LOGINJash the bitch calling...
Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.
Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko.
"Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa.
Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo. Umiiyak akong nakatingin sa kaniya. Nagbabagsakan na ang mga kahoy sa aming bahay. Nagliliyab na ang paligid at maraming tao ang nagtatakbuhan sa labas.
"Pre! Umalis na kayo riyan! Lumalaki na ang apoy!" sigaw ng kapit-bahay namin.
Agad akong dinampot ng kapit-bahay namin dahil muntik na akong mabagsakan ng kahoy na nagliliyab.
Binuhat ni Papa si Mama na panay ang ubo at hindi na makahinga dahil sa init at usok.
"Mauna na kayo, pre! Ingatan mo ang anak ko, Ingatan mo si Ali," umiiyak na sambit ni Papa.
Tumingin sa akin si Mama, may lumandas na luha sa kanyang mga mata.
"Mahal na mahal kita, Ali anak," umiiyak at nahihirapang sambit ni Mama.
"Mama! Pa!" umiiyak kong sigaw. Ilang metro na ang layo namin sa kanila dahil tumakbo na ang kapit-bahay namin dala-dala ako.
"Mama! Papa!" sigaw ko nang makitang nabagsakan sila ng malaking kahoy at natabunan sila. Hindi! Buhay pa sila! Pupuntahan ko sila!
Agad akong kumawala sa pagkakabuhat sa akin ng kapit-bahay namin.
"Ali, ano ba!? Wala na sila! 'Wag ka nang pumunta ro'n!" suway niya sa akin.
Ngunit hindi ako nakinig, kumawala ako at nang makababa na ako, tumakbo ako sa kinaroroonan nila Mama.
Ilang metro na lang ang layo ko sa kanila nang biglang may bumagsak na nagliliyab na kahoy sa harapan ko. Naipit ang aking paa at 'di ako makatayo dahil mabigat ang kahoy na nakadagan sa akin.
"Tulong! Tulong! Parang awa niyo na!" umiiyak na paki-usap ko sa kung sino man ang makakarinig sa akin. Ayoko pang mamatay! Ililigtas ko pa sila Mama.
Wala akong makita dahil napaka-usok ng paligid. Nagliliyab na apoy ang nasa harapan ko at napaka-init nito sa balat. Patuloy ako sa pag-ubo dahil sa usok.
Nararamdaman ko ng unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata. Bumabagal na rin ang aking pag-hinga. Hindi na ako nakakahinga ng maayos.
Naramdaman kong nawala na 'yung nakadagan sa paa ko at may humila na sa 'kin patayo.
"Aray!" sigaw no'ng humila sa 'kin patayo.
"Bunso, bilisan mo!" sigaw mula sa malayo.
Wala pa rin akong makita ngunit ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang makatakbo at maka-alis na rito. Nang makatakbo na ako, agad akong umalis sa lugar na iyon. Nakita ko ang mga kapit-bahay ko na nakasalampak sa sahig ng kalsada. Ngayon lang nakarating ang mga bumbero at agad nilang tinupok ang apoy.
Pero huli na, wala na sila Mama at Papa. Wala na ang mga magulang ko...
Umiiyak na lang akong pinagmamasdan ang tirahan namin at ng mga kapit-bahay ko na nagliliyab. Marami na rin ang nag-iiyakan sa paligid ko. May mga kapit-bahay kami na tumutulong sa pag-tupok ng apoy. Pero heto ako, nakatulalang umiiyak dahil sa mga nangyayari.
Ang mga magulang ko, wala na...
Nang matupok na ang apoy, agad nila kaming dinala sa Evacuation Center na nakalaan para sa amin na nasunugan.
Naka-upo ako mag-isa sa isang sulok. Nakatulala lang at nag-iisa. May mga batang gusto makipaglaro sa 'kin ngunit hindi ko pinansin.
"Apo?"
Napatingala ako sa tumawag sa akin. Ang lola ko.
"La, wala na sila mama," sambit ko habang unti-unting tumutulo ang luha sa aking mga mata.
"Hayaan mo, apo. Andito na si Lola. Sa akin ka na titira. Dito ka kay Lola, aalagaan kita."
Hindi ko napansin na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang pangyayaring iyon. Kaya ayokong mawala si Lola, siya na lang ang naiiwan sa 'kin. 'Di ko na kakayanin kung pati siya ay mawawala pa.
"Sino po ang kamag-anak ni Mrs. Gonzales?"
Agad akong tumayo at lumapit sa doktor na kakalabas lang sa isang kwarto.
"Ako po, Doc. Kamusta naman po siya? Ayos lang ba siya, Doc? Ayos lang naman siya, 'di ba?" sunod-sunod na tanong ko sa doktor.
"Nagkaroon ng mild stroke ang Lola mo. Mabuti na lang at hindi malala ang sitwasyon niya. Ngunit hindi na siya gaano makakagalaw dahil sa katandaan niya. Baka maging bed ridden na lang ang lola mo, pero 'wag kang mag-alala, hija. 80% ang chance na maka-recover siya at makalakad ulit. Ipagdasal na lang natin na bumalik siya sa maayos na sitwasyon," paliwanag ng doktor.
"Ay, gano'n po ba? Gagaling naman po siya 'di ba?" alalang saad ko.
"Oo naman, hija. Kung kakayanin ng katawan niya. Matanda na rin ang lola mo. Kaso binabalaan kita. Malaki-laking halaga ang kakailanganin mo dahil may isang sakit pa kaming nadiskubre sa kanya," paliwanag niya.
Para akong binuhusan ng tubig sa narinig ko. Akala ko ba ayos na? 'Di ba malaki ang chance na maka-recover siya? Bakit may isang sakit pa? Sana naman ay hindi malala ang sakit ni Lola. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera.
"A-ano p-po, D-doc?" nanginginig kong tanong.
"May sakit sa puso ang lola mo. She has a Coronary Heart disease. Coronary heart disease occurs when the blood vessels that provide blood and oxygen to the heart muscle become narrow and hard. This is often called "hardening of the arteries". Because of that, she needs to undergo an operation. Malaki-laking halaga ang kakailanganin, hija. Excuse me."
Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig ko. Nakakapanlumo. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Hindi kakasya ang kinikita ko sa online shop. Pero mas nag-aalala ako sa kalagayan ni Lola. Puso 'yon, delikado masyado.
Hindi ko na namalayan ang sarili ko na tumatakbo palabas ng ospital. Tumutulo pa rin ang mga luha ko. 'Di ko na talaga alam ang gagawin. Nababaliw na 'ko.
Patuloy na nag-riring ang phone ko. Malamang tumatawag si Jash. Pero hindi ko pinapansin. Gusto ko munang mapag-isa.
Sumakay ako ng jeep. 'Di ko alam kung saan papunta 'to at lalong hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Nakatulala lang ako sa habang nakatingin sa labas ng bintana. Malamig ang simoy ng hangin at kakaunti na lang ang mga tao.
"Neng, bayad mo."
Nagulat ako nang may magsalita. Tatlo nalang pala kami sa loob ng jeep at hindi pa ako nakakapag-bayad. Agad akong kumuha ng otso pesos sa bag ko. Ayoko mag 123, 'no. Alam ko ang feeling ng isang mahirap kaya ayokong kawawain ang isang kapwa ko hindi angat sa buhay.
"Para po!" sigaw ko kay manong.
Nang huminto ang jeep, bumaba ako at patuloy na naglakad-lakad. Hindi ko napansin na nasa Luneta na pala 'ko. Nilibot ko ang Rizal park at napag-pasyahang maglakad lakad sa Manila Bay upang mag-isip.
Nang makapag-lakad-lakad ako sa kahabaan ng Manila Bay, napagpasyahan kong maupo muna. Malamig ang simoy ng hangin ngunit mas lumamig ito dahil nasa tapat ako ng dagat. Nakaka-relax sa tenga ang tinig ng mga naghahampasang alon sa mga bato. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa pag-lamig ng paligid.
"Huy! 'Wag kang magpapakamatay!"
Nagulat ako sa sigaw na narinig ko sa gilid ko kaya't hindi ko naibalanse ang sarili ko at nahulog ako sa batuhan.
"Punyeta!" Napamura na lang ako.
"Ay, gagi. Sorry!" Inabot niya sa'kin ang kamay niya at hinala niya ako. Nang makaupo ako ay agad niya rin akong binitawan.
"Huy, ano ka ba! Masama magpakamatay! Bahala ka mapupunta ka sa hell. Gusto mo 'yon? Ako ayaw ko. Balakajan."
Anak ng tokwa. Siya na naman? Ba't ba pasulpot-sulpot 'to sa buhay ko. Pinaglihi ka ba sa kabute? Ampota.
"Sino naman may sabi sa 'yo na magpapakamatay ako? Ha!?" singhal ko sa kanya.
"E ba't ka nandiyan? Tatalon ka, 'no? 'Wag, gagi. Masarap mabuhay. Enjoy lang, sis," suhestiyon nitong Luther na 'to.
"Ampota, umupo lang ako kasi gusto kong magmuni-muni! Anong magpapakamatay? Bobo ka, girl? Bakla ka talaga, ang OA mo!"
"Ay, gano'n ba? Sorry naman, hahahaha!" Ang lakas ng tawa, amp. 'Kala mo babae, e.
"Tumigil ka nga. Ang ingay mo, Luther," pag-saway ko sa kanya.
Natahimik siya. Tumingin ako sa kanya at nakitang gulat ang epkspresyon ng mukha niya. Luh? Ano ka diyan, bhie?
"Wow! Sa'n mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka, 'no? Crush mo ba 'ko? Aminin mo na, 'di ako magagalit," nakangising sambit niya.
"Gago! Narinig ko lang sa ka-block ko 'yung pangalan mo. Tsaka anong crush? Bakla ka nga, e."
"Anong bakla? Bakla, ampucha. Kelan ako naging bakla?" inis na tanong niya sa 'kin.
"Lul, kung 'di ka bakla, e ba't pambakla salita mo?" nanghuhusgang tanong ko sa kanya. 'Di na lang kasi aminin, tsk.
"Gago, nahawa lang ako ng pananalita do'n sa kaibigan kong bakla. Pero 'di ako bakla, 'no. Pogi-pogi ko, e. Yiee, hayup!"
Biglang humangin ng napakalakas. Sobrang lakas. Sa may gilid ko galing 'yung hangin. Napakalakas baka tangayin ako. Mas malakas pa 'yung hangin dito sa gilid ko kesa sa number 3 option sa electric fan, e.
"Hangin, be," nakangiwing sagot ko sa kanya.
"Mag-jacket ka," walang kwentang sagot niya.
"Corny."
"Hoy, ba't ka nga pala nandito? Alas dose na, ha?" tanong niya sa 'kin.
"E bakit ka rin nandito? Alas dose na, ha?" Ginaya ko ang sinabi niya.
"Wala lang, lagi akong tambay dito 'pag gabi," kwento niya. Sabagay, masarap nga naman tumambay dito dahil masarap sa pakiramdam ang hangin.
"E, ikaw? Ba't ka nandito?" tanong niya sa akin.
"Wala lang, nag-iisip ng mga solusyon sa problema. Baka sakaling maka-isip ako ng paraan para malutas," kwento ko sa kanya.
"Ano ba 'yang problema mo? Baka makatulong ako?" suhestiyon niya.
"'Wag na, kaya ko na 'to. Salamat," nginitian ko siya para sabihing okay lang ako. Kahit ang totoo ay hindi talaga.
"Weh, maniwala sa 'yo," tugon niya.
"Oo nga. Umuwi ka na. Gabi na."
"Maya na ko uuwi. Nasa bar pa pinsan ko. Ako maghahatid sa kaniya pauwi dahil panigurado, tulog ang isang 'yon."
"Nag-babar ka?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, pero 'di ako umiinom. Nando'n lang ako para alalayan 'yung pinsan kong lasing. 'Di ko kasi bet lasa ng alak. Pait, te," sambit niya habang nakangiwi.
"Sabagay, 'di ko rin bet. No'ng birthday ni Jash, first time ko lang 'yon noon, e."
Nanlaki ang mga mata niya na parang 'di makapaniwala. Mukha ba talaga akong party girl? Ang baduy-baduy ng pananamit ko, e.
"Weh? E 'di meow. Party girl nga 'yong si Jash. Imposibleng 'di ka rin party girl. Alam mo, te 'wag ka ng pa-good girl type. 'Di kita bet, 'no," nandidiring sabi niya. Kapal nito. 'Kala mo gwapo. Gwapo naman talaga, hangin lang, bhie.
"Kapal mo. 'Di talaga ko pumaparty dahil maraming manyak do'n. Mas gugustuhin kong tapusin ang mga plates ko. Tsaka FYI, hindi rin kita bet. Iwness," nandidiring sabi ko. The feeling is mutual.
Inirapan niya lang ako, attitude ka, beh?
"Archi student ka?" tanong niya sa 'kin.
"Oo, ikaw? CE student ka raw."
"Oo, Civil Engineer kasi 'yung nanay ko. Idol ko 'yun, e," kwento niya. Agad naman akong namangha sa sinabi niya. Wow!
"Wow, saang kumpanya nag-tatrabaho nanay mo?" tanong ko sa kanya. Malay mo do'n sa pangarap kong Real State company nagta-trabaho nanay niya, e 'di papatulong ako sa nanay niya makapasok sa trabaho. Be practical, 'no. Pakapalan na lang ng mukha kaysa mag-hirap ka dahil sa pagiging mahiyain.
"Patay na siya," walang emosyong saad niya.
"Aw, sorry," paghingi ko ng paumanhin.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin, "Ok lang. 'Di ka pa uuwi?" tanong niya sa 'kin.
Biglang nag-ring ang phone ko.
Jash the bitch calling...
Pinatay ko ang tawag at in-off na lang ang phone ko. Ayoko munang sumagot ng mga tawag kahit kanino. Gusto ko muna mag-isip-isip, kaso may paepal sa tabi ko.
"'Di pa, bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Ba't 'di mo sinagot?" takang tanong niya.
"Wala lang, basta. Teka nga, 'di ba may jowa ka? Bakit ka nandito? Baka kalbuhin ako noon," sambit ko saka tumingin sa dagat. Baka mamaya may mag-abang sa akin sa gate ng PUP tapos ayain ako sparring. Nako, 'wag na. Baka matalo lang siya.
"Sino naman?" takang tanong niya.
"'Yung jowa mo ngani!"
"Ha? Sino? May jowa ba ako?" naguguluhang tanong niya.
"Ewan ko sa 'yo." Wala rin naman akong pake kung may jowa siya o wala. Ayaw ko lang ng may makaaway, naaawa ako kapag natatalo ko sila, e.
Nagulat ako nang hilahin niya ako para tumayo.
"Hoy! Chansing ka, ha? Bakit mo ko hinahawakan? Tsaka bakit mo ko hinila!?" inis na tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya ng malaki sa akin, baka mamaya may gagawing kalokohan 'to sa 'kin. Bubugbugin ko talaga 'to. Batang Tondo 'to mga men.
"Tara! Kain tayo Jabee!"
---
Plagiarism is a crime.
©bananughh2020"Upo ka diyan."Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to."Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya."Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.Jash the bitch calling..."Jash."[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?
Jash the bitch calling...Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko."Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa. Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo.
"You're late, Miss Gonzales."Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina."I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko."Anyare sa '
Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh."Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak."And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko."Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt."Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa
"H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon."Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.Teka, bakla
"Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon."Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi."Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin."'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko."Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.Hindi ako pum