LOGINA novel written bu Ayesha Sky
CLAYTON CALIX'S POV
~FLASHBACK~
National playboy, yan ang madalas tawag sakin nang mga kaibigan ko. Minsan kasi, ay hindi pala minsan. Okay take two.
Madalas kasing pinag-sasabay ko ang dalawang babae sa isang relasyon, at madalas umaabot lang nang isang linggo ang ang pag sasama namin. Wala lang, i do that for fun.
Minsan kasi ay nakakainis na ang mga babae pa ang madalas mang-iwan sa lalaki tapoS kapag iniwan naman sila nang lalaki eh magagalit sila at mag popo-post nang kadramahan sa facebook.
Pero syempre ako hindi, mabait ako at hindi mahilig sa babae hihi.
Binuklat ko ang librong kailangang i-review para sa test namin, tatlong libro pa ang natitira. Math, English at science napa-hawak na lang ako sa noo nang makita ang halo halong numero at mga math signs sa bawat pahina nang libro. Haluan mo pa nang mga letters na dagdag lang sa hirap nang pag so-solve nang
Isinara ko muli ang libro at kinuskos ang matang nalula sa mga nakitang halo halong letra at numero, halos wala na akong maintindihan sa kung anong laman nang libro. Ang naiintindihan ko lang ay ang mga mahabang instructions at ang mga hindi ko maintindihang answer the following.
Inilagay ko muli sa bag ang libro at nag labas na lang nang english book, sa lahat kasi nang subject ay sa science at sa math ako bumabagsak. Simula bata ay math at science lang ang problema ko pero Na-try ko nang magpa-turo sa tutor pero wala pa rin, sakit pa rin sa ulo ang math saakin.
Yung pakiramdam na parang prutas na dinudurog ang ulo mo dahil sa sobrang stress na nakukuha mo from solving math problems? Sobrang hirap, lalo na't ipinanganak na talaga akong galit sa math.
Kaya kung hindi ako mag re-review paano ako makapapasa? Mag ka-college na kasi ako at kailangang ipasa ko ang mga bumagsak na grades ko nang mga nakaraang taon para naman maka-pasa at makapasok ako sa magandang university.
Binuksan ko nalang ulit ang libro sa english at tsaka nag-basa nang mga tula at maikling kwento. Wala naman akong masyadong problema sa english, siguro mag-kakaroon ako nang problema kung pati english ay may iso-solve ka na ring problems katulad nang science.
"Oh pare, busy ka ata?" Bati saakin ni joseph habang nakaakbay sa babae, bagong babae. Halos araw-araw ay mag-kakaibang babae ang kasama niya ang iba ay nauuto niya para turuan at tulungan siya sa academics ang iba naman ay reserba niya.
"Oo
nga eh, exam na kasi bukas mga pre at kailangan nating mag-review. Kayo ba, busy kayo?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang ballpen na kakabili ko lang kanina sa mall, habang ang isang kamay naman ay ang naka-hawak sa pahina nang libro."Hindi naman kami
masyadong busy lalo na't nandito sikris para turuankami, 'dibakris?" Sabi niya na tatapik tapik pa sa balikat nitong kris, isang babaeng naka braces at mukhang matalino kaso maling lalaki ang napuntahan niya.Baliw na baliw kasi si kris kay joseph kaya naman ang mga assignments, projects at kahit ano pa man ay pinapagawa niya kay kris. Akalain mo yun nag papauto ang matalino sa isang katulad ni joseph.
"O-oo naman ikaw pa." Uutal utal namang sagot ni kris na parang bata, hindi pala bata. Mukhang ewan.
Nag-paalam na sila at umakbay muli si joseph kay kris na parang diring-diri naman sa ginagawa, ang kasama naman ni joseph na si cholo ay halatang walang pakielam sa kung anong meron sa paligid.
Tahimik kasi siya, pero wild kung mas kikilalanin mo. Matangkad at matipuno ang katawan kaya naman hindi nakakapag takang maraming babae ang nag kakagusto sakanya. Ngunit kagaya ni joseph ay mahilig din sa babae si cholo, ang kaso lang ay gusto niya ang babaeng malinis sa pananamit at sa pangangatawan.
Last time na nakita ko siyang may girlfriend ay masaklap ang nangyari, nag aaway sila nang araw na yun. Tapos biglang tumalsik ang laway nung babae sa mamahaling polo ni cholo, kaya ayun walang pang 5 seconds break na sila.
Ako naman ay hindi na medyo nakakagala para mag hakot nang babae, well responsibility ko rin ang pag-aaral kaya wala akong choice kung hindi ang unahin ang studies sa pag hahanap nang chicks.
Kaya tila ba sobrang lonely ko nang malaman kong malapit na ang exam, dahil kahit magagandang babae anmy nagagawa ko nang i-reject dahil mag re-review ako.
Nang makaalis na sina joseph ay tumayo na rin ako sa kinauupuan, nandito kasi ako ngayon sa garden na katapat lang nang canteen. Ayoko rin namang mag tagal dahil baka habulin ako ni kamatayan, Madalas kasing dito tumatambay ang mga junior at senior highschool students na kakain or hindi kaya ay yung mga nag ka-cutting.
Minsan ay dito rin sila nag tatago mula sa pinaka malupit na math teacher dito sa school na si ma'am Hanna, kapag tapos na kasi ang kanyang klase ay nag lalakad lakad siya sa paligid nang school at kung maabutan ka niyang nag ka-cutting ay siguradong kakaladkarin at hahabulin ka niya saan ka man pumunta.
Strict din si ma'am mary, pero ang pagiging strict niya ay ang way para makinig at sumunod ang mga students, lalo na't sa panahon ngayon ay walang katakot takot ang mga estudyante sa mga guro na halos ginagawa nilang kabiruan ang mga teacher kaya naman isang angat lang nang matalim na kilay ni ma'am ay siguradong na sa bingit ka na nang kamatayan.
Abot langit din siya kung mag sermon, iniisip ko palang ay natatakot na ako. Nakangiti kasi siya kahit nagagalit, yung ngiti bang nag bibigay nang babala na dapat mong ayusin ang buhay mo at maging pari sa simbahan tsaka ka mag dasal nang isang daang ama namin tsaka ka mag aba ginoong maria nang paulit ulit.
Tapos kapag pag-didilatan ka niya nang mata ay para bang luluwa na palabas ang naglalakihang mata niya, kaya hindi kataka-takang pati ang mahaharot na elementary students ay parang maaamong tupa kapag dadaan si ma'am hanna.
But at the same time, mabait naman siya. Palangiti rin, kaya nga kahit galit siya ay nakangiti pa rin. Nag hadali akong pumasok sa library para kumuha nang babasahing libro mamayang gabi dahil baka maunahan pa ako nang mga studyanteng tumatambay lang naman.
Habang nag lalakad sa gitna nang nag lalakihang bookshelves ay napansin kong may nahulog na dalawang libro sa kabilang side nang bookshelf kaya naman dali akong tumakbo upang kuhanin ito.
Nang makita ko ang libro ay sigurado na agad akong romance ang genre nito, dahil cover palang nang book eh medyo catchy na. "Is it destiny?" Ang title nang story at May nakalagay pang book 1 sa libro kasama nang pangalan nang writer.
Wala naman akong masyadong ginagawa kaya binasa ko muna ang unang pahina nang libro.
'Do you believe in love at first sight?'
Yan ang unang nakalagay sa harap nang unang pahina nang libro, para bang pumasok ang malaking kuryosidad sa aking utak nang mabasa ko ito.
Nang tignan ko ang orasan ay malapit nang mag five PM kaya naman sinara ko ang libro tsaka ako nag lakad para mahanap ang book 2.
Napahinto ako sa isang sulok at muling binasa ang libro.
"Do you believe in love at first sight?" Muli kong itong binasa nang malakas.
"Yes, right now. I believe in love at first sight." Nagulat ako nang biglang mayroon akong narinig na nagsalita mula sa likod ko habang hawak hawak ang kaparehong libro na mayroon ako.
'It's destiny'
Nabasa kong title nang storya, nakalagay ang book 2 at sigurado akong yun ang book 2 nang librong hawak ko nang isang medyo chubby na babae. Nakasalamin at may hawak na tatlong mabibigat na libro.
'Naniniwala nga ba ako sa love at first sight?'
~
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ SkyInstagram: Ayesha_EternityTwitter: MissAyesha_SkyTumblr: Ayesha skyA story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV