LOGINNo place for the second ones
"I'm taking this away.." Nang marinig ni Lyan ang boses ni Chase mula sa mga kwarto ng mga bata ay napabalikwas ito ng takbo papunta doon.
"Daddy!" Napaluhod sa sahig si Jin at Jana na nadatnan ni Lyan. Nakita naman ni Lyan na hawak-hawak ni Chase ang tablet ng mga bata.
"Kaya pala hindi kayo lumalabas at bumababa kapag tinatawag kayong kumain na dahil abala pala kayo sa Tablet. Hinihintay niyo na lang na dalhin ng Ate Lyan niyo ang pagkain ninyo?" Napansin naman ni Lyan ang inis sa boses ni Chase.
"Sir." Kaagad naman na lumingon si Chase sa kanyang likod ng marinig niya ang boses ni Lyan.
"Bakit mo pinagtatakpan ang mga bata? Dapat sinasasabi mo sa akin ang mga ganitong bagay. If you can't scold the twins then that is my part to do." Mistulang napako si Lyan sa kanyang kinauupuan sa sinabi ni Chase. Agad ding umalis si Chase sa silid ng mga bata. Nag-alala siya habang nakatitig sa mga bata. Bumabalik na naman ba ang distansya sa kanilang mag-aama?
Ngayon lamang niya naalala na hindi pala pumapasok si Chase ng weekends. He started taking the weekend off kamakailan lang at nabisto na nga niya ang ginagawa ni Jin at Jana.
"Ang Youtube ko..." Napahikbi sa iyak si Jin habang nakatulala ito na para bang binagsakan ng buong mundo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan na masyado nang na-addict ang dalawa sa panonood ng youtube videos, hindi lamang iyon kamakailan lang ay natuto na rin silang mag-download ng mga apps. Nahuli niya rin ang dalawa na nag-lalaro ng kung ano-anong games.
"Tama na, Daddy is right okay? Hindi pwedeng buong araw kayo nakatutok sa gadgets." Sinubukan naman ni Lyan na awatin ang dalawa sap ag-iyak ngunit lumakas pa ang kanilang pag-hagulgol.
Hirap na pinakain ni Lyan ang mga bata ng pananghalian. Nagmumokmok pa rin ang mga ito dahil hindi nila matanggap na kinuha na nga ni Chase ang kanilang Tablet. Nakaramdam din si Lyan na maske sa kanya ay nag-tatampo ang dalawa.
"Miss Lyan." Nakarinig ito ng katok sa pintoan ng kwarto ng mga bata nang mapalingon siya doon ay nakita niya si Kim na sumilip.
**
Nagulat na lamang si Lyan kanina nang makita niya sa baba si Kim na nakasakay sa isang E-Jeep na ginagamit upang mag-libot sa buong Lupa na sakop ng mga bahay ni Chase. This is more convenient than using a vehicle. Dahil hindi ito gumagamit ng gasoline.
Nang makababa si Lyan at ang mga bata ay nakakita sila ng malawak na bakanteng lote. Sa tabi ng loteng iyon ay may isang Bahay Kubo na hindi gaanong Malaki.
Nakita niya ang dalawang lalakeng nagbubuhat ng mga sakong galing sa isang truck.
"Oops. Stop." Akmang papasok na sana sila Lyan sa gate nang bigla nilang nakita si Chase na papalapit sa kanila. Nag-taka naman kaagad si Lyan nang makita niya itong nakasuot ng jumper at naka suot ng salakot. He is even wearing a boots. This scene looks so familiar to her.
"Mr. Jin Buenavista and Ms. Jana Buenavista. You have to wear this uniform" Lumuhod naman siya sa harapan ng mga bata at inbinigay sa kanila ang mga damit na hawak niya at may dalawang salakot itong ipinatong sa ulo ng mga bata.
"Daddy, what is this?" ang tanong naman ni Jana.
"We are going to plant vegetables today. "
"Oh? Like the vegetables that we eat?" nanlaki naman ang mga mata ni Jin.
"Yes. Today you are Jin and Jana, the farmers. "
Nagulat naman si Lyan nang biglang lumiwanag ang nakabusangot na mukha ng mga bata. She couldn't help but to feel so amused as to his idea. Now she is getting it. This was Chase's plan to cheer up the kids and help them forget their addiction to gadgets.
Hindi mabura ni Lyan ang kanyang Ngiti. Chase was really prepared for all of this. He designed the whole place for gardening. Bumili din siya ng mga planting tools na maaring gamitin ng mga bata. The tools were like toys but bigger in size. Mukhang nag-eenjoy naman ang mga bata. Kanina pa naaliw si Lyan na pinagmamasdan ang tatlo na gumagawa ng Vegetable Garden nila.
Child Care 191: Do not let your kids be absorbed by using gadgets and watching videos online especially without proper guidance. This may lead them to lose interest in a lot of things. Iikot lamang ang kanilang mundo sa Online at maaring matuto sila ng hindi magandang bagay sa murang edad. You must find any other usual routine or activity to divert their attention. Make that activity to be on a daily basis so that they will look forward to it.
"Yehey!" Napapalakpak si Jin at Jana nang maitusok nila ang signage ng kanilang mini vegetable garden
"Jin-Jan's Veggies" napabungisngis sa tawa si Jin ng binasa niya ang nasa signage.
"We can eat the veggies if they grow right, Ate Lyan" Napatingala naman si Jin kay Lyan.
"Yes, I will cook it deliciously for you" ani naman ni Lyan at saka ginulogulo ang buhok ng dalawa.
"For me too. " Napatingin naman siya kay Chase na nag-salita habang inaayos ang mga plant box.
"I mean, I help them in planting. I should taste it too" Parang batang naagawan ng kendi naman ang pag-kakasabi ni Chase.
Nang makita ni Lyan na marami pang plant box ang inililipat ni Chase ay naisipan niyang tumulong dito. Tutal ay nag-lalaro naman ang kambal. She couldn't stand there while watching her Boss do all the work. Napayuko naman si Lyan nang makita niyang hindi maayos ang pag-kakalagay ng mga seeds.
"Mukhang marami po kayong natutunan kila Mang Nandre, Sir" Hindi naman mapigilan ni Lyan na purihin si Chase habang pinagmamasdan niya itong tutok na tutok sa kanyang inaayos na Plantbox.
"Well. I enjoyed planting a lot. I don't feel tired at all" Lumapit naman ito kay Lyan at dinagdagan ng lupa ang plant box na kasalukuyang inaayos nito.
"I will catch you!" Nakarinig naman ng sigaw si Lyan at bago pa man siya tumingin sa direksyon ng pinangalingan ng sigaw na iyon ay naitulak siya ni Jin na sanhi ng pag-katulak niya kay Chase na saktong payuko na sa kanyang tabi. Chase wasn't able to balance his body when Lyan pushed him. Napakapit na lamang si Chase sa dalawang kamay ni Lyan nang bumagsak silang dalawa sa Lupa.
At narinig na naman ni Lyan ang nakakabinging dagundong ng kanyang dibdib nang mag-kalapit ang mga mukha nila ni Chase dahil kasalukuyan siyang nakapatong sa katawan ni Chase. It was a good thing because she wasn't hurt. But it's a bad thing because they are only an inch away from each other.
Bigla niyang naalala ang gabing iyon. When Chase pulled her into a kiss. Kung malabong nangyari ito kay Chase, para kay Lyan ay isa itong kagimbal-gimbal na pangyayari na hindi niya kayang malimutan.
"Ate Lyan! Dad! Are you okay-Ouch" Bwebwelo na sana si Lyan na bumangon nang biglang lumapit si Jin sa kanila at aksidenteng natapakan nitong laroang timba na sanhi nang pagkadapa niya at tuluyan niyang naitulak ulit si Lyan palapit kay Chase.
And when the moment has almost come that their lips are bound to meet again, Tinakpan ni Lyan ang bibig ni Chase na labis na ikinagulat nito. Samantala na-idampi naman ni Lyan ang kanyang labi ng kaunti sa kanyang kamay na nakatkip sa bibig ni Chase. That hand just save them from kissing again.
"Sir!" Nang marinig nila ang boses ni Kim ay kaagad silang napatayo at tinalikuran ang isa't isa. Namataan naman ni Lyan ang dalawang bata na nakatitig sa kanilang dalawa.
"May nangyari po ba?" Palipat-lipat ang tingin ni Kim kay Chase at Lyan.
"Ate Lyan was on Top of Daddy's body" Tinuro pa ni Jana si Lyan. Nanlaki kaagad ang mga mata ni Chase at Lyan nang marinig nila ang sinabi ni Jana.
"Dad pulled Ate Lyan, I saw it.." Napahawak pa sa baba si Jin habang nag-iisip sa nangyari kanina.
Bigla namang naging blanko ang ekpresyon ni Kim na napatitig sa dalawa. "Gardening.. o Landiing?" Hindi nakaligtas sa tenga ni Lyan ang binulong ni Kim sa kanyang sarili.
"Oo nga po pala, Naparito po ako dahil mag-didilim na at may bisita si Miss Lyan" Napatingin naman si Kim at Chase kay Lyan.
"Si Mr. Albayalde po. " Napahakbang naman paharap si Chase. "Bakit nandito daw si Ian?" napakunot ang noo ni Chase.
"He said that he is going somewhere with Miss Lyan. " Napaawang ang bibig ni Lyan sa sinabi ni Kim.
Nawala sa isip niya ang ipinangako ni Ian sa kanya na Roadtrip ngayong weekend. Hindi naman niya namalayan ang oras at naging abala siya sa ginagawa ng mga bata.
"Okay then you take over, Kim" Medyo napahina ang boses ni Chase.
"Nandito rin po si Miss Hana, Sir"
"Kung ganon ay bumalik na muna tayong lahat sa Mansion."
Hindi na nag-imikan si Chase at Lyan habang nasa E-Jeep sila. Nang makababa sila sa Mansion ay napatiuna si Chase na bumaba. Nadatnan naman ni Lyan si Hana na nag-aabang sa pintoan. Tumakbo pa si Hana para lamang salubongin si Chase ng yakap
"I missed you. Kumusta ang buong araw mo? I'll cook for you" Napatingin si Lyan sa kamay ni Hana na yumakap sa baywang ni Chase.
"Perfect timing. I am hungry" Chase smiled as he cupped her cheeks.
Muli siyang sinampal ng katotohanang pag-mamay ari nga si Chase ng iba. And there is no such place for her in his life
"Ang tagal. Nakakangawit mag-hintay" Nagulat na lamang si Lyan nang marinig niya ang boses na iyon. Nakita naman niya si Ian na nasa gilid at nakasandal sa kanyang motor.
"Let's go?" Nang makalapit si Lyan sa kanya ay iniabot ni Ian ang isang helmet.
"Nandito ka pala. Hindi kita napansin." Napatulala lamang si Lyan sa helmet na iniabot sa kanya ni Ian.
"Paano, sa iba ka nakatingin" Ngumisi naman ito.
"Ano 'to? Bakit naka-motor ka ngayon?" ang tanong naman ni Lyan.
"Angkas Driver ako sa weekend. Kailangang kumayod eh" Bigla namang napatawa ng malakas si Lyan. Habang tumatawa siya ay parang nai-lalabas niya ang bigat na nararamdaman niya kanina pa.
"Karpintero sa weekdays, Angkas Driver sa weekends. Ang galing."
"Ngumingiti ka na ulit." Ang sabi naman ni Ian habang nakatitig kay Lyan.
"Tara na." sumakay naman ito sa kanyang motor at saka pinaandar ito.
"Saan?" Napatitig lang naman si Lyan sa kanya.
"I will show you the world... shining shimmering splendid, Tell me Princess now when did you last let your heart desire?"
"Ang galing mo!" Lumawak ang ngiti ni Lyan.
Umangkas naman ito sa kanyang likod at sinuot ang kanyang helmet. Bigla namang napakapit si Lyan kay Ian nang magsimulang umandar ang motor palayo sa mansion.
Nang maramdaman ni Ian na aalisin na sana ni Lyan ang kanyang kamay na nakakapit sa kanyang baywang ay pinigilan niya ito. He wrapped her hands around his waist and it is tighter this time.
"Kumapit ka lang. I'm not a restricted property of anyone." Narinig naman ni Lyan ang sinabi ni Ian kahit na maingay ang makina ng motor at lumalakas na rin ang ihip ng hangin.
"If you feel like you do not belong to that place, Then just come to me. May lulugaran ka sa'kin"
**
Napahinto sa pag-lalakad si Chase nang makita niyang lumapit si Ian sa kinaroroonan ni Lyan at ng mga bata.
"Hindi po ba kayo lalapit, Sir?" ang tanong naman ni Kim mula sa kanyang likoran.
"How do you see Lyan and Ian together?" Napakurap naman si Kim sa tinanong ni Chase sa kanya. Nanatiling nakatitig si Chase sa dalawa at hindi niya inilipat ang kanyang titig sa iba.
"They look good...-" Nagulat naman si Kim nang biglang lumingon si Chase sa kanya at para bang nag-iba ang ekpresyon nito. His face looks like its doubting Kim. "Good? Puro lang naman bola iyang si Ian. Hindi ba't pinaimbestigahan ko ang naging relasyon nila ni Hana. I was also told that he is really good with girls. Kung sino sino nga kasama niyan sa bar. Also, he's got clients that are divorced women. Balita ko ay Malaki ang tip niya sa mga babaeng 'yon"
"Bakit pa po kayo nag-tatanong sa akin kung napakahaba naman ng sagot niyo" Kim just blinked his eyes as he stared at Chase who is like someone who is heated up.
"Oh- Kita mo na itong lalakeng ito, hahawakan pa niya ang buhok ni Lyan? That's a sexual harassment!" Nagulat na lamang si Kim nang biglang tumaas ang boses ni Chase kagaya ng tono ng boses niya kapag bumababa ang profit rate ng RosaKing.
"May grounds naman po ang sexual harassment, Sir. Wala po yata iyan sa batas." Mahinang sabi naman ni Kim kaya napalipat ulit ang titig ni Chase sa kanya. "Kahit na that is also a motive of doing sexual harassment!" nakapamaywang na sabi pa nito.
"Kaya may mga manyak na nag-lalakad diyan sa daan kase hindi marunong ang batas natin suriin ng mabuti ang mga grounds for sexual harassment!"
Napabuntong hininga na lamang si Kim at napayuko. He knows he can't win to Chase over something like this. "Pag Engineer talaga napaka-babaero" Napailing-iling na saad pa ni Chase.
"Mabuti na lamang at hindi ako nag-engineer, right Kim?"Nang mapalingon si Chase sa kanyang likoran ay hindi na niya nakita si Kim.
"Kim? Kim?" Sinubukan niyang tawagin ito but Kim is not appearing anywhere.
"Well, you can have her for now. But I'll be the one to take her home.."
Kinuha naman ni Chase ang kanyang cellphone at nag-dial ito ng numero.
"Hello! Sir?"
"Yes. Panelo, tell Engr. Ian that I need the Amusement Park done asap. I need to see its progress bukas."
A thin line formed from his lips when he ended the call.
"Good Afternoon Sir" Bati ng isang sales lady na nag-bukas ng pintoan sa kanya.
While he was strolling at the Carnival he saw some places that amazed him. Hindi naman niya inaakalang may mga legit shop ng Figurines, Accessories at iba pang shop. An Accessories Shop caught his attention.
"Bunny Couple hair band po ba hanap niyo?" sumunod naman sa kanya ang isang sales lady habang nagmamasid sa mga nakadisplay na accessories
"I need something that you can you use to tie your hair." He said.
"Ah, Ponytail!" Napahalakhak ng mahina ang isang babae. She led Chase into the racks where a lot of ponytails were displayed.
"There are too many designs. I don't know how to pick"
"Ano po bang klaseng tao ang Girlfriend ninyo, Sir?" bigla namang natanong ng sales lady.
"She's a bright person. She always shines like the sun.?"
"Then, ito pong sunflower ponytail ang ibigay ninyo." Kinuha naman ng babae ang ponytail at iniabot ito kay Chase.
"Kayo na rin po ang mag-tali sa kanyang buhok kapag ibibigay niyo ito" Kinikilig na saad pa ng babae.
"Hindi. May nag-tali na ng buhok niya. "
"Then just give it as a present, Sir. Malay niyo sa susunod kayo na mag-tali ng buhok niya gamit iyan"
"Wait! She's not my girlfriend" Bigla namang nataohan si Chase at napaatras ito. Nagulat naman ang sales lady sa kanyang inasta.
"Still, she might be someone very special to you.."
**
You can't chase the ace"Kinompirma ng Philippine Pageant Association na ang final list ng Candidates para sa gaganaping pegeant na Miss Philippines"Habang abala si Chase sa pag-pipirma ng mga dokumentong natambak sa kanyang lamesa ng mga araw na nasa Ilocos sila ay pansin niyang nakatutok lamang sa TV si Kim."Hana is not on the final set" Narinig naman ni Chase na sabi ni Kim. Hindi ito pinansin ni Chase at tuluyan na lamang niyang tinapos ang mga papeles sa kanyang table. When he was done he arranged all of it. Namataan naman niyang si Kim na abala pa rin sa kanyang cellphone."Ano ang tinututukan mo diyan at kanina ka pa parang hindi mapakali" Napatanong naman si Chase."Hindi maganda ang feedback ng mga tao sa San Vidad dahil hindi kas
The Other KnightNagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.“Miss Nasaan po sila Sir Chase?” Tanong naman nito.“Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo.”Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Inilu
Take me, I’ll FollowThere is no time to rest. Ang mga limitadong panahon na nandito sila sa Ilocos ay nararapat lamang na igugol nila ito sa pag-lilibot buong province. The team went to visit the famous Sunflower field in Piddig Ilocos Norte. Patok ito sa mga bata dahil sa napakatingkad na kulay ng naglalakihang sunflower. Naging tourist destination din ito kamaikailan at nagtrending sa mga netizens ang iba’t ibang photography na kanilang pinopost sa pagbisita nila dito. It’s very wide and the place is almost covered by the beautiful sunflower.Walang tigil ang pag-kuha ni Lyan ng mga litrato ng mga bata. Game na game naman ang mga ito na mag-pose. Hinanda din niya ang outfit ng mga bata. Both of them are wearing floral clothes. Paghahanda na din ito para sa party ni Hana.“Hey.” Napalingon
A Sunset Confession“So we must part ways in here” Inagaw naman ni Chase ang bag na hawak hawak ni Ian na pagmamay-ari ni Lyan.Isang oras din ang inabot nila bago sila makarating dito sa Airport ng Gabu sa Ilocos Norte. The style of the airport is much more different from the airport they departed. Hindi mo masyadong pag-iisipang airport ang isang ‘to dahil ang mga pader at ibang buildings ay gawa pa rin sa Brick na mukhang disensyo pa noong panahon ng mga espanyol. But it’s still refreshing to look at it, it is an ancient beauty.“Saan ba kayo naka check-in?” Napatanong naman si Ian.“Sa Currimao yata iyon?” Bago pa man mapigilan ni Chase si Lyan ay nakasagot na ito kaagad sa kanya.“Saan ba doon? Doon din kase ako.” Lumawak naman ang ngiti ni Ian.“Sa Kadillian ba ‘yon Sir?
The Better OneIkinagulat ni Lyan ang biglaang pagdating ni Hana sa School ng mga bata. It was supposed to be their Lunch Break dahil mid-session ang klase ng mga bata. Nakaupo lamang sila Lyan sa VIP Room na nakasareserba sa mga bata habang pinagmamasdan si Hana kausap ang isang babaeng may hawak na camera. Mayroon din siyang kasamang stylist na kasalukuyang inaayosan siya ngayon."Just sit back and relax. I'll eat with them" bigla namang nagsalita si Hana, ang sinabi naman niyang ito ay walang iba kung hindi para kay Lyan."It has been so long since I updated on my page. People keep asking me to update them of my life after ko maipasa ang title sa iba. I'm still a public figure so I must do this" pagpapaliwanag naman nito."And since everyone should know that I am Chase's soon-to-be wife, Nararapat lamang na magkaroon ako ng bo
Distance is a must! "Ate Lyan!" Nagulantang naman si Lyan mang marinig niya ang biglaang pag-lakas ng boses ni Jana. Ngayon niya lamang napagtanto na kanin pa siya tinatawag ng bata.Kasalukuyan niyang binabantayan ang mga bata sa kanilang almusal. Today is their free day.And for today's breakfast is Champorado with tuyo flakes!Bagong flavor ang sumalubong sa umaga ng mga bata. Dahil sa pinaghalong tamis at alat na hahanap-hanapin mo umulan man o tirik ang araw."Why? Punasan na nga muna natin ang mg bibig ninyo" Kumuha naman si Lyan ng tissue para maalis ang namuong chocolates sa mga bibig ng mga bata."I want to go out pero I don't know where to go" Nakabusangot naman ang mukha ni Jana."Hmmm. Saan nga ba tayo pwede pumunta? At hindi naman tayo pwedeng umalis nang hindi nag-papaalam sa Daddy ninyo""Ate Lyan