LOGIN"Upo ka diyan."
Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to.
"Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya.
"Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"
Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.
Jash the bitch calling...
"Jash."
[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]
"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.
[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?]
"Paki-puntahan naman siya, Jash. Wala ako sa ospital. Naghahanap ako ng paraan para mabayaran 'yung mga gastusin." Kahit ang totoo ay nandito ako sa Jollibee, kakain.
[Oh, sige! Send mo sa 'kin kung saang ospital pati na rin yung room number. Jusq naman, Ali. Sa susunod magsabi ka naman. Tutulungan kita sa gastusin.]
"'Wag na, Jash. Kaya ko na 'to."
[Ulol! Anong kaya!? Bahala ka, tutulungan kita sa gastusin sa ayaw at sa gusto mo. Ge na, chat mo na sa 'kin.]
Pinatay na niya ang tawag. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko, baka pagtawanan lang ako no'ng Luther na 'yon. Agad ko namang sinend kay Jash 'yung mga detalye.
Nakakatawang isipin, nandito ako sa Jollibee samantalang nasa ospital ang lola ko. Gago lang, 'di ba? Mas gugustuhin ko kasing mag-isip sa labas kaysa hintayin ang lola ko sa ospital. Baka kasi kung nasa ospital ako ngayon, mauuna pa siguro akong mamata kay lola dahil sa kaba at stress.
Pangit man, mas gusto kong takasan muna panandalian ang problema. Sa ganoong paraan kasi ako nakaka-isip ng solusyon.
"Hoy! Ayos ka lang ba?"
Nagulat ako nang ibinaba niya ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Oo, may problema lang. Haha." Pinilit ko pa ring tumawa para isipin niyang okay lang ako.
"Mama mo. Halata namang may problema ka, te. Chika mo na, sis."
"Ayoko," tipid na sabi ko. Ayoko talaga sa lahat 'yung sinasabi ang problema ko sa iba. Ayokong kaawaan nila ko. Kaawa-awa na nga ang tingin ko sa sarili ko, kakaawaan pa nila 'ko.
"K. Sabi mo, e," tipid na sabi niya. Buti naman at hindi na ito nagpumilit. Baka ma-badtrip lang ako.
Tinignan ko ang nga pagkaing binili niya. Umorder siya ng dalawang Chicken Joy with drinks.
"Sensya ka na, ha? 'Yan lang keri ng budget. Tsaka may discount ako sa mga 'to. Panis!"
"Baliw, ako na nga nilibre magiging choosy pa ba 'ko? Duh." Umirap ako sa kaniya at kinuha ang isang plato na may lamang isang pirasong manok at kanin na nakabalot sa papel.
Binuksan niya na 'yung papel na balat ng kanin at dinurog-durog niya ang kanin. Gano'n din ang ginawa ko. Gutom na rin ako dahil 'di pa ako naghahapunan.
"Pa'no ka nga pala naka-discount dito?" takang tanong ko sa kaniya. Baka mamaya siya pala anak ng may-ari ng Jollibee tapos ginagago-gago ko lang siya.
"Nag-papart-time job ako dito."
Part-time job?
"Magkano sahod mo?" interesadong tanong ko sa kaniya.
"Minimum lang, pero ayos na 'yon. Kailangan ko rin ng allowance para sa pag-aaral ko, e."
"Ba't 'di ka na lang manghingi sa mga magulang– este tatay mo?" tanong ko sa kaniya. Patay na nga pala ang nanay niya.
"Ayoko. Baka utang na loob na naman," mapait na tugon niya. Hindi na ko nagsalita dahil baka may ma-ungkat pang kung ano.
Nang matapos ako kumain, 'di pa rin siya tapos. Pinapapak niya pa 'yung chicken.
"Ahmm, nag-hihire pa ba kayo rito para sa part-time job?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"Ahhh, oo ata. Umalis na kasi last week 'yung isang kasamahan namin. Lumipat sa probinsiya. Bakit?" takang tanong niya.
"Pwede mo ba ako ipasok? Hehe."
•••
"Nag-isip+isip lang," tipid na sambit ko.
"Oh, ano? Nakapag-isip ka na ba at nagawa mong iwan 'tong lola mo!? Ewan ko sa 'yo, Ali!" Halata sa boses niya na galit na galit talaga siya. 'Di ako naka-imik dahil nahihiya ako sa kaniya. Naabala ko pa tuloy siya. Imbes na nagpapahinga siya ngayon dahil may pasok pa kinabukasan.
"Iniwan mo 'tong lola mo rito! Kinausap ko 'yung doktor, kailangan daw operahan ni Lola. Tutulungan kita sa gastusin dahil malaking halaga ang kakailanganin. Kung ayaw mo, edi ayaw mo. Basta tutulong ako para kay Lola." Galit pa rin siya sa 'kin.
"Sorry, Jash. Naabala pa tuloy kita. Imbes na natutulog ka ngayon ta's tulo laway."
Nakita kong ngumiti siya ng kaunti at inis na tumingin sa akin, "Alam mo, papatawarin na sana kita, e. Gago ka lang talaga. Bwiset hahahaha!" tawang-tawang sabi niya.
"Oh, sorry na, ha? 'Di ko lang kasi talaga matanggap na gano'n nangyari kay Lola. Kaya nag-isip isip muna ko diyan sa Manila Bay," paliwanag ko sa kaniya.
"Wow, layo ng narating mo, ha? Manila Bay talaga? Roxas pa 'yun, ha? Grabe ka mag-isip," aniya saka ako inirapan. Tumawa lang ako
"E, doon ako napadpad, e."
"Hay, nako. Oo na. Sa ngayin, wala pa 'kong alam na paraan para tulungan si Lola, pero i-rerecommend ko na muna sa mga kaklase ko 'yung online shop mo. Para marami kang kita," sambit niya.
"Naku, salamat talaga, Jash. Bawi ako pag may pera na," seryosong tugon ko.
"Keri lang 'yon. Basta mag-popost ako sa facebook. Post ko 'yung mga tintinda mo, ha? Tsaka mag-tinda ka rin no'ng mga uso. Send ko sa 'yo mga trendy ngayon." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Malaki talaga pasasalamat ko sa isang 'to. Kung wala 'to, 'di ko na alam ang gagawin ko. Siya lang ang nagiging sandigan ko sa mga oras ng problema.
"A-apo?"
Agad kaming napalingon ni Jash kay Lola. Agad namang tumayo si Jash upang tumawag ng doktor.
"La! Ano? Ayos ka lang? May masakit ba? Ano nararamdaman mo? Magsabi ka, La," alalang tanong ko kay Lola.
Agad namang dumating ang doktor upang tignan ang kalagayan ni Lola. Ginalaw niya yung mga parte ng katawan ni Lola tulad ng paa, binti, braso at kamay.
"Musta naman si Lola, Doc?"
"Mabuti na lang at hindi gano'n kalala ang lagay niya, but she can't walk for the meantime. But I assure you that she will recover soon. As long as you keep pushing and put in the hardwork. Need lang natin i-practice ang mga binti niya upang makalakad muli," eksplanasiyon ng doktor.
"Eh, Doc. Hanggang kailan po kami dito sa ospital?" tanong ko. Baka tumaas ang bill namin.
"A mild stroke patient needs to be in the hospital for 5 days, pero sa lagay ng lola mo, pwede na siyang maka-uwi mamaya. Basta i-practice niyo lang lagi ang mga paa at binti niya upang makalakad siyang muli. Make sure na healthy foods lang ang kakainin niya. Excuse me." Agad umalis ang doktor. Baka may iba pa siyang pasyente.
"Ano, La? Ayos ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Ayos lang ako, Apo. Malayo sa bituka," natatawang sambit niya habang nakaturo sa kaniyang tiyan.
"E 'tong si Lola, nagawa pa mag-biro. Hay nako, La," natatawang sambit ni Jash.
Huminga ako ng malalim at humarap kay Lola, "La, kailangan mo palang operahan." Gulat siyang napatingin sa akin.
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya, "Ha? Kala ko ba mild stroke lang 'to?" takang tanong niya.
"May sakit ka sa puso, La. Coronary heart disease daw. Pero 'wag ka mag-alala, La. Gagaling ka promise." Ngumiti ako sa kaniya upang sabihing magiging maayos din ang lahat. Sana.
"Hala, gano'n ba? Sa'n naman tayo kukuha ng pera, Ali?" nag-aalalang tanong niya.
"Ako na bahala ro'n, La. Pahinga ka na muna."
Magiging maayos din ang lahat...
•••
Kinuha ko ang binili kong pagkain sa bentelog. Bente na lang pera ko, e. Sinimulan ko ng kainin ang pagkain ko. Nang matapos 'kong kumain, tinignan ko ang messenger ko. Nagulat ako nang sunud-sunod ang pagdagsa ng mga mensahe sa akin. Yes! Maraming bibili sa 'kin! Thank you, Lord!
Nireplyan ko isa-isa ang mga nag-chat sa akin. Busy ako sa pagre-reply sa mga customer ko. Nagulat ako nang may tumamang tela sa mukha ko. Tinignan ko ang paligid at nakitang 'yung bwiset na Luther ang naghagis no'n.
"Ano ba! Grabe maka-hagis, ha!" singhal ko sa kaniya.
"Hahahahaha! Sorry na. Tignan mo bilis, hehehe."
Tinignan ko naman 'yung telang hinagis niya. Mukha siyang damit. Binuklat ko 'to at nagtaka ako sa nakita ko.
"Ano 'to? Uniform mo ba 'to sa Jollibee?" takang tanong ko sa kaniya. Ano namang gagawin ko roon?
"Hindi sa 'kin 'yan," tipid na tugon niya.
"E kanino 'to? Sa chix mo?"
"Sayo 'yan, tanga."
Nagulat ako sa sinabi niya. Pano'ng akin, e 'di naman ako nag-tatrabaho sa Jollibee?
"Ha?" tanong ko na puno ng pagtataka.
"Sabi mo i-pasok kita bilang part-timer. Oh, ayan na. Libre mo ko siomai, ha."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Yes! Magkaka-trabaho na 'ko! Madadagdagan na ang ipon ko.
"Weh!? Talaga!? Omygosh, thank you!"
Hindi ko nalamayan ang sarili ko, napa-yakap na pala ako sa kaniya. Shit! Natuwa lng ako. Anak ng puta.
"Ay, gagi! S-sorry! Natuwa lang!" nahihiyang sambit ko.
"Weh, kunyari ka pa. Crush mo lang ako, e," nakangisi at nang-aasar na tugon niya.
"Lul, may iba 'kong crush." Ang totoo, may crush list talaga ko. Gusto mo dumagdag? #maharought
"K. Sabi mo, e."
"Pero thank you talaga, ha? Akala ko 'di mo papansinin 'yung request ko kanina."
"Duh, tulungan lang tayo maka-survive, sis," maarteng sambit niya. May pa-irap-irap pang nalalaman. Siswang ka talaga, e.
"Bakla ka talaga, Andrei," natatawang asar ko.
"Anong Andrei? Luther na lang para mas astig," suhestiyon niya.
"Ih! Pang-lalaki 'yon. Mas bet ko 'yung Andrei, mas bagay sa 'yo."
Kunot-noo siyang tumingin sa akin, "Bahala ka nga," naaasar na tugon niya. Natawa lang ako sa sinabi at inasal niya.
"Anong oras pala shift ko?" tanong ko sa kaniya.
"Sabay tayo ng shift. 7 PM - 12 AM."
Shocks, puyatan 'to, ha? Pa'no ko kaya gagawin 'yung mga projects ko. Hilig ko pa naman mag-cramming.
"Sige, kaya 'yan."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang isang kamay ko.
"Hoy! Ano na naman 'yang hawak na 'yan!?" inis na tanong ko sa kaniya. Namumuro na 'to, e. Kagabi hinawakan din nito kamay ko. Chansing masyado, ampota.
"'Wag kang feeling, sis. Lilibre mo 'ko ng pishbol."
Hinila niya ako at tumakbo kami palabas ng gate. Bwiset 'to! Naiwan pa do'n 'yung pinagkainan ko.
Nahawak pa rin ang kamay niya sa 'kin habang tumatakbo sa labas. Ang bilis niya tumakbo, bwiset. May mga nabangga tuloy ako. Panigurado, issue na naman 'to.
"Teka lang! Bagalan mo naman, te!" reklamo ko sa kaniya.
"Bilisan mo! Gutom na 'ko!" sigaw niya.
Wala na akong nagawa kundi tumakbo na lang ng mabilis. Bigla siyang huminto sa tapat ng nagtitinda ng turo-turo. Na-untog tuloy ako sa likod niya. Bwiset.
"Nu ba 'yan. 'Di talaga nag-iingat," iritang sabi niya sa 'kin.
"Wow, ha. Bilis-bilis mo kasi tumakbo! Bwiset ka!" singhal ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at tumuhog na siya ng fishball.
"Oh, ayan. Sampung pisong fishball na lang i-libre mo sa 'kin."
"Hay, nako. Sige, pasalamat ka may utang na loob ako sa 'yo," sambit ko at umirap ako sa kaniya. Nag-hanap ako sa bag ng sampung piso at buti na lang may natira pa 'kong barya barya sa mga bulsa ng bag ko.
"Oh, 'yan na!" Inabot ko sa kaniya 'yung sampung piso. Ibinayad niya naman 'yon kay kuyang nagtitinda.
"Ikaw? 'Di ka kakain?" tanong niya sa 'kin.
"Kakakain ko lang, remember? Tsaka wala na 'kong pera kahit gustohin ko man," tugon ko. Sa totoo lang, gutom pa ako. Kaso ayoko na munang gumastos. Tag-tipid muna ako ngayon.
Nanghingi siya kay kuyang nagtitinda ng isang plastic cup. Sinalin niya ang ilang fishball do'n.
"Oh, ayan. Kumain ka. Tig-sampung piraso na lang tayo tutal piso dalawa naman 'to." Inabot niya sa 'kin 'yung plastic cup at stick. Kinuha ko na lang 'yon dahil nagugutom pa ko, huhu. Mag-iinarte pa ba 'ko?
Agad kong nilantakan 'yon. Kahit anong pagkain sa'kin masarap. Ang mahalaga may makain.
"Takaw mo, te," natatawang sambit niya habang nakatingin sa 'kin na kumakain. Huminto ako sa pag-kain at inis na tumingin sa kaniya.
"Alam mo, ikaw. Kumain ka na lang 'di 'yung puro ka kuda diyan," inis na sambit ko. Kakain na lang pinapatagal pa. Natawa siya sa sinabi ko kaya kumain na rin siya ng pagkain niya.
Napatingin ako nang biglang may grupo ng mga lalaki ang lumapit dito kay Andrei, ang alam ko mga tropa niya 'to. Nakita ko sila magkakasama, e.
Tinignan akong mabuti ng mga tropa niya mula paa hanggang ulo. First time niyo ba 'kong makita? Ganda 'ko, 'no? Kaso hindi ko kayo bet.
Agad nilang binatukan si Andrei.
"Naks, pare! For the first time, nagka-jowa ka rin!"
---
Plagiarism is a crime.
©bananughh2020"Upo ka diyan."Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to."Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya."Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.Jash the bitch calling..."Jash."[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?
Jash the bitch calling...Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko."Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa. Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo.
"You're late, Miss Gonzales."Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina."I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko."Anyare sa '
Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh."Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak."And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko."Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt."Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa
"H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon."Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.Teka, bakla
"Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon."Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi."Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin."'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko."Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.Hindi ako pum