Home / All / Power of Love / Chapter 26

Share

Chapter 26

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:39:36

Medyo maaga ako nagising ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Nag-unat pa muna ako bago bumangon sa kama. Tinignan ko rin kung may mensahe ba ako natanggap mula sa mga abnormal na kaibigan ko. Mabuti naman at wala. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo bago bumaba para maghanda ng hapunan.

"Himala ata na maaga ka nagising ngayon ate," pambungad sa akin ni Jhon na nag-aalmusal na.

"Maaga lang talaga ako nakatulog kagabi," walang ganang sagot ko.

"Talaga ba ate? Kahit kaya maaga ka matulog dati ay tanghali ka pa rin nagigising," pang-aasar pa niya.

"Hindi ka na lang matuwa na maaga ako bumangon ngayon ano?" asar na saad ko.

"Para namang binibiro ka lang ate," nagtuloy na sa pagkain si Jhon at hindi na nagsalita pa.

Kumuha naman ako ng cereal at gatas. Konti lang muna ang kakainin ko at hindi sanay ang tyan ko kumain ng ganito kaaga.

"Mamaya pala, tawagin mo ko sa kwarto kapag dumating na sila Ems," utos ko sa kanya.

"Akala ko ba ay galit ka sa kanila dahil binulabog ka nila kahapon?" takang tanong niya.

"Ang dami mo masyado tanong ano? Hindi ba pwede na gawin mo na lang inuutos ko?" inis na tanong ko.

"Pwede naman ate," sagot niya.

"Iyon naman pala eh di manahimik ka na," pagsusungit ko sa kanya.

Matapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at inihanda na ang snacks na kakainin namin mamaya. Para pagkarating nila ay iluluto ko na lang. Matapos niyon ay nagpahinga muna ako ulit sa kwarto dahil nakaramdam ako ng antok. Alas nuebe pa lang ng umaga. Kadalasan kasi ay mga alas dose na ako nagigising dahil wala naman masyado gawain dito sa bahay. Ngunit imbis na matulog ay nag-ehersisyo na lang ako at baka sakaling magising ang diwa ko. Napatingin ako sa phone ko nang bigla ay tumunog iyon.

Emily calling...

"Bakit?" bungad ko sa kanya.

"Itatanong sana namin kung pwede ba namin isama si Lux dyan sa inyo?" si Mira ang nagsalita.

"Kayo ang bahala kung isasama ninyo o hindi," casual na sagot ko.

"Okay. Iyon lang naman. See you later!" then she ended the call.

"Ano na naman kaya ang trip ng mga to?" takang tanong ko habang titig sa cellphone.

Nagkibit balikat na lang ako at bumalik na sa pag-eehersisyo. Makalipas naman ang isang oras ay nagpahinga na ako at naligo. Simpleng t-shirt at shorts na lang ang sinuot ko dahil dito lang naman kami sa bahay magtitigil. Wala rin naman ako sa mood lumabas ng bahay.

"Aba himala na nagluto ka!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Dinamihan ko na ginawa kong ulam at sinaing para kapag dumating na ang mga bisita mo at gusto nila kumain ng kanin ay hindi ka na magluluto pa," saad niya.

"Ang bait naman ng kapatid ko ngayon," pang-aasar ko pa.

"Tsh. Mabait naman talaga ako hindi ko lang alam bakit hindi mo nakikita iyon," sagot niya.

"Ano ba niluto mo na ulam?" pag-iiba ko ng pinag-uusapan.

"Tinolang manok. Meron din ako pinrito na manok kung ayaw nila ng tinola,"

"Ang galing talaga!" nakangiting sigaw ko pa.

"Manahimik ka nga ate! Ang ingay mo," sita niya sa akin.

"Aba! Pinaglinis lang kita ng kwarto mo ngayon bigla mo na ako sinungitan dyan," banat ko sa kanya.

"Ang dami kaya ng mga gamit ko! Hindi ko na alam paano pa lilinisin iyon. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano karami yung gamit na meron ako," asar na sabi niya.

"Iyong mga hindi mo na gagamitin ay ilagay mo sa box at ipapadala natin kay Abrielle pag-uwi niya sa probinsya," suhesyon ko.

"Sige ate. Babalik na ako para matapos ko na paglilinis doon," paalam niya. 

Nag-umpisa naman na ako kumain at nag-iisip na rin kung aagahan ko ba ang pagpapapunta sa kanila rito sa bahay. Sa huli ay naisipan ko na ngayon na sila papuntahin. Agad kong tinawagan ni Ems.

"Yes Jani?" tanong ni Ems.

"Ngayon na kayo pumunta rito sa bahay. Nakahanda na ang lahat dito," sabi ko sa kanya.

"Talaga?! Sige papunta na kami dyan!" at pinatay na niya ang tawag. 

Habang naghihintay sa kanila ay gumawa ako ng nachos at pinrito ko na rin ang fries at nagtimpla na rin ako ng pineapple juice para pagdating nila ay ihahanda na lang namin ang papanoorin. Habang inaayos ko ang lamesa sa sala ay bigla tumunog ang doorbell namin.

"Kayo lang?" bungad ko sa kanila.

"Bakit may inaasahan ka ba na kasama namin?" mapang-asar na banat ni Anne.

Akala ko ba ay kasama nila si Lux? Bakit si Kevin lang ang nandito? tanong ko sa sarili ko.

"Wala. Sige na pumasok na kayo," saad ko.

Bigla naman may nagtakip ng mata ko! Sa gulat ko ay napatalon pa ako!

"Sino ka ba?!" asar na tanong ko kung sino man ang nagtakip ng mata ko.

"Hulaan mo!" si Ems ang sumagot.

"Hindi ako nakikipagbiruan ah!" sigaw ko!

"Hoy Lux tigilan mo nga yan!" sita ni Ed sa kanya.

Bigla naman nawala yung kamay sa mata ko at nilingon ang tao na iyon para malaman kung totoo nga ang pangalan na sinabi ni Ed.

"Alam mo kuya ang epal mo," pagtataray ni Ems.

"Wala na tuloy yung surprise," si Mira naman ang nagsalita.

"Nasasaktan na kaya ako!" sigaw ni Ed. Hindi na siya kinausap pa nung dalawa.

"Hindi naman pwede na hindi ako kasama," saad ni Lux nang makaharap na ako sa kanya.

"Ano naman ang pakielam ko?" umiwas ako ng tingin.

"Kunwari ka pa. Alam ko naman na hinahanap mo ako," bulong niya sa akin.

"Ewan ko sa iyo!" sigaw ko sa kanya.

"Pumasok na nga tayo at baka magbago pa isip ni Jani," saad ni Kevin sa kanila.

Nag-uunahan naman sila sa pagpasok at pagpili ng pwesto sa sala.

"Mamili na kayo ng gusto niyo panoorin," sabi ko sa kanila.

"Ayaw namin manood," biglang banat ni Ems.

"Ang gusto namin kwento," si Mel naman.

"Anong kwento?" takang tanong ko sa kanila.

"Magkwentuhan tayo ganon para maiba naman. Nakakasawa rin kaya yung puro nood na lang," si Anne naman ang nagsalita.

"Kayo ang bahala. Kukunin ko lang mga hinanda ko na pagkain," paalam ko sa kanila.

"Tulungan na kita Jani," prisenta ni Lux.

"Ako rin Jani tulungan na kita," si Ed naman ang nagsalita.

"Kayo na lang kaya ang kumuha?" suhesyon ko.

"Sige saan ba rito?" tanong ni Lux.

"Nakapatong na dyan sa lamesa," sagot ko. 

Agad ako naupo sa tabi ni Anne. Nagpapasalamat ako na nagprisenta sila sa pagkuha ng kakainin namin.

"May kanin at ulam din pala kung iyon ang gusto niyo kainin," paalala ko sa kanila.

"Mamaya na lang iyon pagkatapos ng kwentuhan. Malamang ay mamaya pa tayo dadalawin ng gutom kapag napagod na tayo sa pagsasalita," saad ni Mira.

Nakabalik na rin si Ed at Lux dala ang mga pagkain. Agad na sumilay ang mga ngiti sa mukha nila nang bigla tumabi si Lux sa akin. Sinamaan ko naman sila agad ng tingin. Pero hindi sila patinag at mukhang nahuhulaan ko na ang gusto nila mangyari. 

I think this is a bad idea! Mukhang alam ko na saan papunta ang kwentuhan na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status