Home / All / Power of Love / Chapter 25

Share

Chapter 25

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:39:05

"Ate nakaalis na si kuya Lux," bungad sa akin ng kapatid ko pagkaayat sa second floor.

"Hoy ikaw! Paano mo nakilala yon ha?!" asar na sita ko sa kanya.

"Nakakalaro nga namin siya ate sa basketball dito sa subdivision namin. Hindi nga niya nabanggit sa akin na kilala ka pala niya. Nagulat tuloy ako kanina nung sinita mo siya rito sa bahay," paliwanag pa niya.

"Bakit? Hindi mo man lang ba siya napansin kanina?" takang tanong ko.

"Hindi ate. Sila kuya Ed, ate Emily, ate Melanie, ate Mira, ate Anne, at kuya Kevin lang ang nakita ko na pumunta rito," nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Diba nung bumaba ako kanina andon na si Lux? Paanong hindi mo siya nakita?" kunot noo na tanong ko.

"Galing ako kusina nung makababa ka na ate kaya sa iyo na agad natuon atensyon ko. Marami rin kasi ako ginagawa sa kwarto kaya iniwan ko na sila sa sala nung makapasok na sila," paliwanag niya.

Hindi ko na siya pinansin at naging abala na ako sa pag-iisip. Malaman ko lang talaga bakit nagkaroon siya ng koneksyon sa kapatid ko ay malalagot na siya sa akin. Iniayos ko na lahat ng ginamit ko sa paglilinis at agad na nagtungo sa kwarto para makapaglinis naman ng sarili. Habang nagtutuyo ako ng buhok ay bigla naman tumunog ang phone ko.

Emily wants you to join the call...

Ano na naman kaya ang trip ng mga ito? Tanong ko sa sarili ko. Sa huli ay sinagot ko pa rin ang tawag niya.

"Ano kailangan niyo?" bungad ko sa kanila.

"Jani! Sorry na kasi! Huwag ka naman na magalit sa amin. Hindi na namin uulitin promise and we will call you na just to be sure that you are awake and aware na papunta na kam dyan," dire-diretsong saad ni Mira.

"Paano naman ako makakasiguro na hindi niyo na uulitin?" taas kilay na tanong ko sa kanila.

"May isang salita naman kami at babatukan namin kung sino man lumabag sa usapan na iyan," si Mel naman ang nagsalita.

"Pag-iisipan ko muna kung papayag ako dyan sa pangako ninyo," nakangiwing sambit ko sa kanila.

"Jani naman," malungkot na sambit ni Ed.

"Anong Jani naman?" pagtataray ko kay Ed.

"Parusahan mo na lang ako kesa madamay sila sa galit mo," suhesyon pa ni Ed.

"Grabe ka dyan kuya ah! Anong akala mo? Superhero ka na ng lagay na yan?" pang-aasar ni Ems sa kanya.

Nagtawanan naman lahat ng kasama nila sa bahay nila.

"Alam mo kuys kahit magpakahero ka pa hindi pa rin mababaling sa iyo atensyon ni Jani. Hindi ba at alam naman nating lahat sino ang tinitibok ng puso niya," pang-aasar din ni Anne.

"Wala ako pakielam! Bahala kayo kung ayaw niyo sa suggestion ko. Gagawa na lang ako ng paraan para makipag-ayos kay Jani," mayabang na sabi niya sa apat.

"Duh! Hindi kami matitiis ng kaibigan namin," pagyayabang din ni Mel.

"Says who?" singit ko sa kanila.

Bigla naman tumawa ng malakas si Ed habang nakaturo pa ang daliri sa kanilang apat. Abnormal talaga kahit kelan.

"Patatawarin ko kayo sa isang kundisyon," biglang saad ko sa kanila.

"Ano yun?" sabay-sabay na tanong pa nila.

"Una, hindi ninyo ako pwede asarin kay Lux. Alam niyo na ayaw na ayaw ko na inaasar ako sa kanya. Pangalawa, bago kayo magpunta sa bahay ay tatawagan niyo muna ako at kapag hindi ko nasagot ang tawag niyo ay malamang tulog pa ako. Panghuli, pupunta lang kayo rito sa bahay kapag alam ko at huwag ninyo lilinlangin ang kapatid ko na alam ko na papunta kayo. Ako mismo ang magsasabi sa kanya kung inaasahan ko ang pagpunta niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" mataray na tanong ko sa kanila.

"Yes ma'am!" sabay-sabay na sigaw nila.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Ang lumabag ay pasensyahan na lang,"

"Pwede ka ba namin puntahan dyan?" biglang tanong ni Ed.

"Bukas na lang kayo magpunta. Magpapahinga muna ako at dahil sa sobrang inis ko sa inyo ay nalinis ko ang buong bahay," asar na saad ko.

"Iba pala mainis si Jani! Biglang sumisipag!" pang-aasar ni Mira.

"Kumpara naman sa inyo dyan masipag talaga ako!" payabang na sabi ko.

"Sa sobrang sipag nga ay nabihag ang puso ko," nakangiting banat ni Ed.

"Yuck!" sabay na sigaw nilang apat. Napairap na lang ako sa banat niya.

"Joke lang naman," sabay peace sign sa akin.

"Sige na magpapahinga na ako. Bukas na lang kayo mag-ingay,"

"Wait! What time kami pwede pumunta dyan bukas?" biglang tanong ni Mel.

"Mga 3pm pwede na kayo pumunta rito,"

"Okay! Bye!" then I ended the call.

Pinatuyo ko muna yung buhok ko then I decided to call mom. Kakamustahin ko lang yung trip nila. After several ring she answered.

"Hi mom!" bungad ko.

"Anak," malungkot ang boses niya.

"May problema po ba?" tanong ko.

"Huwag ka na muna umuwi sa probinsya anak. Samahan mo muna kapatid mo dyan. May nangyari sa business natin dito at kailangan namin ayusin muna iyon. Sana ay maintindihan mo,"

"Ano po ba nangyari dyan?" nag-aalalang tanong ko.

"Nag-aalisan kasi mga business partners natin at naaapektuhan yung stocks natin at kapag nagpatuloy pa ito babagsak ang business natin dito," napabuntong hininga naman ako.

"Sige po mom kakausapin ko si Abrielle at dito na po muna ako,"

"Salamat anak. Sige na at kailangan ko na ibaba ito marami pa kami aasikasuhin ng daddy mo,"

"I love you mom. Ingat kayo ni daddy dyan,"

"I love you too anak. Kayo rin ni Jhon ay mag-ingat dyan," then she ended up the call.

Napabuntong hininga ako na humiga sa kama. Gustong-gusto ko sumama sa pinsan ko makauwi ng probinsya dahil doon ko lang din nakikita ang lola ko. Dahil sa sobrang busy sa school, tuwing ganitong mga panahon lang ako nagkakaroon ng oras. Ngunit ayaw ko naman maging pabigat sa magulang ko lalo na at babagsak yung negosyo namin na nasa Singapore. Masyado na sila namomroblema roon, ayaw ko naman na makagawa pa ng ikakasakit ng loob nila. Bumaba muna ako at naghanda na ng magiging hapunan namin. 

"Ate kelan yung pag-uwi ninyo ni ate Abrielle sa probinsya?" tanong ni Jhon habang kumakain kami.

"Baka hindi muna ako sumama sa kanya pauwi," casual na sagot ko.

"Bakit naman?" gulat na tanong niya.

"Mom asked me to stay here muna," wala ako balak banggitin sa kanya ang dahilan kung bakit dito muna ako.

"Sayang naman ate," malungkot na saad niya.

"At bakit ka naman nalungkot? May balak ka magliwaliw kapag umalis ako ano?" naghihinala na tanong ko.

"Hindi ate ah! Alam ko lang kasi gaano mo kagusto makauwi," depensa niya agad.

"Bilin nila mommy na bantayan daw kita at baka kung anu-ano ang mga kalokohan na gawin mo," seryosong saad ko.

"Ang bait ko kaya!" sigaw niya.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Linisin mo ang kwarto mo bukas at hindi ko alam ang mga gamit mo dyan. Baka mamaya may maitapon ako na importante kapag ako pa ang naglinis," bilin ko sa kanya bago siya bumalik sa kwarto.

"Yes ate!" at nagmamadali na siya umakyat.

Siniguro ko muna na maayos ang kusina bago ko iniwan. Sunod ay inayos ko rin ng kaunti ang sala dahil malamang ay tanghali na naman ako magigising at hindi na ako magkakaroon pa ng sapat na oras para ayusin ito. Matapos makuntento sa pag-aayos ay nagdesisyon na ako na manatili sa kwarto at magpadalaw sa antok. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng paborito ko na libro hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status