Share

Chapter 8

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-30 15:20:21

Masaya akong nakauwi sa bahay habang nakangiti, feeling ko ay nakakagawa na ako ng maraming friends sa school kaya nang makapasok ako sa bahay ay agad kong hinalikan sa noo ang aking lola at tsaka nag-mano sakanya. At dahil araw-araw nag-lalaba ang lola ko ay inabutan ko siya ng tubig upang mawala ang kanyang pagod.

"Kamusta ang araw mo apo? bakit parang happy ka?"  tanong niya saakin dahil nakikita niyang nakangiti ako kahit sa kumakain sa lamesa.

Hindi na ako sumagot pa dahil naalala ko lamang ang mga kilig na palihim kong naramdaman kanina, hindi maipag-kakaila na napaka sarap kasama nila clayton at harrison kahit ako ay hindi ko inaasahan na magiging ganito ang magiging kalalabasan ng pag-kain namin ng fishball, HAHAHAHAHA!

Hindi ko rin naman inaasahan na magiging ganun kabait si clayton saamin kahit sobrang kulit naming lahat, kadalasan kasi ay kapag senior high school student ay palaging masungit at galit sila kapag kakausapin mo at minsan ay nag-aapoy agad sa galit kahit tinignan mo lang naman.

Pero ibang-iba si clayton sa mga yun, mabait siya at marunong makipag-salamuha sa mga tao. hindi galit sa malilikot na galawan nila loryanne at nila nicolei, palangiti rin siya at mahilig tumawa. maliban lang noong moment na mag-kasabay nila akong sinundo ni harrison, para talagang magka-galit kung ako ang tatanungin. Masaya ako ngayon, sobrang saya. Dahil pakiramdam ko ay nararamdaman na rin ni harrison ang nararamdaman ko, at masaya ako dahil nag-kakaroon na kami ng bondings kahit hindi naman kami masyadong close.

maya-maya ay umakyat na ako sa aking kwarto upang mag-cellphone at humilata sa kama habang nakabukas na ang aircon ko, habang nag-papalit ako ng damit ay nakita kong may nag-send saakin ng message kaya kaagad ko itong tinignan. Nag hadali akong mag-damit ng makita kong si harrison ang nag-message saakin.

"Hi, happy ka ba ngayon?" send niya saakin at syempre kinilig ako ng bongga dahil masaya naman talaga ako.

"Kung alam mo lang ay sobrang saya ko ngayong araw, thank you nga pala ah?" Nag pasalamat ako dahil masaya talaga ako ngayong araw.

"Wala yun, basta ikaw. Matulog ka na ah? goodnight." Nagulat ako na wala pang isang oras ang pag-uusap namin ay matutulog na siya.

"Goodnight din." Gusto ko 'man siyang kausapin ng matagal ay nahihiya na ako dahil iniisp ko ba paano kung kailangan na talaga niyang matulog?

Sa loob ng tatlo niyang message ay agad siyang nag-paalam saakin, Gusto ko 'man na makipag-kwentuhan sakanya upang pag-usapang ang magagandang bagay ay hindi ko na ito magawa dahil sa nag-halong hiya at pag-dadalawang isip. Tahimik na may halong kabaliwan ang ugali ni harrison, may panahong hyper siya at may panahong tahimik.

Kaya iniisip ko na normal lang siguro na hindi siya gaanong ka-talkative lalo na kapag sa chat, or hindi kaya ay  normal lang na sobrang aga niya natutulog kaya maaga ding natapos ang usapan namin. Ngunit natapos ang aking pag-iisip ng mag-chat na si clayton.

"Good evening! Kumain ka na?" Unang message na ini-send saakin ni clayton, nawalan tuloy ako ng gana mag-chat dahil kadalasan kumain ka na ang tanong ng mga lalaki kapag walang silang maisip na topic.

"Good evening din! Oo kumain na ako, ikaw?" Syempre ay nag-reply ako dahil sa tingin ko naman ay interesado siyang kausapin ako at interesado rin naman akong makausap siya ngayon.

"Kakatapos

ko

lang kumain, kaya nga

kita

chinat eh. Kasi naalala kita habang kumakain

ako." Gusto kong iluwa lahat ng kinain ko magdamag sa sinabi niya, iniisip niya ako habang kumakain siya?

"Huh? Pardon?" Hindi ko napigilang buhayin ang pagiging magaling sa english spokening dollars ko dahil sa sinabi niya, grabe akalain mong na gets ko agad yung sinabi niya.

"Hoy green minded ka! I mean naisip ko na baka hindi ka pa kumakain, ganun kasi yun." Natakpan ng makapal na hiya ang mukha ko ng ipaintindi niya saakin ang bagay na sinabi niya, akala ko kasi ay spg eh!

"Sabi ko

nga, at tsaka hindi ako green minded ha? Mabait

ako." Sinabi ko naman sakanya dahil baka isipin niya ay madumi ang isip ko.

"Oo naman, mukha ka namang angel eh." Sinabi naman niya kaya natuwa ako at ang siyang dahilan ng pag-kakaroon namin ng magandang usapan.

"Oo

nga pala, mag-kakilala

ba kayo ni harrison?" Tanong ko dahil abot hanggang tainga ko ang pag-tataka kung magka-kilala nga ba sila ni harrison.

"Oo naman, bakit mo

natanong?" Napapalakpak pa ako nang nasabi niya ito, dahil una pa lamang ay naiisip ko ng may friendship sila.

"Kasi nararamdaman

kong may closeness kayong dalawa, pero may galit din. Ano nga

ba ang meron?" Tanong ko sakanya, dahil ang gusto ko lang naman ay mas maliwanagan at mas makilala pa kung sino si harrison ganun din naman kay clayton.

"Noong grade 7 siya ay mag-kaibigan kami, nakilala

ko siya noon kasi nabunggo

ko siya at natapunan

ng orange juice sa damit pero hindi siya nagalit. Dun kami naging mag-kakilala, dati kasi ay nakakasalubong ko

lang siya sa school dahil nga hindi naman kami

gaanong magka-kilala." Pagpapaliwanag niya sa naging samahan nila ni harrison ngunit ang pinaka hihintay ko ay yung part na may away or may gulo kaya ganyan sila ngayon.

"So 3 years na kayong mag-kakilala?" Tanong ko sakanya dahil nag-math pa ako para bilangin kung ilang taon na silang magka-kilala ni harrison.

"Oo, kaso may nangyaring hindi maganda. Pero gusto kong

sakanya

mo na tanungin dahil siya naman ang may kasalanan." Sinabi niya na naging dahilan ng pag-tapos ng aming kwentuhan, siguro ay gusto niya talagang kay harrison manggaling at hindi sakanya kaya niya gustong kay harrison ko nalang itanong.

"Ganun? Well itatanong

ko talaga dahil sobrang curious

ako

sa nangyari, Oo

nga pala clayton. Thank you sa

libre

mo

saamin today, you're so nice!" Naiintindihan ko siya, dahil baka nga medyo malala ang nangyari dati noong mag kaibigan pa sila. Naalala kong nilibre niya nga pla kami ngayong araw kaya nag-pasalamat ako dahil dun.

At bigla kong naalala na kilala ko pala si clayton! Nag kakilala kami sa library ng school noong grade 8 pa lang ako!

"Basta ikaw." Sinabi naman niya with heart emoji pa.

"Good night!" Nag paalam na ako dahil parang papikit-pikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Gusto komg sabihing kilala ko na siya pero tinatamad na talaga ako.

"Good night, sweet dreams." Dun na natapos ang usapan namin, pinatay ko ang cellphone ko at tsaka ako umayos ng higa para mas masarap tulog.

Ano nga bang mayroon?

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos

Wattpad: Ayesha_ Sky

Instagram: Ayesha_Eternity

Twitter: MissAyesha_Sky

Tumblr: Ayesha sky

Thank you for reading! I love you!♡


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status