Share

Chapter 29

Author: Maria Elena
last update publish date: 2020-07-28 22:14:23

Melting me gently

May dalang basket at payong si Lyan na sumunod sa Ilog nang marinig niya mula sa kanyang mga kapatid na pupunta sila ngayon doon kasama ni Chase. Ito ay pakana ni Aries dahil ito ang mahilig magpunta sa ilog. Sampung minuto lang naman ang itatagal kung lalakarin ito mula sa kanilang bahay. Hindi niya rin naman mapigilang hindi mag-alala dahil parang batang nakawala sa hawla si Chase. Labas ng labas at kung saan saan nagpupunta kung may nag-aaya sa kanya. Pero dahil babalik na ulit sila sa Gilberts bukas, pinabayaan na lamang ni Lyan si Chase sa kanyang gusto.

“Ay Kabayo-“ Napasigaw naman agad si Fara nang matunton siya ni Lyan at biglang hinablot sa kanya ang cellphone nito. Kasalukuyan kase nitong kinukuhanan ng larawan si Chase na naka topless

“Aba Manyak ka ah!”

“Luh, si Ate. Pa-inosente. Mas Malala ka kaya” Nakasimangot naman ito at saka inagaw ulit kay Lyan ang kanyang cellphone.

“Saang banda ako Malala?” nakaigiting pangang saad naman ni Lyan.

“Kagabi nga no’ng natutulog ka, nananaginip ka sabi mo pa, Sir Chase, huwag po.. Sir Chase” agad na tinakpan naman ni Lyan ang bibig ni Fara nang makita niyang umahon si Chase sa ilog at palapit na sa kanila

“You’re here..” abot tengang ngiti naman ang ibinungad ni Chase kay Lyan nang makalapit ito sa dalaga.

“and you’re choking her” turo naman ni Chase kay Fara na nagpupumiglas sa kanya. Agad namang nilubayan ni Lyan ang kanyang kapatid at inayos ang kanyang sarili nang humarap ito kay Chase.

“Sir, nag-dala po ako ng extrang damit at towel. Kaya maligo lang po kayo hanggang sa gusto ninyo. “

“Nag-dala ka rin sana para sa’yo.” Sinilip naman nito ang basket na hawak ni Lyan.

“Hindi na po. Dito lang po ako, bantay niyo” Nagulat naman si Lyan nang biglang sumimangot si Chase na parang bata.

Hala, ang cute

“Nakakaguilty tuloy. I told you you should take a brief break pero napansin ko nitong mga araw na panay sunod ka na lamang sa akin. “ he shook his head.

“Ah hindi po, Sir. Mahalaga ay nakauwi po ako. Enjoyin niyo po ang San Silvestre hanggat may oras” sinubukan naman ni Lyan na buhayin ang mood ni Chase naparang biglang nawalan ng gana.

“Sige. Baka kase makagat ako ng Tilapia kapag wala ka doon. Sige ako na lang mag-isang lalangoy sa ilog.”

Napaawang naman ang bibig ni Lyan nang tumalikod ito na bagsak ang mga balikat at nag-lakad ng mabagal pabalik sa Ilog.

“Hindi naman  yata nangangagat ang Tilapia eh?” bulong naman ni Lyan. “Sama na po ako Sir!” ibinaba naman ni Lyan ang kanyang Payong at ang hawak niyang basket at tumakbo para habulin si Chase.

Ang Ilog sa San Silvestre ay isa sa mga lugar kung saan nagpapalipas ng oras ang mga tao dito. Bukod sa ito ay open for the public at libre, Maganda rin ang tanawing nakapalibot dito. Mahangin at malawak.  You will get to see the mountains surrounding San Slvestre. It’s a hidden and under rated paradise.

“Ate paramihan tayo ng Shells na makukuha!” Narinig naman ni Lyan na sigaw ni Aries na nakalayo na.

“Hoy huwag kang lumayo may Sirena diyan!” sigaw naman ni Lyan sa kapatid niya.

“Ahh!” Napasigaw naman siya nang biglang may tumulak sa kanya papunta sa Ilog. She ended up wetting all of her body. Nang umahon siya at napunasan ang kanyang mukha ay nakita ni si Chase na tumatawa. It was him who pushed her.

“Wow, Sir ah. Wagas kung makatulak”

“Don’t worry, I’ll dive in with you”  Masyado namang napaatras si Lyan nang biglang lumusong sa Ilog si Chase na sanhi ng kamuntikan na niyang pagkatumba. But Chase is like a Boy Scout. He was always ready to catch her. Napakapit naman si Lyan sa kanyang matitipunong braso at napaangat ang kanyang titig kay Chase na ngayon ay nakatiitg rin sa kanya.

“Ate!”

Nagulat naman silang dalawa nang biglang sumigaw si Aries kaya aksidenteng nabitawan ni Chase si Lyan at nahulog siya ng tuluyan sa tubig. They were drawn to each other’s stares for too long and they almost forgot everything. Sinubukan namang alalayan ni Chase si Lyan pero kaagad na naka ahon ito.

“Ano? Ate ka ng Ate.” Nainis naman si Lyan habang palapit ito kay Aries.

“May isdang maliliit akong nahuli. Lutuin natin!”

“Oh Chase mabuti nandito na kayo!” Napalingon naman si Lyan sa direksyon kung saan niya iniwan kanina si Chase. Naroon na sila Mang Nandre at ang iba niyang kasamahan.

Mukhang dito na rin sila kakain hanggang mamayang hapon. Nalaman ni Lyan na naghahanda ng ilang putahe ang kanilang Ina dahil nga ay uuwi na sila bukas.

“Si Ate, crush mo si Sir Chase no?” Nakaramdam naman ng inis kaagad si Lyan nang maramdaman niya ang pagkurot sa kanya ni Aries. “Lubayan mo nga ako” siniko naman niya ito.

“Bakit hindi mo pormahan ate?” biglang sumabat naman si Fara nang maka-ahon  siya sa tubig.

“Mag papakasal na si Sir Chase. May magandang magandang girlfriend siya kaya kayo linisin niyo ‘yang mga utak ninyo at alisin ninyo na crush ko siya” kinurot naman ni Lyan ang ilong ni Aries at Fara.

“Ay, naunahan ka Ate. Sayang. May sparks pa man din kayo” napanguso naman si Fara habang pinagmamasdan si Chase na nakikipagkwentuhan sa mga kalalakihan.

“Anong sparks ka diyan nakita mo si Sir Chase? Ang layo ng agwat naming dalawa. “ Hindi naman napigilan ni Lyan ang mapatitig kay Chase habang nakangiti ito sa mga kasamahan niya.

“Para siyang Langit at ako ang Lupa. Malayong mag-kalapit kaming dalawa. “

**

“Kainan na!” Tuwang-tuwa sila Lyan na nakakita sa isang mahabang mesang puno ng pagkain. May inihaw na Tilapia, Pusit at hipon. May samu’t saring Gulay na hinaluan ng bagoong, kamatis at sibuyas.

“Sir Chase. Kumain lang po kayo ng kumain hanggat di niyo na kaya” hinagod naman ni Estella ang likod ni Chase. Napapansin ni Lyan na para bang hindi na naniilang si Chase sa tuwing mag-kausap sila ng kanyang Nanay. Nakikita niya ring madalas silang mag-kausap sa labas  tuwing umaga habang nag-kakape. It was the first time he saw Chase to talk comfortably with someone he barely knew. Ngunit hindi naman ito masyadong nakakapag-taka dahil alam ni Lyan kung saan magaling ang kanyang Nanay—Sa pakikipag-usap sa tao.

“Wala akong makitang kutsara at pinggan” Lumapit naman si Chase kay Lyan.

“Dito po tayo kakain at mag-kakamay po tayo” Inilapag naman ni Lyan ang dahon ng saging sa mesa. Napilitan namang umupo si Chase sa kanyang tabi nang makita niyang nagsi-upuan ang mga kasamahan nila.

“Nag-hugas na po kayo ng kamay diba?”

Tumango-tango lang naman ito at pinagmasdan lamang si Lyan na naglagay ng kanin at mga ulam sa kanyang dahon.

Inalis naman ni Lyan ang stick na nakatusok sa maliliit na pusit. Pinag-himay niya rin ito ng isda at inurong sa kanya ang sawsawan. “Ah alam niyo po bang kainin iyang hipon?”

“Do I just bite it and tear the head?”

Mahinang napatawa lang naman si Lyan at binalatan na lamang ang hipon. Iniwan naman nito ang bahaging ulo sa kanyang kainan. “Sipsipin po ninyo iyong ulo. Masarap po iyan”

“Sir dakamain niyo kase iyong kanin ganito” Ipinakita naman ni Lyan ang tamang paraan ng pag-kakamay dahil napansin niyang pinupulot pulot niya ang kanin.

“Lakihan mo, Sir. Hindi ka mabubusog ka pag ganyan” Napangiti ng malawak si Lyan nang unti-unting makuha na ni Chase ang tamang pagkain gamit ang kamay.

“Ang sarap ng pusit. It’s so soft” ani naman ni Chase habang ngumunguya.

“Oo nga pala, Chase maraming salamat sa pag-tanggap niyo dito isa naming Alaga. “ Napatingin naman bigla si Chase kay Lyan na kasalukuyang ngumunguya nang magsalita si Peping. Isa sa mga mag-sasaka at naging kasama niya sa mga gawaing bukid.

“Matagal tagal na rin kaseng wala itong trabaho at nahihirapang makahanap” ang sabi naman ni Mang Nandre

“Nay oh si Mang Nandre” napasimangot naman si Lyan. Hindi naman nila napigilang mapatawa sa reaksyon niya.

“At saka, Sir.. Kapag may umaaligid na lalake sa kanya ‘wag mong palapitin. Dapat ay kilatisin muna namin. Mahirap na baka sasaktan lang ang Lyana naman “

“Nako, kailangan ko munang sabihan si Ian” Nagulat naman si Lyan sa sinabi ni Chase habang dumakdakma ulit ng kanin.

“Ian? Sino iyon?” Nanlaki naman ang mga mata ni Estella

“Wala po iyon, Nay. Si Sir Talaga mapag-biro” itinawa lang naman ni Lyan ito.

“Well, he works for me. Okay naman siya. Mabait naman. Ang hindi ko lang nagustohan ay bigla niyang yinaya sa Date si Lyan nang hindi ko alam”

“Talaga! Aba ay hindi iyon pwede!” Napalakas ang boses nila Mang Nandre. Napaawang lamang ang bibig ni Lyan habang nakatitig kay Chase.

“Diba, dapat alam ko naman kahit papaano dahil mag-kasama kami sa trabaho.”

“Oo nga, Sir. Nako ekis na iyan sa amin” ani pa ni Aling Lagring.

“Ikaw Lyan ha, huwag kang basta basta sumama kung kanikanino. Malay mo kung mga scammer ‘yang mga iyan” Napapikit na lamang si Lyan sa sinabi ng kanyang Nanay.

“Baka gaya na naman ni  Raiver. Nako hanggang ngayon nanggigil pa rin ako sa lalakeng iyon!” galit na saad naman ni Aling Lagring.

“Who’s Raiver?” biglang nag-tanong naman si Chase.

“Siya iyong Ex ni Lyan na kinuha ang kanyang ipon para mag-abroad. Pinangako niya kay Lyan na kukunin niya ito sa Canada pero tinakas lang naman ang ipon niya at nag-karoon ng kasintahan doon. Balita ko Negosyante na iyon ngayon sa Guanzon. “ pagpapaliwanag naman ni Mang Peping

“Kung may Tulfo lamang talaga noon! Nako!!” ani pa ni Aling Lagring.

Napatingin naman si Chase kay Lyan na ngayon ay nakatuon lamang ang atensyon sa kanyang kinakain. He never knew that about her. Maybe this just proves how less he knew his Nanny.

“Raiver?” sambit naman ni Chase

“Dela Pena po” dugtong naman ni Mang Nandre..

“Let’s see what I can do..” bulong naman ni Chase sa kanyang sarili.

**

Sinulit ni Chase ang buong mag-hapon upang enjoyin ang tanawin ng San Silvestre. Mukhang napalapit sa kanya ang mga mag-sasaka at isinama pa siya sa Bundok upang manguha ng mga kahoy. Nang sumapit ang gabi ay binalikan ni Lyan si Chase sa Kubo sa tabi ng ilog dahil doon daw niya susundoin si Chase. Narinig niya ang ingay na nangganling sa Kubo kaya agad itong tumakbo palapit doon.

Napatigil naman ito nang biglang tumunog ang kanyang Cellphone. Kaagad niyang sinagot ito nang makita niyang si Kim ang tumatawag.

“Hello?”

“Hay! Salamat may sumagot na sa inyo. Kanina ko pa tinatawagan si Sir Chase pero hindi niya ako sinasagot. He even told me the other day na huwag ko muna siyang tatawagan. Kumusta na ba siya? Is he doing alright? Hindi kita nasabihan ng mga dapat mong gawin” Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Lyan nang marinig niya ang boses ni Kim na alalang alala kay Chase. She didn’t expect that Kim would nag like this, like he is the Mother of Chase.

“Okay lang naman po si Sir Chase, nag-eenjoy po siya dito. “

“Really? Well basta hindi siya pwedeng mapagod o gumawa ng mga mabibigat na Gawain. Hindi kase sanay sa ganong trabaho ang katawan ni Sir Chase baka mag-kasakit siya.” Bigla namang natahimik si Lyan

“At saka ‘yong mga kinakain ni Sir, hindi siya masyado pwede  sa seafoods. “

“Puro seafoods kinain namin..hehehehe” Unti-unti namang napawi ang ngiti ni Lyan.

“What!? Hindi naman siya nagkaroon ng rashes? O nahirapang huminga? Kase si Sir Chase eh sabi kong pupuntahan ko siya. Nag-magaling na naman itong matandang ito”

Biglang naalarma si Lyan at tumakbo palapit sa kubo. Nakita naman niya ang likod ni Chase na inaakbayan pa ni Mang Nandre.

“Hindi naman siya nag-ka Allergy, Kim. Okay naman siya.”

“Really? That’s okay then. Ah oo nga pala. Don’t ever let him drink alcohol. Hindi dapat siya malasing, unless I am there” Biglang nag-iba ang tono ng boses ni Kim at parang nakaramdam ng takot si Lyan sa huli niyang sinabi.

Napatingin siya sa lamesa at may bote ng maraming Gin doon. Ang mag kasamahan ni Chase ay umiinom pa. Nang tumayo naman si Chase at lumingon sa kanya ay doon niya napag-tanto na lasing na ito.

“Hello? Bakit hindi ka sumasagot Miss Lyan? Hindi naman siya nalasing diba?”

Kaagad na pinatay ni Lyan ang tawag nang magsimula si Chase na humakbang palapit sa kanya.

“Wala na akong Chocolates. Nakakaiyak. Naubos na” Napatakip si Lyan sa kanyang bibig nang makita niyang naiiyak si Chase habang hawak hawak ang kanyang Wallet na pinagkamalan niyang tsokolate.

“Bili mo ‘ko.” Parang halo-halo ang nararamdaman ni Lyan habang pinagmamasdan si Chase na parang sinaniban ng batang kaluluwa. This is not so Chase.

“Akala ko po ba ayaw na ayaw ninyo sa Chocolates? B-Bakit naghahanap po kayo-Sandali!” Bigla namang naglakad ito dirediretso sa may ilog kaya hinabol ito ni Lyan.

“Sir huwag po diyan. Gabi na po para mag-swimming” She cling into his arm to change his way. Pero nag-pupumlit pa rin si Chase. “I see a river of Chocolates, you have to get one for me..” Turo pa nito.

“Sir ano bang nangyayari sainyo” Napakamot na lamang si Lyan at sapilitang inilayo si Chase sa Ilog. “But you promised to get me one..”

“Inay ko po, Nanny pa rin pala ako kahit umuwi ako” Napailing-iling si Lyan na nagtungo sa upuan sa ilalim ng puno malapit sa ilog at dito niya pinaupo si Chase. Mukhang lasing na lasing na nga ito.

“Diyan ka, Behave ka lang kase if you do not behave,  no chocolates. Goods Kids get good things okay?” Hindi naman makapaniwala si Lyan na tumango-tango pa si Chase sa Kanya.

“Aries! Bumili ka nga sa tindahan ng kahit anong tsukolate!” Sumigaw naman si Lyan nang namataan niya sila Fara at Aries sa may Kubo.

“You’re so good, Lyan.. My Nanny..” Nanlaki naman ang mga mata ni Lyan nang biglang humawak si Chase sa kanyang kamay at parang batang nag-lambing ito sa kanya. “Sir, Nanny po ako ng mga anak ninyo Wala po sa kontrata na pati kayo aalagaan ko.” Nag-pigil naman ng tawa si Lyan habang pinagmamasdan si Chase.

“I hate it when other people steal my Nanny. Because you are my Nanny. You are mine alone”

“Asus. Taasan mo pa sweldo ko kung ganon. Kuripot!”

Napaupo naman si Lyan sa kanyang tabi nang bigla siyang hinatak ni Chase. “Tell Mom that I am sick because of chocolates.. She will come..”  he chuckled.

“Do you want your Mom to come?”

He nodded with a wide smile “I miss Mommy so much. Kahit aalis agad siya basta makita ko siya. She can’t tolerate me eating chocolates so she will come”

Sir, Matagal na pong patay ang Mommy niyo mga salitang hindi niya kayang bigkasin sa harapan ni Chase.

Lyan cupped both of his cheeks then she lays his head in her thighs. “Then let’s just watch the stars while we wait for Mom..”

“Lyan.. Can you just stay by my side?”

“Hmm?” Yumuko naman si Lyan upang marinig ng maigi ang mahinang boses ni Chase. Ngayon ay mulat na mulat ang kanyang mga mata at naging seryoso  na ulit ang kanyang mga mata.

“Pwede bang alagaan mo rin ako? Naiiggit ako sa  kambal.”

Bigla namang hinawakan ni Chase ang kanyang kamay at ipinatong niya ito sa kanyang ulo. “Gulohin mo din ‘yong buhok ko gaya ng ginagawa mo kay Jin…”

“G-Good Job..” ang sabi naman ni Lyan habang  ginugulo ang kanyang buhok. “No one has ever done this to me. Ang sarap pala sa pakiramdam..”

“Tapos kurotin mo din iyong pisngi ko gaya ng ginagawa mo kay Jana” linipat naman ni Lyan ang kanyang kamay sa kanyang mga pisngi at kinurot nga niya ito. She eventually noticed his eyes that are watery, the reflection from the stars above make his eyes shining. They were beautiful.. His eyes are mesmerizing..

‘Pano ba ‘yan.. pag mamay-ari ka ng iba, Sir Chase..”

“Ang ganda..” Napabalik ang mga titig ni Lyan kay Chase na nakatingala pa rin sa itaas.

Nagulat na lamang si Lyan nang lumandas ang isang kamay ni Chase sa kanyang batok na sanhi ng pagyuko nito lalo sa mukha ni Chase. This time, they are an inch away from each other..

“and kiss me, like I am a your lover.”

She wasn’t able to move when Chase pushed her head down that caused their lips to unite. She closed her eyes as she tried to feel that heat coming from Chase’s lips. It was so soft, she could taste the bitterness of the liquor he drank but it gets sweeter the longer her lips touch his’s

Para siyang nakatapak sa yelo at inakyat siya ng lamig at hindi na nakagalaw pa. And so,This is the effect of Chase’s Lips.

**

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss and his Twins   Chapter 40

    You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas

  • The Boss and his Twins   Chapter 39

    The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu

  • The Boss and his Twins   Chapter 38

    Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon

  • The Boss and his Twins   Chapter 37

    A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?

  • The Boss and his Twins   Chapter 36

    The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo

  • The Boss and his Twins   Chapter 35

    Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status