tanong naman ni Anne. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

"Oo nakamove on na ako," I finally said it honestly.

"Then we are happy for you. Nagbubukas na muli ang puso mo," Mira said it sincerely. 

"Bakit lagi mo dinedeny? Obvious naman kahit nung mga nagdaan na araw," tanong ni Mel.

"Kasi natatakot ako. Ayaw ko na masaktan ulit. Natatakot ako na baka lokohin lang ako ulit. Baka hindi ko na kayanin kapag nadurog ulit ako," malungkot na sagot ko.

"Alam mo, mas matakot ka kapag hindi ka na marunong magmahal kesa katakutan mo na masaktan ka ulit," si Anne naman ang nagsalita. 

"Ang rason bakit hindi ko alam na may party si Lux ay dahil pinilit ko na huwag gamitin ang phone. Ayaw ko maguluhan lalo. Mas lalo na ayaw ko aminin sa sarili ko ang totoo. Dahil sa nakakaraang linggo nagpupunta si Lux sa bahay para bisitahin ako pero sinasabi ko sa kapatid ko na sabihin na may pinuntahan ako. Pero mukhang hindi talaga natuturuan ang puso," malungkot na ngiti ko.

Natahimik kami at uminom na lang sa gilid. Nakakarami na rin kami ng inom ng wine dahil sa sarap ng lasa. Nang lumalim na ang gabi ay unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita. Tsaka pa lang namin naisipan na maglangoy sa pool dahil kami na lang ang tao. 

"Guys may kukunin lang ako sa kwarto," paalam ko sa kanila.

"Bilisan mo ah!" sigaw ni Mel.

Nagmadali naman ako maglakad. Nakalimutan ko kunin ang powerbank at chord ko kanina. Nalowbat tuloy phone ko habang nagpipicture kami. Ngunit agad ako natigilan nang may marinig ako na boses sa loob. Sumilip lang ako para hindi mahalata na andito ako sa labas.

"Lux. I love you so much," Clarise said.

Agad niya pinulupot ang braso sa leeg ni Lux at hinalikan ito! Bigla ay kumirot ang puso ko sa nakita. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Jani!" gulat na napatingin siya sa may pinto. Ang tagal ko nang nakatayo roon pero nang akma  akong lalapitan ni Lux ay tumakbo ako sa kung saan habang umiiyak. Hindi ko matanggap yung sakit.

Muli na namang lumuluha ang puso ko ...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status