LOGINA novel written by Ayesha Sky
Habang nakaupo ng mag-katabi dito sa upuan malapit sa stage ay hindi kami nagkikibuan at naglilingunan manlang ni harrison, gusto ko 'man siyang kausap ay hindi ko magawa dahil hindi naman kami sobrang close para makipag-huntahan ako sakanya na parang mag-kaibigan kami.
Pero pag ganitong situation na walang kibuan ay sanay na sanay ako, dahil kadalasan kapag may makakatabi ako na kakilala ko ay para bang hindi ko sila kayang kausapin dahil minsan walang topic, o minsan naman ay gusto ko na sila ang mag-uumpisa ng pag-uusapan.
Pag ako kasi ang nag-simula ng pag-uusapan ay saglit lang, after nun ay wala na kaming magpag-uusapan pa at magiging awkward na kami sa isa't isa. Kaya naman kung hindi siya mag-sasalita ay ganun din naman ang aking gagawin hanggang sa dumating sila sir rico, kaya naman sa ayaw at sa gusto namin ay kailangan naming mag hintay.
Maya-maya lang ay dumating na si sir rico at syempre buntot-buntot sakanya si coach aryan, pumasok na sa loob ng office si sir rico kaya naman sumunod na kami ni harrison sakanila. Nang makapasok ay agad na inabot saakin ni sir rico ang mic at isinaksak muli sa laptop niya ang USB na punong-puno ng minus one.
"We have to change your song, alam mo ba yung song na hindi na nga by this band? Your voice is high because you are a soprano so okay ba sayo yun?" Sinabi ni sir saakin, hindi ko alam kung bakit niya pinalitan yung kantang gusto ko pero okay lang naman saakin dahil alam ko rin naman yung hindi na nga. Pero mas gusto ko talaga yung pagtingin.
"Yes naman sir." Sagot ko sakanya at muling pumunta sa stage para mag-reherse, at dahil katatapos lamang ng lunch ay wala pang teacher ang bawat mga classrooms kaya pwedeng pwede silang dumungaw sa corridor.
Nang tumunog na ang minus one ng kanta ay nag-silabasan na nga ang mga estudyante upang manood kaya naman napasma na ang buong katawan ko sa sobrang kaba, nasanay na kasi akong si mommy at daddy lang ang kaharap ko pag kumakanta dahil pag dating sa maraming manonood ay mula ulo hanggang paa ang aking kaba.
"Goodluck." Mahinang sabi ni harrison dahil malapit nang mag simula ang aking pag kanta kaya naman medyo naibsan ang kaba na aking nararamdaman at napalitan ito ng confidence, charot!
Pinag papawisan na rin ako dahil mainit na nga ang panahon sumabay pa ang aking pagiging kabado sa tanghalan, para akong kinukuryente dahil hindi ako mapakali habang nakatayo sa gitna ng stage. Kaya naman ginawa ko ang strategy na palagi kong ginagawa na humihinga ako ng malalim sabay ng magandang tono na ilalabas ko sa aking boses.
🎵🎶Ang lahat ay nagbabago Gano'n din ang puso ko 'Di alam kung pa'no aamin Kung dapat bang sabihin 'to Ngunit kailangan nang tapangan At sabihin ang nararapat Na hindi na nga Hindi na nga.
Sabay sa pag kanta ko ay ang pag- galaw ng aking kamay at pag pikit ng aking mga mata na sumisimbolo ng emosyon ko sa pag kanta at aaminin kong damang-dama ko ang emosyon ng kanta kapag ako na ang nasa tanghalan.
Alam kong mali na Pero 'di ko kayang bumitaw Ika'y masasaktan Dahil pangako ko'y walang iwanan Alam kong huli na Alam kong hindi na nga mahal.
Sa aking bawat pag dilat ay nakikita ko ang mga taong nanonood saakin, habang tumatagal ay pati sa basketball court ay dumarami na rin ang mga nanonood na mga senior high students.
Oh, ilang beses ding sinubukan Pinilit ang nararamdaman Pero kulang May kulang Natatakot na malaman Natatakot na inyong husgahan Na hindi na nga Hindi na nga.
Halatang-halta sa reaksyon ng mga high school students na malala ang epekto ng kanta sa kanila, madami kasing broken kapag teenager at yung iba feeling broken.
Alam kong mali na Pero 'di ko kayang bumitaw Ika'y masasaktan Dahil pangako ko'y walang iwanan.
Alam kong huli na Alam kong hindi na nga mahal Alam kong mali na, Alam kong mali na Alam kong mali na ,Alam kong mali na ,Alam kong mali na Pero 'di ko kayang bumitaw Ika'y masasaktan Dahil pangako ko'y walang iwanan.
Palagi kong sinusubukan na mas lalo pang ipakilala ang aking talento sa mga tao dahil bata pa lamang ay pangarap ko na talagang maging isang sikat na singer, kaso ay napaka daming negative comments ang natatanggap ko kapag ginagawa ko ito.
Ang nais ko lang naman ay matupad ang pangarap ng aking mga magulang saakin, nais nilang maging isang sikat na singer ako kasi sabi nila halata daw yun ang ambition ko. Kaya araw-araw akong nag pa-practise kapag may oras, pinag aaralan ko na matanggal ang ipit na aking boses at pinag aaralan ang natural na boses upang mas umayos ang aking pag kanta.
Kaya minsan imbis na ganahan ako kapag may patimpalak ay gusto kong umayaw palagi, dahil natatakot ako na baka mapahiya ako mismo sa stage habang nagpe-perform.
Alam kong huli na Alam kong hindi na nga mahal. Hindi na nga mahal, Hindi ka na mahal.
Ang lahat ay nagbabago
Gano'n din ang puso ko.🎵🎶Pero palaging may hinahanap ang aking paningin kapag may ganitong pagpe-perform akong ginagawa, sila ay ang mga taong inspirasyon ko sa bawat pag hakbang paakyat sa aking mga pangarap. Ang aking mga magulang.
Bata pa lamang kasi ay mahilig na ako kumanta kaya syempre sino pa ba ang unang susuporta sayo kung hindi ang magulang mo lang rin naman, sinusuportahan nila ako lagi sa lahat ng performances ko kaya naman kahit may isang beses na nag perform akong may sakit ay kinaya ko upang manalo ng award.
Palagi nila akong sinasalubong ng masarap na yakap at halik kapag bumababa ako sa entablado na may dala dalang medals at trophy, pero ang mas nakalaantig ng puso ay ang pag yakap nila saakin ng mahigpit kahit na minsan ay hindi ako nagiging champion.
Hindi sila nagagalit, hindi naiinis at hindi nila ako pinapagalitan kung matatalo 'man ako, bagkus ang aking mga pag katalo ay ang aking naging hakbang upang mas matuto pa sa pag kanta at mas lalo ko pang pag-aralan at pag-butihan ang aking pag kanta.
Ngayon kasi ay hindi ko na ito maipapakita sakanila.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ SkyInstagram: Ayesha_EternityTwitter: MissAyesha_SkyTumblr: Ayesha skyA story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV