LOGINNanny is Home~
Kaagad na bumaba si Lyan sa sasakyan ni Chase nang ma-iparada ni Kim ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Maaga pa lamang ay dumating si Kim sa kanilang bahay upang sundoin si Chase. Mukhang nadeprive sa tulog si Chase at sa buong byahe ay tahimik ito at napapaidlip. Dahil gustong maiwasan ni Lyan si Chase sa ngayon ay napatiuna ito sa pag-lalakad.
“I should take the day off,Kim. Medyo umiikot pa ang paningin ko.” Narinig naman ni Lyan sa kanyang likoran ang boses ni Chase.
“Darating po si Mr. Lucio Ban ngayong araw Sir, He is expecting you“
“Fine. Maliligo lang ako”
“Chastino! Nakabalik ka na pala!” Nagulat na lamang si Lyan nang may nakita siyang isang babae sa harapan niya na nakasuot ng mahabang dilaw na bestida. Sinundan niya ng tingin ang babae nang mag-tungo ito sa kinaroroonan ni Chase.
“Nahilo ako lalo” Napapikit na saad ni Chase at sinubukang iwasan ang yakap ng babaeng iyon. “Bakit ang pangit mo ngayon? Naka-inom ka ba?” Napalayo naman ang babae kay Chase.
“Lubayan mo muna ako Ciarrana.” Pag-mamakaawa naman ni Chase sa kanya at napatiuna sa pag-lalakad papasok ng mansion.
“Kagagaling lamang po ni Sir Chase sa bakasyon. “ nag-salita naman si Kim.
“Ah, I see. Ang aga ko pa namang dumating dito. I came here right away after arriving at the airport. Tapos ito lang ang isasalubong ng lalakeng iyon” Napasimangot naman si Ciarra.
“I told Sir Chase about your vacation, Ms. Ciarra. Maari po kayong tumuloy sa Hiberia. “
“I would love to stay here, kaso.. Sige let me see Hiberia. Excited na akong makita ang mga bahay ni Chase” Sa kalagitnaan ng paghalakhak nito ay biglang nakuha ng atensyon niya si Lyan na papasok na sana sa loob.
“You are the new Nanny right?” Lyan slowly turned her back to see Ciarra. Naghalukipkip naman si Ciarra na lumapit kay Lyan at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
“I’m Ciarra, kapatid ng amo mo. And you are?”
“Lyan po.” Napayukong saad naman nito. Hindi naman inasahan ni Lyan na mayroong kapatid pala itong si Chase. No wonder she looks so luxurious from head to toe.
Medyo nakaramdam ng kaba si Lyan sa mga titig ni Ciarra sa kanya kanina, mabuti na lang at hindi ito mausisa at linubayan din siya kaagad matapos nilang magpakilala sa isa’t isa. Now that she is back in her work, she must face the truth that everything is back to reality. Ang San Silvestre lamang ay naging lugar ng pansamantalang kasiyahan na kailanman ay hindi magiging totoo ng mahabang panahon.
“Jin-Jan!” Masigla niyang binuksan ang pintoan ng mga bata at nadatnan nilang nanonood ito sa isang tablet. Agad na napatayo ang kambal at sinalubong si Lyan.
“Miss na miss ko kayo.” Hinalikan naman nito ang buhok ni Jin at Jana. Parang napawi ng kambal ang kanyang pagod sa kanya nang makita niyang masiglang ngumiti ang dalawa.
“Anong ginawa ni Jin-Jan nang wala si Ate Lyan?” Umupo naman si Lyan sa carpet upang mag-kapantay sila ng mga bata. “We watch a lot of videos on Youtube it is so funny!” ani naman ni Jana.
Napatingin naman si Lyan sa tablet na hawak hawak ni Jin. She was amazed as to how they operate it smartly. Parang sanay na silang gumamit ng gadget. “Kuya Kim let us watch videos here because he said life is weather weather lang”
“Ha?”
“He said that since Dad is not yet here we can watch youtube. So it’s weather weather lang” Napilitan na lamang sumang-ayon si Lyan kay Jin at Jana kahit hindi niya masyado maintindihan ang sinasabi ng kambal.
“So.. bale delubyo kung nandito si Daddy?” humirit pa si Lyan sa mga bata. Napatango-tango lang naman si Jana habang abala pa rin sa panonood ng video.
“Okay then after ng 10 minutes tama na muna ito ha? Kase hindi pwedeng matagal kayong manood ng Youtube okay? You will hurt your eyes..”
Naisipan na muna ni Lyan na mag-tungo sa kanyang kwarto at ayusin ang kanyang gamit. Today will be a new day again in her work. Sinuot niya ang kanyang scrub suit at sinuklay ang kanyang buhok. Saglit siyang napatitig sa kanyang sarili sa salamin.
Bigla na lamang lumandas ang kanyang kamay sa kanyang labi. She remembered everything last night. It wasn’t a dream.
“Nanny, ka lang” she said to herself as she tried to smile.
Pagkatapos ng sampung minuto ay binalikan nga niya ang mga bata. Ngunit nadatnan niya ulit ang mga ito na nanonood pa rin sa Tablet.
“Okay, Jin-Jan 10 minutes is up! Kukunin na ni Ate Lyan ito ha” nang akmang hahawakan na ni Lyan ang tablet ay biglang nag-wala ang dalawang bata na ikinagulat nito.
“Hala, why why why?” Lumuhod si Lyan para patahanin ang dalawang bata.
“I want youtube!” napahgulgol sa iyak si Jin. Tuluyan na silang nahiga sa sahig at umiyak.
“Oh sige sige, 10 minutes ulit. Sige na huwag na kayong umiyak” ibinigay naman ulit ni Lyan ang tablet at pinunasan ang kanilang mga luha.
**
“Sir.” Tumikhim naman si Kim habang nakatingin siya kay Chase na nakaupo sa swivel chair at minamasahe ang kanyang ulo.
“You have a lot to explain to me, Sir”
“Ano ba ‘yon..” mahina naman ang boses na pinakawalan ni Chase habang nakapikit ito.
“Bakit niyo po hindi sinasagot ang mga tawag ko? You should have kept me updated. Tapos nag-lasing pa po kayo. Hindi po ba na kabilinbilinan ninyo sa akin na huwag ko na po kayo hahayaang mag-lasing. Kasalanan niyo po ito, Sir” Napamulat ng mata ni Chase at dahan dahan siyang lumingon kay Kim na nakatingin sa ibang direksyon.
“Parang pinapagalitan ako ng Asawa ko.” Nanatiling nakatitig si Chase kay Kim.
“I am just protecting you, Sir.” Ani naman ni Kim kay Chase at saglit na napatitig sa kanya. “You have a lot of enemies so please be healthy..”
“You’re right. “ Inalis naman nito ang pag-kakasandal niya sa kanyang swivel chair at ipinatong ang kanyang mga kamay sa mesa.
“Mr. Chase!” Napatayo naman ito nang biglang bumukas ang pintoan ng board room at iniluwal ang taong hinihintay nila—Si Mr. Lucio Ban. Ang isa sa mga pulitikong maimpluwensya sa San Vidad.
“Kumusta ang ‘yong bakasyon? Mabuti naman at naisipan mo munang mag-pahinga. Ikaw na yata ang pinaka busy’ng tao sa San Vidad” nakipag-shake hands naman ito kay Chase.
“Well I came here to discuss about San Silvestre. Balita ko ay pabor na ang pitong investors. They are just waiting for your vote..” ang sabi naman nang makaupo siya sa tabi ni Chase.
“Alam mo naman na ang boto ko. I am very interested in buying that land. Ito na lamang ang city na hindi commercialized. If we push through this project, San Vidad will be richer. “
Hindi kaagad nakasagot si Chase at naalala niya ang kanyang mga naranasan sa ilang araw pananantili niya sa San Silvestre.
“I think I need more time to decide..” He struggled to say that. When he looked at Lucio, his expression became different. Napawi kaagad ang ngiti nito. “I don’t understand why you need to think more, napakaganda ng vision ng ating plano. Your Dad seems to agree with it.”
“I’m a businessman, Mr. Ban. I consider a lot of things.” Nanatiling nakangiti pa rin si Chase.
Napansin ni Chase ang pag-lamig ni Lucio kahit na nang mag-paalam ito. “Rowin has the papers you requested for San Silvestre” lumapit naman si Kim kay Chase.
“Mukhang hindi lamang si Kalix ang makakalaban ko Kim.” Biglang napaigting ang panga ni Chase.
“Sir—No . Chase..” Nanlaki ang mga mata ni Chase na napatingin kay Kim. “If you don’t need to do it then don’t. Sana maisip ninyo.. na hindi na lamang sainyo ang buhay niyo. This time it is different, you have the twins. You’re a father”“I will always win, Kim. If you are with me” He tapped his shoulders to loosen him up. “Besides, I have Fallback. Let’s trust ourselves this time.”
**
“Wow!” Napatianod si Lyan nang tumakbo ang mga bata. Naisipan kase niyang dalhin ang mga bata sa Carnival malapit lamang sa city proper ng Gilberts. Dahil gusto niyang aliwin ang mga bata at i-divert ang kanilang atensyon sa ibang bagay.
“Gusto ko sa horsy Ate Lyan!” Itinuro naman ni Jin ang umiikot na horse ride. Napalingon naman si Lyan kay Othan at sa kasama nilang isang bodyguard na nakatayo lamang.
“Nako, Baka mainip lang kayo. Mag-rides din kaya kayo muna”
“Hindi. Okay lang po kami dito. Hindi naman ito gagalaw eh” turo pa ni Othan sa bodyguard na kasama nila,
Talagang tinaguriang ang Carnival na healing place ng mga bata. Non-stop ang tawa at sigaw ni Jin at Jana habang nakasakay silang tatlo sa horse ride. Nag-subok din sila ng Viking. Pero ang kagandahan ng Carnival na ito ay may mga rides para lamang sa bata.
Nanatili sa Gate si Lyan habang pinagmamasdan niya ang mga bata na nasa rides. Napakalakas ng sigaw ni Jin tuwing nag-swiswing ang barko. Hindi mo aakalahing katulad ng sigaw ng babae ang kanyang sigaw. Kinuhanan naman ni Lyan ng larawan ang mga ito. This should be kept and cherished for a long time. Dahil minsan lang sila maging bata.
“Nahanap rin kita.” Napatigil naman si Lyan nang may marinig siyang pamilyar na boses sa kanyang tabi. When she slowly turned to see it, She saw Ian who is smiling to her. Napakaganda ng ngiti nito dahil pati ang kanyang mga mata ay ngumingiti rin.
“I-Ian?”
“Lyan? Magka-rhyme pangalan natin.” He chuckled.
“Bakit ka nandito?” Tanong naman ni Lyan sa kanya. Nag-kibit balikat lamang ito “I am all over the City fixing things.. making buildings.”
He managed to lie. Nang dumalaw si Chase sa kanilang site ay aksidente niyang narinig kay Kim ang nireport nito sa kanyang Amo. That’s when he decided to come because it’s only 30 minutes away from his workplace.
“Kumusta ka na? Hindi na kita nadalaw sa hospital”
“Mabuti naman, Nakauwi din ako sa amin. Sobrang pahinga na iyon sa akin”
“Ahh. I wish I was there too. Nakakainggit” Bigla namang nagbuntong hininga ito. “Pwede, sa susunod sumama ka”
Gumuhit ang napakatamis na ngiti sa labi ni Ian sa sinabi ni Lyan. “I’ll take the kids” Nang huminto ang Viking ay kaagad na binuhat ni Ian si Jin at Jana. Lalo na mang sumaya ang kambal nang makita nila ang kaibigan.
“Uncle Bob!” Nag-ingay silang dalawa habang buhat buhat sila ni Ian. “Akin na si Jana” akmang bubuhatin naman sana ni Lyan si Jana ngunit inilayo ito ni Ian. “Kung mahahabol mo kami. Tara Takbo!” Nagulat na lamang si Lyan nang itinakbo ni Ian ang kambal. Napahiyaw ang dalawa at napahagalpak sa tawa. Mukhang tuwang tuwa sila sa ginawa ni Ian. Lyan was left with no choice but to run after them.
Pakunwari na lamang ay hindi nahahabol ni Lyan ang mga bata dahil tuwang tuwa sila tuwing kamuntikan nang makahabol si Lyan. The kids really appreciate it.
Napatigil sila sa mga bench na nakapalibot sa isang puno. Hinihingal si Lyan na napaupo. “Here, water” Kaagad na tumakbo si Ian kanina na bumili ng inomin sa mga Food Stalls upang maibigay niya ito kay Lyan at sa mga bata.
“Salamat. Hooo.” Nakalahati kaagad niya ang bottled water. “Masaya kayo don’?” Nag-thumbs up naman si Lyan sa dalawang batang pangiti-ngiti na lang. “Napagod ako don”
“Tissue” tinanggap naman ni Lyan ang tissue mula kay Ian. Ginamit niya ito at pinangpunas sa mga pawis ng mga bata. Halos naubos niya ang ibinigay ni Ian kaya wala nang natira para sa kanya.
“Here.” Napatingin naman si Lyan sa panyong iniabot ni Ian sa kanya. “Hindi. Sa’yo ‘yan eh.”
“Hindi ko pa naman ‘yan nagamit. Huwag kang mandiri.” Napangisi naman si Ian at sapilitang hinatak ang kamay ni Lyan at ibinigay ang kanyang panyo.
“Salamat” Dahil ayaw naman ni Lyan na mapahiya pa si Ian at tinanggap na lamang niya ang panyo nito. Hindi naman niya napigilang hindi amoyin ang panyo ni Ian. Mas matapang ang pabango ni Chase kaysa rito. Kay Ian ay mas matamis na medyo may halong cherry.
“Bango ba?” Ibinaba kaagad ni Lyan ang panyo ni Ian nang bigla siyang tinignan nito.
“Here’s your order Sir” Nagulat naman si Lyan nag may dumating na isnag babaeng may dala dala na tray.
“Wow!” Napanganga ang dalawang bata nang makita nila ang malalaking corn dog sa kanilang lamesa.
“Ate Lyan soooo big!” Tuwang-tuwa naman silang dalawa habang pinagmamasdan ang pagkain sa mesa.
“Hindi pwedeng mawala ang pagkain kapag nag-punta ka sa Carnival..” Kumindat naman si Ian kay Lyan habang inaayos ang kanilang Pagkain. That was a cool side of him. Napakahanda naman niya ngayong araw.
“Aw. It’s Hot” Napangiti naman si Lyan nang biglang sinubo ni Jin ang isang stick ng malaking corndog.
“Saglit, hihiwain na lang ni Ate ng maliliit para hindi masyadong mainit.”
Mabuti na lamang ay may lalagyan ang mga corndog. Inalis naman ni Lyan ang mga sticks nito at hiniwa ng maliliit ang corn dog. Natataranta nga siya dahil hindi na maalis ng mga bata ang kanilang tingin sa pagkain na para bang binabantayan nila ito.
“Ahh” Napapikit si Lyan nang biglang humangin ng malakas at lumapat sa kanyang mukha ang kanyang buhok. “Ang kati..” Sinubukan naman nitong alisin ang kanyang buhok na nasa bibig niya ngunit mamantika na ang kanyang kamay.
“Let me help you” Tumayo naman si Ian at yumuko upang tulungan si Lyan na alisin ang kanyang buhok na nalapat sa kanyang bibig. Ngunit patuloy na lumakas ang hangin.
“Akin na iyong panyo”
“Uy, bakit ano, sige ako na”
“huwag kang magalaw” Akmang tatayo na sana si Lyan nang hinawi naman ni Ian ang kanyang buhok at tinalian ito ng kanyang panyo.
Napatigil siya lalo nang hawiin pa ni Ian ang kanyang baby hairs at inipit ito sa kanyang tainga. His hands felt so soft, like it is so careful in handling anything. Ian always surprises her in a lot of ways..
“Ayan okay na. “ Mistula siyang nahawa sa mga ngiti ni Ian nang makabalik ito sa kanyang upuan.
Matagal na pinagmasdan ni Lyan si Ian habang inaasikaso niya ang mga bata. Since Ian plays just fine with the kids, medyo open ang mga bata sa kanya at nakakausap niya ito gaya niya. And there is no doubt that Ian is really good with kids.
“Ang galing mo sa mga bata no?” she complimented him. “Really? Salamat. I always dream of having kids”
“Sabagay. Mag-asawa kana kase. Nang magkaroon ka din ng anak”
“Hinihintay kita eh”
“Ano?” Napakunot ang noo naman ni Lyan habang ngumunguya.
“Hinihintay ko ‘yong para sa akin.” Pag-lilinaw naman nito.
“Bakit wala ba? Imposible ‘yan”
“Well, I always fall for the person I can’t have..” Bigla namang napatigil si Lyan sa kanyang pag-kain nang marinig niya ang sinabi ni Ian. When she took a look on his face, he knew then that deep down he is hiding something behind those smile.
“Laging may nauuna sa akin o di kaya pag-mamay ari na siya ng iba. “ Napayuko naman si Ian.
“Lagi akong nagpaparaya kaya nawawalan naman ako” and then he faked a smile to see Lyan.
“B-Bakit hindi mo ipaglaban?”
“Hindi mo na dapat ipaglaban ang isang tao kung pag-mamay ari na siya ng iba. That’s a different case. “ Nang makita ni Lyan ang corn dog na itinapat ni Ian sa kanyang bibig ay kaagad niya itong kinagat.
At huli na ang lahat nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. Napatakip siya sa kanyang bibig nang masilayan niya ang pag-lawak ng ngiti ni Ian.
‘Bakit mo kinagat ‘yong hotdog niya! Baliw!’
“Hala! Nakain ko ‘yong hotdog mo!” Napahagalpak sa tawa si Ian nang makita niya ang ekpresyon sa mukha ni Lyan.
“Malaki ba ‘tong hotdog ko?” sabi pa nito habang tinitignan ang corn dog na kinagatan ni Lyan.
And the next thing he did was never expected by Lyan. Walang pasabing kumagat din siya sa sa parteng kinagatan ni Lyan. “Sarap..” Tinaas pa nito ang dalawang kilay niya habang ngumunguya.
‘Ano ka ba, Ian. Ano ba ‘yang ginagawa mo. ‘ Ibinaling na lamang ni Lyan ang kanyang atensyon sa mga bata nang makaramdam siya ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
**
Dahil sinulit ni Jin-Jan ang kanilang oras sa Carnival ay naubos ang kanilang energy at nang sumapit ang gabi ay nakatulog silang dalawa sa magkabilang hita ni Lyan. Maagang nag-paalam na umalis si Ian dahil sa kanyang trabaho. Hinihintay na lamang ni Lyan sila Othan na kinuha ang sasakyan sa mga upuan sa open area ng carnival.
“Napagod yata si Jin-Jan.. pero nag-enjoy naman kayo diba?” kinausap naman niya ang dalawang bata habang hinahaplos ang kanilang buhok.
Nagulat na lamang si Lyan nang may makita siyang coat na nakapatong sa kanyang balikat. Hindi siya nag-angat ng tingin dahil alam na niya agad kung sino ito.
“You should bring your jacket always. Lumalamig na nag panahon”
Boses pa lamang niya ay kaagad na kumabog ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang nag-angat ng titig at nakita niya si Chase na ngayon ay nakasuot ng kanyang salamin at nakatitig sa malaking ferris wheel.
“Okay lang po ba ang mga mata ninyo?” she asked him.
“Yes. I tried to avoid using it. But I guess, I am getting old and I really need it now..” bigla namang naramdaman ni Lyan ang lungkot sa kanyang boses.
“Nakita po ba ninyo sila Othan? Kanina ko pa po sila hinihintay.”
“Pinauwi ko na sila. Maaga din naman akong umalis ng trabaho at naisipan kong dumiretso dito dahil pinaalam sa akin ni Kim na dinala mo daw ang mga bata dito.”
Napayuko naman si Lyan nang biglang lumuhod si Chase sa kanyang harapan. She found him tying her shoe lace meticulously. “You’re so careless to yourself.”
“Last night..”
Lalong umingay ang kabog ng dibdib ni Lyan nang biglang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ni Chase. “I know that you might have seen a different version of me. May ginawa ba akong masama kagabi?”
Her eyeballs were shaking as Chase turned his glares to her, like he is confronting her to speak of the truth. But how could she disclose everything that happened last night when it felt like it wasn’t real at all?
“No Sir..” she bravely answered him. Napapikit si Chase at napatango-tango, he even sighed in relief.
“Let’s Go home then” Tumayo naman ito at binuhat si Jana. “I’ll carry Jin too. You must be tired.” Inalalayan naman ni Lyan si Chase na ipatong si Jin sa kanyang balikat.
Sumunod si Lyan sa kay Chase nang mag-umpisa itong mag-lakad. He doesn’t remember everything and some part of her felt relieved about that. But deep down her, she wished he remembered everything. But what’s the use of remembering something that is bound to be forgotten. After all, the kiss might mean nothing to him.
“There is a small box in my coat. That’s yours” Napatigil naman ito sa pag-lalakad at kinapa ang box na sinabi ni Chase sa kanyang coat na nakapatong sa kanya.
Nakakita siya ng kulay pink na box at may ribbon ito sa taas. Napaawang ang kanyang bibig nang binuksan niya ito. Napatitig siya kay Chase na napatiuna sa pag-lalakad.
The box contained a sunflower ponytail….
**
You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan