LOGIN"H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.
Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon.
"Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?
"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!
"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.
Teka, bakla ba 'to? Pambakla magsalita, amp.
"Bakla ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa 'kin. Halo-halo ang ekspresyon ng mukha niya. Confirmed. Bakla, amp. Sayang crush na sana kita, kaso sis din pala kita.
"Anong bakla!? Gago ampota," inis na bulyaw niya.
"E, bakit ganyan ka magsalita? Umamin ka na, 'di ko pagkakalat promise, hehe," natatawang sabi ko sa kanya. Hindi na lang kasi aminin. Action speaks louder than voice, sis.
"Tangina, 'di nga ko bakla! Paano mo nasabing bakla ako?" naiiritang tanong niya.
"Bonak! Sa wattpad kasi, masungit tsaka snob 'pag mga pogi. Pogi ka sana kaso ang ingay mo. Sayang, hays," sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi, 'yung mga nababasa ko sa wattpad mga snob, masungit, tapos pogi. E 'to ang ingay masyado.
"Pota, nasa wattpad ba tayo, ha!? Tsaka anong sayang? Bahala ka nga sa buhay mo. Salamat nga pala sa 'kin kasi niligtas kita. Ge, bye."
Nagsimula siyang maglakad sa akin palayo. Napikon ata si siswang.
"Bye, Bakla!" sigaw ko sa kanya pabalik. Pumakyu siya sa 'kin habang naglalakad palayo, amputek. Hindi niya na ako nilingon pa at nagpatuloy sa paglalakad. Babalik sana ako sa bar ngunit naalala ko ang nangyari kanina.
Nagdesisyon akong umuwi na lang dahil natatakot akong balikan ako ng mga lintik na manyak. Wala pa naman akong dalang bag, maski cellphone at pera. Nakisabay lang kasi ako sa service nila Jash.
Nagsimula akong maglakad pa-uwi. Mabuti na lang at hindi ako nag-heels dahil hindi rin naman talaga ako marunong magsuot noon. Puting sapatos lang ang suot ko, naninilaw pa.
Hindi tuloy ako nakapag-take-out ng pagkain para kay Lola. Hays, nagugutom na siguro 'yun.
"Hi, miss? Mag-isa ka lang?"
Napalingon ako sa gilid ko nang may humintong kotse at kumausap sa akin. Nakangisi siya sa 'kin na animo'y may binabalak at gustong gawin. Anong tingin sa 'kin ng isang 'to? Pokpok? Pakaratchi? Pokers? Sampalin ko kaya 'to ng malupet.
"Hindi ako pokpok. Uwi ka na, ingat sila sa 'yo," mataray na tugon ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Luh? Halatang fuck boy, ha?
"Woah! I thought you're uh- nevermind.Okay okay, goodnight, miss. Ingat." Ngumiti siya sa 'kin saka itinaas muli ang salamin ng kotse bago paandaring muli ang sasakyan.
Tangina no'n, ha?
•••
Kumakain kami ngayon ng fishball malapit sa PUP. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari kagabi. Bwiset. Kaya ayoko sa bar, e. Buti na lang niligtas ako no'ng baklang 'yon.
"Oo na. Buti na lang at niligtas ako no'ng isang lalaki roon. Kunyare jowa niya raw ako."
Nagulat ako ng biglang nagtatatalon at nagtititili 'tong si Jash. Nabuang na ba ang bestfriend ko?
"Hoy! Ano ba 'yan! Umupo ka nga!" hinila ko siya pa-upo. May mali ba sa sinabi ko?
"OMG! Girl! Baka siya na ang the one mo! Kyaaaah!" tuwang-tuwa na sabi niya.
"Ano'ng the one the one ka diyan? Niligtas lang ako sa manyak, the one na? Bakla nga 'yon, e!" iritang sabi ko sa kaniya. Kung nandoon lang siya noong kausap ko 'yung baklang 'yon, baka matawa lang din siya.
"Duh! 'Di ba sa wattpad diyan nag-uumpisa ang love story. Liligtas kuno tas ma-fafall. Yiee!" kilig na kilig niyang kwento.
Wattpader kami ni Jash kaya alam namin yung mga typical love story. Pati na rin 'yung mga kadalasang itsura, ugali at yaman ng isang bida.
"Bakla nga 'yon!" sigaw ko sa kanya.
"Paano mo nasabi?" tanong niya.
"E, tinatawag niya kong 'girl' at 'te' kaya malamang bakla 'yon."
Agad namang nalukot ang mukha niya at nanghihinayang na tumingin sa akin. "Ay, 'di masungit tsaka snob?" tanong niya.
"Hindi, e."
"Ay, panget. Joke lang pala yung the one, girl. Ekis na 'yan sa crush list," dismayadong sabi niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Dami-dami nang nasa crush list, balak pa dagdagan?
Sabagay, unli naman 'yon, e. Hehehehe.
"Ayy! Naalala mo 'yung kinukwento ko sa 'yong Civil Engineering student? 'Yung gwapo na nakikita ko sa building namin?" biglang tanong niya sa akin.
"Oh? Ano meron do'n?" takang tanong ko sa kanya.
"Girl! Ka-building ko siya kasi parehas kaming engineering, 'di ba? And guess what?"
"Oh ano ngang meron? Sabihin mo na. Dami mo pang ka-kemerutan, pabitin ka pa diyan," inis na sambit ko saka umirap sa kaniya. Pabitin, amp.
"Kasi umattend pala siya kagabi sa party ko like O M G! Kilig akooo!" kilig na kilig niyang kwento.
"Pogi ba 'yan? Turo mo nga sa'kin 'pag nakita mo."
Na-eexcite tuloy ako. Hilig namin ni Jash na maghanap ng gwapo. Tapos haharot kami nang palihim. Gaga lang. #Maharought
"Hay nako. Laging pa-kalat kalat 'yon. Feeling ko nakita mo na 'yon pero 'di mo lang alam name," sambit niya.
"Baka nga," tugon ko. Dami-daming pogi sa PUP, e.
Umuwi na kami sa mga bahay namin. Nag-aral lang ako para sa long quiz namin bukas. Kailangan kong mag-aral dahil DL ako o Dean's Lister. Ayokong matanggal. Pinaghirapan kong makapasok doon, e.
•••
"Weh? Nasa'n?!" tanong ko sa kanya.
"Lika! Sama ka sa'kin sa building namin," pag-anyaya niya sa'kin
Hinatak niya na ako papunta sa naturang gusali. Mas malaki ang building nila dahil maraming uri ang engineering.
Nang makarating kami sa tapat ng building nila. Nag-kuwentuhan muna kami ni Jash. Daldal namin pareho kaya't hindi namin namalayan ang oras. Dami kasing kuwento about sa mga bebe boys niya. Mag-uumpisa na ang mga klase namin nang hindi namin namamalayan.
"Bukas na nga lang natin abangan. Baka nakapasok na 'yun," dismayadong sabi ko sa kanya. Sayang pag-aabang namin, dami kasing chika nitong isang 'to, e.
"Hay nako, sige na nga, Bye, bitch. Muah," paalam niya sa'kin
Pumasok na kami sa kanya kanyang klase namin. Lakad takbo ang ginawa ko. Mahirap ma-late, 'no. Baka pag-initan pa ako ng prof namin. Kaloka.
May bukas pa, I will haunt you, poging CE student.
•••
"Oo, text mo na lang ako sa mga i-sesearch. Bye!" paalam ko sa kanya.
Tapos na ang klase ko sa araw na ito. Marami na namang plate na pinapagawa sa 'min. May ka-meet up pa 'ko ngayon dahil umorder sa 'kin kagabi 'yung isang ka-block ko. Kapag naihatid ko na 'yung order, uuwi na ako ng maaga upang maumpisahan na 'yung mga plates ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para i-text si Jash.
Jash, 'di kita masasabayan umuwi. May ka-meet up pa 'ko. Tsaka marami pa 'kong gagawin. Ingat ka. Muah. Luv u.
Sinend ko na sa kanya ang text ko. Mag-ingat sana siya, tanga pa naman noon, lalo na sa mga manloloko. Paano kasi, sa tatlong sineryoso niya, lahat 'yon ay niloko lang siya. Pinagsabay-sabay pa sila. Bwiset na mga lalaki. 'Di na nga gwapo ang mga 'yon, nakuha pang magloko.
Hilig magsabay-sabay ng mga babae. Liliit naman ng ari.
Tumunog ang cellphone ko. Nag-reply na si Jash.
Oki, te. Ingat, muah. Luv u 2.
Matapos kong mabasa ang text niya, tinignan ko muna kung may ibang nag-text o nag-chat.
'Yung umorder sa 'kin, ka-block ko lang din sa isang subject ko kaya sabi ko sa gate na lang kami magkita para hindi na ako gumastos ng pamasahe.
Habang nag-aabang, nagulat na lang ako nang may humablot ng cellphone ko.
Shit! Snatcher!
Agad kong hinabol ng mabilis 'yung snatcher. Bulok na nga 'yung cellphone ko hahablotin mo pa!?
"Hoy! Ibalik mo 'yan!" sigaw ko habang hinahabol 'yung lintik na snatcher. Hindi pa kami nakakalayo sa PUP kaya't pinagtitinginan kami ng iilang mga estudyante.
Nagulat at napahinto ako nang makita kong may dumagan sa snatcher. Isang lalaki. Gulat akong napatingin sa dalawang lalaking nagpapagulong-gulong sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang sapakin niya 'yung snatcher at kinuha niya sa kamay nito ang cellphone ko. 'Di naman kaya isa rin 'tong snatcher tapos bet niya rin cp ko? Gusto pala nila ng bulok, ampota.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa snatcher ay wala na ito sa kinalalagyan niya kanina. Tumakbo na pala palayo 'yung snatcher. Buti na lang at mukhang walang dalang kutsilyo 'yon dahil kung nagkataon, baka nasaksak niya pa 'tong lalaki na 'to.
Nakatingin pa rin ako sa snatcher na tumatakbo papalayo nang biglang magsalita yung lalaki.
"Hoy, sa 'yo ba 'to?"
Agad akong napalingon sa kaniya. Anak ng tokwa! Siya na naman? Si Batman ba 'to o Superman? Lagi na lang to the rescue, e.
"Ampota, ikaw na naman!?" bulyaw niya sa 'kin.
Wow, ha. Ikaw nga 'tong laging pasulpot-sulpot. Ako pa talaga, ha?
"Wow naman, Superman. Ikaw na naman!?" paggaya ko sa sinabi niya.
Padabog niyang inabot niya sa 'kin 'yung cellphone kong bulok. Grabe, ha? Ganoon ba kalaki galit mo sa cellphone ko kaya nagawa mong magpagulong-gulong sa lupa kasama ang snatcher?
"Ano ba 'yan!? Bulok, amp," reklamo niya. Akala mo naman siya ang gumagamit. E 'di ikaw na may magandang cellphone.
"Wow, ha. Sa 'yo 'to, te!? Ikaw gumagamit, sis? E ikaw? Bakit andito ka na naman, ha!?" inis na tanong ko sa kaniya.
"Luh? Ikaw na nga 'tong tinulungan diyan, choosy ka pa. Taga sa 'min kasi 'yon. Kaya 'di papalag 'yon," paliwanag niya.
"Ngek. E, bakit andito ka? Stalker ka, 'no? Crush mo ko, 'no?" taas kilay na tanong ko sa kaniya. Biglang nangasim ang mukha niya.
"Ulol! Crush, ampota. Ganda ka?" iritang tanong niya.
"Ay sabagay, bakla ka nga pala."
"Anak ng pucha. Hindi nga 'ko bakla! Sa gwapo kong 'to?" pagmamayabang niya.
Oo nga, gwapo siya. Pero I smell something fishy talaga, e. Feeling ko talaga sis 'to, e.
"K. Nevermind. Salamat sa pagligtas, SuperGAY."
"Anong super-"
Nahinto ang pagsasalita niya nang tawagin ako no'ng ka-meet up ko.
"Uy, Ali! Nasaan na?" tanong ni Matt.
Lumingon akong muli sa nagligtas sa cellphone ko upang magpasalamat kaso hindi ko na namalayan na naglalakad na palayo si Superman este Supergay.
"Oh, 'eto na Matt. Magvo-vlog ka ulit?" tanong ko kay Matt. Sa 'kin siya lagi umoorder ng mga make-up na gagamitin niya sa vlog niya. Dahil sa kaniya, dumami ang bumibili sa 'kin na mga bakla. Bakla 'tong si Matt, ka-seatmate ko sa History of Architecture.
"E 'to bayad, sis. Thank you, ha? Shout out kita sa vlog ko. Ikaw ha, sis. Kailan mo pa naging jowabels si Luther?"
Luther? 'Yun ba name no'ng baklang 'yon?
"Ha? Luther pala pangalan no'n?" takang tanong ko sa kanya.
"Ay oo, sis. Sikat yan sa Engineering kasi pogi nga. Tapos Dean's Lister pa. Tapos ang pretty pa ng name niya. Andrei Luther Reyes. Argh! Kilig ako! Pogi ni bebe!" kilig na kilig niyang kwento.
Ha? Anong pogi sa pangalan no'n? Hindi niya alam na parehas silang 'sis' no'ng Luther na 'yun.
"Ay, ganoon? Sige salamat sa pag-order. Sa susunod ulit, ha?" sambit ko.
"Gora, mamsh."
•••
"Apo, kain ka na muna. Birthday ni Gelo. Pinagluto siya ng tita niya. Ayan may binigay na pagkain," pag-anyaya sa 'kin ni Lola.
Si Gelo ay kababata ko. Naaawa nga ako sa kanilang magkakapatid kasi lagi silang binubugbog ng tatay nila. Buti na lang nandiyan ang tita nila para bigyan sila ng pagkain. Lagi kasing nasa inuman ang tatay nila.
Kumain na muna ako bago umpisahan ang mga gagawin ko. Mukhang magpupuyat na naman ako nito o baka hindi na ako matulog.
Matapos kumain, sinimulan ko ng gawin ang mga dapat gawin. Huminto na ako ng mag-alas tres na. Bukas ko na tatapusin dahil sa susunod na araw pa naman ang pasahan. Trip ko talaga minsan mag-cramming.
Kinabukasan, nagkita ulit kami ni Jash sa tapat ng gate. Nang makita niya ako, nagtaka ako kasi tuwang-tuwa siyang lumapit sa 'kin.
"Tih! Nakita ko na 'yung CE student! Nasa canteen sila kaya abangan na natin."
Hinatak niya na 'ko kaya't nagpatianod na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tapat ng building nila. Nae-excite ako! Mukhang may madadagdag sa crush list ko, ah.
Limang minuto na ang nakalipas at wala pa rin 'yung sinasabi niyang pogi. Tagal naman. Nakakainip.
"Ang tagal naman, Jasheya!" iritang tanong ko.
"E 'to napaka! 5 minutes palang tayo dito, te. Napakamainipin mo talaga."
Tama siya. Maraming nagsasabi na mabilis akong mainip. Hindi ko kasi ugaling magsayang ng oras. Ika nga nila, time is gold.
"Oh! Ayan na, tih! Tignan mo bilis!"
Agad kong tinignan ang tinuturo niya. Puro mga lalaki nakikita ko, may isang bakla rin silang kasama.
"Gaga! Puro lalaki 'yan! Sino riyan?" tanong ko habang hinahanap 'yung tinuturo niya.
"'Wag ka naman pahalata, girl. Kunyare nag-uusap tayo bilis!"
Ginawa namin ang sinabi niya para 'di kami mahalata na nakatingin sa kanila. Baka akalain ng mga 'yun na pinaguusapan namin sila, kahit totoo naman.
"Okay, sis. Hanapin mo 'yung naka-white plain shirt na naka-maong pants. Siya 'yun!"
Pasimple akong tumingin sa sinasabi niya. Nakita ko na yung lalaki kaso 'di ko pa makita ang mukha dahil naka-side view siya dahil kausap niya yung isang lalaki.
"Ano? Pogi 'di ba?" tanong niya.
"Teka! Hindi ko pa nakikita. Sandali!"
Nang lumingon na yung lalaki, nagulat ako sa nasaksihan. Siya! Si Superman/Supergay! Badtrip naman. Akala ko pa naman kung sino.
Dismayado akong napatingin kay Jash dahil mukhang walang madadagdag sa crush list ko. "Ano ba 'yan! 'Yan 'yung nagligtas sa 'kin sa bar, e!"
"OMG! Weh!? Nako, te. Ang swerte mo. Sana all!" sambit ni Jash. Agad namang nangasim ang mukha ko sa narinig. Swerte, ampota.
"Bakla 'yan!" sabi ko sa kanya.
Agad namang napakunot ang noo niya. "Ha? Alam ko hindi naman siya bakla."
"Bakla nga 'yan!" giit ko.
Napatingin akong muli sa gawi niya kasama ng mga tropa niya ata. Feeling ko bakla talaga 'to e. May baklang kasama. Tsk, huli ka na sis.
Hinampas ako ni Jash nang makita naming may tumakbong babae palapit sa kanila at niyakap si Supergay. Nalaglag ang panga ko nang akbayan niya 'yung babae.
Teka, parang napahiya ako, ha?
"Hindi siya bakla, sis. May jowa."
---
Plagiarism is a crime.
©bananughh2020"Upo ka diyan."Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to."Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya."Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.Jash the bitch calling..."Jash."[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?
Jash the bitch calling...Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko."Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa. Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo.
"You're late, Miss Gonzales."Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina."I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko."Anyare sa '
Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh."Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak."And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko."Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt."Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa
"H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon."Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.Teka, bakla
"Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon."Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi."Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin."'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko."Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.Hindi ako pum