MasukHeart, Stop..
“Para kang nag-tratrabaho sa 911.” Pinagmasdan ni Joy si Lyan mula ulo hanggang paa. Samantala ay hindi naman nabaling sa iba ang atensyon niya at nanatili lamang ito kay Chase.
“First Aid Kit, Check. Water, Gatorade, Pineapple Juice, Check. Extra T-shirt check, towels check, Tsinelas, Check. Snacks, Check”
“Ano ka ba, Baka may masamang mangyari sa amo ko” Nag-aalalang saad naman nito habang nakatingin kay Chase at sa ibang mag-sasaka. Kasalukuyan nila itong tinuturuang mag-tanim ng palay. Sinubukan ni Lyan na kausapin si Chase na huwag na lamang ituloy ito pero hindi niya maintindihan ang pagmamatigas ni Chase.
“Sino bang namamatay sa pag-tatanim ng palay, Lyan?”
“Malay mo madapa siya tapos magkasugat siya. O dikaya mastroke sa init. Hindi ba ganon iyong mga CEO sa drama? Bigla bigla nalang silang aatakihin kase may sakit pala sila. Nako-Aray!”
Napahawak naman si Lyan sa kanyang ulo pagkatapos siyang masabunutan ni Joy. “Manood ka pa ng drama para lalo kang maging paranoid. Pag-igihan mo”
“Pero habang tumatagal na pinagmamasdan ko ang Boss mo, fit na fit sa kanya iyong pantalon na nahiram mo ha. Nababakat ang magandang hulma ng pwet niya. Nag gygym ba siya?”
“Oo nga eh. Feel ko, Oo kase anim ang abs niya.”
“Grabe! Nabilang mo iyon?”
Napaawang ang bibig ni Lyan nang mapagtanto niya ang kanyang mga sinabi. Did she just fantasize her Boss?
“Oh!” Bigla namang lumusob sa kaputikan si Lyan nang makita niyang kamuntikan nang na-out balance si Chase
“Sir! Okay lang kayo? Nasan po ang masakit?”
Umilag naman kaagad si Chase nang makalapit si Lyan sa kanya dahil kamuntikan na siyang natamaan ng payong na hawak niya “Actually okay lang ako, Kamuntikan na akong mabulag dahil sa payong mo” Mahinang napatawa naman si Chase.
“Trust me on this one will you?”
Chase looks so passionate in whatever he does. Dahil sa hindi masyadong magandang relasyon ni Chase sa kanyang mga anak ay hindi naman inaasahan ni Lyan na mapapakisamahan niya ang mga mag-sasaka dito. He seemed smiling a lot today. Nakarinig din siya ng tawanan at kwentuhan. It’s good to see Chase being mixed up in a crowd. Parang nagiging katulad siya ng ibang normal na tao siya bawat araw.
It’s like déjà vu
It seems like Chase is almost having the same progress just like the twins.
Nang umahon si Chase sa kaputikan ay napansin ni Lyan na maraming putik ang kanyang damit. Hindi naman na niya ito natawag nang dumiretso ito sa poso.
“S-Sir” Agad na tumingin sa ibang direksyon si Lyan nang makita niyang nag-hubad ito ng damit.
“Lyan, may sabon ka bang dala?” Napapitlag naman ito nang bigla siyang sumigaw.
“M-meron po akong d-dala d-dito” Inilahad naman ni Lyan ang isang sachet ng sabon
“Hindi ko maabot ang layo mo. Pwede bang lumapit ka” Dahil mas lalo siyang nataranta sa utos ni Chase. Hindi na siya nakaisip ng ibang paraan upang mai-abot kay Chase ang sabon. Hinagis na lamang niya ito sa direksyon kung saan naghuhugas si Chase.
“Galit ka ba?” Narinig niya pang sabi nito.
Huminga naman ng malalim si Lyan at nagpaypay gamit ang kanyang mga kamay
‘Bakit ka ba nag-huhubad, Sir hindi naman tayo nag phophotoshoot’ bulong naman nito sa kanyang sarili.
“Kanina ko pa naamoy iyong bananaque, Nakakagutom” Naramdaman naman ni Lyan ang presensya ni Chase sa kanyang tabi.
“Oo, Kumain na po kayo” ang sabi lang naman ito at nanatiling nakatitig sa ibang direksyon.
“Are you okay? Bakit nanginginig ang mga paa mo?” Napadungaw naman ito sa kanyang mga hita.
“Nag-eexercise po ako, Sir”
“Sige Sir, Nasa basket po ang lahat ng kailangan niyo-“ Tumayo naman si Lyan at hahakbang na sana palayo ngunit hinigit ni Chase ang kanyang kamay at sapilitan itong napaharap sa kanya. Tumambad sa kanyang harapan ang dibdib ni Chase na basang basa pa.
‘Hallelujah Hallelujah’
“S-Sir. Huwag po..” Nautal na saad naman nito.
“I need my shirt..” Napamulat naman ang mga mata ni Lyan at napatingin sa kanyang hawak. Mula kanina pa pala ay hinanda na niya ang damit na susuotin ni Chase.
“Ah. Oo nga po.” Iniabot naman niya kay Chase ang damit niya.
Nagpalit naman si Chase sa kanyang harapan. She wanted to walk away but Chase might have something to ask again.
“Maupo ka. Samahan mo akong kumain.” He tapped the space beside him when the settled his self.
“Nakakasakit pala talaga ng likod ang pagtatanim. Hindi ko inexpect na ganon kahirap. Ang dami mong dapat i-consider” ani naman nito habang nakatitig sa mga farmers na nasa Field.
Napatitig naman si Lyan sa binuksan ni Chase na pineapple in can dahil bigla niyang ibinigay ito sa kanya.
“Maaga kang gigising, tapos buong araw kang nakayuko. Pagkatapos ay bibilihin lamang nila ang mga bigas sa murang halaga. Pagdating sa mga fastfood restarurant ay napakahamal na. “ Napabuntong hininga naman si Lyan
“Halos isang araw na kita lamang ng Rosa King, ang kinikita nila tuwing magbebenta sila lahat ng mga inani nila. To think the the rice takes a long time to grow.. Talagang mahirap nga ang buhay sa Pilipinas. “
“Pero, Bakit hindi mo ako kaagad sinabihan?” Unti-unti namang napatingin si Lyan kay Chase na nakaupo sa kanyang tabi. “Anong sinabihan?”
“I didn’t ask this when I visited you at the hospital because you need to take a rest. Pero bakit sa ibang tao ko pa malalaman na may sakit ka? Bakit kay Ian ko pa malalaman?”All of a sudden, She was quiet. This happened on the day of his birthday. At paano niya ba sasabihing pakana ito ng babaeng papakasalan niya? This would be so hard on his part.
“Ah, aksidente po kaseng tumawag daw si Ian sa phone ko. Nasagot po yata ng Kambal.”
“Give me your phone” Nag-taka naman si Lyan nang iniabot niya ang kanyang cellphone kay Chase.
“My number is on the Speed Dial 1. Call me as soon as something will happen. “
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti sa ginawa ni Chase. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang cellphone nang ibinalik ni Chase ito sa kanya.
“Don’t hesitate. I’ll come wherever it is” Napahalukip kip naman si Chase nang tumitig ito kay Lyan.
“Hindi ba ‘yan iyong kaibigan mo? They look lovely” Napapikit naman ang mga mata ni Lyan nang makita niya si Joy na nagpabuhat sa isa sa mga nakasama ni Chase na nag-tanim.
“Mahal na mahal po nila kase ang isa’t isa” Pilit na tumawa na lamang si Lyan.
“Paano mo ba malalaman na mahal mo ang isang tao?”
Medyo nagugulat si Lyan sa pagiging mausisa ni Chase mula kahapon. She didn’t saw that question coming. Who would think that he would ask that question? Gayong nasa stage na siya ng pagpapakasal.
She has been staring at him for a while. Chase seemed to be amazed of Joy and her partner.
“Kapag tumingin ka sa isang tao..at mapapahawak ka dito kase umiingay siya” She pointed his chest. Napatingin naman si Chase sa kanyang dibdib. “Kapag ayaw niyang umawat at parang nagwawala siya. Doon mo malalaman na mahal mo ang isang tao”
“I felt that a lot of times..” Napakunot si Chase. “Talaga Sir? Kailan po?”
“Tuwing bumababa ang Profit Rate ng Rosa King” Napapikit naman si Lyan sa sinabi ni Chase. “Mahal mo nga ang Rosa King Sir.” Dismayadong saad naman niya.
“H-Hindi niyo po ba naramdaman iyon…kay Erika?”
“Ofcourse, I felt it. “ He smiled. Nakahinga naman ng malalim si Lyan nang ngumiti ito. Mayroong parte sa kanya na nagsisisi kung bakit niya ito tinanong. Hindi niya rin malaman kung saan siya humugot ng lakas ng loob upang tanongin iyon sa kanya.
“Looking back, sa kanya umikot ang mundo ko noon. Kaya nang mawala siya, Parang tinalikuran na rin ako ng buong mundo.”
Ang ngiting pinakawalan ni Lyan ay may kasamang lungkot. Past Lovers do not leave a person’s heart. They stay just like a scar. May pait na kasama pero mayroon ding masayang alaala. She wondered how does Chase looked like when he was in love.
“Bakit sa akin ka lang nakatingin?” Napa-iling iling naman kaagad si Lyan nang biglang tinignan siya ni Chase. Maybe she was staring at him for too long.
Nagpaalam naman si Chase na babalik na ulit sa kanilang ginagawa. Mukhang seryoso nga siya sa ginagawa niya ngayon. Hindi naman aasahan ni Lyan na papanindigan niya ito. Chase is full of surprises, at some point may roon pa rin siyang side na para bang kaparehas sa isang bata. He looks like an explorer.
“Oh..” Dahan dahan namang inangat ni Lyan ang kanyang kamay at inilapat sa kanyang dibdib. “Ano ‘to?”
Nakaramdam siya ng matinding init sa kanyang dibdib na para bang gustong na itong kumawala sa kanyang katawan.
“Hindi pwede” Hinampas naman niya ang kanyang dibdib. “Tumahimik ka.”
“Ikakasal na siya sa iba, Lyan…” pahina naman ng pahina ang kanyang boses. But she just tried to cover it with a smile.
**Hapon na nang magdesisyon ang mga kasamahan ni Chase na itigil na muna ang pag-tatanim.“Lyan! Nandito ka pa pala. Nako yayahin ko sana itong Boss mo para uminom. Pwede ba?” Napaawang ang bibig ni Lyan sa sinabi ni Nandre.What she wasn’t expecting is that, Chase just stared at her and he seems like he was waiting for her call. “Pagod na po kase siya, Mang Nandre. Sa susunod na lamang po” Ngumiti naman si Lyan at sinenyasan si Chase na mauuna na sila. Strangely, Chase followed her.
“Binigyan ako ni Mang Nandre ng 350 pesos” Napatingin naman si Lyan sa hinahalungkat ni Chase sa kanyang bulsa. “Wow, tinanggap niyo talaga?” Hindi makapaniwalang tanong naman ni Lyan.
“I accepted it out of courtesy. Ayaw kong isipin niyang maliit ang tingin ko sa 350 pesos”
“Baka nga piso lang ang 350 sainyo eh” Napangusong saad naman nito.
“That is a misconception to Business men. Ultimo piso o centavo ay importante sa amin. “ katuwiran naman nito.
“Ang mabuti pa ay gamitin natin ito.” Napasunod na lamang si Lyan kay Chase nang makita niya ang mga bilihan ng meryenda malapit sa Palengkeng nadaanan nila.
“Halika kayo! Masarap ang bibingkang tinda ko, Bagong luto ko lamang ito. Mainit init pa at bagay na bagay sa mainit ninyong samahan!”
Napalingon naman kaagad si Chase kay Lyan nang marinig niyang nagpigil ito ng tawa. “Si Aling Daling talaga, ginagaya niyo naman ang Marketing Startegy ko eh!”
“Aba eh pakiramdam ko effective ang ginagawa mo sa Bananaque ng Nanay mo” Napahalakhak naman si Aling Daling.
“Bakit ano ba ang sa’yo?” bigla namang napatanong si Chase.
“Bili kayo ng Bananaque! Matamis! Sing tamis ng wine, sin-tatag ng sunshine…” inakto naman nito ang kanyang ginagawa sa pagtitinda nila ng kanilang Nanay.
“Mas gusto ko iyong Bibingka. Dalawang bibingka po”
Napasimangot naman si Lyan sa sinabi ni Chase. “Hoy ang dami pumapatol sa marketing strategy kong iyan”
“Sino ang Hoy?” Napatakip naman sa bibig si Lyan nang biglang sumandal si Chase sa Stall ng binibilihan nila at ngumisi sa kanya.
“Holla po iyon. Holla Amiga” palusot pa nito.
“Ito na po ang bibingka. Mag-enjoy po kayo” tuwang-tuwang iniabot naman ni Aling Daling sa kanilang dalawa ang bibingka.
Chase and Lyan walked along the stalls, Busy pa rin ang Lugar ng San Silvestre kahit medyo sumasapit na ang gabi.
“Akala ko po hindi kayo kumakain ng Street foods?” Natuwa naman si Lyan habang pinagmamasdan si Chase na nilalantakan ang bibingkang binili nila.
“Hindi. Pero mukhang mabango. Masarap naman” ani naman nito habang ngumunguya. Mukhang napagod nga ito at patuloy pa rin siya sa pagkain.
“Ano iyan?” Napatigil naman si Chase nang makita niya na parang may pyesta silang pinaghahandaan dahil may mga taong nag-lalagay ng palamuti sa daanan katulad ng mga makukulay na papel na hugis tatsulok.
“Ah. May Meteor Shower po. Last Year mayroon po ulit, nasabi yata po na magkakaroon ulit ngayon”
“Yeah. I think I was able to watch the Meteor Shower somewhere last year.. Jin and Jana really loves it.”
“Talaga po? Siguro dadalhin ko po sila dito..” ang sabi naman nito.
“I want to see it too.. “ he said.
“Ahh!” Nagulat na lamang si Lyan nang mayroong bumangga sa kanyang lalake na tumatakbo ng pag-kabilis bilis at naging sanhi nang pagka-dapa niya sa sahig.
“Mag-nanakaw!” sigaw ng isang tindera.
“Lyan!” Naalarma naman si Chase at kaagad niyang nilapitan ito. “Let me help you” Sinubukan naman niyang itinayo si Lyan.
Nakaramdam ng kirot si Lyan sa kanyang paa ngunit hindi niya ito ininda. “Are you hurt anywhere?” Chase checked on her but she stopped him. “Wala po. Okay lang po”
“Then walk. Let me see if you are fine”
Sinubukan naman ni Lyan na humakbang ng paunti unti upang hindi kumirot ang kanyang paa.
“Okay lang po ako.” Ngumiti naman ito nang makabwela na siyang mag-lakad ng mas mabilis.
But Chase suddenly grabbed her hands that made her stop from walking. “I really hate it when people lie to me.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Lyan nang bigla itong lumuhod sa harapan niya . “Sakay.” Utos naman nito.
“Okay Lang Po-“
“Bakit ba puro ka nalang Okay?” Bigla namang napataas ang tono ng boses ni Chase nang tumayo ito at humarap uli sa kanya “Hindi ka naman mamatay kung sasabihin mong hindi ka Okay diba?”
“Do you want to see me get mad?”
“Hindi po. Sir. “ maagap na sagot naman nito. “Sabi ko nga sasakay na ako sainyo.”
Lumuhod naman ulit si Chase at buong lakas niyang binuhat si Lyan sa kanyang likod. Lyan feels guilty about this because she knows Chase really had a tiring day today.
“Pwede ka namang kumapit sa braso ko kaysa binabalanse mo ang katawan mo” Parang naramdaman naman ni Lyan ang lamig sa boses ni Chase. Ang bilis talaga nitong mag bago ng mood.
His broad shoulders made her feel safe. Hindi lang pala ang kanyang abs ang mukhang matitigas, Pati narin pala ang kanyang balikat.
She wanted badly to caress his hair. Parang naaliw siyang pagmasdan ang batok ni Chase. Pero siguro kapag gagawin niya iyon ay pag-iisipan siya ni Chase ng kung ano-ano. and that would be awkward on her part.
“Your home is really beautiful, Lyan” Napatigil naman silang dalawa nang makarating sila sa mataas na parte kung saan mayroong mga taong nagkukumpulan at abala sa pagpipicture ng buong kalangitan.
The sky looks like it is closer from here. Mas maliwanag ang mga bituin na kumukutikutitap pa.
“Hmmm.. Pero kaunti lamang ang nakakakita..” ani naman ni Lyan.
“Her beauty is under rated. “ pag-sasang ayon naman ni Chase. It was only this time that Lyan realized that she has already wrapped her hands to Chase’s neck. Napansin niya lamang ito nang lingonin siya ni Chase..
“But why…is your heart beating so fast?”
And that was the hardest question for Lyan so far…
**
You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan