LOGINLouder than your voice
Laking Gulat ni Lyan nang hindi niya madatnan sa Sala si Chase. Kagabi ay nag-pumilit si Chase na matulog na lamang sa kanilang Sala ngunit nakaramdam ng hiya si Lyan at ang kanyang pamilya. But the usual Chase always stands firm on his words
“Nasan Amo ko?” Ninenerbyos na tanong naman nito kay Fara
“Nasa Labas. Ito kung makapag-react, Jowa mo? Jowa mo ba?” Biglang nag-dilim ang mga tingin naman ni Lyan at walang pasabing sinakal si Fara
“Ah! Bakit! Masakit ba ang katotohanang wala namang kayo!” Nagpumiglas naman ito sa kanyang Ate. “Eh kung taposin ko buhay mo? Alin mas masakit?”
“Si Ate talaga, hirap tanggapin ang katotohanan” Hindi naman niya inaasahan ang pag-pasok ni Aries sa kanilang Bahay. Mukhang kakatapos lamang nitong mag-walis sa labas.
“Ah Talaga, sa inyo ko pa maririnig ‘yan. “ Nang linubayan ni Lyan ang leeg ni Fara ay sinunod niyang hinabol si Aries. Kaagad na nakatakbo ito palabas. Kinuha naman ni Lyan ang Walis ting-ting pagkalabas nito.
“Bata ka! Wala kang utang na loob ha. Aasarin mo pa talaga ako.” Patuloy na nag-tago si Aries sa isang malaking Puno at umiilag sa palo ni Lyan.
“Nay Oh! Si Ate nananakit!” Sigaw naman ni Aries “Wala si Nanay nasa Palengke na kaya Lagot ka sakin!” Patuloy na paninidak naman ni Lyan sa kanyang kapatid.
“Are you ready? Sasama ka ba?” Bigla namang inihagis ni Lyan ang walis ting-ting na hawak niya sa malayo nang makita niya si Chase na papalapit sa kanila ni Aries.
“S-Sir, Good Morning..” Inayos naman nito ang kanyang tindig at humarap kay Chase. Nang makita niya napatingin si Chase sa direksyon kung saan niya hinagis ang walis ting-ting ay kaagad siyang humarang.
“I heard that the biggest Piggery is located in here. I want to visit it. Since medyo laganap ang ASF Virus.”
“Ah, Sir.. Medyo malayo po iyon dito.”
“Yah. Sabi ni Mang Nandre sasakay daw tayo sa Pick Up niya.” Napatingin naman silang dalawa sa isang sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay nila.
“Nako okay lang ba kayo sa likod?” Lumabas naman si Mang Nandre upang buksan ang sarado sa likod ng sasakyan niya.
“Opo. Mas mahangin po dito.” Ang sabi naman ni Lyan.
“Oh sige Tara na habang maaga pa”
“I agree” ani naman ni Chase nang makasampa ito sa likod. “Halika na”
Nag-alanganin naman si Lyan na bumwelo sa pag-akyat dahil may kataasan ito. Hindi pa man din siya ganong katangkad upang madaliin ang pag-sampa.
“Ang taas-Ahh” Napasigaw si Lyan nang makasampa siya at biglang umandar ang sasakyan na sanhi nang pag-ka bagsak niya kay Chase na maayos nang nakaupo.
“O-Okay ka lang?” Nanlaki ang mga mata ni Lyan nang makita niya ang dibdib ni Chase kung saan siya bumagsak. She felt Chase’s arms wrapped around her waist to secure her. Mabuti na lang ay maagap na nasalo siya ni Chase.
“Opo. Sorry po, Sir. Nasaktan po ba kayo?” Agad itong bumangon at umupo sa tapat ni Chase. “Hindi mo dapat ako tinatanong niyan. “ Mahinang napatawa naman ito.
Samantala ay ibinaling na lamang niya ang kanyang atensyon sa malawak na tanimang dinadaanan nila. Mabuti na lamang ay malakas ang hangin at mabilis matuyo ang kanyang pawis. Dahil pinagpawisan talaga siya sa nangyari.
She tried to calm herself because it seems like her body was elevated from Chase’s grip on her. Ang higpit ng pagkakahawak kanina ni Chase. Para din siyang kinilabutan nang maramdaman niya ng husto ang init ng buga ng hininga ni Chase. She was so close.
“Ah!”
Mistulang nagulat naman si Chase nang biglang sinuntok ni Lyan ang kanyang dibdib. “Why? Are you okay?” hindi naman napigilan ni Chase ang mapatanong.
“Gusto ko po kase tumighay hehe”
But she did that to stop that noise that is louder than his voice.
Ilang minuto lamang ang nakalipas at narating na nila ang Piggery. It was wider than they anticipated.
“Amoy na amoy ko ‘yong mga baboy” napasinghap naman si Chase. “Sabihan niyo lang po ako kung hindi niyo po kaya ‘yong amoy” ang sabi naman ni Lyan.
“Mas mabaho ang tae ni Jin at Jana” Napatiuna naman ito sa pag-lalakad at napatingin sa buong paligid. Sa kabilang parte ng malawak na lupa na ito ay may Dragon Fruit Farm. He was amazed to the structure of this Farm since namaximize ang buong lugar.
“I tried cleaning their poop before. Noong kararating lamang nila sa bahay. “ Hindi naman inakala ni Lyan ang sinabi ni Chase. “Wala akong alam noon. I was still in the process of accepting that I am a Dad.”
“Tara na po, Sir!” Sumunod sila kay Mang Nandre papunta sa Piggery. Bago sila pumasoka t nagsuot sila ng Boots.
Kumpara sa normal na dami ng baboy ay mas maliit na ang mga baboy ngayon dito sa Piggery. Napansin ni Chase ito sa mga lagayan ng mga baboy na wala nang laman.
“Ito nga pala si Sir Chase. Nagsusulat daw siya ng Documentary para sa San Silvestre” Tinanggap naman ni Helen ang kamay ni Chase na inilahad niya sa kanya. Hindi naman nakapag salita si Lyan sa sinabi ni Mang Nandre. Hindi naman niya alam na ito pala ang kanyang idnahilan sa mga kinausap niyang mag-sasaka.
“Napansin ko po parang kaunti ang mga baboy ninyo?” untag naman ni Chase.
“Kinatay na po kase namin ‘yong iba at binenta sa mas murang halaga. Natatakot po kase kami na baka lahat ng alaga namin ay magkaroon din ng sakit. Mas mabuti na lamang na mapakinabangan kahit kaunti ang balik. Pero sa totoo lamang po ay mahirap pa pong panimula ang mga kita namin.” Napailing-iling naman si Helen. Napansin ni Chase ang bigat ng loob nito.
“Hindi ba kayo napangakuhan ng tulong? “
“Hindi po, Sir eh. Binabarat nga po ang mga baboy namin. Tulong pa kaya” Bakas sa boses nito ang pagkadismayado. It is written all over their faces, how hard the tasks they are facing. He didn’t expect the rumors would be true. Na ang San Silvestre nga naman ay ang mga lugar ng mga mahihirap.
“Well, I came here not just to ask. I came here to help also. Saan ba tayo mag sisimula, Aling Helen?”
**
“Give me that.” Sinalubong naman ni Chase si Lyan na may hawak na timbang ipapakain sa mga baboy. Because she couldn’t just stand there watching her Boss do the work with the others, She offered to help. Iyon nga lang ay parang hinaharang lahat ni Chase ang mga ginagawa niya.
“Kaya ko na po ito--Sige po” Hindi naman na nakaimik si Lyan nang binuhat ni Chase ang timbang hawak niya.
“Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat. “ Nakapamaywang na saad naman nito nang humarap siya kay Lyan. “Gusto mong hindi ka na magka-anak?”
“Ha? Bakit naman po?” Naguluhan naman si Lyan sa sinabi ni Chase. “Mahihirapan ka daw magbuntis kapag panay buhat ka ng mabibigat” ang saad lang naman nito at hindi na ibinigay kay Lyan ang timba. Instead he was the one who refilled it.
“Madali na lang ‘yan, Sir basta may jowa”
“I’m speechless…” Nagbuntong hininga naman si Chase at nilagpasan si Lyan. Kaagad namang binatukan ni Lyan ang kanyang sarili dahil sa kanyang sinabi.
“Hi, Sir! Ako po si Laticia, Anak po ako ni Aling Helen” Napalingon kaagad si Lyan nang makarinig siya ng boses ng isang babae.
“I want to shake hands but, my hands are dirty” Napangiti naman si Chase. Napaawang ang bibig niya nang makita niya si Laticia. Ang Madalas na ipang laban ng San Silvestre sa mga Beauty Pageant.
“May hinanda po akong merienda para sainyo. Ibaba po muna ninyo ‘yan”
‘Luh Luh Luh, May payuko yukong pang nalalaman. Kilig ka naman?’ Napanguso lang naman si Lyan habang nakatingin sa dalawa.
“Really? That’s so thoughtful of you”
‘Isa rin ito. Araw-araw kaya kitang pinaghahandaan ng baon wala kaong narinig na thoughtful.’
“Lyan!” Nagulat naman siya nang bigla itong sumigaw habang papalapit ito sa kanya. “Sino ba kausap mo diyan? Kanina pa kita tinatawag” Napakunot na tanong naman nito nang makalapit siya kay Lyan
“Ay wala, Sir. Tara merienda na po”
Nag-handa si Laticia ng Sweet Corn at iba’t ibang klase ng bibingka. Hindi naman inaasahan ni Lyan na ganito kabongga ang ihahanda nila kay Chase. Well, Laticia seemed interested to Chase, hindi naman na siguro nakakapagtakang siya ang may pakana nito.
“May roon po akong sweet corn na hinanda para sainyo, Sir. Para hindi na kayo mahirapan kagatin” Inurong naman ni Laticia kay Chase ang isang mangkok ng sweet corn na ready-to-eat na.
“Sir, Mas maganda po kapag kakainin ninyo ito mais na nakadikit pa sa tangkay. Malalasahan po ninyo iyong sabaw. Napakasustansya po ng sabaw ng mais.” Inurong naman ni Lyan ang sweet corn na kakatapos niya lamang balatan.
“I added some cheese flavor po. So you can enjoy the sweetcorn” Nilagyan pa ni Laticia ng kutsara ang mangkok na nasa harapan ni Chase.
“Sir, mas masarap po kapag plain na sweetcorn ang kakainin ninyo. Matamis tamis pa nga ito eh. Iyong cheese flavor po nakakacancer po iyan” Napa-iling iling na saad pa ni Lyan.
“Hays” Nagulat naman si Lyan nang bigla siyang hinatak ni Chase at napaupo siya sa tabi niya mismo “Just eat everything with me. “
Napatahimik naman si Lyan sa inasta ni Chase. Bigla siyang napatingin sa kamay niyang hinawakan niya.
‘Ba’t ang galing niyo pong mag-pakilig?’
Napatitig siya kay Chase habang nilalantakan niya ang mga pagkain na nasa mesa.
“Ah pwede ko po bang tanongin kung ilang taon na po kayo?” Napasama naman ang tingin ni Lyan kay Laticia nang bigla itong mag-pacute sa harapan ni Chase. Hinawi pa nito ang kanyang buhok.
“I’m 36. and I have two kids.” Napawi naman kaagad ang malawak na ngiti ni Laticia nang sumagot si Chase.
“Mukhang Highschool ka pa lang? Mag-aral ka ng mabuti. Pagkatapos mong mag-aral Let’s see if I can help you”
Mabuti na lang at napigilan kaagad ni Lyan ang kanyang tawa nang lalong sumimangot si Laticia sa sinabi pa ni Chase. Maybe He noticed how young Laticia is.
“College na po ako. 18 na po ako..” Pilit namang ngumiti si Laticia.
“Really? Kasing edad mo lang pala ang pamangkin ko. “
Hindi na napigilan ni Lyan ang mapatawa ng malakas. Napatingin naman silang dalawa sa kanya. “Why? Why?” Chase asked her.
“’Wala si Mang Nandre po kase may hinahabol na Baboy” pagdadahilan naman ni Lyan sa kanya. But Laticia seems to understand why Lyan is laughing kaya naman nagtitigan sila saglit.
Nang mag-hapon ay pinahintulutan sila Lyan at Chase na maglibot-pibot sa Dragon fruit farm. Mula sa farm ay makikita mo mismo sa kalawakan ng field ang pag-baba ng araw.
“Para akong nag-tour. “ Habang nag-lalakad sila ay napaingon si Lyan sa kanyang likoran. He is so smiling brightly today. Mula nang araw na dumating siya sa San Silvestre ay parang hindi na nakikita ni Lyan ang ‘Usual Chase’ na lagi niyang nakikita sa mansion.
“Bagay po ang San Silvestre sa mga Low Budget Tours pero wala pong nag-kakamaling mamamasyal dito. “
“Because it is the place for poor people? ” He was not convinced. “Dalawang araw pa lamang ako dito pero pakiramdam ko na mas mayaman pa ang San Silvestre kaysa sa 3 main cities ng San Vidad.”
“Galing ni Sir mag-joke..” Mahinang napatawa naman si Lyan. “Well, all of us will be dead by hunger but San Silvestre will still have a lot food..”
“Oh, I’ve never seen this kind of sunset. Ang laki ng araw” Napatiuna sa pag-lalakad si Chase na parang bata upang makita ang pag-lubog ng araw.
“Natatakpan po kase ng matatayog na Buildings ang Lugar niyo Sir..” ani naman ni Lyan habang sumusunod ito sa kanya.
“Stars.. Sunset.. Mountains.. This City keeps surprising me”
While Chase seemed to unaware of his smiles as he watch the Sunset, Someone else is enjoying this. For a moment as she tried to remember everything she knew about him, She wished this moment would last. Sana mas madalas na siyang ngumiti at sumaya. He must have been feeling so lonely all those years. Tama nga naman na ang tunay na kaligayahan ay hindi nabibili. Some part of her thinks it was a good idea to be here even just for a few days.
“I should come back here with the kids.” He gasped.. “I felt bad not bringing them in here. Too bad tomorrow is the last day” Napakurap naman si Lyan nang biglang tumingin sa kanya si Chase.
“If you stare too long.. It would be uncomfortable” Kaagad naman na nagiwas si Lyan ng tingin. Mukhang nahalata na niya na tinititigan niya ito.
“Napansin ko lang po na..pareparehas kayo ng mga kambal”
“Hmm? Bakit?”
“Kase po parang ang daming bago sa inyo. Mula naman po nang unang panahon may bituin, may bundok may araw, may sunset..” and then Lyan bravely turned to him “Bakit parang ngayon lang kayo nakakita ng mga ‘yan?”
“I guess I might have missed a lot of things in my life..”
“Okay. Hindi tayo aalis hangga’t hindi bumababa ng tuluyan ang Araw. “ Bigla namang gumuhit muli ang isang ngiti sa mukha ni Chase sa sinabi ni Lyan
“What do I do without you?” he turned again his gaze to Lyan. This time they both stared at each other.
Napatigil si Lyan nang bigla siyang makarinig ulit ng malakas na dagundong sa kanyang dibdib. It’s even louder this time.
“It’s only Kim that I trusted all these years. Hindi ako dadalhin ni Kim sa ganitong lugar. It would be awkward. “
**
“But why is your heart beating so fast..?”
“Ah—“ Naudlot ang pagsagot ni Lyan kay Chase nang bigla silang makarinig ng malakas na putok ng mga fireworks sa kalangitan.
“Wow.. The sky is so bright. Can you see it?” Nilingon pa siya ni Chase upang siguradohing nakakapanood pa rin siya.
Nakahinga naman ng malalim si Lyan. She was saved by the fireworks. Kung sino man ang nakaisip na magkaroon ng Fireworks Display ngayon ay papasalamatan talaga niya.
“Sir ibaba niyo po muna ako don’ “
Nakakita naman si Lyan ng bakanteng upuan at doon muna sila nagpalipas ng ilang saglit ni Chase. Hindi man sabihin ni Chase pero nararamdaman ni Lyan na gusto pa nitong panoorin ang Fireworks Display.
‘Siraulo. Tumitibok ng mabilis ang puso ko kase nandyan ka.’
**
You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan