LOGINKinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Pakiramdam ko ay ang dami nila kaya umaabot sa kwarto ang lakas ng tawanan at asaran nila. Inis akong bumangon at basta na lang itinali ang buhok at nagmamadaling bumaba para makita kung sino ang maiingay na yon na hindi man lang inisip na may natutulog pa.
"Bakit ba ang iingay niyo?!" Pasigaw na tanong ko sa kanila!
Tinignan ko sila ng masama isa-isa at hindi nga ako nagkamali na marami sila. Buong barkada ay nandito sa bahay ng hindi man lang nagsasabi sa akin.
"Ate! Sorry ate kung pinapasok ko sila. Sabi kasi nila sa akin ay alam mo raw na pupunta sila" paliwanag ng kapatid ko.
"Pumunta ka sa kwarto mo at ako na ang bahala rito"
Nagmadali naman sumunod sa akin si Jhon. Inis ko tinignan sa mata ang lahat ng nandon at galit na kinausap sila.
"Hindi niyo ba alam ang salitang respeto ha?!" Sigaw ko sa kanila.
"Pasensya na hindi naman namin alam na tulog ka pa" sabi ni Mira.
"Pasensya?! Hindi alam na tulog?! Siraulo ba kayo?! Hindi niyo ako nakikita rito sa baba malamang tulog ako! Anong akala niyo mahina pa rin mga boses niyo?! Alam niyo na ayaw ko sa lahat ay naiistorbo tulog ko!" Sigaw ko sa kanila.
Hindi ko mapigilan ang inis ko. Alam na alam nila na ayaw ko ng maingay lalo na kapag tulog ako! Kahit sino naman siguro ayaw naiistorbo ang tulog sa walang kwentang ingay na yan.
"Sorry Jani ako nagyaya sa kanila na pumunta dito sa inyo para makapagbonding" si Ed naman ang nagsalita. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagsigaw sa kanila.
"Hindi niyo man lang muna inalam kung natutulog ako! Ganyan ba kayo ha?! At kinailangan niyo pa talaga magsinungaling sa kapatid ko na alam ko na pupunta kayo dito? Ni hindi ko nga alam na may balak kayo pumunta dito!"
"Nagtext naman kami sa iyo kaso ay hindi ka nagreply kaya ang akala namin ay may ginagawa ka lang" si Mel naman nagpaliwanag.
"Seriously?! I'm fucking sleeping! For pete's sake! Even if I'm doing something I will do my best to reply to you! In this case that you didn't received any messages from me means I AM SLEEPING!" Bulyaw ko sa kanila.
Nanahimik naman sila at wala na nagtangka pa magsalita. Hindi ko rin maalis yung inis ko dahil sa ginawa nila. Pakiramdam ko ay hindi man lang nila ako nirespeto sa sariling bahay na tinitigilan ko.
"Umalis na kayo" seryosong saad ko sa kanila.
"Pero..." si Mira.
"Umalis na sabi kayo!" Sigaw ko sa kanila.
"Tara na. Huwag na natin galitin pa lalo si Jani" agad naman bumaling si Lux sa akin.
"Jani ako na hihingi ng sorry dahil sa kaingayan nila. Sana ay hindi magtagal ang galit mo. Pasensya na ulit" yumuko lang si Lux sandali at sumunod na sa kanila lumabas.
Naupo naman ako sa sofa at pinakalma ang sarili ko. Hindi ko na napigilan ang magalit sa kanila. Hanggat maaari ay ayaw ko na makita nila kung paano ako magalit pero ito ngayon at nasubukan na nila. Nakokonsensya rin naman ako na sigawan sila pero nakakainis kasi yung magigising ako dahil sa ingay. Nakakasira ng gising tuwing ingay ang pinanggagamit sa paggising sa akin. Bata pa lang ay ganon na ugali ko. Kahit yung mga pinsan ko ay nag-iingat na makagawa ng ingay kapag alam nila na tulog ako.
"Ate pasensya na rin kung naniwala ako sa sinabi nila akala ko kasi ay nagsasabi sila ng totoo dahil kaibigan mo sila" napabuntong hininga naman ako at hinarap ang kapatid ko.
"Ito ang tatandaan mo hindi dahil kaibigan mo sila ay totoo na agad lahat ng sinasabi nila sa iyo. Huwag na huwag ka magtitiwala basta sa ibang tao kahit na kaibigan mo pa sila dahil sa mundo na kinalalagyan natin, pamilya pa rin ang hindi magsisinungaling sa iyo"
"Pero ate bakit pa tayo nagkaroon ng kaibigan kung hindi rin naman sila pagkakatiwalaan?" Biglang tanong niya.
"Dahil hindi natin kaya mabuhay mag-isa. Kailangan pa rin natin ng tulong sa ibang tao. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mo ng tulong ay maniniwala at magtitiwala ka na agad sa kanila. Ang tiwala pinagtatrabahuhan yan kunin sa iyo. Hindi mo iyan basta ibibigay na lang nang dahil sa malapit sa iyo or kilala mo or dahil kaibigan mo"
"Sige ate tatandaan ko yan" nakangiting saad naman ni Jhon.
"Sige na magpahinga ka na sa kwarto mo at gawin yung mga kailangan mo gawin"
Nahiga naman ako muli sa kama nang makalabas na ng kwarto ko si Jhon pero hindi na ako dinalaw pa muli ng antok. Nasira na ang pagtulog ko at hirap na ako ibalik ulit iyon. Napagdsisyunan ko na lang na linisin ang bahay at baka sakali mawala yung inis na nabuhay kanina. Namili muna ako ng isusuot ko at dahil mainit iyong sando na spaghetti strap at cycling shorts na lang ang napili ko. Matapos maligo at magbihis ay naghanda muna ako ng makakain naming magkapatid para sa tanghalian. Matapos maghanda ng kakainin ay inumpisahan ko na linisin ang kusina hanggang sa pati ang sala ay nililinis ko na rin. Makalipas ang ilang minuto ay nagtungo naman ako sa garden para diligan ang mga halaman at bulaklak. Kadalasan ay si Jhon ang gumagawa nito pero nandito ako at ginagawa ang mga bagay na nakaatas sa aking kapatid.
Naupo ako sa bench namin doon at hinayaan na kumalma ang sarili. Kay sarap sa pakiramdam ng hangin sa lugar na iyon. Paunti-unti ay nawawala na ang bigat sa aking dibdib. Ngunit agad din na nanunumbalik ang inis tuwing maaalala ko ang kaguluhan na dulot nila kanina na sumira sa mahimbing ko na tulog. Matapos magpahangin ay nagdesisyon ako na bumalik sa loob para mananghalian.
"Jhon! Kumain ka na ba ng tanghalian?" Sigaw ko. Baka kasi mamaya ay nasa kwarto pa ito.
"Tapos na ako kumain ate. Kakatapos lang"
"Sige"
"Nga pala ate may bisita ako na kaibigan ko ah"
"Hanggang dyan lang kayo sa sala. Hindi kayo pwede pumaroon sa kwarto mo" paalala ko sa kanya.
"Lalaki naman ang bisita ko ate" napapakamot sa ulo pa na sagot niya.
"Kahit pa"
"Sige ate hanggang dito lang kami"
"Sige balikan mo na bisita mo at ako ay hindi pa tapos maglinis"
Agad na bumalik si Jhon sa sala at ako naman ay kumain na. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at inayos muli ang kusina. Kinuha ko na yung iba pa naming panlinis sa maliit na kwarto sa may garden at uumpisahan ko na linisin ang second floor.
"Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko sa taong nasa sala.
"Bakit bawal ba?" Pang-asar na tanong naman ni Lux.
"Hindi ba at pinaalis ko na kayo kanina? Bakit andito ka na naman?" Tanong ko sa kanya.
"Ate siya yung bisita ko" bigla naman sumulpot ang kapatid ko.
"Ano?!" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Mamaya ko na lang ikukwento sa iyo ate" bulong niya pa.
"Fine. Ikaw bahala umasikaso dyan sa bisita mo" pataray na salita ko sa kapatid ko.
Ngingisi ngisi naman akong tinignan ni Lux. Inis ko inalis ang paningin ko sa kanya at agad na nagtungo sa taas para matapos ko agad ang paglilinis doon.
Paano naman kaya nakilala ng kapatid ko ang animal na iyon? Asar na tanong ko sa sarili ko.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si