Home / All / Power of Love / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 16:38:15

Pinilit kong matulog ng makapasok ako sa tent namin. Sad to say hindi ako makatulog! Pakiramdam ko may bumabagabag sa isip ko pero wala naman! Ewan! Ang gulo buset! Ang iingay nila sa labas hype yan.

Kanina pa ako nandito sa loob ng tent kada may papasok kunwari tulog ako pero gising naman talaga ako. Gising na gising pa nga kung tutuusin. Hanggang ngayon kasi ginugulo ako ng mga tanong nila. Akalain mo yung trip trip na laro lang sineryoso nila bigla yung usapan. Hotseat amp.

2am na and still dilat pa rin mata ko. Buti na lang at hindi nila naiisipan na matulog pa kung hindi bistado na ako ngayon. Palibhasa tahimik sa paligid kaya rinig ko na ang pinag-uusapan nila sa labas ngayon. Since di naman ako makatulog nakinig na lang ako sa usapan nila rinig ko rin naman eh.

"Anong nangyari kay Jan at naging ganon ugali non?? Dati naman kahit magtanong tayo doon ng personal okay lang sa kanya??" Tanong ni Edward. Kahit hindi ko sila makita alam ko kung kaninong boses ang nagsasalita.

"Alam niyo naman yon once na galing sa break-up ayaw na pinag-uusapan ang tungkol sa mga love na yan dahil kapag naalala niya yung mga panloloko sa kanya ng mga lalaki na pumasok sa buhay niya pakiramdam niya yung gustong pumasok ay ganon lang din ang gagawin sa kanya. Besides about love na napag-usapan natin, though part pa rin ng personal life niya yun, iyon ang ayaw niya mapag-usapan lalo na at fresh pa" masyado naman atang seryoso si Emily sa sagod niya. Himala pag nagseseryoso ng sagot yan ah.

"You knew her guys she wants space. Hindi rin biro ang pinagdaanan niya alam niyo kung gaano siya nasaktan nung nakipaghiwalay sa kanya si Kent hindi ba?? Alam niyo naman ang isang yan once na nagmahal lahat gagawin maging masaya lang mahal niya yun lang binabaliwala ng iba ang mga efforts niya" si Mira naman ang nagseryoso.

Yung totoo??? Ano meron at masyadong seryoso usapan nila??? Nasanay ako na puro bangayan ang pagsagot nila sa isa't isa.

"Kaya nga bilib na bilib ako sa babae na yan eh.. akalain mo yun kahit na maraming beses na siyang nasasaktan hindi pa rin siya natatakot sumugal pagdating sa pag-ibig, yun nga lang I must say it would take a long run bago siya magbukas ulit ng pinto at magpapasok sa puso niya" si Edward na naman.

"Binabasura ng iba ang siyang pinapanagarap ko..." pakantang sinabi ni Edward.

Nakakapanibago tong mga kaibigan ko. Hindi kasi kami nag-uusap ng masyadong seryoso gaya ng ginagawa nila ngayon. Most of the time panay asaran kami dahil doon lang namin naidadaan yung mga lambing namin.

"Ang swerte ng lalaking makakasama ni Jan hanggang sa pagtanda" si Melanie naman nagsalita.

"Bakit naman??" Agad na tanong ni Anne.

"Syempre kung ako lalaki jackpot na ako sa kanya. Mabait, caring, supportive halos lahat na ng katangian ng isang ideal girlfriend nasa kanya na sobra pa kung magmahal kaya ang tanga na lang ng lalaki na magpapakawala sa kanya. Ang hirap kaya humanap ng isang ginto habang nagmimina ka. Tanga ka na lang kapag pinakawalan mo pa"

"I agree to Melanie. Pero nakakatakot lang na baka sa dami ng sakit na dinadanas niya kapag nagmamahal siya ay magising na lang tayo man hater na siya. Hindi siya madramang tao alam nating lahat yan ang gusto niya ay yung masayang paligid ayaw niya sa mga drama. Pero kahit anong pagpapanggap niya nakikita ko sa mata niya na nasasaktan pa rin siya. Nakikita ko sa mata niya na nakakulong pa rin siya sa sakit ng nakaraan" malungkot ang boses ni Edward.

Napangiti ako sa kanila. Akalain mo yun kahit anong pagpapanggap ko na malakas ako sa harap nila alam pala nila ang nakatago sa likod ng maskarang suot ko. Thankful ako at may mga kaibigan akong nananatiling totoo sa tabi ko. Thankful ako at may mga kaibigan ako na handa akong damayan sa oras na alam nilang hindi ko na kaya.

"Alam mo kuya?? Nakakapanibago mga hugot mo ah san mo nakukuha yan??" Bumalik ang pagtataray ni Ems sa kapatid niya.

"Marunong naman kasi ako magseryoso kapatid. Akala mo lang maloko ako sa lahat ng bagay pero nagseseryoso naman ako. Sa tanda kong to hindi na bago sa akin yang mga naririnig ko sa inyo dahil ultimo mga barkada ko ay pinagdadaanan yan ibinabahagi ko lang sa inyo kung ano ang mga narerealize ko sa tuwing napapasok sila sa ganyang sitwasyon"

Napangiti na lang ako sa naging pag-uusap nila. Hindi ko rin akalain na maririnig ko ngayon ang serious side ni Edward kalimitan kasi yung makulit na siya ang pinapakita niya. Buti nga at kahit may gusto siya sa akin walang ilangan. Sinabi ko na rin naman sa kanya noon hindi ako ang babae na nararapat para sa kanya. She deserves someone better than me.

Kinuha ko ang phone ko at nakinig na lang ng music. Nakaugalian ko kasi na kapag nasasaktan ako paulit ulit kong pinapatugtog ang isang kanta lang. Agad akong naghanap sa playlist ko ng kanta baka sakaling dalawin na rin ako ng antok. Maya maya lang ay pinakinggan ko na yung kanta at hinayaang umagos muli ang mga luha sa aking mata.

Kahit anong gawin ko alam kong hindi ko na maibabalik ang dating tayo... Kahit anong hiling ko alam kong masaya ka na sa kung ano man ang meron ka ngayon... Napapagod na ako umiyak at masaktan kakabalik ko sa ating nakaraan... kahit matagal ng panahon ang nakalipas ngayon ko lang sasabihin ito.. I am now letting you go... I deserve someone better than you.. naluluhang sabi ko pa sa isip ko.

Ito ang kailangan ko ang pakawalan na siya ng hindi na ako magdusa ng ganito. I need to accept it wala na talaga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang umaagos ang mga luha sa aking mata..

Kinabukasan

Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Lumabas ako ng tent at nag-unat. Pagmulat ng mata ko ay nakahanda na ang mga pagkain naglagay sila ng table and chairs para dito kami sa garden kumain.

Hindi ba natulog tong mga to?? Ang sisipag eh. Ganyan lang sila kapag puyat eh.

"Mukhang maganda tulog mo ah" pang-iinis ni Mira.

"Hindi naman sa maganda pero magaan ang pakiramdam ko paggising ko" casual na sagot ko.

"Baka gusto mo magshare sa amin ano???" Chismosa talaga tong mga to.

"Narinig ko lahat ng pinag-uusapan niyo kagabi" nanlaki naman ang mga mata nila dahil sa nabanggit ko. "Narealize ko na hindi ko naman kailangan pang manatili sa nakaraan dahil alam ko na may halaga ako. Kung hindi niya ako nagawang pahalagahan ako ang magpapahalaga sa sarili ko. So bago ako matulog iniyak ko na lahat hanggang sa maubos ang mga luha ko then I set him free and I will now start to walk away my past" bigla naman silang pumalakpak lahat. Mga abnormal talaga.

"Buti naman at natauhan ka na.. alam mo naman pala na may halaga ka sana noon mo pa ginawang palayain yung tao eh di sana hindi ka na nagmumukmok ngayon" nakangiwing sabi ni Anne.

Hindi na lang ako sumagot at kumuha na lang ako ng pagkain. Hindi pala ako nakapaghapunan kagabi sa sobrang badtrip ko sa kanila.

"Tara mag mall tayo wala ako maisip na pwede natin gawin dito sa bahay eh" biglang sabi ni Ems.

Pumayag naman ang lahat kaya kumain na rin sila agad. Syempre hindi nawawala ang kwentuhan habang kumakain kami. Ewan ko ba hindi kami nauubusan ng pinagkukwentuhan. Matapos kumain ay nagready na kami para sa gala. Nakakabored din naman kung dito lang kami sa bahay magstay syempre masarap din maggala.

Hapon na ng makarating kami sa mall nagwindow shopping lang kami hindi naman kami prepared na gumastos sa gala na to. Nag-ikot ikot lang kami. Syempre pinagtitinginan kami ng mga tao dahil ang gugulo namin. Daig pa namin mga elementary na nakakawala sa magulang kaya nagwawala. Nung maggabi na ay sa mall na rin kami kumain ng hapunan para sa bahay magkukwentuhan at maglalaro na lang kami ulit. Nagpalamig lang kami sandali tsaka namin naisipang umuwi na.

"Oh ano naman gagawin natin mamaya?? Don't tell me truth or dare na naman magsawa naman kayo aba" lahat kami napatingin kay Mira at nagtawanan siya lang mahilig don eh.

"Mira please wag mo ipasa sa amin yan ikaw lang ang mahilig dyan hahaha" sagot ko sa kanya at nagtawanan ulit hahaha.

"Hoy kayo kung hindi kayo pumapayag hindi naman natin malalaro yun eh monggoloid kayo!" Biglang sumigaw si Mira.

Tinawanan lang talaga namin siya hahaha kasi kakaiba rin to eh wag lang siya madiin ipapasa niya sa iba ang bintang hahaha.

Biglang may nagdoorbell habang nagkakasiyahan kami pinagbuksan yon ni Edward pagbalik niya ay nagulat ako sa kasama niya!! What a small world it is!!

Its HIM!!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status