Home / All / Power of Love / Chapter 21

Share

Chapter 21

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:36:55

Napagdesisyunan namin na magpahinga muna bago pumunta sa subdivision namin. Ipinaghanda naman kami nila Ed ng makakain. Mabuti na lang at naging mabilis ang byahe namin pabalik.

"Ano ba kasi nangyari habang nandoon kayo?" Tanong ni Ed sa amin.

Hinayaan ko na sila na lang ang sumagot. Tinatamad ako magsalita.

"Nagtatakbuhan kami pagkatapos namin kumain. Tapos nauna na siya umakyat sa amin. Akala pa nga namin ay napikon kasi inaasar namin siya tapos nagulat na lang kami nung gabi bigla na lang sila umalis ni Kevin" sagot ni Ems.

"Ang sabi pa nga niya kay Jani na nilalagnat lang daw si Lux pero based sa nangyari kagabi hindi lang siguro lagnat ang nakuha niya" si Mel naman.

"Kaya ngayon nagpapahinga lang kami at pupunta na kami sa tinitigilan ni Lux. Same subdivision daw sila ni Jani" banat naman ni Anne.

Nagtaka naman ako ng bigla sila lumingon sa akin.

"Wala ka ba sasabihin sa amin?" Baling ni Ed.

"Nasabi naman na nila lahat. I guess wala na ako kailangan pa sabihin" masungit na sagot ko.

"Anong nangyari sa babaeng ito?" Tanong ni Ed sa lahat.

"Hindi rin namin alam. Simula ng may hindi magandang nangyari kay Lux ay masyado ng seryoso ang isang yan" si Mira naman ang nagsalita.

"Baka naman affected" mapang-asar na banat ni Ed.

"Malamang sa malamang yan" si Ems naman nagsalita.

Hinayaan ko na lang sila at tinapos ang pagkain ko. Nagtext naman ako kay Kevin na papunta na kami sa kanila at itinanong kung saan sila nandon sa subdivision. Sa living room ko na lang din sila hinintay at mukhang hindi pa rin sila matapos sa kwentuhan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nawala ako sa mood simula pa kagabi.

"Hoy! Tara na at mukhang galit na si Jani" sigaw ni Mira sa kanila.

"Ito na nga po nagmamadali na" saad naman ni Ems.

"Pwede ba sumama?" Tanong ni Ed sa akin.

"Oo naman" sagot ko.

"Tara na baka hinihintay na tayo nila Kevin" banat ni Anne.

"Ed pwede mo ba dalhin yung sasakyan mo? Kay Kevin kasi yung dala kong kotse. Balak ko na sana iwan sa kanya pagdating doon"

"Sure!"

"Aba! Mukhang bumabalik ka na sa sarili mo Jani" biglang sigaw ni Mel.

"Hindi naman ako nawala ah" inosenteng sabi ko.

"Ay nako nasa mood na nga po ulit si Jani" banat ni Ems.

"Tara na nga at kanina pa ako naiinip sa inyo. Ang tatagal niyo kumilos" sita ko sa kanila.

"Hindi kami matagal kumilos ah! Sadyang mabilis ka lang talaga natapos kumain kanina" dipensa agad ni Ed.

"Alam mo ikaw para kang bakla. Bukod sa ang dami mo lagi sinasabi, daig mo pa yung singer na soprano. Laging ang taas ng boses" pagsusungit ko sa kanya.

"Syempre yan lang naman ang way ko para mapansin mo ako" sabay kindat.

"Yuck brother" sabay irap ni Ems sa kapatid. Nagtawanan naman kami.

"Alam mo ikaw wala ka man lang support! Paano ako magugustuhan ni Jani niyan! Kahit man lang mapayagan manligaw"

"Huwag ka na umasa brother. May nagmamay-ari na ng puso ni Jani at hindi ikaw iyon kaya kung ako sa iyo uumpisahan ko na magmove-on" pang-aasar niya pa sa kapatid.

"Alam niyo itigil niyo na yan at baka kung saan pa yan mapunta. Tara na lang" yaya ko sa kanila.

"May pag-asa man o wala ipapakita ko pa rin sa kaibigan mo kung gaano ko siya kagusto. Titigil lang ako kapag nagkaboyfriend na siya" umisa pa ng banat si Ed.

Napabuntong hininga na lang ako at nauna na pumasok sa kotse. Kapag pinatulan pa ay baka lalo lang humaba at baka hindi na namin mapuntahan yung may sakit.

"Sana naman ngayon ay maayos na ang lagay ni Lux" pagbasag ni Mel sa katahimikan.

"Iyon pa. Magiging okay lang yon lalo na at may inspirasyon siya" sabay tingin ni Mira sa akin.

"Tigilan mo ko sa mga ganyang banat mo ah" banta ko sa kanya.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

"Guys si Kevin tumatawag"

"Jani papunta na ba kay rito?" Bungad niya pagkasagot ko sa tawag.

"Oo, bakit?" Takang tanong ko.

"Bilisan niyo kasi papunta na parent ni Lux dito para sunduin siya"

"Ay ganon ba? Sige malapit naman na kami sa subdividion"

"Sige. Ingat" then he hang up.

Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa makapasok na sa subdivision.

"Saan daw dito yung bahay ni Lux?" Tanong ni Anne.

"Sabi ni Kevin ay doon daw sa kasunod na kanto simula sa bahay namin"

Agad naman namin ipinarada ang kotse at nagdoorbell.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Mamaya lang ay parating na sila tita"

"Nasaan si Lux?" Agad na tanong ni Ed.

"Nasa kwarto nagpapahinga. Tara na at kanina niya pa kayo hinihintay"

Agad naman kaming sumunod kay Kevin. Tahimik kaming pumasok sa kwarto para makita kung ano na ang lagay ni Lux.

"Brad kamusta ka?!" Biglang sigaw ni Ed.

"Kuya! Kahit kelan ka talaga ano? Lagi ka na lang nakasigaw! Ang lapit na nga ni Lux sa iyo sisigawan mo pa" sita ni Ems sa kanya.

"Hayaan mo na. Para namang hindi ka na nasanay sa kuya mo" saad ni Lux sa kanya.

"Sanay na ako dyan. Sanay na sanay kaso ay nakakahiya kung lagi siyang ganyan"

"Hayaan mo na at tayo lang naman ang tao rito" agad na bumaling si Lux kay Ed na nakaupo na sa tabi niya.

"Ayos naman na pakiramdam ko. Kinailangan ko lang magpahinga dahil wala pa ako sapat na pahinga mula nang dumating ako rito hanggang sa magpunta kami sa tagytay" nakangiting sagot niya.

"Ayos ka naman na pala tara umalis na tayo" pang-aasar ko.

"Hindi ka man lang ba nag-alala sa akin?" Tanong ni Lux.

"Sino ka ba para mag-alala ako?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Sus! Simula nga kagabi ay hindi ka na nakausap ng ayos mula ng lumuwas sila" biglang banat ni Mira. Agad ko naman siya sinamaan ng tingin.

"Oo nga! Halata naman na nag-alala ka sa kanya. Huwag ka na magdeny" nakisali na rin sa pang-aasar si Anne.

"Manahimik na kayo" banta ko sa kanila.

"Susungitan mo pa ako iyon pala ay nag-alala ka naman pala sa akin" pang-aasar pa ni Lux.

"Over my dead body" sabay irap ko sa kanya.

"Maging honest ka naman sa nararamdaman mo! Kita kaya ng lahat kung paano ka nawala sa mood at hindi makausap ng ayos dahil sa nangyari kahapon" banat pa ni Mel.

"Hayaan niyo na siya. Mahal ko yan kahit ang sungit niya" biglang banat ni Lux.

Naghiyawan naman lahat maliban kay Ed.

"Nako Lux baka naman maging kalaban pa kita sa puso ni Jani" sita agad ni Ed.

"Sabi ko sa iyo kuya wala ka talaga pag-asa kay Jani dahil kausap mo na yung tao na laman ng puso ng kaibigan ko"

"Jani may gusto ka ba kay Lux?" Biglang tanong ni Ed. Nagulat naman ako sa biglang pagtanong niya.

HINDI KO MASAGOT TANONG NIYA!

"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?" Asar kunwari na tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo masagot gurl?" Pang-aasar ni Mira.

"Hindi naman lahat ng tanong kailangan sagutin" pagsusungit ko. Hinihiling ko sa loob ko na sana ay tigilan na nila.

"Kailangan mo sagutin ang tanong ko para maliwanagan na ako" Sumeryoso kunwari si Ed.

"Oo nga Jani sagutin mo na kasi" banat naman ni Anne.

"Ano nga ba? Curious na rin kami Jani" si Ems naman.

"Jani ano ba talaga sinisigaw ng puso mo?" Si Kevin naman.

Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi sila natinag.

"Tigilan niyo na nga ako" nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

"Huwag niyo nang pilitin. Kung ano man ang sagot niya sa tanong ni Ed ay kusa rin naman na lalabas" matamis ang pagkakangiti ni Lux ng mapatingin ako sa kanya.

Damn it! Ang gwapo niya!

Lumunok muna ako bago muling tumingin sa kanila. Inalis ko agad yung aking naisip.

"Maiwan ko na kayo dyan. Uuwi na ako" paalam ko sa kanila.

"Porket malapit lang bahay mo iiwan mo na kami rito?" Taas kilay na tanong ni Anne.

"Nagtext kapatid ko. May kailangan daw kami asikasuhin" pinakita ko pa text sa akin ni John para maniwala sila.

"Baka naman pwede humiling ng yakap bago ka umuwi" biglang banat ni Lux.

Nakatayo na ako sa may pinto at akma nang bubuksan iyon para makalabas.

"Ha?" Pang-asar na tanong ko.

"Kahit isang hug lang. Pagbigyan mo na yung may sakit" pagpapaawa niya pa.

Agad naman umugong ang asaran nila maliban sa kapatid ni Ems na inaabangan kung pagbibigyan ko ba si Lux.

Napapikit na ako sa sobrang inis.

"Hindi ka makakalabas dito kapag hindi mo pinagbigyan pinsan ko" banta pa ni Kevin. Agad na hinarangan naman ng mga kaibigan ko ang pinto.

"Sige na! Isang yakap lang" asar na sabi ko.

Tuwang-tuwa naman sila. Agad na tumayo si Ed at hinayaan na ako ang umupo roon. Nagulat naman ako ng biglang yumakap si Lux. Hindi masyadong mahigpit at hindi rin masyado maluwag. Agad niya inilapit sa tenga ko ang bibig niya at may binulong sa akin.

"Mahal na mahal kita" bulong niya at biglang umalis sa pagkakayakap sa akin.

Napatulala ako sa kanya at hindi maintindihan ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa akin niya lang naman ibinulong pero pakiramdam ko ay lahat ng nasa loob ng kwarto ang nakarinig ng sinabi niya.

"Akala ko ba ayaw mo siya pagbigyan kanina? Bakit ngayon hindi ka na tumayo dyan" pang-aasar ni Kevin.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Nako ito na nga ba ang sinasabi ko" si Mel naman.

"Manahimik na nga kayo! Aalis na ako" asar na sabi ko at nagmamadali lumabas ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko at hindi maintindihan yung bilis ng tibok nito. Aaminin ko na masarap sa pandinig yung sinabi niya. Pero hindi! Nang-aasar lang siya kaya niya sinabi sa akin iyon. Naglakad na agad ako pauwi at dumiretso sa kwarto. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na malunod sa kaiisip hanggang sa makatulugan ko na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status