Share

Chapter 11

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-30 15:24:21

A story written by Ayesha Sky

CLAYTON CALIX'S POV

FLASHBACK

Nakauwi na ako sa bahay at para bang sobrang tahimik nakakalungkot tuloy sa loob lalo na't mag-isa lang ako sa bahay, araw-araw kasi ay nasa trabaho sina mommy at daddy kaya naman araw-araw din akong malaya mula sa mga paulit-ulit na sermon.

Wala ring maingay na nag bubunganga tuwing sisikat ang araw, makakaalis at makakagala ako nang walang umaabala saakin. Pero iba pa rin pala ang may kasamang magulang o hindi kaya kapatid no? Masaya at kumpleto ang araw ko kapag kasama ko sila mommy at daddy, kahit saglit na bonding lang ay nakakaluwag na  nang loob.

Minsan kasi ay wala na silang time makauwi or hindi kaya ay makipag bonding saakin, busy sila sa work as in busy. Kaya naman nang makilala ko si ka pedring ay may lagi na akong nakakausap kahit uwian lang nang klase, kumakain din kami sa labas at minsan ay napapagkamalan pa kaming mag ama.

Pero kahit ilang oras na ang nakalipas nang mag kita kami nang wirdong babae na yun ay hindi ko pa rin siya malimutan, ang kanyang nag niningning na mga mata ay para bang na i-pako na sa utak ko.

Naalala ko ang librong kani-kanina ko lang binabasa, kaya naman tumayo ako sa sofa at kinuha ang itin na shoulder bag sa mesa. Binuksan ko ito at nilabas ang librong kinuha ko sa library na dahilan kung bakit ko nakilala yung wirdong babae, at ang dahilan kung bakit ako curious. Kaya naman imbis na malanta ako sa sobrang boring ay magbabasa na lamang ako. Muli kong binuklat ang magandang pahina nang libro para bang hindi pa ito nagagamit at nabubuklat at pumunta sa pangatlong pahina.

'IS IT DESTINY?'

CHAPTER 1

I'm alexander, isa akong studyate sa isang pribadong paaralan sa pilipinas. Medyo maganda ang klima ngayong araw, hindi malamig at hindi rin ganun kainit kaya kahit tumambay ka sa labas ay hindi ka maiinitan. Sa pag labas ko nang classroom ay rinig ko ang matitining na tili nang mga kababaihan mula sa room nang mga junior high school, at nang makalabas naman ako ay rinig din ang kilig at tili nang mga babae sa kabilang building na puro senior high school. Kilala ako sa school bilang campus prince, well sa kaakit akit kong itsura ay hindi na nakakapag takang campus prince ako.

-

Mahilig ako sa sports at Isa akong volleyball and basketball player, at ang chess ang pinaka ayokong laro sa sports. Hobby ko ang pag babasa nang mga novels, i love collecting books. It must be weird but reading novels makes me really happy every time, kaya naman ang favorite long tambayan ay ang library. Habang nag lalakad palabas nang building papuntang library ay hindi mabilang ang mga sumasalubong saakin para lang kumaway at ang iba naman ay nag kukunwari pang nahihimatay para lang makuha ang atensiyon ko.

Pero syempre hindi ko sila pinapansin, lagi kasing issue kung kakawayan mo sila pabalik o hindi kaya ay mag he-hello ka. Kaya naman imbis mag pa ka-pogi ako sa harap nang mga babae ay kumindat na lang ako at tsaka nag lakad nang dirediretso sa library.

Dahil nga nasa library ako ay walang masyadong maingay, may maririnih kang bulungan pero tumitigil din dahil kay ma'am mary. Siya ang librarian nang school at kung may maririnig siyang ingay mula sa bibig mo ay papaliparin ka niya palabas.

Kaya naman ibinaba ko ang aking shoulder bag sa isang mesa at nag simula nang mag hanap nang mgandang basahin, may napansin ako libro at sa tingin ko ay novel yun kaya naman hindi ko na pinigilan ang sarili ko at kinuha ito. Pumunta ako sa sulok nang library kung saan walang masyadong pumupunta, medyo madilim kasi sa parte na yun at ako ang pinaka madalas na tumambay dun kung mag babasa.

Pakiramdam ko kasi ay sobrang sarao mag basa kung mag isa ka lang at walang kahit anong interruptions ang pwedeng gumambala sayo sa pag babasa. Kaya naman tinignan ko nang maigi ang libro upang basahin ang cover nito.

Is it destiny ang title nito, catchy amg cover at halatang maganda ang storya kaya naman binuklat ko ito at binasa ang nasa unang pahina.

"It's destiny."

Halos mahulog ang puso ko mula sa loob nang katawan ko nang may biglang nag salita mula sa madilim na espasyo sa aking likuran, para bang may tao dun sa pinaka madalim na parte nang library pero hindi ko ito makita kaya naman unti unti akong lumapit habang hindi maitanggi ang kaba.

"A-anong ginagawa mo?!" Nakita ko! Isang siyang babae na nagbabasa sa madilim na likuran nang library, akala ko naman ay parang horror movie ang mangyayari saakin na biglang may hihila saakin. Pero hindi, napausog ang babae sa sulok kung saan ako nakapwesto at yumuko. Akala niya siguro ay papatayin ko siya.

"Shh!" Rinig kong sinabi nang librarian kaya naman sinenyasan ko ang babaeng huwag maingay pero katulad kanina ay mukhang natakot nga siya.

Kaya naman umarte akong nang normal na para bang okay lang ako at hindi ako pogi, at kumalma naman siya. I think she's a transferred student, the way she is dressed is only for new students. Kaya naman siguro hindi niya alam na ang pinepwestuhan niya kanina ay ang pwestong lagi kong pinupuntahan.

"Don't be shy, show me your face." Pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha at natigil ang pag galaw ko nang makita ko ang kanyang mga mata, medyo singkit. Brown ang kulay at hindi masyadong mahaba ang pilik mata.

But i think she is really beautiful, she's not that thin like the other girl but she is completely beautiful. The way she dressed is weird but it fits her, her voice is top manly na mapapagkamalan mo siyang lalaki kung kakausapin mo siya at nakatalikod ka.

Hindi matangkad hindi rin pandak sakto lang, bagay sa height ko matangkad kasi ako. Her cheeks is pinkish and her lips is so pretty, wala siyang gaanong accessories mayroon lang siyang bracelet at kwintas.

Maputi siya, maganda ang kutis at medyo clear skin. Madaming dalang libro at halatang naligaw lang siya dito sa library, ang weird sa pakiramdam kasi kinikilig ako kahit walang dahilan kaya naman tuloy lang ang pag titig ko sakanya.

"Mr. Lee?! Anong ginagawa ninyong dalawa? Do you think this is a hotel room?! Get out!" Nagulat ako nang biglang dumating ang librarian ko at maling timing pa napag kamalan tuloy ang isang inosenteng katulad ko.

~
Napatigil ako sa masarap na pag babasa nang marinig ang pag bubukas nang pinto at sa tingin ko ay si mommy yun, kaya naman kinuha ko ang lapis ko at inilagay iyon kung saan ako natigil mag basa para hindi ito mawala.

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity 
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky


Thank you for reading! I love you!♡

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status