Share

Chapter 26

Author: Maria Elena
last update publish date: 2020-07-28 22:09:59

Follow You

Nadatnan ni Lyan si Chase sa labas ng mansion. Mukhang walang pasok ito ngayon dahil hindi siya naka office attire. Naka shorts lamang ito at naka T-shirt ng may collar. Napakasimple pero napakalinis tignan. Isa sa mga nagustohan ni Lyan kay Chase ay ang pagiging malinis nito. Napakaayos ng buhok nito lagi.  Sa gilid sa hati ng buhok, at pinatigas gamit ng wax.

“Are you ready?” Napalingon naman si Lyan sa kanyang likoran at hinanap kung sino ang kausap ni Chase.

“Ako po?” turo naman nito sa kanyang sarili.

“No, I meant that plant at your back”

“Ano po?”

“Yes Ikaw. Kung wala ka nang hinihintay pa na iba, Lumakad na tayo” sabi naman ni Chase habang hinahalungkat ang kanyang cellphone.

“Bakit meron bang tayo?”

“Ano?”

Napailing-iling naman kaagad si Lyan sa kanyang sinabi. Hindi na niya namalayan nakatulala na siyang pinagmamasdan si Chase.

“Sabi ko po. Aalis na po muna ako”

“Kaya nga. Tara na, ihahatid kita diba?” Ibinulsa naman ni Chase ang kanyang cellphone at binuksan ang pintoan sa harapan.

“Hindi na po, Sir. Mas mablis po kapag commute”

“Tinatanggihan mo ba ako?” Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang mag-taas si Chase ng kilay niya. He looks scary this time. Nataranta naman siyang pumasok kaagad sa sasakyan. Mas pipiliin na lamang niyang mag-pahatid kaysa naman magkaroon pa ng posibilidad na masesanta pa siya nito. Afterall, He’s the Boss.

Tinanggap ni Lyan ang suhestyon ni Chase na umuwi ng ilang araw muna sa San Silvestre. Mukhang kailangan niya din ng kahit ilang araw lang na pahinga. Those days the she were on the hospital consumed her energy. Nararapat lang na mag-pahinga muna siya. She was so thankful for his thoughtfulness. Mabuti nalang hindi mabagsik si Chase na employer. He thinks the concerns of his employees. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan ito. Napansin din niyang maayos ang pakikitungo niya sa mga tao na nasa paligid niya. Kung para saan pa’t nagtagal ang kanyang mga kasama sa bahay at ang kanyang secretary na si Kim.

“Gilberts is buying a portion of San Silvestre hindi ba?”

“Opo. Pero nag proprotesta ang mga mag-sasaka ng San Silvestre. Dahil kapag papatayuan na ng buildings ang sinasaka nila, wala na po silang hanap-buhay” Napatango-tango naman si Lyan kay Chase.

“I think, Gilberts stands firm on that decision.”

“Hays, Sir.. Kung makikita niyo lamang po ang lugar namin. Napag-iwanan na po ng San Vidad ang San Silvestre.”

Halos tatlong oras lang din ang itinagal ng byahe. Hindi pa rin makapaniwala si Lyan na si Chase mismo ang nag-dridrive para sa kanya. And this is the only time that she realized, bakit hindi siya nag-sama ng drivers? Hindi pa niya ito nakitang nag-drive papunta sa opisina, kaya naman bigla itong nakaramdam ng hiya.

Napabagal ang takbo ng sasakyan nang makapasok sila sa bungad ng San Silvestre. Nakita ni Chase ang maraming tao sa gilid ng daanan. Tama nga ang sinabi ni Lyan, na maraming nagproprotesta.

“Dito na rin ba sila natutulog? Bakit ang daming tao?” Hindi napigilan ni Chase ang mapatingin sa mga tao na nasa gilid ng daanan. Ito na rin siguro ang sanhi ng pagbagal ng usad ng mga sasakyan papasok at papalabas ng San Silvestre.

Matanda man o bata ay kasama rin sa pag-proprotesta.

Napatigil ang tingin ni Chase sa isang matandang lalakeng may hawak na karatula. Mukhang nasa 70 na ang edad ng matandang ito. Karamihan sa kanila ay mag-sasaka.

“N-Nay!” Nagulat si Chase nang biglang mapasigaw si Lyan. Itinigil naman kaagad nito ang sasakyan. Walang pasabing lumabas ng sasakyan si Lyan at tumakbo sa direksyon kung saan siya nakakita ng ilang pulis.

“Ilang beses na naming kayong sinasabihan! Hindi na pwede ito. Sumama kayo sa prisinto!”

Namataan ni Lyan ang mga kapit-bahay nilang hawak-hawak ng mga pulis. Sa kanyang pagkakakilala sa kanyang Ina ay hindi siya tatahimik sa mga ganitong sitwasyon.

“Anak!” Nanlaki ang mga mata ng kanyang Ina nang makita niya ito.

“Anong nangyari? Bakit kayo hinuhuli ng mga pulis.”

“Dinemolish nila ang mga tindahan sa harapan ng palengke, nag proprotesta ang mga kasama ko.” Naluluhang saad ng kanyang Ina. Napatingin si Lyan sa pa ng kanyang Ina. Mukhang nawala nito ang isa niyang tsinelas.

“Sa amin ang San Silvestre! Hindi namin ibebenta ito!” Nabulabog ang lahat sa sigaw ng isang mamang hawak hawak ng pulis at sapilitan itong isinakay sa kanilang sasakyan

“Si Bokno! Diyos ko po!” Napaluhod na lamang sa sahig ang isang matandang babae na halos puti na lahat ang kanyang buhok.

“Anak iyon ni Nanay Lagring.. Mga walang awa” galit na saad ng kanyang Ina.

“Magpaliwanag kayong lahat sa prisinto!” Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nang lumapit ang ibang mga pulis sa kanila.

“Sumama na po kayo sa amin!” Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang hinawakan ng isang pulis ang kamay ng kanyang Ina.

“Huwag! Wala pong kasalanan ang Nanay ko!”

Napatigil ang pulis nang may isang kamay ang pumigil sa kanyang kamay na ngayon ay nakahawak sa Ina ni Lyan.

“I think this is still a part of San Silvestre. They are free to protest.” Nang mag-angat ng titig si Lyan ay hindi niya inaasahang makikita niya si Chase doon.

“Sumusunod lang po kami sa utos ng-“

“Hoy, Ricardo. Tara na” Napalingon naman ang pulis na iyon sa kapwa niyang pulis na naroon din.

Bigla namang nagsi-alisan ang mga pulis at nilubayan ang mga taong nag-proprotesta.

“Umalis na kayo! Huwag kayong babalik dito!” bakas sa mga boses ng mga mamayang ito ang galit nang itaboy nila paalis ang mga pulis na ito.

“Dalhin mo na sa Kotse ang Nanay mo. Ihahatid ko na kayo pauwi” Napansin ni Lyan ang paglamig ng boses ni Chase.

“Sino siya, Anak?” biglang tanong naman ng kanyang Ina.

“Siya po ‘yong Boss ko, Tara po, Nay.”

Natigil naman si Chase sa paglalakad nang makita nila ang mga taong sumisilip sa kanyang kotse.

**

“Nako, Sir. Pasensya na po kayo sa gulong nadatnan ninyo. Pero salamat po sa paghahatid sa amin ng Nanay ko.” Napayuko naman si Lyan nang makita niyang bumaba ng kotse si Chase.

Napansin naman niya na ang atensyon ni Chase ay nasa bahay nila at sa buong paligid. Dahil ang San Silvestre ay bukid at napalibutan ng bundok. Walang buildings, karamihan ay taniman. Ang bahay nila Lyan ay sa Bukid mismo. Nakaramdaman naman siya ng hiya nang makita ni Chase ang kanilang bahay na yari pa sa kahoy. Tipikal na uri ng barong-barong bahay ang kanilang tahanan. May gulong sa itaas ng yero upang hindi mailipad tuwing tatamaan ng bagyo.

“Papasokin mo muna siya Lyan, Pasok po kayo Sir. May inihanda po akong meryenda” Nakasimangot naman na bumaling si Lyan sa kanyang Ina.

“Sige Po” Hindi naman niya inaasahang susunod si Chase sa kanyang Ina.

“Oh My God!” Umalingaw ngaw ang sigaw ni Chase nang biglang may mga manok na nagsitakbuhan sa kanyang harapan

“Pambihira naman, Aries ikulong mo nga muna ang mga manok natin! May Bisita tayo” sumigaw naman ang Nanay ni Lyan. Namataan naman ni Chase ang isang batang nagkakamot pa ng kanyang tyan na lumabas.

“Maupo po muna kayo dito, Sir”

“Ito nga po pala ang Nanay ko. Si Nanay Estella” Abot tenga naman ang ngiti ng kanyang Nanay kay Chase.

Saglit na napatitig si Chase sa ngiti ng Ina ni Lyan.  Mukhang namana nga ni Lyan sa kanyang Ina ang kanyang ngiti. Kung kanina lamang ay nagkakagulo sila. Ngayon ay parang walang nangyari kanina.

“Nay, Nakapag-saing na po ako ng kanin” Lumabas naman si Fara mula sa kusina.. Napansin ni Chase ang pisngi nitong nangingitim.

“Sige, huwag mo munang buhusan ng tubig iyong kahoy na pinaglutuhan mo. Magluluto ako ng Bangus”

“Seryoso ka ba Nay?”

“Oo. Diba paborito mo iyon. Dito na rin po kayo mananghalian, Sir. Ipagluluto ko po kayo ng napakasarap na bangus”

Hindi na napigilan ni Lyan ang kanyang Nanay nang nag-madali itong nagtungo sa labasan.

“Nay!” Hinabol naman ni Lyan ang kanyang Ina bago ito makalayo. “Bakit? Saglit lang. Uutang ako ng bangus kay Mang Allan. “

Hindi napigilan ni Lyan ang mga luhang namuo sa kanyang mata nang makita niya ang paa ng kanyang Nanay. Inalis naman niya ang suot na tsinelas at kinuha ang basahang nakasampay. Walang pasabing pinunasan niya ang paa ng kanyang Ina.

“Ano ba naman, Nay. Gaano ba kayo kabusy at hindi niyo man lang mapunasan ang mga paa niyo.” Sinubukan naman nitong pigilan ang kanyang pag-iyak.

“Hays, ikaw talaga huwag mo ngang pupunasan ang paa ko. Marumi  iyan. Marurumihan ang kamay mo. Doon ka sa loob at kausapin mo ang bisita mo” Pinalo naman ni Estella ang kamay ni Lyan

“Eh bakit pa po kayo mangungutang. Ito, bayaran niyo po ang kukunin ninyo.” Inilagay naman ni Lyan ang pera sa kamay ng kanyang Ina.

“Sige na, Nagugutom na ako” Tinalikuran ni Lyan si Estella at nagpatuloy sa loob ng kanilang bahay.

Napatigil siya sa pagpunas ng kanyang luha nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Chase. She feels so embarrass at this moment. But this is her life and this is the reality, Hindi naman dapat niya itago ito.

“Bakit hindi naipapalabas sa balita ang nangyayaring protesta dito?” bigla namang nagsalita si Chase habang papalapit si Lyan sa kanya dala ang isang pinggan ng banana que at juice.

“Sino ba naman ang San Silvestre upang pagtuonan ng pansin. Pagtatakpan lamang ng mga negosyante ang mga reklamo ng mga mag-sasaka. Hindi naman sila importante sa kanila.” Sumagot naman ito habang pinagsasalin ng juice si Chase.

“I still think your people deserved to be heard” Tumikhim naman ito. “Besides, dito nanggangaling ang bigas at ang ibang produkto ng San Vidad “

“Kahit sabihin niyo pa po iyan sa kanila, Wala po silang pakialam. Dahil kung mahirap ka, wala kang boses” Napatikom ang bibig ni Chase sa sinabi ni Lyan. He’s got no words to rebut. Because its the bottomline.

“Ikaw nga iyon! Iyong tumalo kay Kalix Guanzon!” Nagulat naman silang dalawa nang biglang mag-salita si Fara na kanina pa tinititigan si Chase.

“Grabe! Ang galing niyo po! Saan niyo po binenta iyong kwintas?”

“Fara, hindi dapat nagtatanong ng mga masyadong personal na bagay” sinita naman ni Lyan ito.

“Well, I decided to keep it. I should give it to the most precious person in my life. That’s how you value expensive things. “ sumagot naman si Chase habang nilalantakan ang bananaque.

“Congratulations nga po pala, Sir.  Nakalimutan ko po kayong batiin.”

“Thank you. It’s not an achievement, though it’s a stepping stone”

Hindi mapakali ang mga mata ni Chase habang tinitignan ang mga mag-anak na kanina pa galaw ng galaw upang mag-handa ng pagkain. He tried to offer some help but they insisted on doing it on their own. Kaya naman parang naiilang siyang nakaupo lamang habang pinagmamasdan ang mag-iina.

“Kain na po Sir” Mabuti na lamang at nakaupo na silang lahat. Napansin niyang siya lamang ang may kutsara at tinidor. Nagkamay sila Lyan at ang kanyang mga kapatid pati na rin ang kanilang Ina.

Chase just stared at them as they eat.

“Oh? A-ayaw mo ba ng ulam iho? Nako allergic kaba sa bangus?” 

“Nako hindi po” maagap naman nitong saad.

Nagulat naman si Chase nang biglang kumuha ng isda si Estella at inalis ang tinik nito pagkatapos ay inilagay niya ito sa kanyang pinggan.

“Matinik lang kase ang bangus pero napaksarap niyang ihawin pagkatapos ay lalagyan mo sibuyas at kamatis sa loob. Tikman niyo po, Sir”

“Ahh” Napahawak si Chase sa kanyang leeg nang makaramdam siya ng tumutusok sa kanyang lalamunan.

“What happened?” his Mom asked.

“Mom, I think I swallowed a fish bone” Mangiyak-iyak na saad naman nito.

“Really? Why? Ilang taon ka na ba para hindi makita ang tinik, Chase?”

“Mommy, masakit po..”

“Wait.. I have a phone call” Nataranta namang tumayo ang kanyang Mommy nang tumunog ang kanyang phone. Mukhang hindi nakapagpigil ang kanyang Daddy at sinundan kaagad niya ito.

“Oh? Hala. Nako po. Sorry, Sir. Si Nanay naman kase kinamay pa” Nainis na saad naman ni Lyan nang akmang kukuhanin niya ang isda sa kanyang palto ngunit hinawakan ni Chase ang kanyang kamay.

“Kakainin ko po ito. Salamat po” He smiled. But his heart is aching as he tried to eat the food. Parang nasagi ang kanyang puso sa ginawa ng Ina ni Lyan. His Mom has never done this before. It was the first time someone boned a fish for him.

“Ang sarap po” Napasinghap naman ito. Hindi na niya namalayan na hindi na siya gumamit ng kutsara at tanging ang kamay niya lamang ang ginamit niyang kumain. Hindi nakailag kay Lyan ang mga mata ni Chase na namumula.

Sinenyasan naman niya ang kanyang Ina upang bigyan pa ulit si Chase.

“Nakakatuwa ka naman Iho. SIge kumain ka pa. Madami akong nilutong bangus para sa’yo” tuwang tuwang saad naman ni Estella kay Chase. Hindi naman inaasahan ni Chase na hahawakan siya ni Estella sa kanyang buhok. She was patting him and that gave in everything the he is holding.

Now he realized where Lyan came from. This house isn’t that fancy, but the people in it are one of a kind. He keeps asking to his self, Paano na ang isang taong ito, na humaharap sa mahihirap na pagsubok ng buhay ay nakakangiti pa rin? It was clearly that she looked so miserable a while ago. Paanong nakakangiti siya ngayon? Na para bang wala talagang problema sa buhay.

She was staring at his back for quiet sometime. He seemed to be amazed of the sky above. Dahil walang nakaharang na buildings ang lugar na ito, Chase seemed to enjoy stargazing more. Dahil bukod bundok at puno nakikita mo rin na mas malaking view ang ulap.  Sapat na rason upang ipagpaliban ni Lyan ang pag-papaalala niya kay Chase sa kanyang pag-uwi.

“I love the smell of the air in here. It’s also peaceful, and very quiet” Napaayos naman ng tayo si Lyan dahil mukhang nahalata na ni Chase ang presensya niya.

“Nakakalungkot nga lang dahil mabibili na nila ito..” tugon naman ni Lyan.

“Let me stay here for a few more days…”

“Oo, Pwede naman- Ano Po!?” Napalakas naman ang boses ni Lyan na sanhi ng pagkagulat ni Chase.

“I want to experience a life in here.” gumuhit ang isang malaking ngiti sa mukha niya.

“Sir, paano ang RosaKing? Isa pa ang mga bata”

“Nah, Hindi naman kita ihahatid dito kung busy ako. As for now maluwag ang schedule ko. Even Kim encouraged me to take a break. He finished some works for me. Nag-iisip nga lang ako kung saan ako mag-papalipas ng ilang araw. “

“Hindi biro ang buhay bukid, Sir. Hindi po bagay sa inyo” nagmatigas naman si Lyan.

“Hindi rin naman bagay sa’yo ang ganitong buhay. You deserve to be more than this. But you’re happy. “ Napatahimik naman bigla si Lyan. Napatingin naman ulit ito sa malayo. “I’ve been living a very luxurious life. I want to try something new.If you let me stay in here. I’ll give you a bonus”

“Sinong Boss ang ganon?” Nakapamaywang na saad naman ni Lyan. “Ako, may angal ka?” nagsukatan naman sila ng titig ni Lyan. The way she sees it, he looks so serious.

“Just a few days…will do”

“Lyan! Halika saglit!” Napatakbo naman kaagad si Lyan sa kanilang bahay nang marinig niya ang boses ni Estella.

When Lyan left him, Chase made a phone call immediately to a friend.

“Rowin, It’s me.”

“Yes? Status Report ba?”

“Nope. I need some information about San Silvestre. Gusto kong malaman ang tungkol sa administrasyon dito.” Sunod-sunod naman ang pagbuntong hininga nito.

“Akala ko ba ay bibilhin niyo na nag lupang iyan? Also, one of the investors is your future father-in-law.”

“I have to think about it again. I haven’t made my vote yet. Besides ikaw lang ang nakakaalam na kasama ako sa mga negosyanteng bibili ng San Silvestre. Hindi ko pa ito sinasabi sa iba. “

Biglang napadungaw ang mga mata ni Chase kay Lyan na nag-iigib sa balon. Kasalukuyan niyang kasama si Aries.

“Don’t tell me nag-punta ka diyan?”

When Chase became quiet, Rowin then knew the answer “The reality of San Silvestre is hidden to the public, Chase. Mahihirapan tayong humalungkat ng impormasyon. But I’ll be careful. “

“Thank you, Rowin. Hindi pwedeng may makaalam nito.”

“o hindi pwedeng malaman niya?” Chase halted because of Rowin’s words. Nanahimik siya ng ilang segundo nang marinig niya ang tawanan nila Lyan at ng kanyang mga kapatid.

“She will be disappointed in me. “

**

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and his Twins   Chapter 40

    You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas

  • The Boss and his Twins   Chapter 39

    The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu

  • The Boss and his Twins   Chapter 38

    Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon

  • The Boss and his Twins   Chapter 37

    A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?

  • The Boss and his Twins   Chapter 36

    The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo

  • The Boss and his Twins   Chapter 35

    Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status