Share

Chapter 1

Author: Yanna Ashley
last update publish date: 2020-07-28 14:26:52

"Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon.

"Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi.

"Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin.

"'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."

Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko.

"Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.

Hindi ako pumupunta sa mga bar. Maraming manyak do'n. Baka mademanda pa 'ko 'pag may nasuntok ako ro'n.

"Ta-try ko," maiksing sagot ko sa kanya.

"Pag-isipan mo, te. Minsan lang ako may pera at minsan lang kita ililibre kaya pumayag ka na, ha!"

"Ta-try ko nga!"

"Ah, basta. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka. Ipapaalam kita kay Lola."

"Hay nako," pagsuko ko. Makulit 'tong si Jash. Kahit anong ayaw ko, napipilit ako nito. Wala na rin naman akong magagawa kaya hinayaan ko na. Kahit naman subukan kong humindi, kukulitin ako niyan hanggang sa mapa-oo ako.

•••

Pagka-uwi ko ng bahay, nakita ko si Lola na nagtatahi ng basahan. Mahirap lang kami, sa squatter area lang kami nakatira. Maliit lang ang bahay namin, walang second floor. Kami na lang ni Lola ang nakatira ngayon dahil namatay ang aking mga magulang noong 6 years old pa lamang ako dahil sa sunog. 'Yung ibang anak naman ni Lola, e wala nang paki sa'min.

Natutustusan namin ang gastusin sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng pagtatahi ni Lola ng mga basahang bilog. Nang mag-high school ako, nagsimula akong mag-online selling para may dagdag kita at may pang-kain kami sa araw-araw. Buti na lang at nakaipon-ipon ako kaya nakabili ako ng second hand na makina para sa pagtatahi ni Lola ng basahan.

Laking pasalamat ko nang makapasa ako sa PUPCET. Mababa lamang ang tuition fee sa PUP kaya't sa wakas, makakapag-aral din ako ng kolehiyo. 'Di na sana ako magkokolehiyo dahil wala kaming pang-bayad ng tuition fee, buti na lang at pumasa ako. BS in Architecture ang kinuha kong kurso dahil pangarap ng Lola ko na magkaroon ng magandang bahay. Gusto ko rin siyang ilayo sa magulong lugar na ito.

2nd year college na 'ko. Magastos ang kursong kinuha ko. Mabuti na lang at maraming bumibili sa'kin through online. Kapag summer, nagsu-summer job ako kung saan-saan para makaipon ng pera para sa susunod na pasukan. Minsan kung ano-anong raket ang kinukuha ko para may pandagdag ipon.

"La, kain ka na. May dala akong pagkain," inabot ko sa kanya ang sinigang na binili ko sa karinderya ni Aling Rosa. Buti na lang at naka-discount ako.

"Oh siya, sige. Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Matanda na si Lola. 61 years old na siya ngayon pero nagtatahi pa rin siya ng mga basahan. Mabuti na lang at marami kaming suki at dito bumibili ng mga basahan. Kung papalarin, minsan 'yung iba bultuhan kung bumili.

"Kumain na ko, La. Gawin ko lang 'tong plates ko," paalam ko sa kanya.

"Oh, sige."

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nilapag ko na ang gamit ko. Wala akong kama. Papag lang ang hinihigaan ko. Si Lola, nabilhan ko siya no'ng nakaraang taon ng foam para 'di sumakit likod niya. Kahoy lang ang pagitan ng kwarto namin ni Lola. Nilapag ko na ang mga gamit ko sa isang lamesa at sinimulan ko nang gawin ang mga kailangan kong tapusin.

Jash the bitch calling...

[Hoy, Ali! Sama ka sa'kin bukas sa mall, bibilhan kita ng su-suotin mo sa party ko bukas!]

Hay nako, mukhang wala na talaga akong takas sa isang 'to. May kaya sila Jash, pero hindi gano'n kayaman. PUP din siya nag-aaral, BS Chemical Engineering naman ang kinuha niya. Ang angas daw kasi pakinggan tsaka ang bongga raw kasi pakinggan 'pag engineer. Baliw, ampota.

"Oo na, ano pa bang magagawa ko?"

[Hintayin na lang kita sa may Lagoon, ha? Bye, muah.]

Pinatay niya na ang tawag. Busy siguro sa preparation para sa birthday niya. Ngayon lang nag-party ng bongga ang isang 'yon. Noong 18th birthday niya ay kapos sila kaya't ngayong 19th birthday na lang bobonggahan.

Nang matapos ko na ang mga plates ko, tumingin ako sa relo ko. 11:52 PM palang. Babatiin ko si Jash ng saktong 12 AM.

AliSEXY: HAPPY BIRTHDAY, SIZ! STAY WHAT U ARE. MAGBAGO KA NA!

Natatawa ko sa bati ko sa kanya. Biglang tumunog ang phone ko. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa mga nicknames namin. Siya nagpalit niyan kaya paniguradong puro kagaguhan.

JashGORG: Gago! Stay what you are pero magbabago? Nu yon, girl?

AliSEXY: Charot lang. Basta enjor ur day. Muah.

JashGORG: Enjoy lang ang day ko kapag nakita na kita sa bar HAHAHAHA.

AliSEXY: Matulog ka na nga! Bye na antok na me.

Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil inaatok na talaga 'ko at bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko. Ang mahalaga ay nabati ko siya ng eksaktong alas dose. 

•••

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Bulok na rin 'tong cellphone ko. Nabili ko pa 'to sa snatcher ng mga cellphone dito sa'min. Bumangon na 'ko at naligo. Paglabas ko ng CR, nakita ko si Lola na nagka-kape at may pandesal na sa mesa.

"Oh, apo. Kumain ka na. May pandesal akong binili."

Umupo muna ko at nag-kape habang kumakain ng pandesal. Nang matapos ay pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko na ang mga gamit ko. May pasok pa ako, ayokong ma-late. Baka ma-award pa ako sa prof namin.

"La! Alis na ko, La!" paalam ko kay Lola.

"Ingat, apo."

Pagkarating ko sa PUP, agad akong pumasok sa unang klase ko ngayong araw. Nag-drafting lang kami ngayong umaga at may kaunting discussion sa'min ang prof namin. Noong tanghali naman, pumasok lang ako sa VisCom kaya't medyo may gana ako pumasok. Favorite subject ko 'yan, e. May binigay lang na aaralin para sa long quiz sa Monday.

3 PM ang tapos ng huling klase ko ngayong araw. Nang matapos na, lumabas na ako at nakita ko si Jash sa may Lagoon, nagce-cellphone. May kaharutan na naman siguro.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya.

Nagulat siya at napatingin sa akin, tinago niya na muna ang cellphone niya. "Ano? Tara na! Bibili tayo ng susuotin mo mamaya. Dumaan pala 'ko sa bahay niyo kaninang lunch, nagpaalam ako kay Lola na isasama kita sa birthday ko. Dinalhan ko na rin siya ng tanghalian."

Napaka-bait talaga nitong si Jash. Hindi naman niya kaano-ano ang lola ko pero lagi niyang binibigyan ng makakakain at regalo tuwing kaarawan ng lola ko.

"Nako, mayro'n namang pagkain sa bahay. Nag-abala ka pa," nahihiyang tugon ko.

"Ano ka ba, te! Parang lola ko na rin 'yon. Alam mo namang 'di ko na naabutan ang lolo't lola ko 'di ba? Kaya tinuturing ko na rin na lola si Lola Marilu," sambit niya at kinuhang muli ang cellphone niya. Baka nag-chat na bebe niya. E 'di wow, sana all.

"Hay, sige. Babawi na lang ako sa'yo, ha. 'Di ko 'lam kung kailan pero babawi ako. Promise," nahihiyang sabi ko. Kapag nakapagtapos talaga ako, susuklian ko lahat ng kabaitan niya.

"Gaga! Kahit 'wag na. Libre mo na lang ako kikiam!"

•••

Nang makarating kami sa mall, agad niya akong hinila sa Dep store. Department store talaga 'yon pero 'Dep store' na ang tawag ng mga kabataan ngayon. Conyo is real.

"E 'to, te. Bagay sa'yo yan."

Tinignan ko ang inabot niya sa'kin. Isang red velvet dress. Alam ko 'yan kasi nagtitinda ako niyan noon. Fitted 'to sa katawan. Medyo kita ang dibdib ko rito. Mygosh. Ano 'to, Jash!?

"Ano 'yan!? Ba't ang iksi!" Agad kong binalik sa kanya 'yung dress.

"Ano ka ba! Bagay sa'yo 'to! Ang sexy nga ng katawan mo, e. Ako nga medyo chubby."

Tama siya, may korte ang katawan ko dahil siguro sa payat. Pero 'di naman ako gano'n kapayat. Tama lang. Si Jash medyo chubby. 'Di naman siya mataba, malaman lang ng konti. Pero sexy pa rin. Thicc, ganern.

"Bahala ka!" sigaw ko sa kanya.

Ayon, binili niya pa rin talaga. Basta gusto niya, gagawin niya talaga. Hindi mo mapipigilan ang isang 'to.

Nang makapagbayad sa counter, agad niya akong hinila palabas ng mall. Aayusan niya raw ako sa bahay nila.

•••

Pagkarating namin sa kanila ay agad kaming sinalubong ni Tita Mel, mama niya.

"Oh, Ali. Punta ka mamaya, ha?"

"Opo, Tita."

"Ay, oo naman! Binilhan ko siya ng susuotin niya at aayusan ko siya. 'Di pwedeng wala siya roon, Ma!" singit ni Jash. Natawa lang si Tita Mel sa sinabi niya.

Hinila niya na ako paakyat sa kwarto niya. Simple lang ang bahay nila. Hindi mansion at hindi rin sila nakatira sa isang subdivision, sa isang baranggay lang. May kaya sila Jash dahil ang tatay niya ay nagta-trabaho sa Japan.

"Oh! Umupo ka na at aayusan na kita."

Pinaupo niya ko sa tapat ng vanity mirror niya. Pinag-ipunan niyang bilhin 'to sa pamamagitan ng summer job. Sumasama kasi siya sa 'kin sa trabaho minsan.

Matapos niya 'kong ayusan, pinasuot niya muna sa 'kin 'yung damit. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko dahil tinakpan niya ng tela yung salamin, para raw surprise.

Matapos kong suotin yung damit ay bumalik na 'ko sa kwarto niya. Takte, napaka-iksi! Hapit na hapit yung palda, na-eexpose ang dibdib ko at fitted sa bandang bewang.

"Wow! Ikaw ata ang may birthday, bakla!" namamanghang sambit ni Jash.

Tinanggal niya ang takip ng salamin niya. Nagulat ako sa nakita ko. Wow! Sino 'to? Chix, ha?

Taena, ako ba 'to? Kitang-kita ang collar-bone ko, maganda rin tignan ang korte ng katawan ko dahil fitted ang damit na ito, at kitang-kita ang cleavage ko. Shit! Hindi ako sanay magsuot ng damit na revealing. Mas gusto ko pang magsuot ng mga oversized shirts at pantalon.

Pero mangha ako sa pagkaka-make up sa 'kin ni Jash. Hindi makapal, sakto lang para ma-define ang mga detalye ng mukha ko. Gumamit siya ng brown eyeshadow para sa eye make-up. Ang kilay ko naman ay pantay at perpekto ang pagkaka-gawa. Na-define ang tangos ng ilong ko dahil sa contour. Gumamit siya ng maroon lipstick para terno raw sa damit ko.

Matapos niya akong ayusan, bumaba na muna ako sa sala nila dahil mag-aayos raw siya. Wala na si Tita rito dahil nauna na sa venue. Sa isang Restau Bar gaganapin ang birthday niya kaya siguro hindi naman wild ang mga tao.

Nakarinig ako ng footsteps sa hagdan. Bumaba na si Jash.

"Wow! Taena, girl. Baka ligawan ka ng crush mo niyan 'pag nakita ka niya?" manghang sabi ko sa kanya. Maganda si Jash kahit medyo malaman. Suot niya ang isang off-shoulder dress na may mahabang manggas. Kumikinang ang kaniyang navy blue dress sa ilaw dahil sa glitters na nakapalibot dito. Fitted ang kaniyang dress kaya't kita rin ang korte ng katawan niya. Witwiw.

"Gaga, wala 'to!" sigaw niya sa'kin.

•••

Nang makapasok na kami sa Restau Bar, marami-rami ng tao. Nando'n 'yung mga kamag-anak niya. Nando'n din yung ibang taga-PUP. 'Yung iba mga kakilala ko.

'Di ganoon karami ang bisita. Mas maganda, dahil hindi crowded.

Nagsimulang kumain ang lahat at nagkaroon ng mga kamustahan. Pinakilala rin ako ni Jash sa mga kaibigan at kamag-anak niya. Isasama ko sana rito si Lola kaso ayaw niya dahil mapapagod daw siya. Mag-take-out na lang daw ako para may makain siya. Agad ko namang nilantakan 'yung mga pagkain sa buffet. Minsan lang ako makakakain, 'no! Sulitin na habang meron pa.

"Baka naman mabulunan ka riyan?" sambit ni Ry, ka-block ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ayos lang mag-mukhang patay-gutom, ang mahalaga busog.

Matapos kumain ng lahat, nag-speech pa si Jash sa harap. Tamang thank you lang sa mga dumalo. May inilabas na cake at kinantahan namin siya ng happy birthday. Nag-blow siya sa candles kaya naman nagpalakpakan ang lahat.

Nanatili akong naka-upo kasama ng mga ka-block ko sa PUP. Tamang chismisan lang sa gilid.

Nang bumaba si Jash sa mini stage sa harap, laking pagtataka ko nang magsi-uwian na ang mga kamag-anak nya at ang mga kabataan ay hindi pa tumatayo at nanatiling mga naka-upo. Puro estudyante na lang ng PUP ang naiwan.

"Hoy! Bakit puro estudyante na lang naiwan? Tapos na ba ang party?" tanong ko kay Jash nang makapalit siya sa akin.

"Duh! After party, bitch!" sigaw niya sa'kin.

Nagulat ako nang mapalitan ng dim lights at mga ilaw na nagsasayaw ang kaninang maliliwanag na ilaw. 

Shit! Bar na 'to!

Tumunog ang mga naglalakasang speaker sa paligid. Nagsimulang tumayo ang mga estudyante at nagsayawan sa gitna! Shocks, first time ko sa bar.

Ngayon lang ako naka-experience na pumunta sa bar. Napakagulo! Ganito pala ang ginagawa nila sa bar. Ang wi-wild, amputek. May nagyo-yosi, may umiinom, at 'yung iba may ginagawang kababalaghan sa dilim. Jusko po.

Nakatulala lang akong sa gilid habang pinagmamasdan ang paligid. Ano bang dapat gawin sa bar!?

"Tara! Pakilala kita sa mga friends ko!" excited na sabi ni Jash.

Hinila ako ni Jash kung saan-saan para ipakilala kung kani-kanino. Bumati na lang din ako kahit nahihiya.

Hinatak pa niya ako sa dance floor. Ang sikip! Maraming sumasayaw. May mga nagbabalyahan pa. 'Yung ibang babae, nagte-twerk pa.

"Ali! Tikman mo 'to! Hindi yan matapang." Inabot niya sa'kin ang isang baso ng alak.

"Ayoko!" pasigaw na tanggi ko sa kanya. Baka 'di na ko naririnig nito sa sobrang ingay. Medyo lasing na rin ang isang 'to dahil iniinom niya lahat ng iabot sa kaniya. Ako ang nag-aalala para sa kaniya. Baka mamaya may drugs pa 'yun, e.

"Please! Birthday ko naman, e!" pagmamakaawa niya sa 'kin.

Pinagbigyan ko na dahil birthday naman niya. Kinuha ko ang baso at inamoy 'yon. Iw! Ang baho! Tinikman ko 'yung alak. Ang pait!

"Lagukin mo lang, Ali!" sigaw ni Jash.

Ginawa ko ang sinabi niya. Nilagok ko ng mabilisan yung alak. Pwe! Gumuguhit sa lalamunan. Ano ba 'to? Ba't sarap na sarap sila rito!?

Ibabalik ko na sana ang baso kay Jash nang mawala na siya sa paningin ko. Shit! Asan ka Jasheya?! Medyo nahilo agad ako sa ininom ko. First time ko tumikim kaya 'di pa ko sanay!

Naipit na ko sa mga nagsasayawang tao nang maramdaman kong may pumisil sa pwet ko. Sabi na, maraming manyak dito. Oo, maharot ako. Pero 'di naman ako pakarat, 'no! Agad akong umiwas sa kanya ngunit natulak ako ng mga nagsasayawan. Hinawakan niya ang bewang ko at gumapang ang kamay niya sa katawan ko.

"Tangina, lumayo ka nga!" singhal ko sa kanya.

Tinawanan niya ko at nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Shit! Jash nasa'n ka!?

Tinulak ko siya palayo pero hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Dito ka lang, babe," sambit niya na may malanding tono.

Babe, ampota. Kailan pa 'ko nagkaro'n ng jowa? 'Pag ako nawalan ng pasensya masasapak ko 'to sa ilong.

Pilit akong kumawala sa hawak niya ngunit habang pinipilit kong kumawala ay mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit.

Bwiset na lalaking 'to. Handa na akong sapakin siya at inamba ko na ang kamao ko. Batang Tondo 'to, men.

Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko at hinili ako ng bahagya.

"Babe, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap," alalang saad ng lalaki.

Ha? Sino ka, girl? Anong eksena mo diyan? 'Di nga kita kilala, e!

Baka naman yung babae sa gilid ko ang sinasabihan nito. O baka naman kamukha ko yung jowa niya. Pero ang pogi nito, ha? Makwento nga kay Jash. For sure, po-pokpok na naman 'yon.

Nagulat ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya at bigla niya 'kong niyakap.

Ngunit mas lalo akong nagulat nang kausapin niya 'yung lalaking manyak kanina.

"Don't you dare touch my girlfriend again."

---

Plagiarism is a crime.

©bananughh2020

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 6

    "Upo ka diyan."Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to."Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya."Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.Jash the bitch calling..."Jash."[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 5

    Jash the bitch calling...Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko."Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa. Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo.

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 4

    "You're late, Miss Gonzales."Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina."I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko."Anyare sa '

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 3

    Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh."Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak."And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko."Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt."Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 2

    "H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon."Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.Teka, bakla

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 1

    "Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon."Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi."Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin."'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko."Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.Hindi ako pum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status