Share

Chapter 12

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-30 15:25:30

A story written by Ayesha Sky

CLYNTON CALIX'S POV

FLASHBACK

Nagulat ako dahil sobrang aga dumating ni mommy, madalas kasi ay madaling araw na siyang nakakauwi siya kasi ang secretary sa company kaya minsan ay bagsak sakanya ang gawain sa opisina.

Binigyan niya ang nang matamis na halik sa noo at tsaka inilagay ang kanyang bag sa mesa, may uwi siyang pagkain at sa tingin ko ay yun ang kakainin namin ngayong araw. Hindi na rin kasi siya nakakapag luto araw-araw dahil nga busy siya sa work at wala na ngang time mag luto, kaya laging pera ang baon ko para sa school. kung makakapag luto man siya ay ibig sabihin may importanteng araw like birthdays, new year or Christmas.

Hindi ko rin maitatanggi na minsan na akong nagalit sakanya nang palihim, it was my 16th birthday that time pero mas inuna niya ang work dahil alam niyang malaki ang kikitain. I was so lonely that time dahil wala rin si daddy, i spend my whole day with my friends but still i don't feel happiness.

I don't even need gifts and surprises on birthdays, i only need my family to be complete just for a day. But of course kailangan kong intindihin na may work sila at kailangan nilang gawin yun dahil para saakin naman ang pag sasakripisyo nila, kung hindi sila mag tatrabaho ay baka hindi na ako makapag aral.

Inilatag na ni mommy ang pagkain sa lamesa at amoy hanggang sala ang masarap na beef stake na madalas nabibili ni mommy, rinig ko ang pag salin niya nang malaming na softdrinks sa baso dahilan para ganahan akong tumayo para kumain.

Hinawakan ni mommy ang kamay at sabay kaming pumikit, nag dadasal kami bago kumain dahil yun ang nakasanayan ni mommy. Ayaw niyang kakain kami nang hindi nag dadasal dahil ang turo niya saamin ay araw-araw mong pasalamatan ang bawat inihahain sa iyong lamesa.

Nang matapos kaming mag dasal ay inabot ko ang isang baso nang softdrinks at uminom nang isang lagok, at tsaka ko kinuha ang kulay orange na kutsarang favorite kong gamitin.

"Anak kamusta ang school, i heard malapit na ang test niyo. Siguro naman ay you're not hanging out with girls?" Sabi niya habang sumusubo nang masarap na pagkain, syempre ako kinabahan dahil hindi pa kumpleto ang mga nire-review ko. Mahirap nga kasi ang math pati science, jusko sino ba namang hindi maiinis? May solving problems na sa math pati ba naman sa science meron din? Bad trip!

"I'm not hanging out with girls mom, i need to review for our test tomorrow so i have no time for girls. Kaya next week nalang hahaha!" Biro ko sakanya at malakas na batok ang natanggap ko, joke lang naman eh.

"Ikaw talaga, pag butihan

mo ang pag aaral

mo okay? Mahal na mahal

kita anak, pasensya na kung lagi akong busy. I hope you understand, wag mo nang ulitin

yung ginawa mo

dati

ah?" Sabi naman niya, she's talking about the day na umalis ako sa bahay at hindi bumalik hanggang kinabukasan birthday ko nun at wala sila mom at dad syempre sobrang sakit para sakin na mag ce-celebrate akong mag isa nang birthday ko. Kaya i chose to celebrate with my friends than wait for my parents to go home and feel lonely, kinabukasan na ako nakauwi nang araw na yun at halata sa mga reaksyon nila ang gulat.

She keeps on saying sorry and apologizing to me that day, bumawi naman sila. Kumain kami nang sama sama sa favorite restaurant namin ni mom at sila ang nag hatid saakin sa school, that day was a perfect day. Even though it's already late to celebrate my birthday that time ay nagawa pa rin nila mom na mag surprise kahit hindi masyadong engrande.

Minsan nga ay humiling ako sakanila nang kapatid, syempre kung mag kakaroon ka na nang kapatid ay mas masaya at maganda ang araw araw na buhay. May kasama ka na at hindi ka na mabo-bored sa bahay kung mag isa ka lang, pero syempre busy sila hindi na nila ako mabigyan nang kapatid.

Sobrang lungkot ko nang tumanggi sila dahil mahirap daw mag palaki nang baby at mas madadagdagan pa daw ang mga gawain nila sa bahay, kaya naman para mapawi ang lungkot na nararamdaman ko ay binilhan nila ako nang aso. Isa itong Siberian husky at siya si melody, babaeng husky kaya hindi masyadong maharot. At si melody ang pumawi sa pagiging lonely nang buhay ko, sa kasalukuyan ay nasa vet siya dahil pinapagroom ko at maya maya lang ay babalikan ko siya upang makita ang resulta.

Melody hates the vet, ayaw niyang pumunta sa vet. Kapag naririnig niya ang salitang vet ay agad siyang tatakbo at hindi mag papahuli sa akin, tinuturuan din si melody nang tricks para naman may alam siyang mga bagay na pwedeng makatulong saamin para hindi kami mahirapan sa pag aalaga sakanya. She's always calm, pero malakas ang pakiramdam niya.

There was a time kasi na muntik na akong manakawan, luckily i was with melody. Kinagat niya ang lalaki dahilan para makuha ko ang bag ko at makatakas kaming dalawa nang safe at walang kahit anong sugat. Imbis na maiyak ako sa sobrang takot ay tawa lang ako nang tawa hanggang sa makauwi dahil sobrang cute ni melody kahit saang anggulo at para bang nakaintindi siya kaya naman minsan ay kinakausap ko siya kapag wala akong magawa.

Hindi siya nangangagat at sobrang friendly, kaya gusto rin siya ni mommy kahit na takot siya sa malalaking aso.

Halata naman sa pangangatawan at itsura ni mommy na pagod at nangangayayat siya, namumutlang ang mukha niya at kitang kita ang nag lalakihang eye bags niya. Hindi siya mahilig mag ayos, hindi rin mapili sa pananamit kung ano ang pwedeng suotin ay ang siyang isusuot niya kahit maluwag ay ayos lang.

Hindi siya nag sho-shopping katulad nang ibang babaeng sobrang hilig mamili nang mga walang kwentang gamit, si mommy kasi ay simple lang. Ayos lang sakanya na mag mukha siyang losyang sa daan basta ay prisintado at maayos ang itsura ko pag dating sa school.

Ganun din naman si daddy, maalagain at hindi niya rin inuuna ang sarili. Madalas kapag may sakit siya ay mas pinipili niya paring mag trabaho para saamin kaya minsan ay mukha na siyang zombie pag uuwi sa bahay.

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity 
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky


Thank you for reading! I love you!♡

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status