LOGINTinanghali na ako ng gising dahil sa sarap ng tulog ko. Paulit-ulit ko naririnig yung kanta na kinanta ni Lux kagabi. Halos mapanaginipan ko pa na hinaharana niya ako. Hindi mawala sa pandinig ko ang maganda niyang boses. Agad akong bumangon at nagtungo sa kusina para makakain na.
"Huwaw naman ate" mapang-asar na banat ni Jhon nang makababa ako ng hagdan.
"Ano na naman?" Masungit na tanong ko.
"Ang blooming mo naman ngayon"
"Talaga ba? Bakla ka ba at alam mo yung salitang blooming?" Pang-aasar ko naman sa kanya.
"Bakit? Bakla lang ba pwede gumamit ng ganong salita?"
"Ewan ko sa iyo tigilan mo ko!" Sigaw ko sa kanya.
Dumiretso na ako sa kusina at tumingin ng makakain.
"Ate pinapasabi pala nila mommy na nagpunta sila sa Singapore. May kailangan daw sila asikasuhin doon"
"Kailan naman ang balik nila?"
"Baka raw next month" kibit balikat na sagot niya.
"Okay" yan na lang naisagot ko.
Nakakita ako ng beef loaf at may kanin lamig pa. Nagsimula na ako magluto ng breakfast and lunch ko since almost lunch time na nung bumangon ako.
"Naglunch ka na ba?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Oo ate. Kumain ka na dyan. May natira rin ako na cornbeef"
Nagsisimula na ako kumain ng magbeep ang phone ko.
From: Lux
Jani, don't forget later at 5pm sa park dito sa subdivision.
To: Lux
Okay
Sent!
Nagstay muna ako sa kwarto since mamaya pa naman kami magkikita. I decided na maghanap ng maisusuot para mamaya. Hindi naman sa excited ako pero gusto ko lang magmukhang tao para hindi niya na naman ako sabihan ng kung anu-ano.
"Bakit ba kailangan ko pagkaabalahan na mamili ng isusuot para mamaya?" Takang tanong ko sa sarili ko.
"Hay nako Jani ano na ba nangyayari sa iyo?" Binagsak ko ang katawan ko sa kama at hinayaan ko ang utak ko na mag-isip kung saan.
Bigla na lang ako nagising dahil sa ingay ng phone ko.
"Hello?" Asar na sagot ko.
"Kanina pa kita hinihintay dito sa park" sagot ng nasa kabilang linya.
Napamulat ako ng mata at tinignan kung sino ang tumawag sa akin!
"Hala Lux sorry nakatulog ako. Kanina ka pa ba dyan?" Nahihiyang tanong ko.
"30 minutes na"
"I'm sorry talaga. Ganito na lang kung gusto mo punta ka na lang dito sa bahay" suggestion ko.
"Talaga ba?!" Masayang tanong niya.
"Oo ipapasundo na lang kita sa kapatid ko"
"Hindi na kailangan. Andito na ako sa tapat ng pinto ng bahay niyo"
"Ano?!" Gulat na tanong ko.
Nagmamadali ako bumaba para tignan kung nandon nga talaga siya.
"Hi" bungad niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Gulat pa rin na tanong ko.
"Malamang sa pinsan ko. Tinuro niya sa akin nung umuwi kami galing tagaytay" napabuntong hininga na lang ako.
"Pasok ka"
Agad naman siya naupo sa sofa at nagbukas ng tv.
"Hanep ah! Bahay mo?" Sarkastikong tanong ko.
"Oo kasi dito nakatira yung mahal ko" sabay kindat.
"Kadiri ah"
"Nakakadiri o nakakakilig?" Pang-aasar niya pa.
"Sobrang nakakadiri" sagot ko sa kanya.
"Wala ka man lang ba pameryenda sa bisita mo?" Biglang sigaw niya sa akin.
"Ang kapal naman ng mukha mo makademand ah!"
"Syempre ganon talaga"
Nagtungo ako sa kusina at naghanap ng pwede gawing meryenda. Naisip ko na gumawa na lang toasted bread at juice. Nagluto na rin ako ng fries in case na maisipan niya magmovie marathon dito sa bahay ko.
"Bakit mo ba gusto makipagkita sa akin?" Bungad ko sa kanya ng madala ko yung meryenda namin.
"Dahil gusto kita makausap"
"Tungkol naman saan?"
"Sa nararamdaman ko para sa iyo"
"Ha?"
"Ayaw ko na maunahan ako ni Ed sa iyo. Nagseselos ako tuwing nakikita ko kung paano ka niya itrato at kung paano niya iparamdam sa iyo yung nararamdaman niya. Kahit na sinasabi mo at ng mga kaibigan mo na malabo na magkagusto ka sa kanya hindi ako mapanatag. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para masabi sa iyo tunay na nararamdaman ko. Totoo yung sinabi ko sa iyo nung araw na nagpunta kayo sa bahay. Mahal na mahal kita Jani. Mahal mo man ako o hindi, wala ako pakielam. Handa na ako iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal" seryosong saad niya.
Napatulala naman ako at hindi agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Pero isa lang ang nasa isip ko. Ayaw ko gumamit ng tao para lang mapagtakpan yung sakit na dinulot sa akin ng nakaraan.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko" diretsong saad ko sa kanya.
"Ayos lang. Ang mahalaga sa akin ay nasabi ko sa iyo ng harapan ang gusto ko sabihin"
"I appreciate your braveness to tell me your feelings, but, I don't want to use anyone. Ayaw ko na dahil lang sa pag-amin mo ay gamitin kita para maghilom na yung sakit na nararamdaman ko" pagpapakatotoo ko sa kanya.
"Naiintindihan kita" nakangiting saad niya.
"Kung kaya mo maghintay hanggang sa maghilom ang sugat na nasa puso ko baka masagot ko na ng tama ang pag-amin mo"
"Handa ako hintayin ka kahit gaano pa katagal"
"We'll see about that" yan na lang nasabi ko.
Nagstay pa muna siya sa bahay at gaya ng inaasahan ay nagyaya pa siya na manood kami ng mga movies na meron. Mabuti na lang at lagi kami may snacks sa kusina na pwede lutuin para may makain kami habang nanonood.
"Thanks for today" sabi niya ng inihatid ko na siya palabas ng bahay.
"Akalain mo nga naman na kaya mo naman pala maging matino" pang-aasar ko sa kanya.
"Kaya ko naman pero depende pa rin talaga sa mood ko" kibit balikat na saad niya.
"Sige na umuwi ka na. Baka kanina ka pa hinihintay ni Kevin sa inyo"
"Salamat pala dito sa padinner mo ah"
"Hindi lang yan sa iyo hati kayo ni Kevin dyan" paalala ko sa kanya.
"Oo na. Sige na mauuna na ako"
"Ingat ka pauwi" nakangiting sabi ko.
"Mag-iingat ka rin dyan. Tawagan mo ako kung may kailangan ka dyan ah"
"Sige"
Hindi ko inaasahan yung sumunod na nangyari! Naramdaman ko na lang na dumampi ang labi niya sa labi ko!
"Goodnight" at agad na siyang umalis.
Nanatili pa ako na tulala sa lugar na kinatatayuan niya kanina. Nagulat ako sa bigla niyang paghalik sa akin.
Ang lambot ng labi niya
Umiling ako at baka sakali mawaglit iyon sa isip ko. Huminga ako ng malalim at agad na pumasok para makakain na ng hapunan. Nagtira pa ako ng ulam kung sakali na maisipan ng kapatid ko na kumain. Nagkulong na ako sa kwarto at nanumbalik na naman sa isip ko ang ginawa niyang paghalik. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Wala lang yun Jani. Kumalma ka. Hindi nangyari iyon.
Paulit-ulit ako huminga ng malalim hanggang sa bumalik na ako sa katinuan ko. Hindi ko alam kung magagawa ko pa siya harapin matapos ang ginawa niya sa akin. At mas hindi ko alam ang magagawa ko kapag nalaman ito ng barkada.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si