Home / All / Power of Love / Chapter 20

Share

Chapter 20

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 17:36:24

Agad akong nagtungo sa kwarto matapos kumain. Hindi ko na sila inantay matapos. Masyadong abala ang isip ko kaiisip sa lagay ni Lux.

Nagtakbuhan lang naman kami kanina. Hindi naman umulan habang naglalaro kami paano siya lalagnatin??

Gulong gulo pa rin isip ko. Nag-aalala ako sa kanya masyado. 10:30 na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Napagdesisyunan ko na puntahan sa kwarto ang magpinsan at kamustahin ang lagay ni Lux.

Kumatok muna ako sa pinto bago buksan iyon.

"Lux, okay ka lang ba?" Tanong ko siya matapos pumasok sa kwarto nila.

"Ikaw ah! Concern ka pala sa akin" mapag-asar na banat niya.

"Alam mo ikaw? May sakit ka na nga at lahat nagagawa mo pa mag-asar" inis na sabi ko.

"Oh tama na yan ah baka mamaya kung saan pa mapunta yan" awat ni Kevin.

"Makaalis na nga! Lagnatin ka pa sana!" asar na sabi ko at nagmamadali na bumalik sa kwarto.

Siya na nga kinakamusta mang-aasar pa! Nakakainis! Dapat pala ay hindi ko na lang pinuntahan at nagtanong na lang ako kay Kevin

Nagtungo ako sa veranda ng kwarto ko at nagpahangin. Nagpakalma ako at hinayaan ang sarili ko na malibang sa ganda ng tanawin. Maya-maya ay biglang tumunog ang phone ko.

From: Abrielle

Ate baka next week ay makauwi kami ng probinsya sasabay ka ba?

To: Abrielle

Oo, sabihan niyo lang ako anong araw at oras para maclear ko na schedule ko.

Sent!

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Jani mauuna na kami lumuwas sa inyo ah! Kailangan na kasi talaga namin lumuwas eh. Iwan ko na lang sa iyo susi ng kotse ko yung kay Lux na sasakyan na lang gagamitin ko. Ingat kayo bukas ah. Bye!" Nagmamadaling sabi ni Kevin.

Napatingin ako kay Lux na inaalalayan ni Kevin. Hindi ko maipaliwanag yung kaba ko.

Wala naman masamang mangyayari sa kanya diba?

Napatango na lang ako sa kanya at tulala ko silang pinanood na lumabas ng suite namin.

"Ano ang nangyari?" Biglang tanong ni Ems ng makalabas ng kwarto niya.

"Bakit bigla na lang umalis yung dalawa? Hindi man lang tayo hinintay" saad naman ni Anne.

"Masama ang kutob ko" sabi ko sa kanila habang nakatitig sa pinto.

"Ano?" takang tanong ni Mira.

"Pakiramdam ko hindi lang lagnat ang nararamdaman ni Lux"

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Mel.

"Kasi kanina bago tayo kumain, naghahanap ng maligamgam na tubig si Kevin kasi pupunasan niya raw si Lux at nilalagnat. Pero sa nangyari ngayon tingin ko ay hindi lang lagnat ang nararamdaman niya"

"Hindi naman masama ang panahon kanina ah? Paano siya lalagnatin? Tirik naman ang araw kanina" takang saad ni Mira.

"Iyan ang aalamin natin pagbalik natin ng Manila bukas. Mahpahinga na kayo at maaga tayo babyahe bukas"

Agad naman sila tumugon sa sinabi at nagsibalik na sa kanilang mga kwarto. Lunod pa rin ako sa pag-iisip ng makabalik sa kwarto ko. Gusto ko magmessage kay Kevin pero baka hindi niya rin masagot dahil abala siya masyado kay Lux. Hindi talaga ako matigil sa pag-iisip hanggang sa makatulugan ko na lang.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay nila.

"Ano ba! Mamaya ay magalit sa atin si Jani ang ingay niyo masyado" suway ni Anne sa kanila.

"Hayaan niyo na makabawi muna siya ng pahinga at malamang ay nag-isip na naman yung kung bakit ganon ang nangyari" si Ems.

"Pero tingin niyo ano kaya talaga nangyari kay Lux kahapon?" Tanong ni Mel.

"No one knows what happened. Lahat tayo ay gulat sa nangyari. Lahat tayo clueless kung bakit nagkaganon siya bigla" si Mira.

"Tsaka si Kevin lang makakasagot sa atin kung ano talaga totoong sitwasyon ng pinsan niya" saad naman ni Anne.

Bumangon na ako sa kama at agad na lumabas ng kwarto. Bigla naman sila nanahimik ng makita ako.

"Nagising ka ba namin?" Tanong ni Mira.

"Hindi naman" agad na sagot ko.

Nilagpasan ko na lang sila at nagtungo ako sa kusina para makapagalmusal na. Nanahimik lang ako at hinayaan sila mag-usap. I'm not in the mood to talk. Masyado pa rin occupied yung utak ko dun sa magpinsan. Gustong-gusto ko na agad malaman kung ano na balita. Tinapos ko agad ang kinakain ko at agad na bumalik sa kwarto para maligo at makapag-ayos.

"Mag-ayos na rin kayo para makabyahe na tayo" sabi ko sa kanila bago tuluyang pumasok ng kwarto.

Ramdam ko na nagtataka na sila sa kinikilos ko. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Basta ramdam ko sa sarili ko na nag-aalala ako para kay Lux. Pero hindi naman ibig sabihin ay nagugustuhan ko na siya. May part lang talaga sa akin na alam ko may concern ako sa kanya.

"Wala na ba kayo naiwan na gamit?" Tanong ko sa lahat.

Agad naman nilang tinignan yung mga dala nila at agad na umiling.

"Tara na. Puntahan natin sila Kevin"

"Alam mo ba nasan sila?" Tanong ni Mira.

"Nagtext naman ako sa kanya kanina at sabi niya na nandon daw sila sa bahay ni Lux na same subdivision sa amin"

"Dadaan ba muna tayo sa bahay?" Tanong ni Ems.

"Pwede naman kung gusto niyo iwan doon yung mga gamit niyo"

"Sige daan na muna tayo sa bahay at doon na rin tayo kumain pagkarating natin"

"Okay"

"Ayos ka lang ba Jani?" Biglang tanong ni Anne habang nasa loob na kami ng kotse.

"Oo naman. Bakit?" Takang tanong ko.

"Kanina ka pa kasi seryoso. Hindi namin malaman paano ka malalapitan or makakausap"

"Marami lang ako iniisip"

"Marami ba talaga? O si Lux lang naman iniisip mo?" Mapang-asar na banat ni Mira.

"So? Ano ang gusto mo ipahiwatig?" Mataray na tanong ko.

"Nagkakagusto ka na kay Lux, tama ba ako?" Singit naman ni Ems.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Wala ako gusto sa mapang-asar na yon" inis na sagot ko.

"Action speaks louder than words" mapang-asar na banat naman ni Mira.

"Kung huwag ko kaya kayo isabay dito sa kotse? Magcommute na lang kaya kayo?" Inis na sabi ko.

"Ito naman binibiro lang nagagalit agad" biglang sabi ni Ems.

"Oo nga. Para namang hindi ka nasanay sa amin na lagi kang binibiro" saad naman ni Mira.

"Kita niyo na nga na seryoso ako babanat pa kayo ng biro. Tapos yung biro niyo nakakainis pa at hindi maganda"

"Nako mukhang alam ko na talaga kung bakit" si Mel naman.

"Sige inisin niyo pa ako! Humanda kayo mamaya pagkarating natin sa bahay nila Ems" banta ko sa kanila.

"Oh we are so scared" pang-aasar pa nila.

"Bumaba na nga kayo ng kotse! Humanap kayo ng iba niyong masasakyan pabalik" sigaw ko sa kanila.

"Hindi na Jani, tatahimik na talaga kami" biglang sabi ni Anne.

"Umayos na nga kayo! ayaw ko magcommute pabalik ah. Mas komportable ako dito kaya umayos ayos kayo" sita naman niya sa iba.

Agad naman silang nanahimik at hindi na ako pinagtripan pa. Sinimulan ko na paandarin ang kotse at nagsimula na magmaneho pabalik ng Manila. At hindi ko itatanggi na hanggang ngayon si Lux pa rin ang nasa isip ko.

Sana naman ay ayos lang ang lagay mo. Kahit malakas ka mang-asar, nag-aalala rin naman ako sa iyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status