Share

Chapter 13

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-30 15:27:36

A story written by Ayesha Sky

Katulad ng ginagawa ko tuwing umaga ay bumangon na ako mula sa pag-kakahiga at tsaka ako naligo hindi ako makapag-hintay na sabihin kay Clayton na kakilala ko pala siya at matagal ko na siyang nakilala noong grade 8 pa lang ako.

Nagkakilala kami sa library at simula nun ay siya na ang pinaka magulong tao na nakilala ko sa buong buhay ko.

Kilala rin pala siya ni loryanne pero hindi lang talaga namin natandaaan. Nagkakilala kami noong grade 8 ako noong bagong lipat pa lamang ako.

FLASHBACK

Buong araw ko ang nasira nang makasama ko kanina ang lalaking yun, sobrang harot at kulit niya. Sunod siya nang sunod saakin kahit hindi pa kami masyadong close sa isa't isa.

Bagong lipat kasi ako dito sa school, isa akong grade 8 student habang siya naman ay siguro grade 12. Pinalipat ako nang lola ko sa ibang school dahil lumipat kami nang bahay, inilipat niya ako sa pribadong paaralan hindi dahil para mailapit kami sa school kung hindi mas lalo pa akong mag karoon nang achievements and adventures sa loob nang school.

Kaso parang first day ko palang eh may tukmol na agad na nang gulo saakin, isang napaka likot at napaka ingay na tukmol. Gwapo sana eh, microphone lang ang bunganga.

Cute siya, gwapo at halatang active. Matangkad nang medyo, maputi, maugat tapos anlaki nang panga. Talagang sobrang harot niya kanina Dahil nagawa pa niyang mag pa-cute sa harap ko kahit hindi naman kami mag kakilala, sa pag kakatanda ko ay sa library kami unang nag kita kung saan binasa at hinanap namin ang perehong mag kasunod na libro.

Ngayon ay kasalukuyan akong nagte-test habang naka headphones, ma may concentrate kasi ako kapag nakikinig ako nang musika. Pakiramdam ko ay sa isa lang ako nakatutuk at wala nang iba pa, nakakatanggal nang stress at lito kapag nakikinig ako nang music.

Peor hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina, halos tatlong classroom lang ang layo ko sakanya kaya sigurado akong manggugulo nanaman siya. Kahapon ay medyo weird ang una naming pag kikita, dahil akalain mong para siyang pinatigas na yelo noong nakatingin ako sakanya.

Para bang lagi siyang nag so-slow mo sa tuwing tumitingin ako sakanya, hahaha! At kanina ay habang tumatakbo kami ay para siyang nasa isang fighting scene tapos kami yung tumatakas sa pag-sabog.

Actually hindi naman talaga siya nakakainis, parang naguguluhan lang ako sakanya dahil napaka likot niya at madami siyang tanong kaya naman medyo naiinis ako kapag lumalapit siya saakin.

Habang nag sasagot ay may mga estudyante nang lumabas nang kani-kanilang room kaya naman inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa nang aking palda at nag handa para sa papalapit na pag ring nang bell na ang ibig sabihin ay tapos na ang unang test.

*RINGGGGGGG*

"Okay class, finish or not finish pass your papers." Buti na lang ay hindi ako madaldal kaya naman walang ni-isa akong nilagpasan sa sasagutan, nang maipasa ko na ang papel ay dumiretso ako palabas at sinalubong si clairish.

Hindi siya bago sa school ba 'to dahil kakalipat niya lang last year, friends kami since kinder kaya naman hindi kami mapag hiwalay. Nang lumipat kami sa bahay na malapit sa school na 'to ay tsaka ko lang nalaman na nandito pala siya, nag tampo kasi siya dahil hindi manlang ako nag ba-bye nung aalis ako.

Pero syempre hindi siya magagalitin kaya ayun bati na kami, hindi rin naman kami mahilig mag away. Isang walang kwenta ang pag aaway sa isang maliit na bagay, at alam ni clairish na ayaw ko nang pinapalaking issue.

Pumunta na kami sa canteen at umupo sa lamesa kung saan laging umuupo sila clairish kasama nang mga naging kaibigan niya sa school, at syempre nakiupo na ako at nag pakilala sa kanila.

"Hi sainyo, i'm Elizabella  snow, Elizabella nalang." Inabot ko ang kamay ko sa isang babae habang nag papakilala at mukha namang interesado silang malaman.

"Hi elizabella, you're so cute! I'm laraine." Hinawakan nang babae ang kamay ko habang nag papakilala rim siya, kaya naman medyo nagulat ako. Ang cute niya, naka braces. Maayos ang uniform at hindi katangkaran, mukhang matalino.

"elizabella? What a nice name! Nice to meet you i'm brian." Pagpapakilala naman nang isang lalaking nakasalamin at mukha ring matalino katulad ni loryanne, matangkad siya at mukhang basketbolista dahil nakasuot siya nang jersey.

"Hi miss beautiful, would you mind if dito ako maupo?" Nagulat ako nang biglang sumingit sa pag uusap si clayton, kaya naman medyo naging awkward na nang dumating na rin si clairish. Maraming upuan na mayroon sa mesa at malaki rin ito aya naman kahit madami kami ay hindi kami siksikan.

"Ikaw nanaman? Umalis ka

nga dito! Bakit ba sunod ka nang sunod? At tsaka

anong miss beautiful? Itulog

mo

nalang

yan! Tsk." Pilit ko siyang itinulak pero nga dahil mas malaki siya saakin ay lugi ako.

"Ang sungit

mo talaga, pero sige aalis ako if you will give me your number." Pag bibigay pa niya nang konsisyon, pero syempre hindi ako mag papauto.

"Neknek

mo."

"Sige na please, we can be friends naman diba?"

"We ken bi

pwends

nemen

deba? No! Alis!" Pag gaya ko sa sinabi niya in maarte version dahil nanggigigil ako sakanya, pero ayaw niya pa ring mag patalo kaya naman ibinigay ko na ang hinihingi niyang number.

At kagulat gulat naman na tuwang tuwa siya at nag bigay pa nang flying kiss, at kunwari ko namang iniwasan ito. Kinawayan pa niya ako bago umalis pero tinalikuran ko na siya, nang pag kaharap ko naman ay tulala silang lahat saakin.

"Binigay mo number mo?" Tanong ni loryanne saakin na para bang nangangamba na ewan.

"Hindi ah." Sabi ko naman habang kinuha ang sandwich na dala ni clairish at tsaka ako kumagat.

"Kaninong number yun?" Tanong naman ni brian saakin habang binuksan niya ang juice na binili para saakin ni clairish tsaka ito tinabi sa harap ko.

"Kay trixie." Sambit ko at tsaka ngumiti, si trixie ay yung dati kong kaklase nung highschool. Isang itchoserang palaka, siya yung kaklase kong pabida. Nasa akin pa ang number niya kaya ayun ni-gave away ko na hahaha!

"Huh!? Hala ka ate girl! Baka mamaya tawagan niya talaga yun!" Pag aalala namang tanong ni loryanne pero hindi naman ako masyadong nag aalala kung tatawagan niya o hindi.

"Hayaan

mo

siya." Sabi ko at tsaka itunuloy ang pag kain nang sandwich hababg unti-unti pang umiinom nang juice na binuksan pa ni brian.

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos

Wattpad: Ayesha_ Sky

Instagram: Ayesha_Eternity

Twitter: MissAyesha_Sky

Tumblr: Ayesha sky

Thank you for reading! I love you!♡

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status