LOGINMaghapon akong nagkulong sa kwarto at walang kinausap ni isa sa mga kasama ko sa bahay. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi naman iyon ang unang beses na may nagsabi sa akin ng mga kataga na iyon pero parang bago sa pandinig ko.
"Ano ba kasi yon!" Inis na sigaw ko sabay bato ng unan sa kung saan.
"Tigilan mo na pantitrip mo sa akin! Nakakainis ka!"
"Sinong nakakainis ate?" Biglang salita ni Jhon.
"Anong ginagawa mo dyan?! At paano mo nabuksan yung pinto ng kwarto ko?" Inis na tanong ko.
"May susi siguro ako ano? Tsaka pinapatawag ka na ni mommy kumain ka na raw ng hapunan"
"Okay"
Lumabas agad ng kwarto ang kapatid ko at naiwan ulit ako mag-isa. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa sobrang inis dahil sa gumugulo sa isip ko. Naiirita ako dahil ako mismo hindi ko alam kung bakit hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Nagmadali na ako bumaba para makatulog agad pagkatapos ko kumain.
"Anak kamusta naman yung gala niyo?" Biglang tanong ni daddy.
"Ayos naman po. Masaya naman" pilit na ngiting sagot ko.
"Nakausap mo ba yung pinsan mo? Nabanggit sa akin ng tita Annie mo na uuwi raw ng province next week si Abrielle" si mommy naman nagsalita.
"Opo. Nasabi ko na rin po sa kanya na sasabay po ako pag-uwi niya next week"
"Gaano katagal ka naman doon?" Tanong ng kapatid ko.
"Depende sa trip ko. If magenjoy ako baka abutin ng ilang linggo ganon" kibit balikat na sagot ko.
"Mauuna na po ako sa kwarto" paalam ko sa kanila.
Nagsimula na namang maglayag yung utak ko habang nakaupo sa study table ko. Paulit-ulit na nanunumbalik sa utak ko yung mga salitang binitawan ni Lux kanina. Natigil naman ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Sino naman to? Asar na tanong ko sa sarili ko.
Hindi kasi nakaregister yung number kaya nagtataka ako kung sino naman itong tumawag na to. Sinagot ko naman yung tawag pero hindi ako nagsalita. Pero nagulat ako nang biglang kumanta yung nasa kabilang linya.
No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word
Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone at tinignan kung tawag ba talaga ito or playback tone lang.
'Cause there's something in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece
You made me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's something in the way you look at me
Ang sarap sa pakiramdam ng paraan niya ng pagkanta. I feel relax at parang nawala lahat ng gumugulo sa isip ko.
I don't know how or why
I feel different in your eyes
All I know
Is it happens every time
I can feel the emotions in every word he sings. Alam ko sa boses pa lang na lalaki yung kumakanta. This is the first time na may kumanta sa akin with sincerity. I can feel all the emotions. Parang nakalutang ang puso ko sa kilig.
"Yung sinabi ko sa iyo kanina, I mean it" biglang nagsalita yung nasa kabilang linya.
"Lux?!" Gulat na tanong ko.
"Hiningi ko kay Kevin yung number mo. As what I said, I mean it. I love you. I really do" he said it with full of sincerity.
Hindi ko marinig sa kanya yung Lux na walang ibang sinasabi kundi puro kalokohan. Ngayon ay seryoso niya at ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Sa sobrang gulat ay hindi ako nakapagsalita.
"Pwede ba tayo magkita sa park dito sa subdivision natin bukas ng hapon?" Biglang tanong niya ng hindi ako magsalita.
"Teka! May sakit ka pa ah" sita ko sa kanya.
"Okay na ako. Nakapagpatingin na ako kanina and okay naman na raw ako"
"Totoo ba yan?"
"Huwag mo naman ipahalata na masyado ka nang concern sa akin, lalo kita mamahalin niyan sige ka" pang-aasar niya bigla.
"Alam mo ikaw? Hindi na talaga kita nakakausap ng matino!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw lang naman nag-iisip na hindi ako makausap ng matino. Ang mga kaibigan nga natin ay hindi naman nagrereklamo ng ganyan tapos ikaw panay reklamo"
"Whatever" pagsusungit ko.
"So. Bukas ng hapon, please?"
"Okay"
"Yes! Thank you!"
"Ang OA mo ah. Pumayag lang ako makipagkita sa iyo sa may park sa subdivision"
"Sa sungit mong yan tingin mo hindi ako magsasaya na pumayag ka na magkita tayo?"
"Sige na matutulog na ako"
"Gusto mo kantahan kita hanggang sa makatulog?" Tanong niya agad.
"H-Hindi na. Ayaw ko nang maingay. Bye" then I ended the call.
Kahit gusto ko na kantahan niya ako hanggang sa makatulog tumanggi ako. Ayaw ko magpadala sa ganda ng boses niya. Ang lambing ng boses niya. Sa sobrang lambing at ganda ay kaya ka niya mapakilig. Idagdag mo pa na gwapo talaga siya. Matangos ang ilong niya, mapula ang labi, matangkad, basta he is so damn hot! Humiga na ako sa kama at naghihintay na dalawin ng antok. Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong umilaw.
What is this?
Pinindot ko yung voice message na sinend ni Lux sa akin.
OMG!
Pinigilan ko tumili ng marinig ko na nirecord niya yung kinanta niya kanina at sinend sa akin! Naudlot naman pakikinig ko nang biglang tumawag via video call mga kaibigan ko.
"So Jani ano na balita?" Bungad ni Mira. Siya talaga tsismosa sa aming lahat.
"Balita saan?" Takang tanong ko.
"Sinabi sa amin ni Kevin na hiningi raw ni Lux yung number mo para makausap ka" si Ems naman.
"Oo nga! So ano na ba? Nacurious din kasi ako sa iyo kanina. After niyo magyakap ni Lux para kang nakakita ng multo" si Anne naman.
"Tumawag lang ata kayo para mang-inis" mataray na sita ko sa kanila.
"Excuse me! Hindi kami nang-iinis ah. Si Kevin mismo nagkwento sa amin and gusto lang namin malaman kung ano rin nangyari kanina sa kwarto ni Lux" saad naman ni Mel.
"Hindi ko alam kung bakit hiningi ni Lux number ko at wala naman nangyari kanina sa kwarto ni Lux" inis na sagot ko. Bigla naman nila sinali si Kevin sa call!
Now what?!
"Hoy Kevin baka ikaw may alam bakit hiningi ni Lux number ni Jani sa iyo" baling ni Ems bigla kay Kevin.
"Kinantahan kasi ni Lux si Jani kaya hiningi niya yung number"
"Talaga?!" Sabay-sabay pa na sigaw nila.
"Ang ingay niyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Sorry naman kinikilig lang kami. Ikaw lang ba pwede kiligin?" Pagtataray ni Mel.
"At sino naman nagsabi na kinikilig ako aber?"
"Ako!" Biglang singit ni Kevin.
"What?" Asar na baling ko sa kanya.
"Magkasama kami ni Lux kanina habang kinakantahan ka niya. Nagtaka pa nga ako bakit hindi mo sinita samantalang kapag hindi nakaregister yung number sa phone mo halos mapaos ka na kakasigaw"
"Ayiiee! Ayan ah" pang-aasar ni Anne.
"Shut up Kevin!" Banta ko sa kanya.
"Alam niyo ba guys kanina ang ayos ng pag-uusap nila ni Lux. Himala na hindi man lang binulyawan ni Jani si Lux..."
Hindi ko na pinatapos magsalita si Kevin. I ended the call at nagbasa na lang ng libro. Malamang sa malamang ay aasarin na nila ako ng aasarin kay Lux dahil sa mga kinukwento ni Kevin. Hindi ko agad naisip kanina na posible na magkasama sila. Masyado kasing tahimik kanina habang nag-uusap kami ni Lux kaya ang akala ko ay mag-isa lang siya. Tinatawagan pa rin nila ako pero hindi ko na pinansin pa. Ngayon pa lang ay naiisip ko na ang magiging reaction nila kapag nalaman nila na magkikita kami ni Lux bukas ng hapon. Nilibang ko na lang sarili ko sa pagbabasa hanggang sa dalawin na ako ng antok.
I know I'm still not ready to be in love...
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si