LOGINA novel written by Ayesha Sky
CHAPTER 1
Napaka boring sa loob nang klase, kahit may mga classmate ay sobrang boring pa rin! Wala kang makakausap ng matino dahil iba't iba ang mundo dito sa classroom, may mga singers, may mga broken na kina-kantahan ng mga singers, may mga parang nag pa-parlor dahil gupit bangs diyan tirintas naman ng buhok dito, may mga grupo naman ng mga babae na parang mean girls at syempre mayroong grupo ng mga lalaking puro kalokohan lang ang alam.
Pero syempre iisa lang ang laging nasusulyapan ng mga mata ko kahit na marami pang tao sa paligid ko, siya si Harrison. Kumpara saakin ay isa siyang parang tahimik na lalaki, bakit nga ba parang tahimik?
Sa mukha niya kasi ay para siyang isang maamong tupa sabayan mo pa ng kanyang may gradong salamin at maayos na pananamit, in short complete uniform. Kapag kasama niya ang mga kaibigan niya ay malakas pa ang boses niya sa taong may malakas na boses, pero kapag nahihiya siya ay mukha siyang cute na pusa.
Napaka ideal ng kanyang itsura, naka-salamin, always complete uniform, maayos sa gamit, matalino (slight) at masayang kausap. Kaso lang ay napaka layo ng agwat ng aming classroom, pero kahit na sobrang layo nito ay tanaw na tanaw ko siya kapag nasa corridor ako.
Paano ko siya nakilala kung sa kabilang corridor pa ang room niya? Palagi ko kasi siyang nakakasalubong papuntang canteen dahil sabay-sabay ang pag-punta ng mga highschool students sa canteen. Minsan ay kahit hindi naman ako bumibili ay pupunta pa rin ang sa canteen para lang makita siya o minsan kung sa canteen ang magla-lunch ay pa-simple akong tumitingin sakanya.
Syempre kasama ko ang mga kaibigan ko na sila Nicolei, loryanne, marysam at si erica. Matagal na kaming mag-kakilala ni loryanne dahil classmate ko siya noong elementary, pero hindi kami close nun kasi mag-kaiba kami ng mga hilig at medyo masungit ako nun. Si erica naman ay kakilala rin ni loryanne dahil mag pinsan sila.
Pero dahil nga bagong lipat kami ay nakilala namin sila nicolei at si marysam, noong una ay medyo awkward pa dahil first day pero first week palang ng june ay mag-kakaibigan na kami. Ngayon ay medyo close na rin kami ng mga classmate ko pero may isang grupo ng mga babae ang kinaiinisan ng lahat, ang grupo ni kallea.
Maraming member ang grupo na yun, mukha na tuloy silang members ng club. Yung iba sa kanila ay medyo matino naman, pero karamihan plastik as usual. Madalas silang nag-aaway una pa lang dahil si kallea ay medyo masungit na bossy kaya marami ang naiinis sakanya, pero dahil palaban siya ay hindi siya nag-papatalo pag-dating sa barahan.
Hindi ko nga alam kung paano niya naging kaibigan ang mga matitinong estudyante na dati rin naming classmate ni loryanne sa elementary, madalas tuloy ay kapag napapaaway ay nadadamay sila dahil sa leader ng group nila na si kallea. Ewan ko ba kung gusto lang talaga nila na sumali, pinuwersa ba o hindi kaya'y wala nang choice kaya sila sumama at sumali sa kanila.
Dahil nga sa classroom saamin ay hiwalay-hiwalay at may kanya-kanyang grupo ng mga magka-kaibigan ay madalas ang awayan na may kasama pang parinigan kapag may isang simpleng bagay na hindi napag-usapan ng maayos, si kallea kasi ay medyo padalos-dalos at hindi marunong mag-tanong kung kailangan kaya madalas na kapag may nag-aaway sa mga girls ay alam na ng mga teachers kung sino ang nag-simula.
Bagong lipat rin naman siya ngayon pero parang daig niya pa ang prinsipal mag-salita, sigaw dito, sigaw diyan, mananakit dito, mananakit diyan, pero pag ginantihan mo naman ay siya pa ang may ganang magalit. Ngayon ay nasa canteen kami at isang table lang ang layo nila kallea saamin kaya medyo mahina lang ang pag-uusap namin kung sila ang topic, at ang grupo naman nila harrison ay katabi lang ng amin kaya tanaw na tanaw ko ang napaka-gandang view kahit may itstapuwera sa likod.
"Oy elizabella! Ano na naman yang tinitignan mo ha?" Biglang singit ni loryanne na sumira ng magandang moment ko habang nakatingin si harrison, napalingon tuloy siya dahil baka narinig niya ang pangalan niya mula kay loryanne kaya agad kong sinipa ang kanyang paa.
"Sino pa ba edi ang kanyang bebeloves na si harrison." Hirit pa ni nicolei kaya pinalo ko siya sa balikat dahilan upang matahimik siya, habang ako ay umaarteng walang nangyari.
"Ano ba, wag ka ngang maingay baka mahalata ako." Kinalabit ko si nicolei at loryanne dahil panay ang lingon nila kayla harrison, at tsaka sila hahagikgik na parang mga tsyanak.
Muli akong sumulyap kay harrison at laking gulat ko ng makitang siya naman ang nakatingin sa akin at hindi manlang kumukurap, para bang nakuryente ang ang buong katawan ko dahil sa pag-kakatitig namin sa isa't isa kaya hindi ko ito kinaya at pinilit na tumingin sa ibang lugar dahilan upang lumingon na ulit siya sakanyang mga kaibigan.
Muli akong nanginig sa kilig dahil sa nangyari kaya hindi ko na nagawa pang lumingon ulit, matapos ang 30 minutes na recess ay pinapasok na kaming lahat sa room kaya nag-kahiwalay na naman kami ng landas ni harrison kaya bago ako papasukin ay sumilip pa muli ako ng isa pang beses.
Nang maupo ako ay agad kong narinig ang bulungan nila kallea, one of the reasons kung bakit siya napapaaway lagi ay dahil masyado siyang chismosa. Kaya ako hindi ko na sila pinansin, naupo na lamang ako sa armchair ko na katapat lang ng upuan ni loryanne. Sa tabi naman niya ay si nicolei at sa tabi ko ay si erica at si marysam, mag-kakalapit lang kami kaya hindi mahirap saamin ang mag-usap at dahil nga baliw kaming mag-kakaibigan ay ginaya namin ang pag-bubulungan nila kallea habang nakatingin pa sa kanilang grupo.
Tumingin siya saamin pabalik at mas lalong lumala ang tensyon saaming dalawa dahil sa hindi ko sinasadyang pag-irap, itinigil namin ang pag-bubulungan dahil dumating na ang guro namin sa mathematics. Nakikinig kaming lahat sa mga steps kung paano bang i-solve ang topic namin for today at kitang-kita kong tatango-tango pa si loryanne na senyales na naiintindihan niya ang lesson.
"Oy hindi ko gets." Nagulat na lamang ako at muntik nang mapahalakhak ng bigla siyang lumingon sa likod at kinalabit ang braso ko, tinitiis ko ang hindi tumawa sapagkap baka mapagalitan kami kaya naman grabe at biglaan na lamang ang pagka-katakip ko ng aking bibig.
"Parang gets mo na eh, tumatango ka pa nga." Sinabi ko sakanya habang ginagaya ang kaninang pag-tango na kanyang ginagawa kaya hindi rin niya mainwasang matawa sa sariling kagagahan.
"Tumatango lang yan, senyas na lumilipad na ang utak niya sa lesson." Napalingon din naman si nicolei dahil nakita niya rin ang kunwaring pag-tango ni loryanne kaya naman si erica ay bumugso sa tawa.
"Shhh, Class listen." Suway saamin ng math teacher, muli kaming bumalik sa pagiging tahimik ng biglang may narinig akong yapak ng naglalakad sa corridor kaya naman agad akong napatingin ng biglang sumilip si Harrison sa classroom namin.
"Ma'am si Elizabella Snow daw po sabi ni Sir Rico, papakantahin daw po siya." Saad ni harrison matapos niyang sumilip kaya naman grabe ang pagka-pula ng aking mukha dahil ako pa talaga ang kailangan.
"Oh elizabella, tayo ka na diyan at tinatawag ka." Tawag saakin ni ma'am kaya agad akong tumayo at lumingon kayla loryanne na naka thumbs up na parang supporter pa habang ako naman ay parang maiihi sa kilig.
Sabay kaming naglakad pababa mula sa second floor at aaminin kong pasimple akong sumusulyap sakanya pero hindi niya nahahalata, pakiramdam ko tuloy ay maiihi na ako habang nag lalakad at pati ang puso ko ay malakas na rin ang pag tibok hanggang sa makapunta kami ni harrison kay sir rico.
"Sir, ito na po si Elizabella." Bungad ni Harrison bago kami tuluyang makapasok sa loob ng office niya, si Sir Rico ang mapeh teacher sa school. Coach din siya sa basketball at sa iba't ibang sports team pati na rin ang mga singers sa highschool department, pero hindi namin siya coach. Talagabg siya ang nag-jujudge kung dapat ba talaga kaming sumali sa contest sa school ang katabi naman ni Sir rico ay si ma'am aryan siya ang totoong coach ng mga kumakanta sa school in short coach ko.
"Pasok na kayo." sinabi ni sir at sinaksak na ang USB na nag-lalaman ng napaka raming minus one may opm, may luma, may bago, may english at mayroong music para sa mga suprano ng school.
Umupo ako at para bang mahihimatay nanaman ng biglang tumabi saakin si Harrison, wala siyang kareareaksyon. Basta ay umupo lamang siya at tumitingin sa paligid habang ako ay nakatingin lang sakanya, nang bigla nanaman siyang lumingon rin kaya naman naging parang 360° ang ikot ng leeg ko para lang hindi niya mahalata na nakatingin ako sa kanya.
"Elizabella, mag-kakaroon tayo ng program for monday para sa opening ceremony ng school dahil 1 week na ang mga students dito. Okay lang ba sayo kung medyo millenial ang song?" Tanong ni sir habang tinitignan sa laptop ang nga minus one na kanta at nag hahanap ng pang millenial, sa pagkakaalam ko ay may opening ceremony na ginagawa lang every 1st week of school.
"Oo naman po sir, mas madali nga po iyon kasi millenial. Ano po bang song?" Tanong ko habang pasimple pa muling lumilingon kay harrison, hindi ko alam kung bakit siya naka-upo pa rin dito kahit na ako naman ang kailangan ni sir. Pero mas good naman ito para naman makita ko siya, at may inspirasyon ako habang kumakanta.
"Pagtingin by ben & ben, kaya mo?" Sa wakas at paboritong kanta ko rin ang napili nila upang kantahin ko sa cermony, kadalasan kasi ay puro sila english at old songs kaya mahirap kantahin. Pero ngayon ay medyo easy lang kasi kinakanta ko rin naman ito sa bahay.
"Oo naman sir." Tumango pa ako habang nakangiti at pasimple ulit na sumilip kay harrison pero grabe, lumilingon na rin siya kaya pangatlong beses na kaming nag-eye to eye today.
"Sige try mo na." Nagulat ako ng biglang ibigay saakin ni sir ang mic na connected sa mga speakers sa school, ibig sabihin ay kapag kumanta ako ay rinig na rinig sa buong school. Dahil hindi naman ako pwedeng tumanggi ay lumabas na kami sa basketball court at tsaka ako umupo sa stage dahil tinatamad akong tumayo.
Nang tunugtog ang minus one ay sinabay ko ang pag-lalagay ng headphones sa tainga ko dahil ito ang nagbibigay ng focus at good performace saakin pag-kumakanta ako, at syempre nakasilip ako kay mister inspiration.
🎶🎵Dami pang gustong sabihin Ngunit 'wag na lang muna Hintayin na lang ang hangin Tangayin ang salita.
Kinakanta ko ito habang nakatingin sakanya, medyo kinakabahan ako pero kaya ko naman kasi nakatingin ako sakanya.
'Wag mo akong sisihin Mahirap ang tumaya Dagat ay sisisirin Kahit walang mapala.
Una pa lang ay gusto na siya, pero pinangungunahan ako ng takot na baka kapag umamin ako ay hindi na niya ako pansinin.
'Pag nilahad ang damdamin Sana 'di magbago ang pagtingin Aminin ang mga lihim Sana 'di magbago ang pagtingin.
Ikinakatakot ko na kapag umamin ako ay mag-bago ang pag tingin niya saakin, from schoolmate to stranger.
Bakit laging ganito? Kailangang magka-ilangan Ako ay nalilito.
Gusto kong umamin, pero natatakot ako.
'Wag mo akong sisihin Mahirap ang tumaya Dagat ay sisisirin Kahit walang mapala.
Alam ko kasi yung fact na hindi lahat ng umaamin ay nag tatagumpay, hindi porket gusto mo siya ay gusto ka rin niya.
Pag nilahad ang damdamin Sana 'di magbago ang pagtingin Aminin ang mga lihim Sana 'di magbago ang pagtingin.
Pahiwatig Sana 'di magbago ang pagtingin Pahiwatig Sana 'di magbago ang pagtingin.
Iibig lang kapag handa na Hindi na lang kung trip-trip lang naman Iibig lang kapag handa na Hindi na lang kung trip-trip lang naman.
Hindi ako nag hahadali, hindi rin apura. Dahil baka sa huli ay umasa lang ako.
'Pag nilahad ang damdamin Sana 'di magbago ang pagtingin Aminin ang mga lihim Sana 'di magbago ang pagtingin.
Subukan ang manalangin Sana 'di magbago ang pagtingin Baka bukas, ika'y akin Sana 'di magbago ang pagtingin.
Weird but lagi siyang kasama sa prayers ko na sana someday ay mag-karoon ako ng tapang na sabihin sakanya ang nararamdaman ko.
Pahiwatig Sana 'di magbago ang pagtingin Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin.
Natapos ang kanta, at para bang kaugnay ng nararamdaman ang kanta pati na ang liriko nito. Kaya naman parang si Harrison lang ang aking nakikita noong oras na iyon.
Kung aamin ba ako ay mag babago ang iyong pag-tingin?
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV