LOGIN"Ano ba gusto niyo pagkuwentuhan?" bagot na tanong ko.
Ilang minuto na kami nagtititigan dito ngunit wala pa rin nagbabalak magsalita. Hindi ko alam kung sinasaniban na ba sila ng kung anong espiritu at hindi mawala ang pagkakangisi nila bukod kay Ed na nababagot na rin.
"Oo nga! Ano magtititigan na lang ba tayo?" sigaw naman ni Ed sa kanila.
"Bakit hindi mo umpisahan kuya?" pagtataray ni Ems.
"Ano ba gusto niyo na maikuwento ko?" tanong niya sa lahat.
"Kailan ka uuwi sa probinsya niyo?" baling naman ni Lux sa akin. Hindi pinansin ang pagtatanong ni Ed.
"Hindi na ako tutuloy sa pag-uwi," sagot ko.
"Bakit naman?" tanong ni Anne.
"Hindi pa kasi makakabalik agad parents ko galing sa trip nila sa Singapore,"
"Ang gagaling niyo! Tinanong ko kayo kung ano gusto niyo na ikuwento ko tapos deadma ako sa inyo," inis na saad ni Ed.
"Para kang bakla dyan kung makaarte. Ikuwento mo kung ano gusto mo ikuwento hindi yung magtatanong ka pa sa amin," saad ni Mira sa kanya.
"Jani," tawag sa akin ni Ed.
"Bakit?" kunot noo na tanong ko sa kanya.
"May nagugustuhan ka na ba na nandito ngayon sa bahay mo?" diretsong tanong niya sa akin.
"Ayun hindi na nagkuwento! Naintriga na rin!" pang-aasar ni Mel.
"Sagutin mo yan Jani," pang-aasar din ni Anne.
Napalunok naman ako bigla! Hindi ko alam bakit bigla ako kinabahan.
"Wala ah!" depensa ko.
"Bakit defensive ka?" nakangising tanong ni Mira.
"Hindi ah. Sinagot ko lang naman yung tanong," dire-diretso na sabi ko.
"Bakit namumula ka?" pang-aasar ni Ems.
"Jani umamin ka na kasi" si Kevin naman.
"Wala nga kasi! Bakit ba mapilit kayo? Hindi naman kayo ang nakakaramdam ah,"
"Hindi nga kami nakakaramdam pero kami ang nakakapansin," sagot ni Kevin.
"Ikaw Lux may gusto ka ba kay Jani?" baling ni Ed sa kanya.
"Handa ka ba sa maririnig mo na sagot?" naghahamon na tanong ni Lux.
"Lagi naman akong handa," sagot ni Ed sa kanya. ngumisi lang si Lux sa kanya.
"Bro sagutin mo na yung tanong," buyo pa ni Kevin. Hindi ko naman maintindihan bakit kabado pa rin ako.
"Ano nga ulit tanong mo?" Baling ni Lux kay Ed.
"Kung may gusto ka ba kay Jani," pag-uulit niya.
"Oo," walang pag-aalinlangan na sagot niya.
Bigla naman nagsigawan ang mga abnormal kong kaibigan! Natakpan ko na ang tenga ko sa sobrang lakas ng boses nila!
"Manahimik nga kayo!" sita ko sa kanila.
"Grabe talaga ang kaibigan ko na to!" biglang yumapos sa akin si Anne.
"Bakit naman may pagyapos ka pa?" asar na tanong ko sa kanya.
"I'm just so happy for you," naiiyak na saad niya.
"And you are over reacting," pagtataray ko sa kanya.
"Duh! We are just happy! And I guess there is nothing wrong with that?" taas kilay na saad ni Ems.
"Bahala nga kayo," sabi ko sa kanila.
"Hindi man lang ako sinuportahan ng mga to," nagtatampong sabi ni Ed sa kanila.
"Susuportahan ka naman sana namin kuya. It's just that they have mutual feelings," said Ems.
"Says who?" masungit na tanong ko.
"Kami!" sabay-sabay na sigaw nila.
"Bahala na nga kayo dyan!" asar na sigaw ko sa kanila.
Habang nagkakasiyahan sila ay bigla naman bumaba ang kapatid ko.
"Jhon andyan ka pala," bati sa kanya ni Lux.
Takang nagpalipat lipat ng tingin kay Jhon at Lux ang mga baliw na to.
"Kilala mo kapatid ni Jani?" takang tanong ni Ed sa kanya.
"Oo naman diba Jhon?" baling ni Lux kay Jhon.
"Opo. Lagi po kasi kami nagkakalaro ng basketball ni kuya Lux kaya nakilala ko siya. Dito lang din naman kasi siya sa subdivision namin nakatira," paliwanag ng kapatid ko.
"Matinde pala ang pinsan ko! Nakilala agad ang kapatid ng kaibigan namin!" sigaw ni Kevin.
"Wala ka na talagang laban Ed," pang-aasar din ni Kevin sa kanya.
"Alam naman sa kanila na manliligaw ako ni Jani, hindi ba Jhon?" baling ni Ed sa kanya.
"Hindi ko nga alam kuya Ed na manliligaw ka ni ate," inosenteng sagot ng kapatid ko.
Humagalpak naman sila ng tawa at pinagtulungan asarin si Ed. Halos hindi na maipintura ang mukha niya sa sobrang pagkabusangot. Kahit ako ay gusto na rin matawa ngunit baka sa akin naman mapunta ang pang-aasar nila.
"Akala niyo ah! Kapag ako sinagot ni Jani who you kayo sa akin!" banta niya sa kanila.
Bigla naman tumunog ang doorbell kaya agad sila natahimik.
"Umayos nga kayo dyan," sita ko sa kanila. Agad ko tinignan kung sino ang bisita.
"Hi ate Jani. sabi ni Jhon daanan ko na raw yung mga ipapasabay niyo ng uwi sa probinsya," bungad sa akin ni Abrielle.
"Halika. Pasok ka muna. Ipapababa ko kay Jhon yung mga gamit na dadalhin mo. Pasensya na at hindi kita masasamahan pauwi ah,"
"Ayos lang ate naiintindihan ko," nakangiting saad niya.
"Jani sino siya?" Agad na tanong ni Ed.
"Pinsan ko, bakit?" nagbabanta na tanong ko sa kanya.
"Pwede ko ba ligawan?" nakangiting tanong niya.
Pinagbabatukan naman siya ng mga kasama namin. Napairap na lang ako sahil sa tanong niya.
"Sapak gusto mo?" balik na tanong ko.
"Ayaw ko! Ang lakas mo sumapak eh!"
"Tigilan mo ang pinsan ko bawal pa yan ligawan," seryosong saad ko.
"Sayang naman," bulong niya.
"Anong sabi mo?" galit na tanong ko.
"Wala ah! Sabi ko nga tatahimik na ako,"
Agad ko pinuntahan si Jhon sa kwarto at pinababa ang mga gamit na ibibigay niya sa mga pinsan namin doon. Nasisiguro ko na matutuwa ang mga iyon.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho," nakangiting sabi ko habang nakatayo kami sa labas ng kotse niya.
"Mag-ingat din kayo dyan ate," nakangiting sabi niya rin.
"Sige na at baka may kailangan ka pa gawin,"
"Bye ate, Bye Jhon," paalam niya.
"Bye!" sigaw naming magkapatid.
Bumalik na kami sa loob ng bahay. Sinamaan ko agad ng tingin si Ed pagkapasok namin. Dumiretso naman sa taas ang kapatid ko.
"Tigilan mo na panliligaw mo sa akin ah," banta ko sa kanya.
"Bakit naman?" asar na tanong niya.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo kuya," si Ems ang nagsalita.
"Matapos mo bumanat ng ganon? Hindi ka na nahiya," si Mira naman ang nagsalita.
"Biro lang naman," nakangusong saad niya.
"Mukha mo biro. Huwag ka na manliligaw at huwag mo tatangkain na ligawan pinsan ko. Bubugbugin talaga kita," banta ko sa kanya.
"Hindi ko naman balak ligawan pinsan mo,"
"Siguraduhin mo lang," pinandilatan ko siya ng mata.
"Wala na basted na! Sabi sa iyo mutual feelings nila eh," pang-aasar ni Kevin.
"Hindi porket pinatigil ko siya sa panliligaw ay ibig sabihin nun ay mutual na feelings namin," saad ko kay Kevin.
"Hindi ba talaga?" nakangising tanong niya.
"H-Hindi n-nga!" sigaw ko.
"Bakit nauutal ka?" banat ni Anne.
"Kasi nagugutom na ako! Kumain na nga rin kayo. Kapatid ko pa nagluto ng kakainin natin,"
"Sakto gutom na rin ako," tumayo si Lux sabay himas sa tyan.
"Tara na sa kusina at nang makakain na tayo," anyaya ko sa kanila.
Natahimik naman sila nang magsimula na kami kumain. Tuwang tuwa sila dahil ang sarap daw ng luto nang kapatid ko. Matapos kumain ay nagkayayaan na sila umuwi dahil may kailangan pa raw sila daanan. Mabuti naman at hindi na sila nagtagal pa.
"Ingat kayo!" Sigaw ko sa kanila nang maihatid ko na sila palabas.
"Thanks for today," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya.
"Malapit lang naman bahay ko,"
"So? Hindi porket na malapit ang bahay mo ay hindi ka na uuwi,"
"Sige na nga. Uuwi na ako at mukhang ayaw mo nang nakikita ako," natatawang saad ni Lux.
"Hindi naman sa ganon. Maglilinis pa kasi ako sa loob," paliwanag ko.
"Tulungan na kita," presinta niya.
"Hindi na kaya ko na. Umuwi ka na lang at magpahinga," tinalikuran ko na siya para hindi na humaba pa ang pag-uusap.
"Okay. Thank you ulit!" sigaw niya.
Nagdiretso naman ako ng pasok at agad na isinara ang pinto. Ramdam ko ang lalim ng paghinga ko at bilis ng tibok ng puso ko.
Mali ang iniisip mo Jani. Hindi totoo yung sinasabi ng isip at puso mo. Wala lang iyon.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si