LOGINA story written by Ayesha Sky
PAALALA! ANG MGA MANGYAYARING FLASHBACKS SA POV NI CLAYTON AY ANG UNANG PAG-KIKITA NILA NI ELIZABELLA NOONG GRADE 8 PA LAMANG SIYA!
CLAYTON CALIX POV
FLASHBACK
Medyo ma-araw sa labas kaya naman wala masyadong tao, kahit ang mga dating tumatambay na students dito ay wala rin. Ang lahat ay naka payong at bibihira ang nag lalakad sa labas dahil kung lalabas ka ay baka maging pritong manok ka.
Kahit ang mga students na dapat ay uuwi na ay hindi makauwi dahil sa mainit na tirik nang araw, kapansin-pansin naman na may mga babaeng nag aabang nang kanilang mga nobyo sa harap nang school kung saan may malaking puno na pwede mong silungan.
Ngunit tila ba may isang babae sa tabi nang puno ang nakakuha nang aking atensiyon, ang weird. Hindi naman siya maganda, may katabaan ang katawan, mukhang matalino pero hindi marunong pumorma.
Nang makita ko siya'y natandaan ko ang babaeng nasa likod ko kanina sa library habang hinahanap ang book 2 nang 'Is it destiny?' Katulad kanina sa library ay para bang mahiyain siya at ayaw niyang ipakita ang mukha niya, para bang may isang malaking octopus ang nakatago sa bibig niya dahil ayaw niyang ipakita ang mukha niya.
Nakayuko siya at para bang idinudukdok at makakatulog na ang mukha sa binabasang libro, nag lakad ako sa gitna nang mainit na panahon para lumapit sakanya. Para bang may tumutulak at pumipilit saakin na lumapit sakanya, ayaw ko pero parang gusto ko na parang pinipigil ko pero pinipilit ako? Weird!
Nang makalapit ako sakanya ay tumingin siya sa aking talampakan at itinakip niya ang hawak na libro sa kanyang mukha dahilan para hindi ko makita kung anong itsura niya, hinawakan ko ang libro at nagulat ako nang bigla niyang paluin nang sobrang hina ang kamay ko na wapa na halos akong naramdaman actually it's not considered as 'Palo' eh pero pwede na yan.
Inilayo niya nang kaunti ang libro na itinatakip niya sa kanyang mukha dahilan para makita ko ang nag gagandahang kayumangging kulay nang kanyang mga mata.
Para bang saglit na tumigil ang pareho naming mundo, yung para bang scene sa k-drama na kapag nakita mo ang the one ay biglang magiging mabagal ang oras pati ang movements nang mga tao pero silang dalawa lang ang gumagalaw nang maayos. At syempre hindi totoo yun wag kang managinip vro, gising na.
Tinapik niya muli ang aking kamay na para bang may itatanong, pero dahil sa sobrang kaba ay hindi ako gumalaw at nanatili lang sa posisyong kinatayayuan ko sa oras na to. Basta ay nakatingin lang ako sakanya at hinihintay kung may gagawin ba siya.
"Oy? Anong nangyari sayo? Bakit naging statwa ka diyan?" Tinapik tapik niya ang aking braso na mas nag bigay kaba pa lalo saakin, para bang tatalon na ang puso ko palabas nang dibdib ko anytime. Tumayo ang mga balahibo ko pati na rin si jun-jun kaya naman napa-kapit ako sa uniform na suot ko.
At ayan nakatingin lang siya saakin, at katulad kanina ay nakatakip ang kalahati nang kanyang mukha nang librong binabasa niya. Mukhang nag aalala na walang pake na parang nawiwierdohan ang itsura niya ngayon, at nang tumingin ako sa suot niya ay napapaisip ako dahil sa sobrang init nang panahon bakit nakajacket pa siya.
Natigil tuloy ang mala k-dramang scene naming dalawa dahil sa napansin kong suot niya, naka mahabang jacket at naka pony tail. Parang ang pormahan niya eh yung mga hindi marunong mainitan katulad nang mga highschool students dito na feeling broken.
Kapansin pansin din ang kanyang buhok, diretso ang itsura nito pero parang hindi rebonded. Marami siyang baby hair at para bang 60 years old na matandang malapit nang mabulag dahil sa naglalakihang lenses nang kanyang salamin, but it makes her more beautiful.
Katulad nga nang sinabi ko, medyo chubby siya pero cute pa rin kahit papaano. Mapula ang labi at halata ang kapansin-panaing natural na rosy cheeks, hindi matangos ang ilong pero bagay sakanya. Maputi at makinis ang balat walang kahit anong sugat sa binti at medyp glowy ang skin niya sa mukha. Tumingin ako sa kanyang mga paa, gibi ang tatak nang sapatos niya. Makintab at para bang laging nililinis nang kanyang mga magulang, medyo mahaba ang kanyang palda at dalawang bag ang kanyang dala. Ang laman nang isa ay libro at sigurado akong notebook ang laman nang isa pang bag.
"Kuya ano ba? Okay ka lang ba? Para kang nakakita nang multo eh, gumalaw ka naman." Natauhan ako nang bigla niyang yugyugin ang naging statwa kong katawan, halatang nag tataka siya kung bakit biglang naging parang statwa sa kanyang harapan ang isang lalaking hindi naman niya kilala. Mas lalo pa akong tinayuan nang balahibo nang marinig ang salitang, kuya~
"Sorry ah, nabighani kasi ako sa iyong napaka gandang mga mata binibini." Pormal kong sambit, actually lagi kong sinasabi yun. Lalo na sa mga babaeng gusto kong bolahin o hindi kaya'y kaibiganin at inaasahan kong mahuhulog siya sa aking kamandag mwehehehe!
"Che." Pero imbis na ma-inlove ay tumayo siya at tsaka binuhat ang dalawang bag tsaka siya umalis sa kinauupuan sa ilalim nang puno.
At eto ako ngayon, para bang nasawi ako at na-reject nang babaeng pinaka mamahal ko, kulang nalang ay ang special effects na ulan at mga petals nang bulaklak para medyo dramatic ang scene. Hindi pa rin ako umalis sa pwesto dahil iniisip ko na baka balikan niya pa ako, at binalikan nga niya ako. Oh diba? Sanaol ka nalang.
"Forgot this." Ang akala kong ako ang babalikan ay mali pala, binalikan niya librong binabasa niya at tsaka umalis muli patungong canteen.
Susundan ko na sana siya kaso dumaan na sa labas si ka pedring, hindi ko siya driver. Taxi driver siya, kaya araw-araw niya akong hinahatid sundo ay dahil nasanay na siya na inihahatid ako sa bahay tuwing uwian. Alam na niya ang magulong schedule nang uwian ko at alam niya kung saan lagi akong matatagpuan kung mawawala man ako.
Sumakay na ako sa kotse at sinalubong si ka pedring, napaka ganda nang kanyang ngiti kaya naman sumasabog ang kanyang magandang vibes.
"Oh iho, kamusta ang araw?" Tanong ni ka pedring habang nag simulang mag maneho.
"Eto po medyo magulo at mahirap ang buong araw ko, exam na po kasi bukas at hindi ko pa rin gets yung math namin."
"Nako iho, kaya mo yan may tiwala naman ako sayo."
Nang matigil ang pag uusap namin ay muli kong inilabas ang libro na hiniram ko mula sa library, it is destiny. Napaka gandang title, at panimula pa lang halatang magiging interesado ka agad eh.
Pero hindi ba't parang sobrang coincidence na sabay naming nakuha ang mag kasunod na libro? Sabay naming binasa ang prologo nito, at mag ka duktong pa ang title nang libro.
'Is it destiny?'
'It's destiny'
Diba? Para talaga siyang k-drama eh, yung tipong mag kakaroon nang isang pag kakataon na mag kikita kayo and then yun pala ang moment na nainlove kayo sa isa't isa? Yung tipong nag kasalubong lang kayo nung prologue tapos sa epilogue eh kasal na kayo? Grabeng imagination yan vro.
Binasa ko ang pangalawang pahina.
Is it destiny?
Prologue
Ako si Alexander Reyes, imposible nga bang mahulog ang aking loob sa isang weird na nerd?
~
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ SkyInstagram: Ayesha_Eternity Twitter: MissAyesha_SkyTumblr: Ayesha skyA story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV