Share

Chapter 3

Author: Yanna Ashley
last update publish date: 2020-07-28 14:27:59

Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?

"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.

Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh.

"Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak.

"And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."

Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko.

"Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt.

"Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ko gaano naintindihan dahil nag-vibrate ang cp ko kaya't na-divert ang atensyon ko.

"Yes, Miss Gonzales. Keep it up. I will look on you," our professor said.

Hindi ako makapaniwala. 'Di ako magaling mag-drawing. Natuto lang talaga ko sa drafting class namin. Hirap nga akong magpinta, e. Sasabihin ko 'to kay Lola. Matutuwa 'yon panigurado.

Inumpisahan na ni Sir ang pagdi-discuss. Tahimik akong nakikinig ng mabuti dahil ayokong bumagsak. May pangarap pa akong aabutin.

Nang matapos ang klase, kinausap ako ni Ry. Ka-block ko rin 'to sa Natural Sciences. Ang alam ko ay bisexual ang isang 'to. Crush niya kasi si JB, 'yung isa naming ka-block.

"Galing mo naman, Ali. Sana all magaling mag-drawing," papuri sa'kin ni Ry. Nambola pa, samantalang siya ang nagturo sa akin noon kung paano ang tamang pagkulay.

"Luh, ano ka ba? Ikaw nga nagturo sa'kin ng tamang pagkulay, e. Salamat, Ry. Idol kita sa pagkukulay," papuri ko sa kanya.

"Nako, wala 'yon. Tulungan tayong lahat dito para maka-survive sa pinasok nating 'to," natatawang sambit ni Ry.

Tama siya. Nakakalokang pumasok ako rito. Kaya kayo, pag-isipan niyo muna ang papasukin niyo. Pero laban lang, para sa pangarap.

"Oh, sige. Alis na-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may bumangga sa 'kin. Nahulog ang mga plates ko sa lakas ng pagkakabangga sa'kin.

"Oops, sorry. 'Di sadya," tugon ni Bea.

Imposible namang mabangga niya ako dahil malaki ang daanan at walang nakaharang na iba. Nasa gilid kami nag-uusap ni Ry. Pero baka nga hindi niya napansin.

"Okay lang, Bea," sambit ko sa kanya.

"Paharang-harang kasi. Excuse nga!" sigaw ni Bea at naglakad palayo.

Nagulat ako sa inasta niya. Hindi naman siya gano'n. Nagpapaturo pa 'yon sa'kin noon kapag may hindi maintindihan na lesson. Anong kayang dahilan niya sa likod ng ganoong asta? Baka mood swings? Ewan. Hayaan na lang baka hindi talaga naman sadya.

•••

Pagka-uwi ko sa bahay, naabutan ko na naman si Lola na nagtatahi. Sabay ulit kami umuwi ni Jash kasi kumain pa kami sa lugawan. Gutom kami, e.

"La! Alam mo ba, highest ako sa project namin," pasigaw na kwento ko kay Lola habang ibinababa sa kwarto ang mga gamit ko. Pagkalabas ko, bumungad sa 'kin ang gulat na mukha ni Lola.

"Wow talaga, Apo?" manghang sabi niya.

"Oo, La! First time kong mag-highest sa History of Arch. Nakakaloka," kwento ko kay Lola.

"Ang galing mo talaga, Ali," papuri ni Lola.

Kukuha na sana ako ng pagkain nang biglang napahawak si Lola sa dibdib niya.

"La! Ayos ka lang ba?" alalang tanong ko sa kanya.

"Oo naman, may sipon at ubo lang ako kaya 'di ako makahinga," paliwanag niya.

Kumuha ako ng vics at binigay sa kaniya. Pinahid niya naman 'yon sa ilong, noo at dibdib niya.

"Ano, La? Ayos na ba pakiramdam mo?" alalang tanong ko.

"Oo, magpapahinga na ako sa kwarto. Sige na gawin mo na ang mga gagawin mo."

Inalalayan ko si Lola papunta sa kwarto niya. Pagkatapos ko siyang maihiga, pumunta na 'ko sa kwarto ko para tapusin ang thesis namin kaso wala pala kaming Wi-Fi. Bukas na lang ako mag-reresearch sa SM. Free Wi-Fi naman do'n. Buti na lang at pinahiram ako ni Jash ng laptop. Sa kuya niya ito noon kaso nasa ibang bansa na rin. Kahit papaano ay may nagagamit ako.

•••

"Uy, Ali. Next week, ha. Gawa tayo thesis kila Angel," paalala sa'kin ni Ry. Next week na 'yung thesis defense namin sa History of Arch. Mag-fifinals na kasi.

"Oo, Ry. Mag-research na rin kayo ro'n sa mga part niyo. Mag-reresearch na rin ako mamaya, e."

"Oo, nakagawa na ko kagabi. Sabihan mo na lang sila Brent at Roniel dahil makukulit 'yon. Mga dumbbell, amp," iritang tugon niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Hahahahahaha! Sige ako na bahala. Sabihan ko na lang sila sa GC."

"Oh, sige na. May klase pa 'ko," paalam niya.

Umalis na ako at pumunta na 'ko sa SM Sta. Mesa. Lunch break pa naman at alas-tres pa 'yung susunod kong klase. Magre-research muna ako.

Pagkarating ko sa SM, marami-raming estudyante akong nakita. Ilan sa mga nakita ko ay mga kakilala ko, may mga ka-block din akong nakita. Lunch nga naman kasi.

Humanap muna ako ng mapupuwetuhan ko. Sa Starbucks sana kaso mahirap lang ako. Wala akong pambili ng tig-isang daang kape. Mas masarap pa Great Taste White, twin pack pa sampung piso lang. Pare-parehas lang naman na kape 'yun.

Nakita ko ang ilang mga estudyanteng nag-gogroup study sa loob ng Starbucks. Buti pa sila, may malalaking halaga ng baon. Ako nga pamasahe lang dala ko. Minsan pag may bumili sa'kin sa online ay iniipon ko lang at pinangbibili ko ng kakainin namin ni Lola.

Samantalang 'yung iba, nagrereklamo dahil isang libo lang daw ang baon nila. Habang ang mga katulad namin, 'yung isang libo na 'yon kasya na sa isa o dalawang buwan. Kung minsan sobra pa.

Napagpasyahan kong sa food court nalang ako pu-puwesto. Libre lang naman do'n kahit 'di ka bumili ng pagkain. Do'n na lang din ako kakain tutal may pinabaon naman sakin si Lola kanina na isang pirasong itlog at kaunting kanin.

"Aw!" reklamo ko dahil may bumangga sa akin.

"Sorry, miss– Oh, ikaw pala 'yan," nakangiting sabi niya. Deputa, e 'to 'yung lalaking nasa kotse na huminto sa harap ko noong naglalakad ako pauwi galing sa birthday ni Jash, e.

Agad tumaas ang kilay ko nang makilala ko siya, "Are you stalking me?" pagtataray ko. Mage-english muna ako ngayon. #BitchModeKuno

"Oh, no. I'm sorry for bumping into you. I'm sorry nga pala for the last time doon sa uh– bar. I thought you were–"

"Hindi ako pokpok," pagpigil ko sa sasabihin niya. Maraming nagsasabi na 'pokpok' daw ako dahil sa estado ng buhay ko. Porket ba mahirap, pokpok na? Simula noong mag-high school ako, marami nang sumubok gumalaw sa akin. Kesyo 'mahirap' lang naman daw ako kaya ayos lang dahil may pera naman ang kapalit.

Saludo pa rin ako sa mga taong kapit sa patalim. Bakit? Kasi hindi naman nila ginusto 'yon, sadyang pinagkaitan sila ng mundo ng mga opurtunidad dahil 'mahirap' lang daw kami at walang kakayahang gawin ang mga ginagawa ng mga propesyunal. Alam kong kinailangan lang nilang gawin 'yun upang mabuhay dahil may mga pinapakain silang pamilya. Sadyang mababa lang talaga ang tingin sa amin ng mga kapwa namin pilipino. Madalas ay hindi na nila kami nirerespeto dahil 'mababa' lang naman ang ranggo namin sa lipunan.

"Oh, now I know. I'm sorry ulit," sinserong sabi niya. Tumango lamang ako at nilampasan siya. Grabe talaga ang mga nakaka-angat sa buhay.

Nang makahanap ako ng bakanteng puwesto, agad ko ng sinimulan ang research ko.

Jash the bitch calling...

"Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

[Sa'n ka? Lunch ngayon, ha? Libre kita.]

Wow, kailan pa natutong manlibre ng pagkain ang isang 'to?

"Kumain na ko, may baon ako. Nasa SM ako ngayon, nag-reresearch."

[Ay, ganern? Mayang uwian na lang kita libre. Bili tayo scramble.]

"Hello? Si Jash ba 'to? Baka wrong number ka lang?" maang-maangan ko. Nakakagulat lang na manlilibre si Jash ng pagkain. Swapang nito, e.

[Oo, ako 'to! Nag-padala kasi si kuya ng pera sa'kin. Libre kita scramble, tig-sampung piso lang ha.]

Tanginang 'to, manlilibre na lang sampung piso pa. Kuripot talaga.

"Kuripot! Maya, ha! Hintayin mo ko. 'Pag 'yan TS 'wag mo na akong kakausapin," pagbabanta ko at pinatay ko na ang tawag. Favorite ko talaga 'yong scramble simula pagkabata ko. Para sa'kin kasi, ice cream ng mahihirap 'yon katulad ko.

Naalala ko noon, gustong-gusto ko bilhin 'yung Magnum kaso ginto, amputek. Kaya binilhan na lang ako ni Lola ng scramble. Masarap na, mura pa. 5 pesos only.

Huminto muna ako sa ginagawa ko. Kailangan kong kumain para gumana ang utak. Don't y'all despise yourelves. Oh panis, english. Nakita ko lang 'yan sa FB.

Pinagtitinginan ako ng ibang tao dahil sa kinakain ko. Bakit? Wala namang masama kumain ng itlog sa mall, ha? May topsilog ngang tinda 'yung Jollibee. Napaka-judgemental naman ng mga tao. Well, nasa Pilipinas nga pala 'ko.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. Bahala sila tumingin. Mga nagbubulungan pa tapos tatawa. Akala mo 'di kumakain ng itlog sa umaga. Itlog nga ng mga jowa nila kinakain nila.

Matapos kong kumain, tinabi ko na ang baunan ko. Isa sa mga tinitinda ko itong baunan. Bili na kayo sa'kin, hehe.

Pinagpatuloy ko na ang pag-reresearch ko. Mag-aalas dos na. Malapit na naman ako matapos.

Nang matapos ko ng gawin. Niligpit ko na ang mga gamit ko sa bag kong bibigay na. Onting libro pa, Ali. Mawawasak na 'yan.

Nang mailigpit ko na ang lahat, tinignan ko muna kung may naiwan ba 'ko. Mahirap na 'no. 'Wag kayong burara diyan.

Umalis na ko sa food court at nag-lakad na. Nag-vibrate ang cellphone ko. Mukhang may order na naman ako, ha? Hay salamat.

"Anak ng tokwa! 2:30 na!"

Taena. Ba't 'di ko napansin ang oras!? Kailangan kong magmadali dahil maglalakad lang ako!

Agad akong tumakbo at nagmadali. Ngunit nadapa ako nang may mabangga ako. Shit!"

"Hala! Sorry po, Kuya!" paghingi ko ng paumanhin.

Pero takte naman, sa kamalas-malasan nga naman. Sumabit yung bag ko sa isang bakal sa tapat ng SM. Napunit ang bag ko at naglaglagan ang mga gamit ko, ampota.

Pinulot ko ang mga gamit ko isa-isa. Wala pa naman akong plastik na dala. Tinulungan ako ni kuyang nabangga ko. Ma-lalate na ko pero hindi pwedeng mawala 'tong mga gamit ko! Puro plates 'to na kailangang ipasa!

Inabot sa'kin ni Kuya 'yung mga gamit ko. Pero hindi ko mabibitbit lahat ng 'yon dahil marami 'yon. Huhuhu. Ba't ang malas ko?

"Naku, Kuya. Pasensya na, ha? Nagmamadali kasi ako. Salamat sa pagtulong," aligagang sabi ko.

Pinupulot ko pa ang ibang gamit ko na nasa sahig. Ang init pa naman. Sunog na nga 'ko, masusunog pa lalo. #Negrita

"Tsk, 'di kasi marunong mag-ingat."

Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses niya. Anak ng puta! Siya na naman? Ba't ba pasulpot-sulpot ang isang 'to? Supergay talaga este Superman. Lalaki nga pala siya, may jowa, e.

"Ano ba 'yan!? Ikaw na naman!?Nakakainis na!" singhal ko sa kanya.

"Tsk. Tumayo ka na diyan."

Agad naman akong tumayo ng mapulot ko na ang lahat ng gamit ko. Kinuha niya ang bag niya at may kinuha siya ro'n.

"Oh, ayan gamitin mo."

Inabot niya sa'kin ang isang eco bag. Alam ko 'yun yung bag na nabibili sa Dep store, e. Agad ko namang nilagay ang mga gamit ko ro'n. Wala na akong pake kung makapal mukha ko. Late na ko, mag-iinarte pa ba 'ko?

"Salamat, ha? May utang na loob pa tuloy ako sa'yo," pagpapa-salamat ko sa kanya, kahit naiinis na ako sa presensya niya. Pinaglihi ba 'to sa kabute?

Tumalikod siya at naglakad na siya papasok ng mall. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad. 'Di man lang nag 'You're Welcome' amp. Attitude ka, bhie?

Isinukbit ko sa balikat ang eco bag na hawak ko at akmang aalis na dahil ma-lalate na ko nang bigla siyang humarap sa 'kin muli.

"'Wag kasing nagmamadali. Ingat ka, Ali."

---

Plagiarism is a crime.

©bananughh2020

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 6

    "Upo ka diyan."Dinala niya ako rito sa Luneta. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Buti na lang at 24 hours open 'to."Hoy, teka! Wala akong pera," paalala ko sa kaniya."Ge lang, libre ko. Basta libre mo ko next time, ha?"Iniwan niya ko sa table at umorder na sa counter. Solo namin ang Jollibee ngayon dahil madaling araw na. Taray, exclusive. Char.Hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na solusyon sa problema ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Saan naman ako kukuha ng malaking pera? 'Di naman kami mayaman, sakto lang ang pera namin pangkain.Jash the bitch calling..."Jash."[Bwiset ka, Ali! Ba't ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!? Ano ba nangyayari!?]"Jash, si Lola. Si Lola nasa ospital, Jash," umiiyak na sambit ko.[Ano!? Anong ospital!? Ba't ngayon mo lang sinabi!?

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 5

    Jash the bitch calling...Tinignan ko ang cellphone ko nang mag-ring ito. Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag sa 'kin ni Jash. Para 'kong mababaliw. Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala akong naka-upo sa waiting area rito sa ospital. Hinihintay kong lumabas ang doktor at sabihing ok lang ang lola ko. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawala. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Huwag naman sana.Nawala na ang mga magulang ko, ayokong pati siya ay mawala. Siya na lang ang meron ako. Ayokong madagdagan pa ang sakit na naranasan ko noon, noong namatay ang mga magulang ko."Nak! Umalis ka na. Bilisan mo!" umiiyak na sambit ni Papa. Nakabulagta na si Mama sa sahig at umuubo-ubo.

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 4

    "You're late, Miss Gonzales."Oo, late na talaga 'ko. 10 minutes late. Sa History of Architecture pa. Tangina."I'm sorry, Sir. Nasira po kasi bag ko," nahihiyang tugon ko.Nakasukbit pa rin sa likod ko ang nasira kong bag. Nahihiya man dahil pinagtatawanan ako ng mga nakakita sa akin kanina, hindi ko na lang inintindi. Wala namang dulot 'yang mga 'yan. Tatahiin ko na lang 'to sa bahay mamaya. Wala naman akong pera pambili ng panibagong bag. Pwede pa 'to.Napasulyap siya sa bitbit kong eco bag, "Oh, I see. Sit down."Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo mabait sa akin 'tong prof ko na 'to. Nahagip ng mga mata ko ang natatawang mukha ni Bea. Hindi ko na lang pinansin dahil katawa-tawa naman talaga ang sitwasyon ko.Agad naman akong naupo sa upuan. Katabi ko ulit si Matt. Napatingin siya sa eco bag na bitbit ko."Anyare sa '

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 3

    Nakikinig ako ngayon sa discussion ni Sir Allan. Para sa 'kin, ang hirap talaga ng History of Architecture. Daming dama. Past na nga, binabalikan pa. Parang ikaw sa ex mo. Tapos na, inaalala mo pa. Rupok ka, girl?"Today, I will announce the names of those six students who excelled on the previous plate project," anunsyo ng prof namin.Ah, 'yun yung plate na ang hirap gawin. 'Di nga ata ako natulog no'ng ginawa ko 'yon. Solid eyebags ko, mamsh."Ry Perez, Patricia Paras, Justin Zantua, Angel Dalipe, Alytha Feranil..."Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mamaya ko nalang titignan, baka mahuli pa 'ko. E 'di instant bagsak."And the one who got the highest score, Alleanna Gonzales."Nagulat ako nang biglang mag-palakpakan ang mga kaklase ko."Taray naman, sis. Highest score. Sana all!" sabi sa'kin ni Matt."Ha? Ako raw?" takang tanong ko sa

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 2

    "H-hoy! Ano 'yon, ha!? Ano'ng 'Don't you dare touch ny girlfriend' ka diyan!? 'Di nga kita kilala!" bulyaw ko sa lalaking humila sa 'kin kanina at sinabing girlfriend niya raw 'ko. Baliw, ampota.Pero infairness, pogi mga sis! Matangkad siya, moreno, matangos ilong at medyo singkit. Simple lang ang pormahan, white shirt at pantalon lang ang suot. Chika ko nga kay Jash 'to, malamang po-pokpok na naman 'yon."Napaka-ingay mo naman. Pasalamat ka nga niligtas ka pa! Choosy ka, te?" sambit niya habang naka-krus ang mga braso. Nakataas pa ang isang kilay. Attitude ka, sis?"Kapal mo! 'Di kita type, kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. 'Di pa rin ako maka-move on sa nangyari. Baka mamaya kumalat sa PUP na jowa ko ang isang 'to. Ma-iissue pa naman mga tao roon. Bawat galaw, issue agad. Myghad!"E 'di 'wag! Bahala ka diyan. 'Kala mo naman maganda. Ganda ka, girl?" mataray na sambit niya.Teka, bakla

  • Structure of Love (Tagalog)   Chapter 1

    "Girl, tara uwi." Habol ang hiningang lumapit sa'kin si Jash. Kanina pa tapos ang huling klase ko para sa araw na 'to. Hinihintay ko lang si Jash dito sa gilid ng PUP Lagoon."Tagal mo naman. Kanina pa 'ko rito," iritang sabi ko sa kanya. Marami pa 'kong gagawin pero hinintay ko pa rin ang bestfriend ko. Pero ayos lang. Gusto ko lang ng kasabay umuwi."Sorry na, te. E 'to kasi si Sir nagpa-long quiz, e. 'Di pa naman na-discuss. Kairita," reklamo niya sa'kin."'Yan kasi, party pa sa gabi. Aral aral din, te. Puro ka laklak diyan."Party-goer 'tong si Jash. Three times a week ata 'tong nasa bar. Palagi akong niyayaya nito pero 'di ako sumasama. 'Di ko bet doon. Mas gusto ko tapusin ang mga plates ko."Sama ka na kasi, te! Bukas birthday ko sama ka na, please. Kahit 'di ka na uminom! Basta punta ka lang, please! Libre kita ng susuotin," pagpupumilit niya sa akin.Hindi ako pum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status